View Full Version : Iglesia ni Cristo.. welcome!!

Pages : [1] 2 3

eye_0122
14th Oct '07 Sun, 09:42
This thread is made for the Iglesia ni Christo members!

And we invite the INC members to please stay here for a while..

makibalita poh tau sa mga nangyayari.. dapat tayong maging

updated...

share nyo dito ang mga experience nyo.. at lahat2 na...

basta peace lng tau lagi.. no matter what your religion is, don't

forget that we're living in the same planet called Earth!

Aq pala c kapatid na Ermund Regacion

Nakatala sa Ecoland Dvo.

If you happen to visit at sumamba dun sa ecoland dvo.

please inform me para magkita nman tau!! God Bless To All!! :pray::pray:

Samahan nyo ng pictures yung mga latest huh para ma acquaint namn tau sa isat-isa..

thanks again! and God Bless!!

eye_0122
14th Oct '07 Sun, 09:45
Kapatid! pagsama poh natin ngayon! wag kalimutan ang sumamba at magpasalamat!!

God Bless poh sa atin lahat!!

prettynetz05
28th Oct '07 Sun, 16:55
Nice. Sana marami pang makipagcommunicate... God bless us all!

eye_0122
31st Oct '07 Wed, 14:19
prettynetz05 san ka nkatala?

prettynetz05
3rd Nov '07 Sat, 10:43
prettynetz05 san ka nkatala?
previously mentioned...
hehehe :)

arjay
3rd Nov '07 Sat, 10:59
Bka PweDE PO CATHOLIC Dito!! PeAACE mga KabaBayAN.. :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise: :praise:

eye_0122
11th Nov '07 Sun, 19:13
ok lng nman catholic dito ehh.:lol:

Battosai
23rd Nov '07 Fri, 20:21
Question lang po, pag po ba jobless ang isang miyembro nyo or maliit lang ang sweldo, mga 50 pesos a day (yes, totoo ito) ay required pa ba syang magbigay ng ikapu ng kanyang kinikita?

rhope016
24th Nov '07 Sat, 10:18
madami ako classmate na iglesia...:D nakapasok na rin ako sa isnang kapilya ng mga INC dito sa Tarlac, infairness ang ganda ng kapilya ninyo...

jayem
25th Nov '07 Sun, 17:39
kapatid, tanong ko lang po kung pwede pa ba tayo gumawa ng forum regarding our faith? kasi ang natatandaan ko sa palibot liham dati eh ipinagbabawal ng pamamahala ang paggawa ng forum kung ang laman nito eh tungkol sa iglesia ni cristo. o nagkakamali lang ako, pakiliwanag naman po.

arjay
25th Nov '07 Sun, 17:41
Catholic po ako!! :think:

jayem
25th Nov '07 Sun, 17:45
Question lang po, pag po ba jobless ang isang miyembro nyo or maliit lang ang sweldo, mga 50 pesos a day (yes, totoo ito) ay required pa ba syang magbigay ng ikapu ng kanyang kinikita?

para lang po maliwanagan ka at nang sa ganon ay di ka mailigaw kaya ko ito sasagutin.

kapatid, wala po sa aming ikapu o ung sinasabi nilang 10%. nangyari lang po ito nung panahon bago dumating si cristo. ang meron po ay ang kusang abuluyan na kung ano po ang ikinigagaan ng bulsa mo ay siya mong ihandog. kung 50 pesos ang ikinikita mo, maari kang magtabi kahit na piso isang araw kung magaan sa iyo un. sabihin na nating anim na araw ang pasok mo, 50x6 is 300, magtabi ka ng piso bawat araw kung yun ang kaya mo sa 6 araw may 6 piso ka na. may 2 pagsamba sa isang linggo, hatiin mo ang 6 magiging 3, kahit 3 piso lang handog mo wala pong problema yun.

sapagkat nasusulat sa bibliya na nalulugod ang panginoon kung ikaw ay magbibigay ng maluwag sa iyong puso. kung yun ang ikaluluwag mo walang problema dun. sana po nalinawan ka

KONOG
27th Nov '07 Tue, 11:30
ka jayem very well said

eto ang misunderstanding sa atin ng ibang relihiyon
akala nila required tayo na magbigay ng 10% ng ating kinikita
akala siguro nila dahil sa magaganda ang kapilya natin eh malaki din ang binibigay nating abuloy. Eh kung piso lang ang kaya mong ibigay eh bakit hindi hindi ka naman pagagalitan kung maliit ang handog mo. Hindi naman tinitingnan kung magkano yung inaabuloy mo eh.

nasa kaanib yun kung magkano ang ibigay niya ang mahalaga masaya siya sa paghahandog at hindi mabigat sa loob

at sa mga magagandang kapilya yun ay dahil sa pinagsama-samang handog ng bawat kaanib at marapat lamang na ihandog sa Diyos ang pinakamagandang templo Niya dahil utos rin Niya iyon. (kung bahay nga natin pinagaganda natin bahay ng Diyos pa kaya?)

KONOG
27th Nov '07 Tue, 11:32
Nalimutan kong mgpakilala

ka Joanne Cayao po
mula sa Lokal ng Deparo
Distrito ng Metro Manila North, na dating taga Lokal ng Magsaysay MMN

Yannah
27th Nov '07 Tue, 11:34
dami pala INC dito..

pwede ba ako dito? :lmao:

g_kidcrush.. lokal ng cabanatuan..
distirito ng nueva ecija south..

:D

KONOG
27th Nov '07 Tue, 11:36
dami pala INC dito..

pwede ba ako dito? :lmao:

g_kidcrush.. lokal ng cabanatuan..
distirito ng nueva ecija south..

:D

talagang g_kidcrush ang name mo ah

anyways welcome kapatid!!!:clap:

Yannah
27th Nov '07 Tue, 11:38
talagang g_kidcrush ang name mo ah

anyways welcome kapatid!!!:clap:

nope.. yannah po.. :lol:

:thanks:

KONOG
27th Nov '07 Tue, 11:43
nope.. yannah po.. :lol:

:thanks:

hehe

welcome kapatid na yannah!!! :clap::thumbsup:

wannabe_Yba
27th Nov '07 Tue, 12:57
Hmmm... okay ah.... marami-rami din pala kami dito :clap:

... ka mona po ito sa lokal ng evangelista, makati.

HAPPY THANKSGIVING PO SA ATING LAHAT NA INC!!! (Advance) :yipee:

GOD Bless to all!!! :pray:

Battosai
27th Nov '07 Tue, 14:39
Ok, follow up question: Paano kung may kakilala kayong kapwa ninyo na INC, na nag-iinom, at nagnanakaw ng kuryente at tubig, pinaparangalan linggo-linggo, pero patuloy pa rin ang pagnanakaw, ano ginagawa ninyo sa mga miyembro ninyong ganun?

Alam ko ang posibleng mangyayari dyan ay ititiwalag ninyo. Pero paano na sa batas ng tao?

jayem
27th Nov '07 Tue, 15:01

kapag ganun dapat sinasabi sa leader ng purok para mapagsabihan siya, kung di talaga sumunod itinitiwalag. sa bawat pagtapos ng pagsamba sinasabi ang mga kapatid na tinitiwalag.

hiwalay ang batas ng tao sa utos ng panginoon, pero inutos ng panginoon na sumunod tayo sa batas ng tao o sa gobyerno, kaya kung lumabag ang isang kapatid dahil don dapat na siya ay itiwalag kung magpapatuloy pa rin at dapat niya pagbayaran ang pagkukulang niya sa batas ng tao. maliwanag at walang kasingliwanag ang utos ng panginoon.

kapatid merong pamamahayag kahapon sana nakadalo ka. o kaya mas maganda kung pumunta ka sa kapilyang malapit sa inyo at magpadoktrina ka, tapousin mo lang lahat ng lessons at nasa sa iyo na yun kung gusto mo o hindi. wag mo lang kakalimutan na manalangin palagi para ang espiritu any lumapit sa iyo.

sana nakatulong... nakakatakot na kasi ang panahon ngayon para sa mga taong di pa naliliwanagan, malapit na ang pagwawakas na sinabi sa bible at ang lahat ay nagkakatotoo na. kaya sana tayong lahat ay iwan ang kahit anong meron tayo (kayamanan, bisyo at kung anu-ano pa) at magbalik loob tayo sa diyos. wala nang yaman sa mundo ang makatutumbas pa sa pangakong buhay ni kristo.

Battosai
27th Nov '07 Tue, 15:10
@jayem: I'm Catholic, and I stand by my faith. Coincidence lang siguro at may mga nakikilala ako na from your religion na puro kalokohan at pagsisinungaling at pandaraya sa kapwa ang nasa utak. E di kaya nakakahalata yung mga dumadalaw na nangangaral sa kanila kasi ang bulag naman nila kung di nila nakikita na yung linya ng kuryente naka tap mismo sa poste at wala syang metro ng Meralco. Pati metro ng tubig wala sya.

And with regards sa pagwawakas, walang nakakaalam nyan kundi ang Diyos. Centuries have passed and maraming kaguluhan ang nangyari pero nandito pa rin ang mundo.

Peace. :peace:

kurabo
28th Nov '07 Wed, 16:36
ask ko lang pero no offense poh..

totoo bang pag may hndi nakapagsimba n kasmahan nyo ay pinupuntahan nyo p at tinatanong kung bakit hndi nakapagsimba??

pati totoo rin ba na pag sumali kayo jan 10% ng sweldo nyo automatic mapupunta sa simbahan nyo??..

nagtatanong lang poh.. gus2 ko lang maliwanagan:)

billabong
28th Nov '07 Wed, 17:16
oo totoo yun katunayan hinihingian pa nga sila ng pera eh!!! :lmao:

kurabo
28th Nov '07 Wed, 17:20
totoo b talaga un?? kung totoo un.. eh di hndi yan relihyon more of a business isn't it??:slap:

KONOG
28th Nov '07 Wed, 18:29
ask ko lang pero no offense poh..

totoo bang pag may hndi nakapagsimba n kasmahan nyo ay pinupuntahan nyo p at tinatanong kung bakit hndi nakapagsimba??

pati totoo rin ba na pag sumali kayo jan 10% ng sweldo nyo automatic mapupunta sa simbahan nyo??..

nagtatanong lang poh.. gus2 ko lang maliwanagan:)

hindi po totoo yun. sa tingin niyo ba sa daming mahirap na kaanib eh magtatagal sa Iglesia? Utos ng Diyos ang abuloy (wala ba sa simbahan niyo yun?)
Ang mahalaga kahit magkano ang ibigay mo basta masaya an loob mo (kung piso lang talaga kaya mo bakit hindi)

At sa school pag absent ka di ba tinatanong ka? KAmi magkakapatid kami concerned kami sa bawat isa, kaya kung may hindi man nakasamba eh pinupuntahan sa bahay.

oo totoo yun katunayan hinihingian pa nga sila ng pera eh!!! :lmao:

aba! ang tagal ko nang kaaanib wala naman hinihingi sa akin ah
bakit ikaw hinigan ka ba?

hindi hinihingi ang handog, kusang binibigay yon

@jayem: I'm Catholic, and I stand by my faith. Coincidence lang siguro at may mga nakikilala ako na from your religion na puro kalokohan at pagsisinungaling at pandaraya sa kapwa ang nasa utak. E di kaya nakakahalata yung mga dumadalaw na nangangaral sa kanila kasi ang bulag naman nila kung di nila nakikita na yung linya ng kuryente naka tap mismo sa poste at wala syang metro ng Meralco. Pati metro ng tubig wala sya.

And with regards sa pagwawakas, walang nakakaalam nyan kundi ang Diyos. Centuries have passed and maraming kaguluhan ang nangyari pero nandito pa rin ang mundo.

Peace. :peace:

baka hindi lang naman po napansin... (hndi naman sila taga meralco para tingnan pa yung mga kable sa labas ng bahay)
kayo na lang po magreport sa meralco o maynilad

Battosai
28th Nov '07 Wed, 19:05
aba! ang tagal ko nang kaaanib wala naman hinihingi sa akin ah
bakit ikaw hinigan ka ba?

hindi hinihingi ang handog, kusang binibigay yon

Paano kung mahirap ka pa sa daga. Yun nga, like what I stated earlier, mabubuhay ka ba sa 50 pesos a day? Siguro kung ganun kinikita mo pati 25 centavos titipirin mo. Ok lang ba sa religion ninyo na di mag abuloy kung walang kayang maibigay?

baka hindi lang naman po napansin... (hndi naman sila taga meralco para tingnan pa yung mga kable sa labas ng bahay)
kayo na lang po magreport sa meralco o maynilad

Kapatid (as in brother ha) nya dati pang taga deliver ng Meralco bills. And Iglesia rin yun. So kinukunsinte nya maling gawain ng sarili nyang kapatid. :slap:

kurabo
28th Nov '07 Wed, 22:37
one last question lang poh.. pero hndi lang sa INC toh pati n rin sa iba.. agree b kayo n ang relihyon ang makakapagsalba sa inyo d2 sa lupa papunta sa langit.. mostly po kasi ng nakikita ko at naririnig ko sa ibang relihiyon ganun.. n parang nanggaling n sila sa langit.. n pag sumali k sa kanila assured k n sa kaligtasan..

pati about din poh sa iba n tintuligsa ang ibang relihyon o sekta na akala mo poh siguradong 100% sila n ang tama pero hndi ko rin namang sinasabing tama rin ang iba pero di b mali yun?(kasi naririnig ko lang po sa radyo(sabay may tawa pa)).. di poh b hndi bibliya ang basehan ng pananampalataya ng isang tao kundi kung paano niya ginagawa ng tama ang mga utos ng diyos.. hndi mo rin kailangan kabisaduhin ang lahat ng laman ng bibliya para makagawa k lng ng tama kasi di b bilang tao n may pananampalataya sa diyos.. alm nya un??

langitzu
28th Nov '07 Wed, 22:59
may tanong po ako...

bkit hindi matapos-tapos ang hidwaan ng INC at ADD?

napapanood ko pa rin kasi silang nag dedebate eh.. tapos minsan nag aasaran na lang.. kahit wala nang koneksyon sa biblia.. pati mga personal na buhay inuungkat na..

ayangko
28th Nov '07 Wed, 23:08
hello mga kapatid..

i hope na iingatan natin ang bawat sasabihin natin dito. kailan lang po ay may tagubilin sa atin, in fact topic pa nga sa buwanang pulong ng mga kapisanan, na mag-ingat sa paggamit ng internet. hindi ako salungat sa pagkakasimula ng thread na ito. ang bumabagabag sa akin ay baka may masabi tayo na mapanghawakan ng iba at gawing laban sa kabuuan ng relihiyon naten..

kung puro kumustahan at iba't ibang aktibidad ang mapag-uusapan dito, IMO, we can keep this thread going...

pero kung faith at mga teachings ang pag-uusapan, dis is not the right place. kung ang layunin natin ay makapag-akay gamit itong teknolohiyang ito, delikado. maraming beses na pong napatunayan.. ang tungkulin natin ay dalhin kung sino man ang nagnanais makinig ng mga aral natin sa mga pinakamalapit na dako ng gawain. doon ay makakausap nila ang mga ministro o manggagawa na makapagbibigay-linaw sa mga katanungan nila..

sa mga hindi po INC, no offense meant po. hindi sa ayaw naming sagutin ang mga katanungan niyo pero mas makabubuti po kung lalapit kayo (in person) sa mga kakilala niyong INC o kaya ay magsadya sa pinakamalapit naming kapilya. Kahit saan sulok ng Pilipinas meron po kayong makikitang kapilya. in fact, di lang sa Pilipinas meron nito, worldwide na po ang INC. kung hindi pa rin po kayo makakarating, marami kaming mga programa sa Net25 at GemTV sa lalong ikalilinaw ng mga katanungan ninyo. Gayundin sa radyo may mga programa din po kami. Kung babasahin naman po ang hanap niyo, meron kaming magazine na "Pasugo" o "God's Message.."

Yannah
28th Nov '07 Wed, 23:12
oo totoo yun katunayan hinihingian pa nga sila ng pera eh!!! :lmao:

excuse me lang ha... para sa kaalaman ng lahat, kapag ang isang kapatid sa Iglesia ay hindi nakasamba, totoong pinupuntahan sila para alamin kung bakit hindi sila nakasamba... pero it doesn't mean na kaya sila pinuntahan eh para hingan ng abuloy..
ang paghahandog sa Iglesia ay kusa at hindi sapilitan..

Yannah
28th Nov '07 Wed, 23:14
hello mga kapatid..

i hope na iingatan natin ang bawat sasabihin natin dito. kailan lang po ay may tagubilin sa atin, in fact topic pa nga sa buwanang pulong ng mga kapisanan, na mag-ingat sa paggamit ng internet. hindi ako salungat sa pagkakasimula ng thread na ito. ang bumabagabag sa akin ay baka may masabi tayo na mapanghawakan ng iba at gawing laban sa kabuuan ng relihiyon naten..

kung puro kumustahan at iba't ibang aktibidad ang mapag-uusapan dito, IMO, we can keep this thread going...

pero kung faith at mga teachings ang pag-uusapan, dis is not the right place. kung ang layunin natin ay makapag-akay gamit itong teknolohiyang ito, delikado. maraming beses na pong napatunayan.. ang tungkulin natin ay dalhin kung sino man ang nagnanais makinig ng mga aral natin sa mga pinakamalapit na dako ng gawain. doon ay makakausap nila ang mga ministro o manggagawa na makapagbibigay-linaw sa mga katanungan nila..

sa mga hindi po INC, no offense meant po. hindi sa ayaw naming sagutin ang mga katanungan niyo pero mas makabubuti po kung lalapit kayo (in person) sa mga kakilala niyong INC o kaya ay magsadya sa pinakamalapit naming kapilya. Kahit saan sulok ng Pilipinas meron po kayong makikitang kapilya. in fact, di lang sa Pilipinas meron nito, worldwide na po ang INC. kung hindi pa rin po kayo makakarating, marami kaming mga programa sa Net25 at GemTV sa lalong ikalilinaw ng mga katanungan ninyo. Gayundin sa radyo may mga programa din po kami. Kung babasahin naman po ang hanap niyo, meron kaming magazine na "Pasugo" o "God's Message.."

:yes: ayangko.. tama ka.. dapat siguro ilipat na ito sa general chat.. kasi binuo ang thread na ito para magkakilala ang mga INC member dito at hindi para makipagtalo sa ibang religion..

ayangko
28th Nov '07 Wed, 23:29
@ g_kid.. uy! me balita ako sa yo.. nakipamatok ka na daw sa di kapanampalataya! hala lagoooot! hehe...

(tayo lang nakakaintindi nun! :lmao:)

Yannah
28th Nov '07 Wed, 23:32
@ g_kid.. uy! me balita ako sa yo.. nakipamatok ka na daw sa di kapanampalataya! hala lagoooot! hehe...

(tayo lang nakakaintindi nun! :lmao:)

:lol: :quiet: kalang... :punish:

ayangko
28th Nov '07 Wed, 23:36
:lol: :quiet: kalang... :punish:

HAHAHA! Guilty!

Oy, mga kapatid me iuulat na tayo! :lmao:

Yannah
28th Nov '07 Wed, 23:38
HAHAHA! Guilty!

Oy, mga kapatid me iuulat na tayo! :lmao:

:lol: ay bad.. :D kaw ha...

Battosai
29th Nov '07 Thu, 11:02
one last question lang poh.. pero hndi lang sa INC toh pati n rin sa iba.. agree b kayo n ang relihyon ang makakapagsalba sa inyo d2 sa lupa papunta sa langit.. mostly po kasi ng nakikita ko at naririnig ko sa ibang relihiyon ganun.. n parang nanggaling n sila sa langit.. n pag sumali k sa kanila assured k n sa kaligtasan..

pati about din poh sa iba n tintuligsa ang ibang relihyon o sekta na akala mo poh siguradong 100% sila n ang tama pero hndi ko rin namang sinasabing tama rin ang iba pero di b mali yun?(kasi naririnig ko lang po sa radyo(sabay may tawa pa)).. di poh b hndi bibliya ang basehan ng pananampalataya ng isang tao kundi kung paano niya ginagawa ng tama ang mga utos ng diyos.. hndi mo rin kailangan kabisaduhin ang lahat ng laman ng bibliya para makagawa k lng ng tama kasi di b bilang tao n may pananampalataya sa diyos.. alm nya un??

Di siguro tama ang question na to for this thread.

hello mga kapatid..

i hope na iingatan natin ang bawat sasabihin natin dito. kailan lang po ay may tagubilin sa atin, in fact topic pa nga sa buwanang pulong ng mga kapisanan, na mag-ingat sa paggamit ng internet. hindi ako salungat sa pagkakasimula ng thread na ito. ang bumabagabag sa akin ay baka may masabi tayo na mapanghawakan ng iba at gawing laban sa kabuuan ng relihiyon naten..

kung puro kumustahan at iba't ibang aktibidad ang mapag-uusapan dito, IMO, we can keep this thread going...

pero kung faith at mga teachings ang pag-uusapan, dis is not the right place. kung ang layunin natin ay makapag-akay gamit itong teknolohiyang ito, delikado. maraming beses na pong napatunayan.. ang tungkulin natin ay dalhin kung sino man ang nagnanais makinig ng mga aral natin sa mga pinakamalapit na dako ng gawain. doon ay makakausap nila ang mga ministro o manggagawa na makapagbibigay-linaw sa mga katanungan nila..

sa mga hindi po INC, no offense meant po. hindi sa ayaw naming sagutin ang mga katanungan niyo pero mas makabubuti po kung lalapit kayo (in person) sa mga kakilala niyong INC o kaya ay magsadya sa pinakamalapit naming kapilya. Kahit saan sulok ng Pilipinas meron po kayong makikitang kapilya. in fact, di lang sa Pilipinas meron nito, worldwide na po ang INC. kung hindi pa rin po kayo makakarating, marami kaming mga programa sa Net25 at GemTV sa lalong ikalilinaw ng mga katanungan ninyo. Gayundin sa radyo may mga programa din po kami. Kung babasahin naman po ang hanap niyo, meron kaming magazine na "Pasugo" o "God's Message.."

Why so defensive? I mean, lahat naman siguro ng sinasabi ninyo dito is based on your faith. May masasabi ba kayo na pwedeng gamitin against your religion? Questions raised here by non-INC are mostly based on INC members who give your religion a bad name. If you stand by your faith, ano itatago mo diba? Ipagamalaki mo pa dapat ito.

O eto, from page 1, by the thread starter:

This thread is made for the Iglesia ni Christo members!

And we invite the INC members to please stay here for a while..

makibalita poh tau sa mga nangyayari.. dapat tayong maging

updated...

share nyo dito ang mga experience nyo.. at lahat2 na...

at we encourage everyone, if you have questions about us,

don't

hesitate to ask..

basta peace lng tau lagi.. no matter what your religion is, don't

forget that we're living in the same planet called Earth!

Aq pala c kapatid na Ermund Regacion

Nakatala sa Ecoland Dvo.

If you happen to visit at sumamba dun sa ecoland dvo.

please inform me para magkita nman tau!! God Bless To All!! :pray::pray:

Samahan nyo ng pictures yung mga latest huh para ma acquaint namn tau sa isat-isa..

thanks again! and God Bless!!

:salute:

wella1407
29th Nov '07 Thu, 11:26
i have nothing against inc. in fact malapit ko na sana matapos doktrina ko. medyo "natisod" lang. that's why sinusubaybayan ko tong thread na to. gusto ko masagot yong mga questions ko. pero may point din si kid. dapat siguro gumawa ng panibagong thread for personal questions bout this religion..

Aldzel
29th Nov '07 Thu, 11:36
sa 22o lng... hnd nmn dapat pagtalunan ung mga ganyan ehh.... ung iba lng tlga ung nagsi2mula.... kaya mas lumalaki pa ung issue.... db?

wannabe_Yba
29th Nov '07 Thu, 13:13
Sangayon ako kay Aldzel, di dapat pinagtatalunan ang tungkol sa mga bagay na panrelihiyon. May tamang lugar para pag-usapan yan at may tamang tao na dapat sumagot sa mga tanong, yaong may higit na kaalaman ukol jan. Kung may katanungan kau about sa religion lalo na po sa church namin ay mas magandang sumama po kayo sa aming mga bible study at may nararapat na taong sasagot sa inyong mga katanungan.

Aldzel
29th Nov '07 Thu, 13:17
Actually... It's not about the religion..... Its about GOD.... ryt?

ceekeigh
29th Nov '07 Thu, 13:34
Hello po sa inyong lahat.

Battosai
29th Nov '07 Thu, 14:12
Well, kaya siguro ginawa thread na to to clear up any misconceptions about the INC.

Sangayon ako kay Aldzel, di dapat pinagtatalunan ang tungkol sa mga bagay na panrelihiyon. May tamang lugar para pag-usapan yan at may tamang tao na dapat sumagot sa mga tanong, yaong may higit na kaalaman ukol jan. Kung may katanungan kau about sa religion lalo na po sa church namin ay mas magandang sumama po kayo sa aming mga bible study at may nararapat na taong sasagot sa inyong mga katanungan.

So you mean to say kailangan elder member pa ng INC ang sumagot sa questions aired here? :slap:

Lancelot
29th Nov '07 Thu, 14:18
@jayem: I'm Catholic, and I stand by my faith. Coincidence lang siguro at may mga nakikilala ako na from your religion na puro kalokohan at pagsisinungaling at pandaraya sa kapwa ang nasa utak. E di kaya nakakahalata yung mga dumadalaw na nangangaral sa kanila kasi ang bulag naman nila kung di nila nakikita na yung linya ng kuryente naka tap mismo sa poste at wala syang metro ng Meralco. Pati metro ng tubig wala sya.

guys wag po naten ibabase un nakikita naten sa religion nila, kc mas marami tayong hindi alam na kung bakit nangyayari ang mga bagay na yon sa buhay nila at wala po tayong nalalaman ukol sa buhay nila kung bakit humahantong sa ganoong sitwasyon...may mga kaukulang paliwanag jan, kung malapit ka sa kapilya sana dumalo ka sa doktrina at masagot ang lahat nais mong maitanong..

ilan cla na gumagawa nang ganung masama? 1, 2, 10? saken lang kung pagbabasehan mo un... meron tayong hindi nalalaman, kagaya ng .. ilan araw-araw ang nag-snatch ng cellphone at interbyu ng police anong religion mo? Catholic... kapag meron nang-rape.. anong religion mo? Catholic.. Sa dyaryo marami tayong mababasa di ba?

Noong unang panahon ng ating Panginoong HesuCristo, ay nangyayari na ang mga bagay na yan, si Judas ay kaanib na sa Iglesia at Apostol pa, ngunit anong nangyari sa kanya hindi bat gumagawa din cya ng masama? Si Zacarias at Safira at namatay dahil sa paggawa ng kasamaan at marami pa pang iba na hindi lubusang sumampalataya sa Dios..

Guys, i don't want to argue about this... and i don't even use internet to argue about kagaya ng nasabing tagubilin.. at lalo na rin na wala kaming itinitago na magiging against us.. ang ayaw lang namin mangyari ay baka hindi nyo maintindihan ang gusto namin ipahayag at iba ang magiging result, kaya sinasabi namin na mas formal na itanong mo lahat na nais mo sa malapit na kapilya jan sa inyo o kaya sa pamamahayag dahil meron open forum doon at para mas mahaba pa ang time na makapag-paliwanag.

Peace po..

-L

Aldzel
29th Nov '07 Thu, 14:21
hay... stop na po yan

aga_cruz
29th Nov '07 Thu, 14:30
pwede bang ang dating daan d2????

Aldzel
29th Nov '07 Thu, 14:34
Wla na po yan.... wla nang away-away.....

Battosai
29th Nov '07 Thu, 15:03
guys wag po naten ibabase un nakikita naten sa religion nila, kc mas marami tayong hindi alam na kung bakit nangyayari ang mga bagay na yon sa buhay nila at wala po tayong nalalaman ukol sa buhay nila kung bakit humahantong sa ganoong sitwasyon...may mga kaukulang paliwanag jan, kung malapit ka sa kapilya sana dumalo ka sa doktrina at masagot ang lahat nais mong maitanong..

ilan cla na gumagawa nang ganung masama? 1, 2, 10? saken lang kung pagbabasehan mo un... meron tayong hindi nalalaman, kagaya ng .. ilan araw-araw ang nag-snatch ng cellphone at interbyu ng police anong religion mo? Catholic... kapag meron nang-rape.. anong religion mo? Catholic.. Sa dyaryo marami tayong mababasa di ba?

Noong unang panahon ng ating Panginoong HesuCristo, ay nangyayari na ang mga bagay na yan, si Judas ay kaanib na sa Iglesia at Apostol pa, ngunit anong nangyari sa kanya hindi bat gumagawa din cya ng masama? Si Zacarias at Safira at namatay dahil sa paggawa ng kasamaan at marami pa pang iba na hindi lubusang sumampalataya sa Dios..

Guys, i don't want to argue about this... and i don't even use internet to argue about kagaya ng nasabing tagubilin.. at lalo na rin na wala kaming itinitago na magiging against us.. ang ayaw lang namin mangyari ay baka hindi nyo maintindihan ang gusto namin ipahayag at iba ang magiging result, kaya sinasabi namin na mas formal na itanong mo lahat na nais mo sa malapit na kapilya jan sa inyo o kaya sa pamamahayag dahil meron open forum doon at para mas mahaba pa ang time na makapag-paliwanag.

Peace po..

-L

Well, there is no argument in the first place. What I meant was, pagpasensyahan na ninyo, Catholic po ako at di nyo naman ako kailangan pang papuntahin sa isa ninyong Kapilya para mapaliwanagan. Di lang naman to for my benefit, para rin sa mga ibang tao kahit ano mang religion para ma clear up ang misconceptions sa INC. Ganun lang. Wala naman akong balak mang away dito. I just want an intelligent exchange of opinions. :)

With regards sa first paragraph mo, tancha ko mga 10 years na ang gawaing pagnanakaw nung kakilala ko, in fact, dinalaw pa ito at pinayuhan ng dalawa kong uncles. Yes, INC po uncles ko, di naman sila nanghihikayat sa amin na dumalo sa kapilya o sumali, nirerespeto nila na Catholic kami. Meron pa akong customer na nandaraya sa mga clients nya. Pati ako, biruin nyo 500 pesos lang mahigit 1 year bago ako mabayaran, samantalang umaabot ng hundred thousands ang kinikita nya. Anyway, pagkaalam ko based sa posts dito na automatic na tiwalag diba? Do you coordinate with the local government pag may member na lumalabag sa batas?

Furthermore, when it comes to elections, kung sino ang endorsed candidate ng INC kailangan ba yun rin ang iboto ninyo?

Ngayon, kailangan bang elder member ng INC ang makakasagot sa questions? What about younger members? Di ba counted pag nag comment kayo?

Peace rin po. :peace:

Aldzel
29th Nov '07 Thu, 15:09
alam nyo po? hnd nMn mada2an sa pag-ta2lo ung mga ganyang bagay eh....

juansen
29th Nov '07 Thu, 15:32
Hello.:excited:

Lancelot
29th Nov '07 Thu, 16:12
Well, there is no argument in the first place. What I meant was, pagpasensyahan na ninyo, Catholic po ako at di nyo naman ako kailangan pang papuntahin sa isa ninyong Kapilya para mapaliwanagan. Di lang naman to for my benefit, para rin sa mga ibang tao kahit ano mang religion para ma clear up ang misconceptions sa INC. Ganun lang. Wala naman akong balak mang away dito. I just want an intelligent exchange of opinions. :)

i know, and i respect that.. but this a not right place for you to exchange about opinions... opinions is still opinions .. and ends up to arguments pa rin kung meron hindi magkaintindihan..

sana maintindihan mo un nais namin ipahayag, sabi ko nga inaanyayahan ka namin sa mga pamamahayag para ma clear up ang misconceptions mo sa INC, then it is a better place..

pano kung ako magsisimula ng bagong thread para naman ma clear up misconception about CATHOLICS? and about their members? so.. but i do know hindi mo masasagot ang mga questions ko so better to go your priest at saka ako magtatanong, i know it is the right way.. :)

With regards sa first paragraph mo, tancha ko mga 10 years na ang gawaing pagnanakaw nung kakilala ko, in fact, dinalaw pa ito at pinayuhan ng dalawa kong uncles. Yes, INC po uncles ko, di naman sila nanghihikayat sa amin na dumalo sa kapilya o sumali, nirerespeto nila na Catholic kami. Meron pa akong customer na nandaraya sa mga clients nya. Pati ako, biruin nyo 500 pesos lang mahigit 1 year bago ako mabayaran, samantalang umaabot ng hundred thousands ang kinikita nya. Anyway, pagkaalam ko based sa posts dito na automatic na tiwalag diba? Do you coordinate with the local government pag may member na lumalabag sa batas?

you know at nararamdaman ko na still meron ka pa sympathy sa kanya.. at alam ko naiintindihan mo cya.. i mean sa members ng INC dahil nga sa masamang gawain nya.. ganun din kami, kaya dinadalaw at pinagsasabihan para makapagbagong buhay dahil sa masamang gawain... at marami naman ang nagbabagong buhay.

at saken naman baket kapag meron tayong nakitang kapitbahay or kahit sa ibang lugar na gumawa ng masama o kaya pusher at nahuli ng police.. baket parang wala lang... di ba? parang wala kang sympathy sa ka member nyo na catholic? at sa member ng INC ay nagliliparan ang mga critics ng iba..

Furthermore, when it comes to elections, kung sino ang endorsed candidate ng INC kailangan ba yun rin ang iboto ninyo?

nkasaad po sa bible na maging iisang paghatol..

this is my last post, hope you'll understand po..

peace and God bless you all po.

-L

Battosai
29th Nov '07 Thu, 18:52
Ok, point taken.

Sympathy dun sa kakilala ko? Matapos nyang murahin nanay ko at pinagbintangan na kami ang nagsumbong sa kanya sa Meralco (which is not true, probably ibang kapitbahay). No way.

ayangko
30th Nov '07 Fri, 00:05
Ok, point taken.

Sympathy dun sa kakilala ko? Matapos nyang murahin nanay ko at pinagbintangan na kami ang nagsumbong sa kanya sa Meralco (which is not true, probably ibang kapitbahay). No way.

Mr Battosai, it is very evident now na meron kang sama ng loob dun sa kakilala mong INC. Kung ako sa iyo para hindi ka na bagabagin ng sama ng loob mo e iulat mo siya sa kinatatalaan niyang lokal. Ilahad mo ng malinaw kung ano ang naging kasalanan sa iyo ng kapatid namin.. Tulad ng sinabi mo ay pinagpayuhan na siya in the past ng iba pang mga maytungkulin. kung magkakaroon man ulit siya ng panibagong ulat o reklamo, dis tym manggagaling sa iyo, ibig sabihin ay hindi siya nag-comply sa mga ipinayo sa kaniya. may kasunod na hakbang na po doon. so if you really care at gustong maalis ang bagabag mo, do the right thing. be strong. panindiganan mo kung ano man ang ie-expose mo.. ayoko namang sabihing natatakot ka sa kaniya. i know hindi naman. di ko lang ma-express ng tama. i'm sorry.

isa lang ang point ko dito, hindi kami nangungunsinti o nagtatakip sa kasalanan ng mga kapatid namin...

at nagpapasalamat ako sa iyo dahil mataas ang pagkakilala mo sa aming mga INC. ayaw mong nakakakita ng mga INC na nasa paglabag. tama po iyon. sa ganoon naman talaga kami tinuturuan na dapat mamuhay, walang paglabag..

sana lang pag me nakikita tayong hindi maganda sa isang kaanib ng INC, huwag nating i-stereotype o i-generalize na lahat ng INC ay ganung klaseng tao na..

and once and for all, gusto kong itama ang paniniwala mo. hindi kami defensive kung ayaw man naming sumagot dito about beliefs. ang hindi namin pagsasalita dito does not mean hindi kami naninindigan sa faith namin. pinaninindiganan namin ito more than our lives, more than you can possibly imagine, sir... at isa sa mga pinaninidiganan namin ay masagot ang mga katanungan niyo tungkol sa INC sa mga tamang lugar at tamang pagkakataon... hindi po dito yun...

i hope mr battosai, nkapagbigay-linaw sa iyo ito kahit paano..

ayangko
30th Nov '07 Fri, 00:24
i have nothing against inc. in fact malapit ko na sana matapos doktrina ko. medyo "natisod" lang. that's why sinusubaybayan ko tong thread na to. gusto ko masagot yong mga questions ko. pero may point din si kid. dapat siguro gumawa ng panibagong thread for personal questions bout this religion..

sayang naman po. sana magkaroon pa rin ng chance na matapos niyo nang tuluyan ang doktrina niyo...

kurabo
30th Nov '07 Fri, 00:45
agree po ako na mgkaroon ng bagong thread kung saan poh pwede magpalit ng mga opinyon at pananaw regarding with religion at hndi poh argumento kung saan ipipilit kung ano ang inyong paniniwala sa iba.. kasi ako poh as a former catholic.. marami rin sana akong gus2ong itang sa INC.. gusto ko lang maliwanagan sa relihyon nyo.. kasi po maraming leader ng INC ang "para po sa akin" lamang ay hndi n poh tama ang ginagawa.. katulad n lang poh ng walang humpay n panunuligsa sa ibang relihiyon.. kaya poh pati ang miyembro n sumusunod lamang at gumagawa lamang ng tama at naayon sa kanilang paniniwala ay nadadamay sa ginagawa ng leader..
ito'y aking pananaw lamang..

at pagpasensyahan nyo n poh ko sa aking mga naunang post kung mejo nakakoffend poh.. paxensya n poh

jayem
30th Nov '07 Fri, 17:22
i've been away from my computer a while, naging busy ako sa trabaho. sorry for that, leaving the thread nice no arguments at all makes me happy pero pagbalik ko eh may mga misunderstanding na yata.

in the first place nagpost ako dito, sabi ko may pagpupulong na dati na di dapat gamitin ang internet for such discussions, but then may isang kapatid (actually, catholic) na nagtanong about handugan so i answered it just for that question, and i actually encouraged him na pumunta ng kapilya para makadinig ng doktrina.

mga kapatid, this thread literally is for INC na gustong maginteract between Brothers/Sisters who are using this forum. so for those who have questions regarding our faith, you may just talk to pastors o kaya sa mangagawa para maiexplain po ang lahat sa inyo. its up to you kung maniniwala po kayo or not, sa min po kasi walang sapilitan. gusto lang namin ihayag sa mga tao ang mga salita ng diyos na makakatulong sa tin for our salvation.

im sorry if im not going to answer your questions anymore, ayokong magkaroon ng misinterpretations at misunderstanding lalo na at wala ako sa position for this kind of discussions.

again, sana this thread will be keep for INC's na gustong makipaginteract sa iba pang kapatid through internet and for those who have questions, pm niyo ako at ibibigay ko sa inyo ang address ng pinakamalapit na kapilya sa inyo para dun ay makapagtanong kayo.

god bless everyone

jayem
30th Nov '07 Fri, 17:28
agree po ako na mgkaroon ng bagong thread kung saan poh pwede magpalit ng mga opinyon at pananaw regarding with religion at hndi poh argumento kung saan ipipilit kung ano ang inyong paniniwala sa iba.. kasi ako poh as a former catholic.. marami rin sana akong gus2ong itang sa INC.. gusto ko lang maliwanagan sa relihyon nyo.. kasi po maraming leader ng INC ang "para po sa akin" lamang ay hndi n poh tama ang ginagawa.. katulad n lang poh ng walang humpay n panunuligsa sa ibang relihiyon.. kaya poh pati ang miyembro n sumusunod lamang at gumagawa lamang ng tama at naayon sa kanilang paniniwala ay nadadamay sa ginagawa ng leader..
ito'y aking pananaw lamang..

at pagpasensyahan nyo n poh ko sa aking mga naunang post kung mejo nakakoffend poh.. paxensya n poh

kapatid, as we have told everyone here di kami pwede sumali sa mga forums about discussions specifically tungkol sa faith namin. may mga manggagawa/ministro po kami na makakatulong sa inyo at makakasagot sa mga tanong niyo.

mas maganda yun kapatid, para malaman mo na rin ang sagot sa mga tanong mo. asahan ka namin, sana eh magpunta ka sa mga kapilya at maliwanagan ka. :)

jayem
30th Nov '07 Fri, 17:39
maganda tong thread na ito for INC, ang saya at ang sarap kapag kapatid sa pananampalataya ang kausap mo lalo na tungkol sa mga activity. mas maganda siguro kung ipadelete na lang natin tong thread na ito tapos gawa tayo ng isa pang thread for INCs, pwede rin sana ang ibang relihiyon pero wala sanang questions about faith and teachings, dapat na natin ipaubaya yan sa mga mangagawa natin na nagaral para ikalat ang salita ng diyos.

ganito siguro, please pm me with your complete information para mafilter ko yung mga totoong kapatid.

mga kapatid suggest kayo ng format. eg..

1. name(would it be complete name?)
2. address, kahit wala ng street number for your privacy and protection.
3. purok
4. lokal
5. distrito

dagdagan niyo pa po, suggest lang po kayo para mafilter natin yung mga totoong kapatid at para malaman natin ang mga troll lang sa forums.

suggestion ko din sana may isa pang tumulong sa kin. hehe

peace..

KONOG
2nd Dec '07 Sun, 18:52
wow tama ka dyan

anyways malapit na ang thanksgiving
happy thanksgiving sa ating lahat!

kurabo
4th Dec '07 Tue, 11:17
kapatid, as we have told everyone here di kami pwede sumali sa mga forums about discussions specifically tungkol sa faith namin. may mga manggagawa/ministro po kami na makakatulong sa inyo at makakasagot sa mga tanong niyo.

mas maganda yun kapatid, para malaman mo na rin ang sagot sa mga tanong mo. asahan ka namin, sana eh magpunta ka sa mga kapilya at maliwanagan ka. :)

try ko.. kaso baka katulad din ng niba.. pag nagtanong ka lng pipilitin kang sumali at babalik balikan k s bhay at pipilittin sumali which is quite annoying..:lol:

pero try ko marami kasi akong gusting malamn ng hndi mhusgahan ang INC ng mali.. like katulad ng ngaun..

Battosai
4th Dec '07 Tue, 12:25
What if magpa join kayo ng ministro nyo dito? :)

QuReNai`™
7th Dec '07 Fri, 14:34
isa Kong INC>> sa Lokal Ng CeNtRaL..`

KONOG
7th Dec '07 Fri, 19:26
isa Kong INC>> sa Lokal Ng CeNtRaL..`
hello musta kapatid!!

jayem
8th Dec '07 Sat, 15:52
maganda tong thread na ito for INC, ang saya at ang sarap kapag kapatid sa pananampalataya ang kausap mo lalo na tungkol sa mga activity. mas maganda siguro kung ipadelete na lang natin tong thread na ito tapos gawa tayo ng isa pang thread for INCs, pwede rin sana ang ibang relihiyon pero wala sanang questions about faith and teachings, dapat na natin ipaubaya yan sa mga mangagawa natin na nagaral para ikalat ang salita ng diyos.

ganito siguro, please pm me with your complete information para mafilter ko yung mga totoong kapatid.

mga kapatid suggest kayo ng format. eg..

1. name(would it be complete name?)
2. address, kahit wala ng street number for your privacy and protection.
3. purok
4. lokal
5. distrito

dagdagan niyo pa po, suggest lang po kayo para mafilter natin yung mga totoong kapatid at para malaman natin ang mga troll lang sa forums.

suggestion ko din sana may isa pang tumulong sa kin. hehe

peace..

up lang po

http://symbianize.com/showthread.php?t=14845&page=6

pot2
13th Dec '07 Thu, 15:27
Im also a member of INC local ng Las Pinas

pot2
13th Dec '07 Thu, 15:31
Malapit na pasalamat sa Dec 15 na...Happy Thanks Giving To all INC

KONOG
15th Dec '07 Sat, 01:13
yeah happy thanksgiving!!!

jayem
15th Dec '07 Sat, 13:03
happy thanksgiving mga kapatid

jerbytorres
16th Dec '07 Sun, 17:30
@jayem: I'm Catholic, and I stand by my faith. Coincidence lang siguro at may mga nakikilala ako na from your religion na puro kalokohan at pagsisinungaling at pandaraya sa kapwa ang nasa utak. E di kaya nakakahalata yung mga dumadalaw na nangangaral sa kanila kasi ang bulag naman nila kung di nila nakikita na yung linya ng kuryente naka tap mismo sa poste at wala syang metro ng Meralco. Pati metro ng tubig wala sya.

And with regards sa pagwawakas, walang nakakaalam nyan kundi ang Diyos. Centuries have passed and maraming kaguluhan ang nangyari pero nandito pa rin ang mundo.

Peace. :peace:

ay nku!tama ka walang nakakaalam kung kylan darating ang pagwawakas kundi ang diyos at jesus christ lang!kya nga tinuturo sa amin ang ganap na paghahanda ng pagdating ng pagwawakas!nariyan ang ganap na pagbabagong buhay,yan ay isa lamang sa pagtuturo sa amin ng aming relihiyon.kz naman sinabi sa bible na itinulad sa taong magnanakaw ang pagdating ni kristo o ang tinatawag na pagwawakas,eto tanong?kung ikaw ay alam mo ng may magnanakaw sa inyo,di ka pa ba maghahanda?ganun din yun sa paghuhukom o pagwawakas,kylangan mong maghanda sa pagdating na arw na un!ganun tlga ginawa ng diyos,xe kung alam mo nga naman ung araw ng pagwawakas edi ung mga tao gagawa ng mga kasamaan at iba pa at pag nalalapit na ung araw na un ay saka pa magbabagong buhay?tama ba?:pray:

jayem
17th Dec '07 Mon, 17:55
Mga kapatid musta po pasasalamat natin kahapon?

hehe ako ang aga ko gumising kaya lang ang bilis ng oras, kaso pagdating ko sa kapilya mga 5:20am, aba'y punong-puno na. ayun nasa labas ako. hahaha.

anyway, saya after ng pagsamba, ang sarap ng pakiramdam.

jayem
19th Dec '07 Wed, 19:37
musta na mga kapatid, mukhang busy ah.. God bless to all

KONOG
20th Dec '07 Thu, 03:39
ako maaga kami umalis pero nasa balcony na kami... inagahan ko para maabutan lahat ng awit...
tama ang sarap ng pakiramdam... gumaan iyong loob ko....

smart41
20th Dec '07 Thu, 07:23
ako nakatala sa panacan bro.........

ayangko
20th Dec '07 Thu, 07:31
:hello: sana dumami pa tayo dito.. :D

eye_0122
23rd Dec '07 Sun, 22:45
hi mga kapatid! pasenxa nah huh? medyo nawala na aq sa net cafe kaya di q na napangalagaan mabuti itong thread nah toh... dami na pala nangyayari dito....

well about the recently asked questions,, we are just members of the INC.. we are not really allowed to teach specially the non INC members...^_^

About Battosai... maybe i suggest that you should come to our church! sasamahan pa kita if you like???

Mga kapatid!! God Bless sa Lahat!!! I love yah all!!

Dont worry! as soon as i got my laptop, i will always update this thread!! mwuahugsss to all!! by the way nakatala na aq sa Harrison, Pasay City now... so kitakitz nlang poh!!!

pogi_c_gio
24th Dec '07 Mon, 12:01
INC here..
from Locale of North Hollywood, CA..
^_^

pogi_c_gio
24th Dec '07 Mon, 12:03
mas masarap psalamat ng PNK sa pinas kesa dito.. sa pinas kc, ang giveaways, madalas may prutas tska mga chocolates.. d2, mga laruan na made in china.. hehe..

eye_0122
24th Dec '07 Mon, 13:39
ahahah... yuh.. so kumustah pagsamba kahapon?? mabiyaya bah?

chrono_dude
26th Dec '07 Wed, 02:41
mga bro ang saakin lang ha? saamin kc required ang 10% sa mga mai trabaho. ang saakin nmn 10% man yan o 100% ok lang na ibigay ko un sa panginoon. bkit mo iicpn ang para sau kung ang lahat ng kinita mo ay galing sa panginoon. dba sa matthew mai matandang pulubi na pmuntang templo. ibinigay nya lahat ng kanyang pera sa templo. hindi bat npaka gandang halimbwa un? kung iicpn mo nmn na kung ibibigay mo ang 10% mo mbabawasan ang pangkain at pang gastos mo db? alam nyo mga kapatid. God is always there to help. d man directa pero gagamit xa ng ibang tao para tumulong sayo. and sabi nga nila God will provide dba?

ayangko
26th Dec '07 Wed, 19:25
mas masarap psalamat ng PNK sa pinas kesa dito.. sa pinas kc, ang giveaways, madalas may prutas tska mga chocolates.. d2, mga laruan na made in china.. hehe..

ganun ba? mamimis mo nga yung pasalamat ng pnk dito kung ganyan jan..

actually bro, nsa PNK ako. kami yung nag-ayos nung mga giveaways.. ansaya mag-repack habang madami kayo magkakasama at naamoy mo yung bango apple.. hehe.. :D

prettynetz05
29th Dec '07 Sat, 21:00
mga bro ang saakin lang ha? saamin kc required ang 10% sa mga mai trabaho. ang saakin nmn 10% man yan o 100% ok lang na ibigay ko un sa panginoon. bkit mo iicpn ang para sau kung ang lahat ng kinita mo ay galing sa panginoon. dba sa matthew mai matandang pulubi na pmuntang templo. ibinigay nya lahat ng kanyang pera sa templo. hindi bat npaka gandang halimbwa un? kung iicpn mo nmn na kung ibibigay mo ang 10% mo mbabawasan ang pangkain at pang gastos mo db? alam nyo mga kapatid. God is always there to help. d man directa pero gagamit xa ng ibang tao para tumulong sayo. and sabi nga nila God will provide dba?

Ano po religion nyo?

eye_0122
30th Dec '07 Sun, 16:23
hello mga kapatid! kumustah! sa lokal nmin tomorrow may panata for the comin year! hope kau din dalo kau... sabay2 taung mag pray..

prettynetz05
31st Dec '07 Mon, 20:03
katatapos lang po samin...
advanced Happy New Year po mga kapatid!:clap:

zhious
4th Jan '08 Fri, 23:51
dagdag nyo po ako..

Lokal ng Paco
Metro Manila North

Yannah
4th Jan '08 Fri, 23:55
dagdag nyo po ako..

Lokal ng Paco
Metro Manila North

kilala mo si ka arnel? yung organist dyan po ? :noidea:

zhious
5th Jan '08 Sat, 00:05
sa hitsura lang po siguro.. tatlo lang naman organista dun.. :lol:

prettynetz05
5th Jan '08 Sat, 10:27
dagdag nyo po ako..

Lokal ng Paco
Metro Manila North

:welcome: po!

jayem
5th Jan '08 Sat, 13:44
dagdag nyo po ako..

Lokal ng Paco
Metro Manila North

Welcome po!!!:pray::wave::welcome:

eye_0122
5th Jan '08 Sat, 16:01
dagdag nyo po ako..

Lokal ng Paco
Metro Manila North

Welcome poh!!hehehe im proud nah dami na natin dito...:excited::excited::excited: Mga kapatid? may pulong poh kami mamaya sa bahay sambahan! tsaka bukas c ka eduardo ang mangangasiwa sa aming lokal!! mabiyaya poh ang pagsamba bukas!

zhious
6th Jan '08 Sun, 13:50
thanks po sa welcome..

@eye
musta po pagsamba?
nakakamay ka po ba kayo?

pablo22
9th Jan '08 Wed, 12:46
magadang tanghali po sa inyo magpapatulong lang po ako kung kanino po ako pwede magpa akay dahil gusto ko po sana mag iglesia... makati area po ko....:)

ceekeigh
9th Jan '08 Wed, 13:16
@ boss pablo22 - try mo pumunta sa malapit na lokal ng iglesia ni cristo sa lugar nyo at kumausap kayo sa mga kapatid at sabihin nyo na gusto nyo magpaakay.

pablo22
9th Jan '08 Wed, 13:24
salamat po:)

ceekeigh
9th Jan '08 Wed, 13:47
Wala pong anuman bossing, sigurado naman aasikasuhin kayo sa pupuntahan ninyong lokal.

prettynetz05
14th Jan '08 Mon, 14:17
magadang tanghali po sa inyo magpapatulong lang po ako kung kanino po ako pwede magpa akay dahil gusto ko po sana mag iglesia... makati area po ko....:)

dahil nasagot na ni ceekeigh,

magsabi lang po kayo kung may maitutulong pa kami... :)

God Bless po!

By the way, may taga-bataan po ba sa inyo mga kapatid?

globenet25user
26th Jan '08 Sat, 19:09
This thread is made for the Iglesia ni Christo members!

And we invite the INC members to please stay here for a while..

makibalita poh tau sa mga nangyayari.. dapat tayong maging

updated...

share nyo dito ang mga experience nyo.. at lahat2 na...

basta peace lng tau lagi.. no matter what your religion is, don't

forget that we're living in the same planet called Earth!

Aq pala c kapatid na Ermund Regacion

Nakatala sa Ecoland Dvo.

If you happen to visit at sumamba dun sa ecoland dvo.

please inform me para magkita naman tau!! God Bless To All!! :pray::pray:

Samahan nyo ng pictures yung mga latest huh para ma acquaint naman tau sa isat-isa..

thanks again! and God Bless!!

kuya pwdi po bang paki delete na 2ng tread na i2?? kung ok lang po may naaamoy na kc akong di pagkakaunawaan.. or just replace this threads.. na hikayatin nalang natin silang manood ng net25

maraming salamat po

:peace:

jayem
2nd Feb '08 Sat, 16:42
bakit naman po buburahin? ang importante po nandito lang tong thread na to para sa mga kapatid para magkamustahan, kung may magtanong man o pumuna ng tungkol sa faith natin eh wag na lang natin sagutin sa thread na ito, better advice them na magpunta na lang sa malapit na kapilya sa kanila at dun magpadoktrina.

welcome pa rin natin yung ibang di kaanib sa INC pero it should be plain at walang halong debate sa thread na ito.

jonzon
5th Feb '08 Tue, 12:51
gandang araw po ka Jon2 po, guro sa pnk...maganda itong thread na to para magkakilalakila tayo, kaya lang nahahaluan ng konting pagtatalo, basta talaga relihiyon ang pag uusapan kahit gaano kaganda ang usapan humahantong sa kaunting pagtatalo na hindi naman dapat...kung pwede lang po sana para maiwasan ang di pagkakaunawaan wag na lang natin sagutin ang mga katanungan (hindi dahil sa hindi natin kaya sagutin kaya lang hindi maganda na dito tayo magpapaliwanagan) no offense sa mga mag tatanong ukol sa aming pananampalataya kung sinabi ko na wag nalang sagutin dito, kasi merong tamang dako upang pag usapan ang mga bagay ukol sa pananampalataya, hindi ba mas maganda kung talagang gusto ninyong malaman ang tungkol sa Iglesia ni Cristo makipag usap nalng po kayo nang personal at upang makapagtanong ng mas marami at tiyak naman na masasagot kaagad ang inyong katanungan sa pamamagitan ng Biblia...Tandaan natin ano mang paniniwala o pananampalataya kung hindi sasampalatayanan ng iba mauuwi sa pagtatalo...para maging malinis ang thread na ito kamustahan nalng at balitaan....salamat po..

Agent_Zero
5th Feb '08 Tue, 12:54
hello po sa mga kapatid taga lokal po ng Guadalupe

jonzon
5th Feb '08 Tue, 13:05
ano kaya kung mag organize tayo ng sports activity like basketball sa mga mahihilig mag basketball,,,kaya lang iba-iba pala lokal natin mag kakalayo pa wag nalang he,he,he:lol: