Maraming beses ka nang umiwas.
Bakit di ka pa rin makaalpas?
Ganun ba talaga kahirap tumakas?
Sa relasyong matagal nang nagwakas.
Natatandaan mo pa ba,
Kung paano ka niya sinaktan?
Naalala mo ba,
Bakit ka naging luhaan?
Akala ko ba’y kinalimutan mo na?
Akala ko’y tinapos mo na?
Ngunit bakit sa isang ngiti lang niya,
Napawi na lahat ng iyong pagdurusa.
Wala ka talagang kadala-dala.
Ngumingiti ka na naman sa dati mong trauma.
Di ka pa ba nagsasawa?
Palagi ka na lang lumuluha.
Ilang mga salita pa ba ang dapat kong ipaunawa?
Tipong lumalayo ka na, lumilingon ka pa.
'Wag ka nang umasang may magbabago pa.
Piliin ang sarili at 'wag nang babalik pa.
Bakit di ka pa rin makaalpas?
Ganun ba talaga kahirap tumakas?
Sa relasyong matagal nang nagwakas.
Natatandaan mo pa ba,
Kung paano ka niya sinaktan?
Naalala mo ba,
Bakit ka naging luhaan?
Akala ko ba’y kinalimutan mo na?
Akala ko’y tinapos mo na?
Ngunit bakit sa isang ngiti lang niya,
Napawi na lahat ng iyong pagdurusa.
Wala ka talagang kadala-dala.
Ngumingiti ka na naman sa dati mong trauma.
Di ka pa ba nagsasawa?
Palagi ka na lang lumuluha.
Ilang mga salita pa ba ang dapat kong ipaunawa?
Tipong lumalayo ka na, lumilingon ka pa.
'Wag ka nang umasang may magbabago pa.
Piliin ang sarili at 'wag nang babalik pa.