View Full Version : Pulitika sa dugo ni Francis M.


trinokim
30th Mar '09 Mon, 13:13
Sinasabing namana ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona ang kanyang talento sa sining ng pag-arte at musika mula sa kanyang mga magulang na artista. Pero kanino kaya niya namana ang pagiging mulat sa mga usapin sa lipunan na kadalasang tema ng kanyang mga awitin.

http://pepepsychobabbles.files.wordpress.com/2009/03/francism.jpg

Si Francis ay anak ng mga batikang artista na sina Pancho Magalona at Tita Duran.

http://2.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/SL1eHLh6CWI/AAAAAAAAJLw/MTw2GcahUuk/s400/Umaga+na+Neneng-50-+Pancho-TitaD-sf.jpg

Pero alam nyo ba na ang lolo ni Francis na si Enrique Magalona (tatay ni Pancho) ay dating senador ng bansa at batikang pulitiko sa Negros Occidental.

Dalawang ulit naging senador si Enrique mula noong 1946-1949 at 1949 hanggang 1955. Ngunit bago naging senador, nagsilbi siyang municipal president ng bayan ng Saravia at assemblyman hanggang 1938.

At dahil sa kontribusyon ni Enrique sa kanyang bayan at sa lalawigan ng Negros, isang batas ang pinagtibay noong 1976 upang ipangalan sa kanya ang bayan ng Saravia.

http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/44/Ph_locator_negros_occidental_enrique_b._magalona.p ng

Sa edad na 44, pumanaw si Francis M. noong Marso 6 sa sakit na leukemia.

dubz
28th Apr '09 Tue, 04:28
bukod sa pagiging pulitiko ng tatay nya



ayun na din sa artikulo sa taas... si francis M ay sadyang MULAT

siguro siya yung taong hindi tumatango lang basta dahil gusto ng nakakataas kahit mali na ang sistema... meron siyang malinaw na na pagpapatupad sa democracy. Nagagamit nya yung talent niya sa malayang pamamahayag hindi dahil sa kelangan ng musika o ng tv kundi sa simpleng bagay na wala lang... dahil kaya nya.

zenighata2001
9th May '09 Sat, 14:09
thanks . ngaun ko lng nlaman to ah

shirrasanzo
12th Jun '09 Fri, 21:47
Thx sa info pre.
Kaya pla. May dugo pla tlaga xang pulitika?

raymundmanalo
18th Jul '09 Sat, 22:21
Francis M is one of the best Pinoys! :)

schatzfia
1st Sep '09 Tue, 17:51
salamat po sa info..:)