PDA

View Full Version : Dugtungan Game



anorexorcist
28th Jul 2009, 22:02
Pakidugtungan nalang po ng uumpisahan kong kwento at titgnan natin kung saan aabot ang kwento natin.

Ang kwento:

Isang araw sa isang liblib na bayan, may isang nakatirang Lalake na ang pangalan ay Gorgonio.

enigma007
28th Jul 2009, 23:47
Siya ay may apat na anak sa unang asawa at anim naman sa ikalawang asawa, sila ay mayroon ding mga alagang hayop sa kanilang bakuran may roon silang walong kambing, dalawanmpu't limang itik, apat na kalabaw, dalawang baka, dalawang gansa, limang pagong, dalawang dagang costa, anim na pusa, labing isang kalapati, pitong manok, at tatlong aso na ang mga pangalan ay bantay, tagpi, at batik. Umalis si Gorgorio upang mangahoy sa gubat, at ng siya'y nasa kalagitnaan na ng kagubatan ay may napansin siyang gumagalaw sa isang banda ng kumpol ng mga halaman

anorexorcist
29th Jul 2009, 19:04
na ang pangalan ng halaman ay yellow bush

BatMon
29th Jul 2009, 19:30
sa kumpol ng halaman na yellowbush may lumabas na kakaibang hayop mala alien ang itsura, pero sa tingin ni gorgonio eh mabait naman ito kaya inuwi nya ang hayop at pinangalanang Moby.......

roan^^
29th Jul 2009, 21:27
Agad nya t0ng pina in0m ng c0ke at pinakain ng pandesal, 3 ta0n nya et0ng naging kaibigan hanggang sa..

enigma007
30th Jul 2009, 09:43
Dumating ang isang araw at napansin ni Gorgonio na matamlay si Moby agad nya itong sinabi sa kanyang unang asawa na hanggang sa kasalukuyan ay nag gogoogle sa internet para malaman nya kung anung species ba talaga si Moby, "Sweetypie" pa sweet na sambit ni Gorgonio, maaari mo ba akong samahan patingnan natin sa beterinaryo si Moby?

Eh nag gogoogle pako eh!!! Pasungit na sagot ng unang asawa.

Puro ka Google, friendster, facebook, at myspace wala ka na bang ibang gagawin!!! pagalit na sigaw ni Gorgonio.

Meron pa! "Twitter"... dugtong ng unang asawa.

Teka nga pla panu ka nakaka connect sa internet eh nasa liblib na lugar tayo? nagtatakang tanung ni Gorgonio.

Heller! naka Globe Tatoo ako! "Dahil sa Globe connected ka kahit saan" ngiting ngiting sagot ng unang asawa at sabay kindat!

Lumipas ang apat na oras ng pakikipag usap ni Gorgonio sa kanyang unang asawa na sa kasalukuyan eh nag bo~blog! naman...

Nang napansin ni Gorgonio na bumubula na bibig ni Moby, nataranta si Gorgonio at nagmadaling kinuha sa kanyang bulsa ang kanyang wallet na noo'y naglalaman ng mga credit cards, smart money, at ATM's, sabay sabing "Shit wala pala akong cash"! Ah di bahala na si batman! pabulong na sabi ni Gorgonio, sabay takbo bitbit si Moby na sa mga oras na yun eh nagkikikisay na

Habang nakasakay sila ng "pedicab" paakyat ng bayan na ang layo ay 10kilometro mula sa kanilang bahay at may daan na mala "grand cannon road sa baguio" (as in Zigzag talaga!) napaisip si Gorgonio sabay tanong sa driver ng pedicab,

Mama kaya mo ba yan??tanong ni Gorgonio sa driver ng pedicab

Kakayanin Sir! Masiglang sagot ng driver sabay kislap ng ngipin kay Gorgonio?na nag blush matapos makita ang kisig at kintab ng ngipin ng driver

Makalipas ang 2hours 39minutes and 16seconds, napansin ni Gorgonio na tahimik si Moby na noo'y parang lumunok ng sabong panlaba sa dami ng bula sa bibig....

Hey! Moby gising malapit na tayo kaya mo yan!... Sabi ni Gorgonio

Makalipas ulit ang 6na oras 4na minuto at 45na segundo nakarating na rin sina Gorgonio sa clinic ng beterenaryo

Doc anu po bang lagay ni Moby? Pagaalalang tanong ni Gorgonio

Kinalukungkot ko...
Hinde! Oh Hinde! Sigaw ni Gorgonio na hindi na hinayaang tapusin ng Doctor ang kanyang sinasabi.

Tumakbo papalabas ng clinic si Gorgonio ng umiiyak...

Samantala habang umiiyak si Gorgonio sa ilalim ng puno ay napansin cya ng driver ng pedicab at ito'y lumapit...

Tasuki_29
30th Jul 2009, 19:50
"'Tsong, anu prublima nimu?" tanong ng driver..

"Manong, hindi po ako si Nemo.. Tao po ako.. Si Gorgonio po.. " sagot ni Gorgonio..

"Ala eh, ikaw pala ang nawawalang kapatid ni Gorgonia M.! Ala eh tara na't ihahatid kita sa mansyon nila.. Sakay ka na sa de-aircon kong pedicab.." sabi ng driver..

"Pero..." sambit ni Gorgonio..

"Ala eh wala nang paarte-arte.. Halika na't luluwas na tayo eh.." sagot ng driver..

"Mo0o0o0o0o0obbbyyyYyyY!!!" sigaw ni Gorgonio..

Narinig ni Moby ang sigaw.. Ngunit binalewala lang niya ito at tinitigan ang doktor na hindi malaman kung bakla o tomboy..

Kinaladkad ng driver ng pedicab si Gorgoni.. Isinakay sa pedicab niyang patok.. At inihatid sa mansyon ni Gorgonia M.

"Ito ba ang bahay ni Gorgonia M.?" tanong ni Gorgonio..

"Ala eh eto nga iho eh.." sagot ng driver..

Pagpasok ni Gorgonio sa mansyon..

yarixen
31st Jul 2009, 03:01
Sinalubong siya ng dalawang guard. "Can i help you?" tanong ng guard na kamuka ni Michael Jackson.
"yes, am luking por Gorgonio M. Wat do yu nid? tanong ng isa pang guard sabay bunot ng baril saka itinutok sa ating bida.
Ngulat si Gorgonio at inagaw ang baril, binaril sa mata ang sekyu hanggang sa mapatay nya pareho. Sa nangyari di napansin na nandun din
at nasaksihan nila Tito,Vik,at Joey ang pangyayari. Tumakbo si Gorgonio at npansin nyang hinahabol ng cya ng mga pulis. Nakaabot cya sa isang dead end n sulok ng 7eleven. "Sumuko ka na!" sabi ng isa. "Hindi ako susuko! Mgpapakamatay ako!" isinubo nya ang baril sabay kalabit sa gatilyo. Wala n pala tong bala. "Pwede bang makahingi ng bala?" tanong ni gorgonio. "Eh sira ka pala eh!!" sabi ng pulis sabay pinagbabaril ng mga pulis. Namatay c Gorgonio..

Tasuki_29
1st Aug 2009, 11:05
"THE END"..













ang sambit ng mga pulis. Hindi nila napansin na buhay pa pala si Gorgonio..

"Wais ata 'to, parang surf..!" sambit ni Gorgonio.. May bullet proof vest pala ang loko.. Hindi napansin ng mga pulis na nag-uusap na kumuha pala ng mga baso ng slurpee mula sa 7eleven si Gorgonio. "Hehe.. yari sila sa'kin" bulong niya sa sarili..

Pagtingin ng mga pulis kay Gorgonio.. "Mga pare, slurpees!!!" sigaw ng pagkagulat ng mga pulis..

"Fire!!! Tugugs, tugangs, bugoinkz, bang bang bush!!!" atake ni Gorgonio..

