View Full Version : About Hayden Kho Videos


Black22Knight
7th Jul '09 Tue, 19:58
Worried lang po ako about sa news na kinasuhan na ang mga taong nagmamaintain ng website kung saan inaupload ang mga video ni Hayden Kho maaari rin kayang madamay ang SYMBIANIZE kung magleak ang mga videos?



Mag-utol sa Hayden-Katrina ‘sex video’ kinasuhan na

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang magkapatid na maintainer ng website na sinasabing unang nagpakalat sa internet ng sex video nina Dr. Hayden Kho at aktres na si Katrina Halili. Isinampa ang kaso sa Cavite Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Head Agent Atty. Palmer Mallari, executive officer ng NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Division (AFCCD) na mga kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code (immoral doctrines, obscene publications at exhibitions at indecent shows) ang kanilang isinampa laban sa magkapatid na sina Jobert at Marvin Lazarte, habang hindi naman kinasuhan ang kanilang ama na si Fidel Lazarte, matapos mapatunayan wala itong partisipasyon sa pag-upload ng mga videos.

“Ang uploader ay itinago sa pangalang “Dance Commander” na siyang nag-upload ng “Careless Whisper” video sa pamamagitan ng fleshasiadaily.com noong May 8, 2009 dakong alas-4:20 ng hapon,” pahayag ni Mallari.

Idinagdag pa nito na ang nasabing user name umano ay siya rin nag-upload ng video ng Beautiful Girl noong Mayo 15, 2009 dakong alas-nuwebe ng gabi at ang controversial na sex video nina Katrina Halili at Kho Jr., ay dakong ala-1:20 ng madaling-araw ng Mayo 18 at ang sex video ni Maricar Reyes at Kho Jr., ay dakong alas-11:40 ng umaga noong Mayo 18, 2009 at ang sex video ng Brazilian model at ni Kho Jr., ay alas-11:40 din ng umaga noong Mayo 18, 2009.

Samantala, ang “sala” version ng sex video nina Kho at Maricar Reyes ay in-upload ng “thegreatest” dakong alas-5:44 ng hapon noong Hunyo 10, 2009.

Sinabi pa ni Mallari na kanila na ngayong inaalam ang pagkakakilanlan ng “Dance Commander” at “the greatest” sa pamamagitan ng email patungo sa fleshasiadaily.com.

Matatandaan na noong Biyernes ay sinalakay ng NBI sa Bacoor, Cavite ang www.fleshasiadaily.com website na sinasabing u?nang nag-upload sa naturang mga kontrobersiyal na mga sex videos ni Kho at iba’t ibang kapareha.

Source: Abante.com.ph
http://abante.com.ph/issue/july0709/news02.htm

Knightston
7th Jul '09 Tue, 21:30
Nakakaalarma nga ang news na yan!sana mabasa agad ng mga mods and staffs natin yan!

kikkko
7th Jul '09 Tue, 21:49
ngayon lang naman yan kasi mainit pa, mawawala din yan saka dapat bago yung mga website ang unahin nila dapat yun munang mga online storage site ang kinakausap nila na dapat idelete yung file,KUNG dito mismo sa symb inupload yung video pwedeng managot ang symb pero hindi naman eh, forum lang naman to, members ang nagsheshare eh, nasa members na din yun kung may pakialam sila or concern sila sa kapwa nila pinoy/pinay na sangkot sa scandal eh di ireport nila para burahin nila "Online Storage Site" ang file diba? kung talagang magaling ang NBI sa pinas eh di nahuli na lahat ng mga nagUpload ng mga scandals na yan eh kaso purket artista ang involved saka sila nag react nung mga basta basta estudyante lang, o normal na tao lang wala silang nagagawa.. ang best nilang gawin eh kunin ang files sa original source huwag yung mga site kasi dun tayo masaya eh sa mga site na pinagkukunan natin "source ba" :lmao:

jayzie
7th Jul '09 Tue, 22:25
Yeah right! Symbianize is not a File Hosting server, meaning this website is not storing any file at all. It's obvious that those Link containing FILE that are attached on this website is coming from external sources and in that case this website is not liable! However, for safety purposes... I recommend not to post any file concerning or related to Hayden Kho's Scandal.

celestial_hunter
7th Jul '09 Tue, 23:23
tska bago ata cla makarating d2 kelangan muna magregister :lmao: tska tama nga d nga to filehosting service, at kng cno man un malamang kumakalat na ung mga vids nila sa kng saan saan man, ND Lng po sa pinas :beh: :lol:

balahuba
7th Jul '09 Tue, 23:24
Maingat po sana tayo na mag upload ng sex video ni Hayden ko at baka madamay ang symbianize. Kung pwede sana pagpaliban muna natin at palamigin ang sitwasyon.

kalbz
7th Jul '09 Tue, 23:27
sang ayon ako syo Tupurr...:thumbsup::salute::salute::salute:

celestial_hunter
8th Jul '09 Wed, 00:03
@bala
hmm.. actually malabong mapad pad sila dito unless matyaga sila mag hanap :lmao: tska nd lng d2 naka kalat ung vid na un, pati s international porn sites meron :unsure:

raymundmanalo
18th Jul '09 Sat, 22:17
kami nakuha namin sa ibang website yung vid :) kaya safe ang symbianize dahil maraming sources nun.

panapok
19th Jul '09 Sun, 05:10
Ganun..? kaya pala nag-DL ako dun sa isang pinow wap site tapos laging walang laman yung na DL ko.