View Full Version : SMARTBRO & GLOBE TATTOO prepaid outdoor antenna (tut on how to make)PAMPALAKAS SIGNAL


Pages : [1] 2 3 4 5 6 7 8 9

bullydog22
23rd Jun 2009 Tue, 16:43
edit ko nga to...


paki basa po atleast 3 pages ng thread na to... dami po nag post sari-saring technique kung pano mapapalakas 3g signal nila,tulad ng kaldero trick,or usb extension na very usefull para sa mga walang slot na papasukan ng antenna.. kindly give credits to them... nasa thread na to ALL you need to know para MAPALAKAS SIGNAL nyo...and hindi po advice-sable na first page lang binasa nyo e pede na kayo mag comment or magtanong....kabastusan po yun dahil kadalasan po ng mga comment or tanong nyo e nasagot na dito...

PAUNAWA:
BAGO PO SANA MAG POST NG KAHIT ANONG TAPONG,BASA PO MUNA NG THREAD PARA SURE NA DI REPOST YUNG TANONG NYO, TAPOS GAMIT PO TAYO NG COMMON SENSE, NAKAKAHABA LANG PO KASI NG THREAD YUNG MGA SENSELESS AT REPOST NA TANONG
"pasensya na po kung medyo maangas yung paunawa, dami po kasi newbie na paulit ulit kelangan turuan ng tamang asal, mabuti na po itong malinaw na, umpisa pa lang. pasensya na po ulit"

may isang SURE way po, just to check na may ilalakas nga signal nyo jan sa lugar nyo,

ILABAS NYO PO YUNG PC NYO!!! (well.. actually kahit yung mismong usb modem nyo lang habang
connected sya sa internet)
make sure to check lahat ng lugar at kanto ng labas ng bahay nyo kasi may lugar parin na mas malakas ang nasasagap na signal kesa sa ibang part ng bahay nyo kasi baka mas naka tapat yung lugar na yun sa pinaka malapit na tower...
kung lumakas signal nyo, ...or mula sa pagiging gprs e naging either wcdma or hsdpa yung signal nyo, 100% sure na po kayo na tyaga nalang kelangan nyo at lalakas na forever ang signal ng modem nyo... applicable din to sa wifi...

hirap po kasi pumasok sa loob ng bahay yang dalawang signal na yan(wcdma or hsdpa) at yan ang pinaka mabilis na signal sa ngayon...kaya gagawa po tayo ng paraan na makuha sila mula sa labas, yan po ang talagang goal ng thread na to


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------






guys! i made this thread PARA SA MGA SMARTBRO AT GLOBE TATOO USERS NA MAHINA ANG WCDMA AT HSDPA SIGNAL SA LOOB NG BAHAY!!!!
dati kasi gprs signal lang nasasagap ng smartbro ko pero wcdma at hspda ang signal ng kapitbahay ko.... so... kinalikot ko yung smartbro ko... ngayon, max out lagi ang signal bar.. 99% lagi.. :-)

HUAWEI E156C po smartbro ko.. parehong maker din po yung bagong globe tatoo nito...

...so, kung sa tingin nyo po e, pareho tayo ng sitwasyon, makakatulong po ako sa inyo..

SAFE PO ITO DAHIL WALA NAMAN PO TAYO KAKALIKUTIN NA HINDI DESIGNED FOR THIS PURPOSE, MAY SAKSAKAN PO TALAGA YUNG MGA BAGONG SMARTBRO AND GLOBE TATTOO, ESPECIALLY DESIGNED FOR OUTDOOR ANTENNA.. wala nga lang akong alam kung saan makakabili ng outdoor antenna para sa mga modem na to kaya gagawa nalang tayo... may picture po sa baba kung saan nyo makikita (may icon po yun, hugis signal bar)

***pero, "in every rule,there is an exception" sundin po ng maige at pag aralang mabuti yung mga pictures,para masaya.. :-)
nasa page 1,2&3 po


materials needed:

1.cable wire * (actually, pedeng ito lang,ok na)
2.cellphone antenna ***(optional)

***may pictures po sa baba

***hingi nalang po kayo sa mga cellphone technician ng cellphone antenna.. tambak po sila nun,galing sa mga sirang cellphone na hindi na maaayos... or kung may sirang cellphone po kayo... tanong nyo nalang sa kanila kung alin dun ang antenna...


INSTRUCTIONS!!!!!!!!!

check nyo po yung pictures po sa baba

sa gilid po ng smartbro ninyo, may slot sya para sa memory card, katabi po nya yung antenna slot, nay signal icon naman po dun so,di po kayo magkakamali kung titingnan nyo lang ng maayos..

bilog po hitsura nun.. parang maliit na dulo ng charger ng nokia cellphone...

sa antenna slot pong yun ninyo ITUTUSOK yung cable wire... (MAKE SURE po!!!! na kasya lang yung wire!!!
, kung masyado pong makapal, kaskasin nyo po muna hanggang TAMANG TAMA nalang sya sa butas.. (blade po ginamit ko, ingat nalang po kayo)

sa kabilang dulo po ng cable wire naman, dun nyo po i hinang yung cellphone antenna...

*****kung wala po kayo mahanap cellphone antenna, pwede na po yung mismong cable wire nyo :-) ...balatan nyo yung cable,to expose about 1METER of the copper wire inside, bend it into a coil, like a spring... (pede ka kuha ng ballpen, ...ikot mo dun yung wire... may antenna ka na!!!

bahala na po kayo kung gaano kataas yung antenna ninyo, depende na po kung sa tingin ninyo e may mga nakakaharang pa sa signal galing sa smart tower...

yung sa akin po,inilawit ko lang sa bintana, ok na e..:-)

pag napalakas nyo na po yung signal,wag nyo na masyado kakalikutin yung tinusok nyo,,para di lumuwag...

sa mga hindi po makasunod sa instructions, at walang socket ng outdoor antenna ang usb modem,may nabibili daw po usb extension sa cdrking, credits po kay markjames..



update sept 1 2009

dami na nag post dito, sinubukan ko lahat,
sa ngayon po, sa cdr king usb extension ang gamit ko...yung 250pesos with signal booster 5meters....

kasi yung tig 60pesos nila na 5meters din hindi pa version 2.0... 1.1 lang daw yun.. baka bumagal ang data transfer rate... hehehe

so far, may extra boost yung signal ng modem ko kasi umaabot 99% parin sya kahit dun sa mga dating pwestong mahina dati...

thanks ulit sa unang nag post nito dito sa thead ko...update ko lang tong first page


++hmm.. yung globe tattoo ko walang saksakan ng antenna,, sayang namn..

:hyper:


try nyo po usb extension,then ilawit nyo nalang sa bintana or plus kaldero trick...
sa mga di po makapag pagana... try po muna natin basa buong thread... sayang naman kung di nyo pag ttyagaan... e halos lahat na ng pampalakas ng signal, dito na po nag post ang mga kasama nating symbianizers,,,

nasa inyo nalang po ang choice kung gusto nyo mag imbento ng sarili nyong trick pero pinaka madaling paraan na po ang basahin kahit first 5pages ng thead na to......


post ko nga rin nga tong reply kong to sa first page...

bullydog22
23rd Jun 2009 Tue, 18:26
attachments
right click nyo po yung image then open in a new tab para lumaki...


post ito sa page 66

pano naman po itong sa akin mga bro??

HSDPA palagi ang signal ko pero pag speedtest ko na ay 0.32 - 0.38 mbps lang ang maaabot niya.. diba, sabi ng SMART ay up to 2mbps ito?? hindi man lang ako umabot ng 1mbps++

may paraan po ba na umabot sa 1mbps ito??

depende po ang speed ng internet sa maraming bagay sir
location
site
time of day
date
isp (current online user load)
download manager
browser
proxy
tunnel
DNS
signal strength
type of signal(gprs or 3g)
type of port (usb1.1 or 2.0)

etc...

bullydog22
23rd Jun 2009 Tue, 19:15
sa smartbro po ninyo,huawei, click nyo po ang
tools, option, network, network type.... select nyo po yung wcdma only, sa zte naman,click settings then network settings then select 3g ONLY para hindi na sya lumilipat sa gprs...

dati, problema ko din na lumilipat pa sya sa wcdma, which is a slower band compare to hsdpa, pero wag na po kayo mag alala tungkol dito... automatic po na fixed sya sa hsdpa tuwing nag ddownload kayo, dun lang naman talaga kelangan ng hsdpa talaga e...



hsdpa means HIGH SPEED DOWNLOAD PACKET ACCESS
wcdma means Wideband Code Division Multiple Access *highlight nya yung wide area coverage at can accommodate multiple access kaya, cost-efficient for capacity performance and density over a wide area which is perfect for browsing


ganun din po halos sa globe tattoo

tapos parang antenna lang ng tv or radio,.. ihanap nyo nalang po ng magandang pwesto para malakas yung wcdma nyo or hsdpa...

mahina kasi ang wcdma at hsdpa reception ng smartbro modem compare sa pag sagap nya ng gprs, kaya minsan kapag nasa loob ka ng bahay, nagiging gprs ang signal mo e may 3g naman sa lugar nyo...

kung gusto po nyo malaman kung totoo ang sinasabi ko, try nyo nalang po ilabas ang laptop nyo kung meron kayo, then compare nyo po signal sa loob

nasa baryo nga po pala ako, walang 3g signal pero nakakasagap po ako ng wcdma at hsdpa...

kung wala po talaga signal ang wcdma at hsdpa, pede nyo naman ibalik.. tools, option, network, network type.. select nyo nalang wcdma prefered..

bullydog22
23rd Jun 2009 Tue, 19:26
isa sa mga dahilan kung bat kaylangan ng canopy antenna ng mga naka smartbro unlimited e dahil mahina ang wcdma at hsdpa signal kapag maraming nakaharang... mas maganda kasi ang signal na yun kung may line of sight ka sa tower...

so, kung gusto nyo po ng FULL BAR sa signal meter nyo ng wcdma at hsdpa...
outdoor antenna po ang solusyon :-) ang the best po dito e kung may mapupulot kayo o mahihinging cable wire, libre lang signal booster nyo! hehe!

mga taga symbianizers pa naman,puro hanap e libre! hehehe!

..peace!!!

alexusbas
23rd Jun 2009 Tue, 22:33
eh pano bro if ibang model ng smartbro modem gaya ng huawei e226/e220? parang wala po atang saksakan ng antenna yun.

REGG
23rd Jun 2009 Tue, 22:54
eh paano naman bro kung usb na prepaid? meron din ba yon? :)

bullydog22
24th Jun 2009 Wed, 07:35
@alexusbas
may post ako image sa page 2 and 3...kung malakas ng konte ang loob mo, try mo pabuksan sa technician or ikaw nalang mismo, may antenna kasi sa loob ang mga ganitong klase ng modem,nakatago nga lang,parang cellphone..lalagyan mo lang ng extension yun, actually, ang antenna nun e,gawa lang sa copper and or aluminum, mas ok lang na antenna ng cellphone ang gamitin sa dulo kasi engineered and tested na talaga sya para sumagap ng ganung signal.. *pero try mo inspect usb modem mo kung may icon sya na parang antenna at fullbar na signal, dun talaga kinakabit ang outdoor antenna..

bullydog22
24th Jun 2009 Wed, 07:42
@regg ...smartbro prepaid po itong thread, hehe.. Kasi yung smartbro unlimited, may sarili na sila "canopy" antenna na nakatutuk sa tower.. Yun po ang ginagaya nating mga naka smartbro prepaid para maximum signal ang ma sagap natin kahit nasa loob ng bahay.. ***huawei e156c ang usb smartbro ko

boyngeemmaa
24th Jun 2009 Wed, 12:19
ang globe tattoo ko e huawei e156g nman.. iba pba un s e156c.. me salpakan sin ng antenna skin kso kaliit nman ng butas.. khirap pasukan

marabotit
24th Jun 2009 Wed, 13:28
nice idea na papansin ko nga mahina signal ng huawei e156g lagi na cucut tpos connect ulit nmn di tulad sa zte mf626 stable at malakas yun signal added features kc yun external antenna pa wala naman mabilhan dito kundi gagawa ka ng remedyo

jason-usctc
24th Jun 2009 Wed, 19:40
Wow, nice idea. Gusto ko sana itry kaso wala ako SmartBRO eh. N78 ko lang ginagamit kung modem hehehe.

bullydog22
24th Jun 2009 Wed, 19:58
@boyngeemmaa
hirap naman espelengin ng name mo bro! Hehe! Anyway, pareho lang yun bro, may icon naman na hugis signal diba, sobrang liit nga lang talaga saksakan ng outdoor antenna, kaya kinailangan ko pa kaskasin ng blade yung wire para pumasok, pero pag nakuha mo na tamang sukat, halos guaranteed na ang pag lakas ng signal mo.. Isa kasi sa instruction ng smartbro e,ilapit daw sa may bintana para nga mas ok ang signal,hassle naman na i move mo pa desktop mo para lang lumakas signal diba.. Just make sure na di naman masyado manipis yung wire pag kinaskas mo, imagine mo nalang contact points sa loob

bullydog22
24th Jun 2009 Wed, 20:12
@jason ..dati po, n73 lang din gamit kong modem,sobrang bagal sakin kasi wala pa pong 3g signal dito sa probinsya namin, napa bili lang ako ng smartbro nung makita kong mabilis connection ng kapit bahay ko gamit smartbro... Dun ko nalaman na may wcdma at hsdpa signal narerecieve ang smartbro dito.. ewan ko lang po jan sa inyo..

markjames
25th Jun 2009 Thu, 07:34
yung mga lumang smartbro modem ba yang pinag uusapan nyo. yung sakin kasi kulay black na wulang sak sakan ng antena pero ang signal hsdpa lagi... wm66 sakin

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 14:07
yung pinaka bagong smartbro usb modem ata itong gamit ko,kulay white. upload ko maya yung picture, hirap kc mag upload gamit cgi proxy lang e.. hehehe,,

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 14:16
@markjames
kung laging hsdpa ang signal mo,swerte mo po kasi dati nang malakas ang hsdpa mo, so, hindi nyo na po kelangan gumamit ng outdoor antenna, pero kung hindi po kayo umaabot ng 99% sa signal bar AT gusto nyo po mag fullbarr ang hsdpa at wcdma... ...try nyo po yung antenna...

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 14:39
fail safe function :

before mo itusok yung cable wire sa smartbro.. lagyan mo muna flexible wire yung cable,

then sa dulo naman ng flexible wire, dun mo ikabit yung itutusok mo sa smartbro... ****(may picture na po sa ibaba ito kung pano)

reason :

baka lang kasi nababangga bangga sa lugar nya yung smartbro, mas maganda nang yung flexible wire ang mapuputol.. diba,

soldering lead na manipis ang ginamit kong flexible wire jan,, yung ginagamit ng mga technician ng cellphone... mang hingi nalang ulit po kayo... hehehe... mura lang yun..

or kahit anong manipis na wire gamitin nyo, pede...

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 14:51
fail safe function :-) ..

sly1985
25th Jun 2009 Thu, 14:52
thanks tol... taga baryo din ako ....

markjames
25th Jun 2009 Thu, 15:01
kulay black sakin talaga.. wula nga sasak sakan ng antena eh.. so ginawa ko is cantena

ganito itsura oh

llllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllllll lll
lllll[lllll]llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll can front
lllll[lllll]llllllllllllllllllllllllllllllllllllllll
.....lllll
.....lllll --> usb modem
......ll --> usb extentioner

galing ko mag drawing ano hahahha.. mabilis tong sakin kasama na mga tweaking kung naka legal connection sya umaabot ng 4mbps, pag naka dot trick naman 2mbps pinaka peak nya
dati halfbar lang sya hsdpa now full na lagi haba ng usb extentioner ko 10 mters nasa may bubungan ng room ko hehehehe naka totok sa tower

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 15:14
ayun,, kung may nahanap kang usb extensioner, ok din yun,, wag mo lang papaulanan yung smartbro.. hehehe...

san nakakabili ng usb extension bro?

kryst abegnalie
25th Jun 2009 Thu, 15:16
halos kamukha din pala ng bagong smartbro yung sa globe tattoo, hahaha

pwede ba gamitin yung super antenna ni ernie baron dito? hahahaha

pero nice nakaisip na ko ng paraan para lumakas signal ng usb modem ko

markjames
25th Jun 2009 Thu, 15:19
hindi naman ma uulanan kasi nasa loob ng lata nga naka tusok dun sa loob. taz wula itong kabutas butas na tulad nyang usb mo... tanging lalagyan ng sim na nasa may ngusu nang usb so naka tiwarik pa di naman mapapasukan ng tubig.... basta kulay black itong sakin na may lead light indicator sa uluhan nya...

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 15:31
@kryst

actually bro, gumagana yung cable wire lang mismo,, kahit wala ka na antenna, kasi, pede mo din pilipitin yung dulo ng cable wire na parang tulad ng spring, lalakas na signal mo :-)

laparan mo lang pagka pilipit para malapad pang sagap

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 15:33
@mark

bro, san mo nabili yang 10meters usb extension? may 20 meters kaya nyan? hehehe

markjames
25th Jun 2009 Thu, 15:39
uu mag punta ka sa cdrking may 20 meters pa napag dudugtong dugtong naman yan eh.. yong 15 meters is 100 bili ko sa cdrking availble lahat yan tsaka maganda klasi ang pag ka wire nya hindi basta basta mapuputol.. bili na hahahhaah nag advertize pa talaga eh hahahaha

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 17:47
@markjames

thanks, atleast di na mahihirapan mga ka simbianize natin gawa ng antenna, hehehe, bibili nalang sila.. .. kaso bro, pano pag tag init naman? kasi, aircon ang kwarto ko pero nag iiinit parin yung smartbro... kung ilalagay nyo sa bubong, may chance na mag overheat yun... sayang naman smartbro... hehe

markjames
25th Jun 2009 Thu, 18:25
yung sakin kasi di naman na didirect sa sun light eh na shashadan sya ng akasya... tagal na nito sakin mag iisang taon na nakakabit sa labas heheheh... chenecheck ko pa minsan minsan lalo na pag nag papalit ako ng simcard.... accessible naman yong location nya kung san ko linagay

bullydog22
25th Jun 2009 Thu, 20:42
@markjames

nice! hehehe! so, ang set up mo pala bro, sa may bubong,so loob ng lata, sa labas ng bahay?, sa silong ng akasya! hehehe! or nasa silong ng akasya ang buong bahay? safe naman siguro don no? tapos, nililigpit mo nalang tuwing gabi? or nasa bakuran nyo naman?

anyway, ok yun bro, lalo na sa mga walang outdoor antenna terminal ang mga smartbro or globe tattoo nila.... may upload ulit ako maya, picture ng loob ng smartbro na nakahiwalay ang antenna.. share ko lang

bullydog22
26th Jun 2009 Fri, 00:03
detached smartbro antenna

click nyo nalang po sa image para mag zoom, para narin magka idea kayo kung gano kalalim nyo itutusok,

eto po ang loob ng smartbro natin pag naka hiwalay yung antenna, malamang hindi nalalayo dito ang globe tatoo kasi bukod sa parehong kumuha sa huawei ang globe at smart, pati pag operate sa pc e pareho din sila, yung word na tatoo at smart lang pinagkaiba...:-)

yung picture po sa page2, hindi ko pa hiniwalay yung antenna..

xyberxy
26th Jun 2009 Fri, 00:23
@ bullydog22

anu ung nakatusok sa antenna ? alambre?

bullydog22
26th Jun 2009 Fri, 00:38
@xyberxy

cable wire din po yun nilagyan ko lang ng manipis na lead wire sa gitna para yung lead ang mapuputol kung sakaling ma aksidenteng mahila.. tsaka para mas flexible lang.. hehe..

ramski
27th Jun 2009 Sat, 01:02
@bully
san province ka pa pm nalang mukhang maganda yang shared idea mo...


@markjames
parang gusto ko din subukan ung cantenna mo pwde bang pa post ng pics ng setup mo...

para madami taung options thanks...

boyngeemmaa
27th Jun 2009 Sat, 02:08
sakin di ko mkaskas e gumamit ako ng karayom ung pinakamaliit.. cguro aspili pde dinn kaso gamit kayo liha para s dulo ng karayom para di mashado matulis.. hehe tas don ko inihinang ung cable wire.. mlakas n cgnal ng hspda ko dito smen.. s gulod labac batangas city.. kaso do]i full. e masahdo akong gahaman s libre soooo.. un tnry ko din to.. asa taas ng bubong s my baron antena nmen ang antena ng tattoo ko.. hehe haba.. dati kasi naka catv kami e nputulan..e dina knuha dito ung wire so un gnamit ko.. hehehe tas antenna ng n70 gamit ko..

dontwotymz
27th Jun 2009 Sat, 11:19
pede din ga gawin ang technique sa cp as modem? la kasi ako smart bro eh...

markjames
27th Jun 2009 Sat, 11:24
pede din ga gawin ang technique sa cp as modem? la kasi ako smart bro eh...


heheh uu naman bluetooth to bulue tooth nalang sayo dude heheh lagay mo sa bubong nalang cp mo enable mo bluetooth din bili ka ng bluetooth dongle din connect mo sila tapus na problem mo heheheh

dontwotymz
27th Jun 2009 Sat, 11:44
heheh uu naman bluetooth to bulue tooth nalang sayo dude heheh lagay mo sa bubong nalang cp mo enable mo bluetooth din bili ka ng bluetooth dongle din connect mo sila tapus na problem mo heheheh

salamat brow hehe kaso battery naman ang yayariin n usb cord gamet ko sa pagkonek sa cp at pc. Then naka-charge phone ko habang nakasalpak sa PC haha:clap:

dontwotymz
27th Jun 2009 Sat, 13:08
try ko kaya yung antenna ng tv namen hehe. kuha lang me ng manipis na wire then i-joint ko siya sa antenna ng cellphone ko. baka effective...

silky_smooth_20
27th Jun 2009 Sat, 21:41
brod ung cable wire ba na sinasabi nyo,un din ung copper wire na nasa l0ob ng coaxial cable,ung ginagamit sa mga antenna ng tv?

aycintl
28th Jun 2009 Sun, 00:53
bili kayo ng magnetic wire. hindi ko lang alam yung number wire, so kung bibili kayo dalhin niyo na lang yung modem niyo sa mga electronic shop. bili kayo ng mga 1/4 gram o mas kaunti pa.

Lelouch
28th Jun 2009 Sun, 13:17
screenshot naman po na malinaw sa cable wire na nakakabit sa cellphone antenna thanks po

dontwotymz
28th Jun 2009 Sun, 14:58
oo nga poh more screenshots..gaanu kalalim dapat naka-insert yung wire sa butas ng external antenna? ayaw gumana sa akin ehh..

bullydog22
29th Jun 2009 Mon, 09:06
mga bro, complete na yung mga pictures ng sinasabi kong copper wire, ng cable wire,mula sa modem, to cable, to antenna, paki review nalang, nasa page 1,2and3... may picture na din dun kung ano hitsura ng loob ng smartbro pati yung mismong saksakan nung wire..
and bad news pala, may smartbro ata na di functional yung antenna connector,may isa kasi ako smartbro na ayaw lumakas yung sognal e...
yung usb extension nalang ang bilhan nyo ng mahaba.. next time, yun naman gagawan ko tutorial kung pano mag dugtong,kung gusto nyo habaan,

4 lang ang wire sa loob ng usb extension, 5 kung kasama yung ground... color coded naman yun...

aycintl
29th Jun 2009 Mon, 12:26
gamitin niyo lang magnetic wire. gaya nung pinost ko previously.
eto yung mukha niyan
http://www.altex.com/Assets/ProductImages/Standard/MAGNETWIRE.jpg
mas madali kasi yang hanapin kaysa sa mga coaxial na manipis ang size. kiskisin niyo muna yung dulo ng wire na yan kasi may coating pa yan, tapos insert niyo sa modem niyo.

sa aking medyo effective naman siya, kasi mas naging stable na yong HSDPA signal ko. dati naglalaro lang siya sa WCDMA/HSDPA. wala na rin akon antenna na inilagay. yung 1/4 gram niyan siguro sobra na yan ng 10meters, by gram kasi yung pag bili niyan hindi per meter.

modem ko pala e160e globe.
eto yung pic kung saan iinsert.
http://www.mobile-review.com/articles/2008/image/huawei-e160g/huawei-e160-antenna.jpg

dontwotymz
29th Jun 2009 Mon, 18:31
and bad news pala, may smartbro ata na di functional yung antenna connector,may isa kasi ako smartbro na ayaw lumakas yung signal eh

ah kaya pala ayaw gumana sakin ganun pala un.. Panu ga ang sinasabi mung usb extension? Ibig sabihin ga eh yung smartbr0 na mism0 ang ilalay0 sa PC?

bullydog22
30th Jun 2009 Tue, 15:40
@dontwotymz

opo, kung di nyo po talaga mapagana yung outdoor antenna, better try po yung extend nyo yung usb extension ng smartbro, may kasama po yun nung binili nyo...

pede po kayo bili ng mahaba or putulin nyo sa gitna para dugtungan..

apat po kulay yung wire sa loob,green, white, red, at black po,, napa gana ko na po, ito po ngayon gamit ko, pag post nitong reply na to.

di ko nalang nilabas ng bahay, baka manakaw! hehehe!

dontwotymz
30th Jun 2009 Tue, 21:51
opo, kung di nyo po talaga mapagana yung outdoor antenna, better try po yung extend nyo yung usb extension ng smartbro, may kasama po yun nung binili nyo...

pede po kayo bili ng mahaba or putulin nyo sa gitna para dugtungan..

apat po kulay yung wire sa loob,green, white, red, at black po,, napa gana ko na po, ito po ngayon gamit ko, pag post nitong reply na to.

di ko nalang nilabas ng bahay, baka manakaw! hehehe!



ah mukhang maganda nga yan..panu kung sa bubong ko siya ilagay? paano siya hindi mababasa kung sakaling umulan?

bullydog22
1st Jul 2009 Wed, 18:35
@dontwotymz

yung mismong smartbro modem???

i dont recommend po na sa labas ng bubong nyo sya ilagay, hindi po sya water tight.. at kung di naman sya masira ng init ng araw, madali po yun magmumukhang luma..

hanap mo nalang ng magandang pwesto sa loob ng bahay nyo na di matutuluan kahit umulan... maganda kung presko din dun sa pwesto nya kasi,madali mag init yung smartbro...

dontwotymz
1st Jul 2009 Wed, 20:45
yung mismong smartbro modem???

i dont recommend po na sa labas ng bubong nyo sya ilagay, hindi po sya water tight.. at kung di naman sya masira ng init ng araw, madali po yun magmumukhang luma..

hanap mo nalang ng magandang pwesto sa loob ng bahay nyo na di matutuluan kahit umulan... maganda kung presko din dun sa pwesto nya kasi,madali mag init yung smartbro...

ah..kasi bumili na ako ng usb extension na 5 meters ang lenght, dalawa binili ko hehe kala ko kasi pede siyang gawing mas mataas para mas malakas ang signal.

k_tae
3rd Jul 2009 Fri, 01:36
pano po pang ung gamit yung smartbro is ung pangalawa nilang labas wala po kc akong makitang suksukan ng antena Model: MS622 kulay black po sya

silky_smooth_20
8th Jul 2009 Wed, 02:40
ung modem ko kagaya ng nakapost sa taas,ung bagong tattoo. Ginamit kong wire,ung coaxial.eto ang problema,paginsert ko ng wire sa modem,ung bilog na pagiinsertan,napuersa ata,ngcrack sya. Makakaapekto kya un sa performance ng modem? Ano sa palagay nyo? Tnx!

dontwotymz
8th Jul 2009 Wed, 12:41
ung modem ko kagaya ng nakapost sa taas,ung bagong tattoo. Ginamit kong wire,ung coaxial.eto ang problema,paginsert ko ng wire sa modem,ung bilog na pagiinsertan,napuersa ata,ngcrack sya. Makakaapekto kya un sa performance ng modem? Ano sa palagay nyo? Tnx!

sa tingin ko hindi naman makakaapekto yun as long as hindi na-damaged yung mismong internal antenna niya..try mu rin gamitin kung may pagbabago sa connection properties ng modem mo. parehas tayo ng gamet eh.

eto nga pala gamet ko para lumakas ang signal ng tatoo ko. Dito sa location ko eh 0% yung signal as in hindi talaga makakabrowse. Ganito ginawa ko, kumuha ako ng takip ng kaldero at bote ng wilkins(250ml). Then hinati ko yung bote at inalis yung takip. Sa dulo naman ng bote isinuksok ko yung globe tattoo. PAgkatapos eh isinandal ko ang takip ng kaldero sa PC ko, sa unahan neto ay isinet ko ang globe tattoo na nasa bote. Tingnan niyo na lang ang attachment.

dontwotymz
8th Jul 2009 Wed, 13:16
i-adjust niyo lang ung globe tattoo palapit o palayo sa takip kung saan malakas ang signal. Sa akin kasi full bar ang signal minsan eh WCDMA o HSDPA yung nasasagap niya. Kayo na lang bahalang mag-improve hehe

seran
9th Jul 2009 Thu, 12:11
wow unique toh ahh pra kng may disc plate! mhal kya nun! jejeje pro ok toh try ko toh

dontwotymz
9th Jul 2009 Thu, 14:31
wow unique toh ahh pra kng may disc plate! mhal kya nun! jejeje pro ok toh try ko toh

tried and tested ko na to hehe. ito na siguro pinakamadaling paraan para magkasignal kung sakaling taga-bukid kayo. iadjust lang palapit o palayo yung tattoo kung saan malakas signal:thumbsup:

neil2103
10th Jul 2009 Fri, 04:05
masubukan nga to hehehehehe..........:excited:

bastiP990i
10th Jul 2009 Fri, 10:06
pano po yong sa glod tatto ko po ala naman po me mahanap na salpakan para sa antenna? help naman po pls.

bullydog22
14th Jul 2009 Tue, 01:00
@basti

bro, nasa page1 first post yang problema mo... option 1, bili ka usb extension, option 2, habaan mo yung dati mo, (color coded yung apat na wire sa loob ng usb adaptor, di ka magkakamali, pwera nalang kung "toottooot" ka. option 3, sundin mo c dontwotym

dontwotymz
14th Jul 2009 Tue, 20:39
malas ko aman sira agad yung usb extension na nabili ko sa CDR..

bullydog22
14th Jul 2009 Tue, 21:53
@dontwotymz
???? grabe naman, baka na tsambahan mong may putol na talaga... tester lang katapat nyan bro, 5 lang connection ng extension including na yung mismong sinasaksakan nyang wala naman atang silbe (ewan lang kung ground yun)

anyway, 4 lang wire nun sa loob na mahalaga, color coded yun... di mo na kelangan buksan para makita sila...

PAG SINILIP mo yung terminals ng extension, may makikita kang 4 strips of metal, meron nun sa magkabilang dulo ng usb extension mo...

bawat isa nun,isang dugtong ng wire.... so kung talagang sira nga yung wire, 2things should happen,

#1. PUTOL YUNG WIRE
#2. SHORTED YUNG WIRE (meaning, may nag dikit sa kanila.) ,,pede ding basa, kaya para na ring nag dikit yun

how to use tester...
...set the tester so that when you let the positive and negative wire touch each other,
papalo yung dial to the right...

so, pag dinikit mo sa MAGKABILANG dulo ng wire yung positive at negative, papalo sa kanan yung dial kung continuous yung wire mo at di naman gagalaw kung putol... kaya CONTINUITY ang tawag dun ng mga technician...

kung shorted naman, makikita mong may connection sa more than 1 wire, dapat kasi,isang wire, isang connection lang. wala dapat reaction yung tester kapag magkaibang wire ang tini test mo...

kung ayaw mo na mahirapan,yung technician na pa gawin mo ng pag test kung may putol yung wire mo.

hit thanks po kung naka tulong. :-)

dontwotymz
14th Jul 2009 Tue, 22:59
@bullydog hehe la kasi akong tester dito next time na lang siguro. Pero tinest ko siya sa bluetooth dongle ko, gumana naman. Kaso pag sa globe tatoo na, may lumalabas sa screen na 'usb device not recognized' which means my problema ung connection ng tattoo sa extension. Pero pag sa white cord ko sinaksak yung tattoo, ok naman..baka hindi pede sa globe tattoo yung mahabang usb cord..

bullydog22
14th Jul 2009 Tue, 23:18
@dontwotymz
hmmm, ganyan din nangyari sakin nung first time ako nag try mag dugtong para humaba yung extension ko, ...sa ibang usb, gumagana sya pero hindi sa smartbro ko...

pinalitan ko nalang yung wire na pan dugtong, gumana na sya sa smart bro... masyado ding mahaba yung unang ginawa kong extension na di gumana...

dontwotymz
14th Jul 2009 Tue, 23:34
5 meters kasi yung cord..sayang..

vashchris
15th Jul 2009 Wed, 17:29
wahehehe epektib nga yung ilalabas yung fone ng bahay gamit bluetooth! nyehehe!!
kahit naging 115.2kbps lang yung speed mas mabilis paren kesa sa nakakabit sa cable na 400+kbps. :yipee:

cookie25
15th Jul 2009 Wed, 18:17
sa sun po ba pwede ba ito?

dontwotymz
15th Jul 2009 Wed, 22:01
sa sun po ba pwede ba ito?

pede ito sa lahat ng networks..100% effective..:dance:

bullydog22
15th Jul 2009 Wed, 23:45
@dontwotymz
bro, yung binili ng kapitbahay ko sa cdr dalawang mahaba pa yung pinag dugtong nya, ok naman, 99% hsdpa signal din sya pag nakakabit... 99% gprs pag walang extension... hehehe...

papalitan mo nalang yang nabili mo, baka pede pang mapakiusapan, tutal gumagana naman kamo sa usb mo diba...

bullydog22
16th Jul 2009 Thu, 00:13
@vashchris
:-) hehe gumagana din pala sa cp? baka mas na dedetech din ng cp mo yung 3g signal sa labas ng bahay kaya bumilis... hirap kasi pumasok yun sa loob ng bahay, unlike ng gprs..

pero bro, mas bibilis ka kung bibili ka ng smart bro or tattoo... uamaabot ako 2mbps (MINSAN LANG PO) sa smartbro dito samin kahit walang 3g ako nakikita sa n73 ko...

kung may 3g ang globe jan sa inyo, tattoo nalang bilhin mo.. mas mabilis daw... sabi nila...

dontwotymz
16th Jul 2009 Thu, 20:16
@dontwotymz
bro, yung binili ng kapitbahay ko sa cdr dalawang mahaba pa yung pinag dugtong nya, ok naman, 99% hsdpa signal din sya pag nakakabit... 99% gprs pag walang extension... hehehe...

papalitan mo nalang yang nabili mo, baka pede pang mapakiusapan, tutal gumagana naman kamo sa usb mo diba...

galing naman ng kapitbahay mu hehehe..malakas siguro signal jan..malas nga naka-2 weeks na kasi mula ng mabili ko yun di na siguro pedeng ibalik...

bullydog22
17th Jul 2009 Fri, 21:24
@dontwotymz
wala naman siguro masama kung try mo ibalik, gumagana naman kamo,pede pa nila itinda yun! hehehe! magsama ka na lang hot babe! then sya mag try pa palit, pili nalang sya male victim dun sa cdr... hehehe

dontwotymz
17th Jul 2009 Fri, 22:34
i-trick ba naman hehehe...ok lang ayus na ko sa takip ng kaldero. Try ko rin lagyan ng mahabang stick para lalong lumakas ang signal strenght..wire nalang ang i-aattach ko dun then insert ko naman ang kabilang dulo nito sa antenna connector ng tattoo..

bullydog22
17th Jul 2009 Fri, 23:31
wahahaha!! pinapatawa mo talaga ako dontwotymz! may update ka na sa kaldero satellite reciever mo ha.. anywayz, tinry ko din kung effective yan pero di gumana yung dream satellite reciever dish ko e... kelangan ata original na kaledero talaga ang gamitin! hehehe!

off topic muna, mga bro, alam nyo naman smartbro ngayon, pinapahirapan tayo sa fs.. pm nyo naman ako kung may working software na para ma openline modem natin. di kasi gumana sakin yung microbox, tsaka wala ako credit card para dun sa may bayad daw na online service

atleast pag openline na tayo,pede na tayo mamili sa sun at globe!

dontwotymz
18th Jul 2009 Sat, 12:41
wahahaha!! pinapatawa mo talaga ako dontwotymz! may update ka na sa kaldero satellite reciever mo ha.. anywayz, tinry ko din kung effective yan pero di gumana yung dream satellite reciever dish ko e... kelangan ata original na kaledero talaga ang gamitin! hehehe!

off topic muna, mga bro, alam nyo naman smartbro ngayon, pinapahirapan tayo sa fs.. pm nyo naman ako kung may working software na para ma openline modem natin. di kasi gumana sakin yung microbox, tsaka wala ako credit card para dun sa may bayad daw na online service

atleast pag openline na tayo,pede na tayo mamili sa sun at globe!

hehe hirap kasing humanap ng ibang way para magkasignal..sa dream sattelite ka pala nagtest dapat malakas signal mu dun..kasi ganito yan, kelangan mo i-set yung antenna ng smartbro dun sa focal point ng dish it means andun naka-concentrate yung signal. Kaya nga ginagawa ko eh nilalayo ko or nilalapit yung device mula sa takip ng kaldero, siguro 10cm lang ang pagitan. Tantyahan na lang ginawa ko hehe, kung san malakas ang signal eh, kahit ala mismo dun sa focal point.

may bayad talaga pa-unlock ng device eh kahit online. Di ko alam kung saan may libre..

bullydog22
20th Jul 2009 Mon, 00:09
@dontwotymz

yung sa dream sat dish kasi may "socket" na sya para sa focal point ng reciever nila,dun ko kinabit yung smartbro, nung di nagbago signal strength, tinamad na ako , adik na din kasi ako dito sa sb e,kaya binalik ko nalang sa usb extension,para makapag surf na agad ako.. hehehe...

dapat talaga siguro, orig na kaldero ang ginamit ko,hehe

@dontwotymz
bro, ikaw ba yung nakapag pa unlock na ng modem? yung 5$?

donnphp
20th Jul 2009 Mon, 10:17
hello po,

ask ko lang guys kung yung mga wireless antenna ng cdr king if pedi sa huawei e160e? may nakikita kasi ako mga antenna doon pero di ako sure if fit yun mga yun.

globe ko malakas, pero smart hindi eh. naka unlock yung tattoo ko. gamit ko sim na smart yung ordinary. hindi yung smart bro na sim. factor kaya yun kaya mabagal and connection ko pag smart?

many thanks

bullydog22
20th Jul 2009 Mon, 16:13
@donnphp
ang dinig ko kasi, talagang mabilis tattoo kesa smartbro, and mas mabilis DAW yung original smartbro sim, yun nga lang, naka lock sa smart.com.ph yung fs pag orig sim gamit mo..

pero kung yung smartbro mo e gprs lang ang signal, kelangan mo yun magawang wcdma or hsdpa...

basically, hirap pumasok sa loob ng bahay ang dalawang signal na yun so, either ilabas mo yung pc mo,yung mismong modem,or yung antenna ng modem...
(assuming na may available wcdma or hsdpasa area nyo)

di ko pa na try kung may available na antenna sa cdr..dalhin mo nalang yung usb modem para ma try mo...pero ang sure na gagana dun e usb extension.. kelangan mo lang ipusisyon yung modem sa malapit sa bintana na di sya mababasa, mananakaw, at malakas na signal sa pwesto nya...

(pwede mo ba unlock smartbro ko? hehehe)

keropi07
20th Jul 2009 Mon, 17:34
pede rin po ba ung wm66 na model ng smartbro?

dontwotymz
21st Jul 2009 Tue, 04:08
@bullydog sigur0 nga mas hiyang sa modem mu ang usb extensi0n..

Hindi ko pa na-a-unlock yung modem k0 wala kasi laman yung paypal k0 eh. :excited:

bullydog22
22nd Jul 2009 Wed, 13:25
@keropi
ano yung tinatanong mo para sa wm66? outdoor antenna?cable extension? kaldero? (kay dontwotymz ka paturo kung kaldero) :-)
kahit ano model pede... basta modem na usb type... smartbro,tattoo,sun broadband, pldt wroam... etc.. parang cp kasi yun, nakatago antenna sa loob.. so, ang goal mo e, extend lsng yung hanggang sa labas ng bahay, or kung saan may pinaka malapit na malakas ang signal ng wcdma or hsdpa kasi yun ang mabilis sa internet connection sa ngayon kesa sa gprs

bullydog22
22nd Jul 2009 Wed, 13:33
@dontwotymz
oo, mas comfortable nako sa extension kasi nasa loob parin naman ng bahay ko yung modem, nasa loob ng estante, umaabot naman ng 91% wcdma or hsdpa...solve nako nun,,

cge bro, please pm me nalang kung sakaling may alam ka na way para ma unlock natin modem natin...o kaya,lagyan mo na laman paypal mo, kahit mag bayad nalang ako sayo tru bank or load nalang hehe..

pag ako naman nauna,pm din kita...

dontwotymz
22nd Jul 2009 Wed, 16:01
@bullydog kainggit ka naman lakas ng signal jan,


ok pm kita pag may laman na paypal ko. Kung mauuna kang maka unlock e di pm mu nalang ako

nolramsotniuq
22nd Jul 2009 Wed, 18:27
sa wakas mga bru..naunlock k nadin ung modem ko.. huwaei e1552 globe tattoo.nakapasok na ko sa dashboard with 92-95 % ang wcdma cgnal strength kc malapit lang smart site samin..ang problema is may error sya pagicoconnect ko sya at di makatanggap ng sms.. i am using ordinary smart sim ngaun.. natry ko na iset ang apn sa smart1/ and smartbro.. ano kaya problema nito?

bullydog22
22nd Jul 2009 Wed, 23:26
@dontwotymz
malapit din kasi ako sa tower ng smart, kaso nga hirap parin pumasok sa loob yung wcdma at hsdpa..

pero baka kelangan mo pa habaan talaga yung extension mo para mag fullbar ka din.. try mo kaya ilabas pc mo sandali, tapos dun ka mag surf, hehe, para lang ma try mo kung talagang wala nang ilalakas pa yung signal mo..




@nolramsotniug

malamang di pa activated mms settings nyang smart sim mo.. type mo muna
MMS ON send to 3401
bro, off topic tayo pag openline pinag uusapan, baka ma delete tong thread hehe,pa singit singit lang sa post ko yung tungkol sa openline.. pm mo nalang ako kung may tanong ka pa, check mo post ni eyfreel dito

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=123693

paraan ng pag gamit ng di original sim ng smartbro

pm mo naman ako kung pano mo na unlock.. or isingit mo nalang din sa reply mo... thanks..

@moderators...
pag pasensyahan nyo nalang po sana muna kami mga bossing... as much as possible naman po, pm nalang namin yung off topic or singit sa reply...kelangang kelangan ko lang po talaga ma unlock modem ko...

Tinotino
23rd Jul 2009 Thu, 08:09
he he he ma try nag mamaya baka masira ko. he he he salamat nice post

Tinotino
23rd Jul 2009 Thu, 08:14
magaling magaling ok pinoy...:yipee::yipee::clap::clap:

bullydog22
23rd Jul 2009 Thu, 22:13
sa mga susubok nga pala ng outdoor antenna or extension, kung di lumakas signal nyo sa unang try, subukan nyo po ulit kinabukasan kasi po, minsan, tulad ngayon,16% lang signal ko sa hsdpa... may panahon po na mahina talaga signal,pero atleast, naka hsdpa parin ako...

jog_trip
24th Jul 2009 Fri, 09:00
Ask ko lang sana what if walang 3g tower sa lugar mo? Does it make effect?

greggyliwag
24th Jul 2009 Fri, 21:50
ALTERNATIVE #1: http://technetz.com/images/wifi-booster/DSC01178.JPG

Yung parabolic part, cardboard wrapped with aluminum foil lang yan. Search nyo lang "windsurfer antenna" para sa design.

I used an aluminum soda can, effective sya.

ALTERNATIVE #2. Takip ng kaldero :-) cheapest method

bullydog22
25th Jul 2009 Sat, 13:23
@ jogtrip

ako po yung author nitong thread at walang 3g signal pag cp gamit ko... n73, 3g capable, nawawala ang signal pag set to 3g ang network signal..
...pero,may 3g signal pag smartbro gamit ko... malalaman mo po yun kng hindi gprs ang signal mo sa smartbro,dapat wcdma or hsdpa..kahit 1bar lang,or para sure ka,ilabas mo yung pc mo,pag nagkaron sya ng wcdma or hsdpa signal,may 3g sa inyo,hindi nga lang nadedetech ng cp... baka dedicated lang sa smartbro...

ngayon, kung talagang wala kayong 3g at mahina kahit gprs mo... mapapalakas parin ang signal mo...

bullydog22
25th Jul 2009 Sat, 13:27
@ greg
nice idea yung soda can..yung takip ng kaldero, idea po yun ni dontwotymz, may attached tut and pics pa sya sa thread na to...paki search nalang po kung anong page

graffiti_alley
29th Jul 2009 Wed, 02:00
wow ayus to ah.bago kasi ung smartbro modem ko model mf627.may kasama n cyang usb cable s package.ang plano ko dudugtungan ko n lng ng mhabang wire yung cable saka ko ilalagay sa second floor yung modem.sana gumana ^_^

bullydog22
29th Jul 2009 Wed, 02:28
visit nyo narin bagong thread ko pag openline ng smartbro tattoo at sun broadband

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=135554

Dex83
29th Jul 2009 Wed, 07:39
Bibili ako ngayon ng usb modem? Ano po ba maganda smart o globe. Note parehong walang 3g signal d2 samin. Thanx

paulj0s3ph
29th Jul 2009 Wed, 11:48
question lang me tutorial ba kung pano magupgrade ng firmware ng plug it wm66 yung sa akin

6thokage
29th Jul 2009 Wed, 12:09
Bibili ako ngayon ng usb modem? Ano po ba maganda smart o globe. Note parehong walang 3g signal d2 samin. Thanx

wag ka nalang bumili pag walang 3g signal jan.
mag opera mini ka na lang muna mas mabilis pa!

bonyatking
29th Jul 2009 Wed, 15:42
astig ah dapat ung antenna ng 8890 pa my antenna na tlga dpat tulad ng sun broadband unlimmited un ang gamit ko................

melvin160395
30th Jul 2009 Thu, 18:09
try ko yan.........
thanks po...

biege
30th Jul 2009 Thu, 20:26
Okay sana xa, prob lng kapag may bagyo takaw kidlat xa haha!! okay nq sa windsurfer hehe!! Thanks po sa TUT boss.

arugami
30th Jul 2009 Thu, 22:12
tanong sana my sumagot!!!



malakas d2 samin ang wcdma cgnal kahit san ko ilagay ok.

tanong ko posible kaya na my hsdpa cgnal d2 samin???


kasi ung mga naka canopy d2 samin ang bibilis ng net nila haha



salamat

biege
31st Jul 2009 Fri, 11:20
tanong sana my sumagot!!!



malakas d2 samin ang wcdma cgnal kahit san ko ilagay ok.

tanong ko posible kaya na my hsdpa cgnal d2 samin???


kasi ung mga naka canopy d2 samin ang bibilis ng net nila haha



salamat

possible bro. samin nga kala ko wlang 3.5G eh, pro meron pla nung nag UMTS aq sa CP at nag windsurfer aq sa tattoo hehe!! taga saan ka pla?