PDA

View Full Version : An Inspiring Story



zercas
1st Oct 2007, 16:10
Napulot ko lang po ito..

> Whoever wrote this brilliant piece should be commended. Save for some
> "brutal" terms (which I think is just necessary), this one is worthwhile
> to read.....
>
>
> Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
> binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
> aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga
> alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
>
>
>
> Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
>
>
>
> Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag
> lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
> ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila
> taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang
> namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong
> nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
> ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi
> akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod
> niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya
> ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
> mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
> yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya
> lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
> mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
> tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga
> lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
> buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko
> napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
> yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason
> na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
> nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga
> anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na
> kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na
> lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para
> ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang
> buhay namin. Ayun, mga nasa
> Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.
> 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya
> daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
>
>
>
> Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin,
> siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman
> na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
> ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap
> dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay
> mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin
> na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa
> mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga.
> Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta
> at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa
> dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman
> kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
> maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
> May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang
> magandang tulad ko.
>
>
>
> Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga
> ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano
> na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako
>
> balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante
> kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga
> anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing
> titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang
> bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha
> ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang
> mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
> namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.
> Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
> nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
> malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
> kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto
> magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
> walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
> Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
> buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
> sarili ko.
>
>
>
> Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
> Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
> Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
> anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.
> Gusto kong isigaw:
>
> "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"
>
>
>
> Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha,
> pinakinggan mo ako.
>
> Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
>
>
>
> Pilipinas nga pala.

Narelle
1st Oct 2007, 16:16
Already Posted

You can see links before reply

:lock: