View Full Version : "Di ta guae yong khee"..... nice story


cleslie05aj
9th Sep '07 Sun, 22:14
Would you blamed her for the incident?..


Nag-aaral ako sa La Salle .

Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua,

Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go

ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya

ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.

Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw.

Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan

sa kanyang malalapit na kamag-anak.

Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan

daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang

kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing

kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga

gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag

ko na ay biglang nangisay ang matanda.

Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad at

paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan.

"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae yong

khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga.

Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya ang

pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang

kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon

na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.

Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mga

kamag-anak.

Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba

pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong

si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng "Di

ta guae yong khee".

"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba narinig 'yan?".

g_olano
25th Jun '08 Wed, 18:19
totoo ba tong nangyari?


nakowwww..grabe....accidente naman kasi pero kahit accidente kelangan every step of the way alam natin ang ginagawa at conscious po!!!

naman...kakaawa buti na lang di mu kinunsulta sa anak kung anu ang meaning nun kasi pag ganun baka na balatan ka ng buhay ...heheheh joke lang!!!


nice story ah sa totoo lang!!!!