Napuno ng slurpee ang mga pulis at nabaril nila ang isa't isa.. Patay lahat.. "Ang galing-galing mo talaga Gorgonio, tsk!" sambit ni Gorgonio sa sarili.

Sa malayo'y nakatingin ang isang matandang nakasakay sa patok na pedicab.. Magara ang pananamit.. Si Gorgonia M. ...

belardz
1st Aug 2009, 11:23
Gorgonia macapagal na ngayoy gumagamit ng gloria macapagal

anorexorcist
1st Aug 2009, 13:29
na nakipagprescon kay barack Obama, pero sumakabilang buhay na si Cory at nakiramay si Gorgonio.

enigma007
2nd Aug 2009, 08:18
Magkaisa! Malakas Sigaw ni Gornonio sa lamay ni dating pangulo na si Gng. Corazon Aquino...

Magkaisa your face! sabi ng pari na nuoy nag mimisa sa lamay...

Amen... Sabay sabay na sambit naman ng mga deboto na wala ng ginawa kundi mag prayer rally sa Edsa...

Nagulat si Gorgonio sa sagot ng pari at mga tao sa lamay kaya agad itong umalis...

Makapunta na lang ng SM balita ko sale 50% off on selected items excited na sambit ni Gorgonio... at agad na sumakay ng MRT Taft Ave. Station.

Samantala... habang nasa loob ng tren si Gorgonio papuntang SM North may napansin siyang isang "Machopa-pa" na tingin ng tingin sa kanya...

Ay ang gwapo at ang macho naman nya... kinikilig na bulong ni Gorgonio...

Lalapitan na sana ng machopa-pa si Gorgonio na sa kasalukuyan ay kulay "bulateng kanal" sa sobrang pula dahil sa kilig

Nang biglang...

"Araneta station, araneta station, maari po lamang paupuin ang mga babae, matanda at bata, maraming salamat po!" sabi ng voice operator ng tren...

Di pa man nagkakadausdusang palad si Gorgonio at si Machopa-pa ay biglang bumukas ang pinto ng tren at nakaladkad ng mga sumasakay si Gorgonio papunta sa kabilang pinto na aksidenteng bumukas na wari moy sinadya ng kapalaran at nahulog si Gorgonio at tumama ang ulo nito sa bakal bakal na riles ng naturang tren agad na tumayo si Gorgonio at sabay sabing...

belardz
2nd Aug 2009, 08:27
Awts! Ang shakit shakit tanggal ang concealer ko. Papa. Papa tsup!

Tawa ng tawa yung guard!

Nagalit si gorgonio at pinuntahan ang guard

soblue08
2nd Aug 2009, 09:12
taas noong nilapitan ni gorgonio ang guard at sabing 'ano kaya mo yon? kung akala mong mas gumanda kana sa akin dahil lang nabura ang concealer ko at kumalat ang mascarra ko haha.. asa kapa..' nagalit ang guard sabay bunot ng kanyang batuta..

yarixen
2nd Aug 2009, 10:01
Pinalo c Gorgonio sa mukha gn dalawang beses. "Ump! yan ang bagay sayo bruha ka!" sabi ng guard. Sinipa pa at nalalag si gorgonio sa riles ng MRT. Di inaasahang may parating na MRT. pinilit ni Gorgonio tumayo pero mabilis ang tren. "Stooooooop! in the name of loooove!!' sigaw ng bading na guard. Parang huli lahat. umalingawngaw ang sigaw ni Gorgonio sa MRT station. Sinilip ng mga tao ang ilalim ng tren at nikita ang katawan ni Gorgonio. Naliligo sa sariling dugo.
"Buhay pa siya!" sigaw ng isang taong nka costume ng Batman.
Buhay pa nga c Gorgonio pero luray na ang parehong paa.
-
-
CHAPTER 2
-
Kinailangan putulin sa ospital ang parehong paa ni Gorgonio. Walong buwan na rin ang nakalipas mula nung maaksindente.

Ngayon ay namamalimos na lng siya sa Quiapo para mkbili ng wheelchair. Minsan naman ay namboboso lang siya mga taong nalalakad. Dahil wala p siyang wheelchair, nglalakad lang siya gamit ang mga kamay niya.
Minsan naapakan cya g isang taong nglalakad at nakipagaway cya. Tinusok cya ng stick ng fish ball sa mata kaya nabulag din siya..

Tasuki_29
2nd Aug 2009, 21:45
Napakasalungat ng tadhana para kay Gorgonio.. Muling nagkalayo ang magkapatid na Gorgonio at Gorgonia M. .. Ang dating pangalang Gorgonio ay napalitan na ng Gorgy..

"Gorgy nalang ang itawag nyo sa'kin" ang banggit ni Gorgy sa mga bumibili ng mga candy sa kanya.. Siya ngayon ay isang 'takatak boy' sa bandang Recto..

Kinagabihan, bago matulog si Gorgy sa tabi ng Merriam Webster, nasabi niya sa sarili: "Sana magkita na kami ng kapatid kong si Gorgonia M. .. Nandun n eh.. Nandun n e.. Nakapatay pa ko ng 2 gwapong security guards.. Tsk.. Napakalufit ng tadhana sa'kin.. Palit kaya kami ng tadhana nang maramdaman nya ang nararamdaman ko ngayon.. Makatulog na nga't pinagtitinginan na naman ako ng mga staff ng Merriam Webster na nagsasara ng kanilang store.."

Kahit uminom si Gorgy ng energy drinks, mabilis agad siyang nakatulog..

Paggising niya'y nagulat siya dahil napapalibutan na siya ng mga lumang libro.. "Bentahan na pala ng libro.." sabi ni Gorgy..

Samantala, naisipan ni Gorgonia M. na bumili ng mga lumang libro sa Recto.. "Gusto ko pumunta ng Recto.. Bibili ako ng books dun.. Para sikat ako.. Eh di maagang pangangampanya na din, hehe.." banggit niya sa sarili..

Nang makarating siya sa Recto, nagsimula si Gorgonia M. na maghanap ng mga libro sa Merriam Webster.. Nagkataong nag-iinat pa ng mga oras niyon si Gorgy.. Pinagtitinginan na si Gorgonia M. ng mga tao.. "Ang echos naman ng mga creatures dito.. Kung hindi lang para sa pangangampanya ko eh.."

Walang anu-ano't biglang nagkrus ang mga mata ng dalawang magkapatid.. Nagkatitigan silang dalawa ng hindi lalampas sa 5 minuto at...

anorexorcist
3rd Aug 2009, 22:02
biglang umulanm, pero umaraw din agad nung mabasa sila tapos biglang

enigma007
4th Aug 2009, 19:49
Kumidlat ng malakas! "kahit may araw" (bakit bawal ba kumidlat pag may araw?) at tinamaan ang isang poste malapit kay Gorgy kaya napatakbo ito!... (oo tama ang nabasa mo napatakbo si Gorgy kahit walang paa!) ginamit nya ang kanyang kamay napatingin ulit si Gorgonia M. sa kanya at tinanong sya nito;

"AMAZING!" bigkas ni Gorgonia M. sbay tanong panu mo nagawa yun? pede pala ako magpaturo sayo dahit next year "TATAKBO AKO!" na kita pa ang gilagid sa sobrang saya ng pagkakabigkas...

Biglang naalala ni Gorgy si Moby,

-dahil si Moby ang nagturo sa kanya ng teknik kung papano tumakbo gamit ang paa...

At di paman tapos ang "flash back" ni Gorgy sa kanyang nakaraan na kasama si Moby ay biglang may narinig syang boses...

Huy! huy! Tulo laway mo Sigaw ni Gorgonia M.

At tinanong nya si Gorgy na sa mga oras na iyon ay di makilala sa sobrang kapal ng libag

Anung pangalan mo? tanong ni Gorgonia M.

Gorgonio po... mahinang sagot ni Gorgy

Oooh ma gosh! Ikaw! ikaw ba yan...

aljon23_23
4th Aug 2009, 22:44
gorgy; ou ako nga..
gorgoneo john june billie vincent joseph greg kristian roland protacio landingin magalpoc macapagal

gorgonea:ikaw nga..ikaw nga ang kapatid ko..tanda mu pa ba ko?
gogonea patricia alia joan vernadine hera maria mecedes gloria magalpoc macapagal

gorgoneo:(nakatulog habang hinihintay makatapos si gorgonea sa kanyang sinasavi)

at nanaginip ng....

belardz
5th Aug 2009, 05:27
Bigla syang magising. Umaga na. Panaginip lang pala ang ang lahat!

Ang saya saya ko! Tenk u! Tenk u! Beri mats!

Pwidi na aku makarateng sa Yu Is!

yarixen
5th Aug 2009, 16:15
masaya na sana si Gorgy pero hindi pala lahat panginip dahil totoo palang wala n syang mga paa. Nalungkot ulit cya. Nangilid ang luha sa mga mata. Pero sa kabilang banda natuwa pa rin siya dahil magaling talaga syang tumakbo gamit ang mga kamay.
Minsan habang naliligo siya biglang..

Tasuki_29
5th Aug 2009, 21:23
Mapapatulog siya nang wala sa oras..

Itinuturing ni Gorgy na swimming paradise ang katubigan sa Roxas Blvd... Napamahal na siya sa lugar na ito.. Matapos maging 'takatak boy' sa buong maghapon ay lumulugar siya sa sunset ng Roxas Blvd. upang mangarap nang gising.. Kadalasan ay nakikipagsabayan siya sa mga nagaala-robot na mga tao roon.. Dahil dun ay natatalo niya ang mga ito at siya ang hinuhulugan ng barya ng mga tao.. Naalala pa niya na sinabihan siyang kamukha daw siya ni Gollum.. Natuwa naman siya nang sobra, pumapalakpak ang mga tenga..

"Sino po ba si Gollum?" tanong ni Gorgy..

"Aay, di mo ba alam kung sino siya? Ay naku, ang gwapo nun.. Tsk, maraming naiin-love dun.. Crush ng bayan kaya yun.." pagsisinungaling ng tao..

"Ay ganun ba? Maraming salamat sa papuri mo.." natutuwang sabi no Gorgy..

"Uy, bakit mo ba niloko at nagsinungaling ka pa sa no feet (Gorgy) na taong yun?" banggit ng kasama ng taong nanlait kay Gorgy..
"Pakialam mo ba? Tara na nga.. Baka ikaw pa ang gawin kong Gollum dyan.." banggit ng mapanglait na tao..

"Ano ba ang pinagsasasabi ng taong kasama ng namuri sa akin kanina? Siguro'y inggit lang sa'kin yun, haha.. Ang pogi ko kasi.. Kasing pogi ko pala si Gollum, hehe.. Makauwi na nga lang.. Sapat na itong kinita ko dito sa Roxas Blvd. sidewalk.. At tsaka makapagpahinga na din.. Masuwerte ang araw na ito para sa akin, hehe.." pagmamalaking sabi ni Gorgy sa sarili niya..

Pagkatawid ni Gorgy sa pedestrian ay may nagdadrag race pala.. Sinalubong niya ang rumaragasang kotse at ang nangyari ay..

soblue08
5th Aug 2009, 22:38
nagsigawan ang mga ta samantalang si gorgy ay mabilis na kumilos.. gamit ang kanyang kamay na pinalakas na ng maghapong pagtakbo buong pwersa nyang pinatalon ang sarili.. sa sobrang lakas ng talon niya maihahambing siya sa isang rocket..

namangha ang mga taong nanunuod ng drag race at nakalimutan na nila ang race dahil lahat ng atensyon ay na kay Gorgy.. Habang nasa alapaap pa si Gorgy isang malaking problema ang kanyang naisip.. mahigit 50 talampakan ang kanyang tinalon anong anong mangyayari sa kanyang pagbagsak.. halos mabingi si Gorgy sa lakas ng pwersang humihila sa kanya pababa.. at siya ay mabilis na bumabagsak..