View Full Version : Naaalala Niyo Pa Ba Ang Panahon Na..........


ludwig14
27th Sep '07 Thu, 19:40
1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang SperryTopsiders,
K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits- all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong Chaps, Bowling Green , Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.


2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.


3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina 's in Shoppesville.


4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.


5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St . Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.


6. Wala pang videoke kundi karaoke.


7. Ang preso lang may tattoo.


8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.


9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.


10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.


11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.


12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.


13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.


14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.


15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.


16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.


17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.


18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.


19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.


20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.


21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.


22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.


23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.


24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.


25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.


26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.


27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.


28. Herbert Bautista was a campus politician.


29. P18 to $1 ang palitan sa black market.


30. May black market pa noon.


31. Illegal pa ang mga paputok.


32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.


33. Drag race sa Greenhills at Corinthians


34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.


35. Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.


Naaalala mo pa ba mga panahon na ito??? Paki send dun sa mga naaalala mong kaibigan na kasing TANDA mo na, haha!!!

wasak
29th Sep '07 Sat, 00:35
ganun na rin pla ako katanda hehe :rofl:

morbidus
29th Sep '07 Sat, 03:48
Naalala ko lang yung mga suot nila ate at kuya....LOL!!! :lol:

wasak
29th Sep '07 Sat, 13:53
kunyari ka pa tol, matanda ka na rin hehe

K1Lm0r3
5th Oct '07 Fri, 15:17
Sorry Big D Ala Akong Maalala...bata Pa Ako...:lol:
Ala Nga Akong Alam Sa Mga Sinabi Mo...

roselle
5th Oct '07 Fri, 15:30
ay hindi ko maalala kasi bata pa ako nung gnyan ang panahaon :giggle:

.rika
5th Oct '07 Fri, 16:28
yay, hindi ko naabutan yan naabutan ko ang coke 5.00 and super bata pa ako nun :p

jovrea27
5th Oct '07 Fri, 16:33
matanda kna tlaga bigD...:lol:

ludwig14
7th Oct '07 Sun, 21:14
matanda kna tlaga bigD...:lol:

:lol:oo nga noh grabe naman isa kana din dun JOvs haha

hzel_
8th Oct '07 Mon, 16:32
di ako makarelate :rofl:

trinokim
8th Oct '07 Mon, 16:37
ang naaalala ko lang is nagsusuot ng shoulder pads ang nga girls..:rofl:
http://i111.photobucket.com/albums/n132/trinokim/ist2_1435529_80_s_big_hair_getting_.jpg

Battosai
8th Oct '07 Mon, 17:44
Ang aliens sa Batibot si Sitsiritsit at Alibangbang.

Uso ang hairnet.

Mas sikat pa si Rene Requiestas kaysa kay Joey De Leon.

Nalaglag si Kris Aquino sa stage ng GMA Supershow sa isang promo ng Pido Dida.



Mas luma:

Sila Voltes V, Daimos, Mazinger Z at Getter Robot lang ang kilala mong robot.

Langit na Naman ng Hotdogs ang theme song sa weddings.

Patulisan ng kwelyo.

rhope016
8th Oct '07 Mon, 19:11
hindi ko pa inabutan ang mga ito..:beh:

:peace::lolcard:

jet_23
9th Oct '07 Tue, 05:36
ayoko ng maalala...
nakakatanda eh!

myragarcia
31st May '08 Sat, 00:28
:rofl:ganun na pala ako katanda...:thumbsup:

shikaru
31st May '08 Sat, 09:16
di ko alam mga yan ah... bata pa ako.. :giggle:

rhodel29
31st May '08 Sat, 16:06
paalala mo naman sakin yan ludwig:pacute:

stitch14
31st May '08 Sat, 16:30
nyahaha :lol: walang gustong umamin... wag na kayuong mahiya :lol:

iceicebaby03
31st May '08 Sat, 16:34
kinukwento lang sakin yan ng lola ko eh...wahaha

slam21
1st Jun '08 Sun, 16:29
17 plang ako ngaun...:belat::lol: yan ang tinuturo sa history namin ngaun...:lmao:

finch
8th Oct '08 Wed, 00:58
naaalala ko ung sa bulate hotdog naman.:lol:

monching76
8th Oct '08 Wed, 01:18
waahhhh inabot ko lahat yan bro:rofl: