PDA

View Full Version : magkano salary mo?

Pages : [1] 2

kid101
22nd Sep 2009, 11:51
just wanna know if magkano po yung mga sahod ng mga IT pro dito, like mga SA,SE,DBA,IT project manager(malaki to for sure),etc. ::beat::beat::beat:

kid101
23rd Sep 2009, 16:20
aww. walang pumapansin sa thread ko. share na kayo guys.

justjes_02
8th Oct 2009, 11:45
im a computer literate graduate but im here in pawnshop..

then my salary per month is 6500 pesos only..

learsi
8th Oct 2009, 12:00
ako dito sa province.. CompE , encoder daw (all around) in an Internet Business Service 8500 per month...

Lovely Face
11th Oct 2009, 01:56
unethical kasing pagusapan ang sueldo boy...

flint28
11th Oct 2009, 12:04
Paki explain kung bakit unethical pag usapan ang sahod? D ko kasi maisip kung bakit eh..

putamen
12th Oct 2009, 11:34
its personal kase and not everyone is comfortable discussing their finances.

flint28
14th Oct 2009, 14:27
Nahihiya kasi maliit siguro.. No offense to anyone..

DCLXVI
14th Oct 2009, 14:45
nung sekyu ako, 5000/month
nung sa factory ng sapatos nman eh pakyawan, minsan umaabot lng ng 4k/month minsan 7/month

now sariling biz... tshirt printing pag may tangap kita agad 1000/day at blogging, kaso wala pa ko ads :rofl: basta sariling biz na, may laptop na ako so tumatangap ako ng mga designs and cad designs... lahat ng kaya ko, ginagawa ko... mas ok pag sariling biz eh... kahit 1k lng pera, pag gagamitin ang utak, pwede, minsan nga laway lng ang puhunan...

sya nga pala, computershop ako dati work, 1500 lng sweldo, tatlong buwan pang d pinasahod amfufu... all around pa ako dun, technician din po kac ako... kaya mas ok parin sariling biz....

SARILING BIZ, THE BEST

yured
14th Oct 2009, 14:47
yup.. mahirap naman sabihin yung salary mo...

im an IT, developer work ko, salary? secret.... heheh....

geleca
14th Oct 2009, 14:51
Nako malaki kung project manager... Sa call center ako dati 22K ang sweldo...ngayon nurse, sana makaalis na para mas malaki sweldo

yured
14th Oct 2009, 14:59
Nako malaki kung project manager... Sa call center ako dati 22K ang sweldo...ngayon nurse, sana makaalis na para mas malaki sweldo

laki ng sweldo mo brad....

target ko next year 30K... sana maabot...

geleca
14th Oct 2009, 15:06
sa province na call center ako...first job ko po and girl po ako..hehe
Naka-tsamba lang, apply ko kase agent lang, bigla ako napapasok as Agent support Level 2 kaya medyo malaki sweldo, di pa natanggap ng calls. Floor support lang Sayang nga kung di lang ako nurse, ok na sa akin yun eh.Kaso mas malaki pag aalis ako dito..

yured
14th Oct 2009, 15:15
hehe... kala ko lalaki, kasi yung sign mo.... hihihi...

province tapos 22K? laki lalo..

dontwotymz
20th Oct 2009, 15:21
salary ko as a production operator is 5,400 per kinsenas(10,800 a month) puro Overtime kasi

dave_england03
29th Oct 2009, 13:08
nung sekyu ako, 5000/month
nung sa factory ng sapatos nman eh pakyawan, minsan umaabot lng ng 4k/month minsan 7/month

now sariling biz... tshirt printing pag may tangap kita agad 1000/day at blogging, kaso wala pa ko ads :rofl: basta sariling biz na, may laptop na ako so tumatangap ako ng mga designs and cad designs... lahat ng kaya ko, ginagawa ko... mas ok pag sariling biz eh... kahit 1k lng pera, pag gagamitin ang utak, pwede, minsan nga laway lng ang puhunan...

sya nga pala, computershop ako dati work, 1500 lng sweldo, tatlong buwan pang d pinasahod amfufu... all around pa ako dun, technician din po kac ako... kaya mas ok parin sariling biz....

SARILING BIZ, THE BEST

:praise:

Saludo ako sayo brad! Ang dami ng pinagdaanan mo from sekyu to blogging at designing. Maganda nga may sariling business ngayon, lalo na sa mga fresh grads yung iba ayaw na mangamuhan at masyadong idealistic. Dahil sa hirap nga naman ng buhay.

Ako salary ko nung nag start ako as Multimedia Service Provider, 10,800.. Ngayon Na double na rin halos, + may racket pa at web hosting. Pero plano ko rin magtayo ng business / office din. para sa sarili kong contrata sa clients.

Well, masarap din may malaking dream ka, at least iniisip mo na kung san ka papunta at kung nasan ka na ngayon.

IT pa rin ako pero di na service provider. Manager na! I even get the chance to go to other countries na rin na hindi ko nagagawa noon. Its not on the salary but sa guts, kagaya ng poster na quote ko. Bilib ako sayo! :excited:

capt_nemo777
30th Oct 2009, 09:04
ako sa bahay lang ako nagwowork, software tester, magkano sahod ? = secret :naughty:
kapag meron ako gustong gadget na bilhin, nagiging developer ako, magkano ang kita? = secret ulit :naughty:

try mo mag developer or tester bro, mas OK sa IT ang software field ;)

joop
31st Oct 2009, 21:17
ok din naman kita sa field ko just a little bit over than what everybody have earned?!

rure31187
31st Oct 2009, 21:50
registered nurse ako pero im currently working as a supervisor in a govt funded survey, 21k sahod. help me kung sang hospital pa sa manila ang open for employment.

striker_01
1st Nov 2009, 13:08
ako sa bahay lang ako nagwowork, software tester, magkano sahod ? = secret :naughty:
kapag meron ako gustong gadget na bilhin, nagiging developer ako, magkano ang kita? = secret ulit :naughty:

try mo mag developer or tester bro, mas OK sa IT ang software field ;)

Pwedi ba akong mag apply diyan bRo..?

zhyke08
1st Nov 2009, 14:38
me I.T.. sahod ko? secret..:lol:

cadwrOELsz
15th Dec 2009, 12:32
me, IT System Support..salary?>>secret :) liit lang kasi.

singetsu
15th Dec 2009, 12:49
Network Admin...salary? secret

Lestercoloso
15th Dec 2009, 13:07
sahod q presidente ng kumpanya? kumapanya ng karinderya ni totoy? secret!!

wizo11
15th Dec 2009, 13:23
CC ambassador?secret.wah

flying_butete
15th Dec 2009, 13:50
Ganda naman mga sahud nyu! Sana magkarun na ku ng buhay nextyear lagi aku patay!Tsktsk

dlegendkiller
23rd Dec 2009, 13:02
Ako ay isang DB Administrator, Software Analyst, Software Engineer, Software Developer, and lastly, a liar. hahaha

i've worked before nung last summer, summer jobs. student pa lang kasi ako. and mababa sahod

net_warrior
31st Dec 2009, 17:15
unethical kasing pagusapan ang sueldo boy...

eth⋅i⋅cal
  /ˈɛθɪkəl/ [eth-i-kuhl]

–adjective
1. pertaining to or dealing with morals or the principles of morality; pertaining to right and wrong in conduct.

base on this link, unethical (You can see links before reply), yan ang definition ng ethical nga lang.

Synonyms:
2. moral, upright, honest, righteous, virtuous, honorable.

Antonyms:
2. immoral.

wala naman siguro akong nakikitang immoral sa pagtatanung ng sweldo base sa definition ng "ethical." kaya nga natanggalan ng lisensya si Hayden Kho dahil sa immoral ang ginawa nya. :noidea:

its personal kase and not everyone is comfortable discussing their finances.

asking a woman if she's still a virgin or not, that is personal. hindi kumportableng pagusapan ang sweldo kung hindi rin siya kumportable sa ginagawa nya or hindi satisfied sa trabaho nya. kaya nga ang iba ay nag-aabroad para sa mas maganda oportunidad dahil sa mas malaking sweldo. kapag malaki naman sahod comfortable naman sabihin kung magkano. :slap:

ke_nji_666
1st Jan 2010, 16:40
Ako laptop technician lang sa gilmore 18k/ month + may 40% ako na nakukuha every board na marerepair ko ayun iba iba hehehe fix yung 18k ko a month ok na rin para sa kin kahit papano.....;)

JEANROSE_24
2nd Jan 2010, 12:49
Ako walang akong trabaho ngaun sna nga kumita ako dito sa symbianize

net_warrior
2nd Jan 2010, 19:41
Ako walang akong trabaho ngaun sna nga kumita ako dito sa symbianize

pareho tayo. kung pwede lang ma-convert sa pera yung status level ko eh. :clap:

creepstock
4th Jan 2010, 17:21
Ako walang akong trabaho ngaun sna nga kumita ako dito sa symbianize

mag-online jobs ka.:thumbsup:

babnoob
4th Jan 2010, 19:11
aq at ung iba pang mga bata<pinoy><college 1st yr>! sa hack fourms.... eh gumagawa lang ng mga malwares/keyloggers/stealers/rats etc bsta tunkol sa hacking.... guamgawa kami ng mga fud= fully undetected by AV=antivirus na mga software!!

kung alam mo lang mag proggramming sa vb .net , c++ , python etc!

pwd kang kumita!! bawat sofware mo ay 5-50$

paid ka using paypal/alertpay/union bank!!!!

'
ang prob pano makukuha ung pera!

antigloria2010
4th Jan 2010, 19:35
hays........... IT grad lang ako, kinalagpakan kong mga work dati eh clerical lang sa mga semicon companies.. sa 1st job ko mababa sweldo 7k lang ata monthly ko, sa 2nd job american company 16k pataas sahod ko mas magaan pa ang trabaho malas nga lang tinamaan kami ng global recession hehehe.... now ako nagmamanage ng computer shop namin, sahod ko wala

fishfillet
4th Jan 2010, 19:46
Ako po ay hamak na local government employee sa probinsiya. Net ko po ay P11,500.00.

Work ko po ay webmaster, cum network administrator, at linux sys ad (trying hard!).

Buti na lang bait ang mayor ko, basta ka na lang aabutan, minsan mas malaki pa sueldo ko.

At the side, may konti sa sulit, tapos I also offer webhosting services, computer repair, networking services at website developer.

Minsan, nayaya din akong maging speaker on Joomla at Basic Linux... pero dun lang ako magaling... ang magsalita pero not really an expert po, malayo pa po sa gusto kong maabot na skill level.

So how much talaga ang monthly ko? Umaabot din ng halos P26,000 a month, depende sa racket. Medyo ok na din kapag nasa probinsiya ka.

creepstock
4th Jan 2010, 23:27
So how much talaga ang monthly ko? Umaabot din ng halos P26,000 a month, depende sa racket.

gandang tip 'to sa mga gustong kumita ng malaki. raket lang raket. :lol: ako kahit may regular na trabaho, dami pa rin side jobs. magkano salary? malaki naman, magastos nga lang ako.

my_knight0314
4th Jan 2010, 23:39
ako 15K dati nag ojt ako sa singapore. pagbalik ko dun maybe mga 60K a month ang sahod ko..

Roanne^^
2nd Feb 2010, 18:16
Ask ko lang mag kan0 kaya salary ng sm mall's sales clerk,saleswoman,salesmen ? Fix m0nthly salary din kaya sa kanila? Nursing grad ak0 so baka un nalang siguro pasukin ko, ahm.. Any idea, mag isa k0 nalang tinutustusan sarili ko at pa ubos nadin budget ko.. Thanks

my_knight0314
3rd Feb 2010, 08:07
Ask ko lang mag kan0 kaya salary ng sm mall's sales clerk,saleswoman,salesmen ? Fix m0nthly salary din kaya sa kanila? Nursing grad ak0 so baka un nalang siguro pasukin ko, ahm.. Any idea, mag isa k0 nalang tinutustusan sarili ko at pa ubos nadin budget ko.. Thanks

depende sa company na papasukan mo.. ang alam ko dun sa friend ko 11K plus commision pagmalaki benta mo.. ayon... hirap maghanap ng work ngayon. lalo na mga nursing.. try mo Call center..

Bill Gates
3rd Feb 2010, 08:32
Ask ko lang mag kan0 kaya salary ng sm mall's sales clerk,saleswoman,salesmen ? Fix m0nthly salary din kaya sa kanila? Nursing grad ak0 so baka un nalang siguro pasukin ko, ahm.. Any idea, mag isa k0 nalang tinutustusan sarili ko at pa ubos nadin budget ko.. Thanks

minimum salary rate..

Basic Pay ------------ P 325.00

COLA ----------------- P 50.00

Gross Pay ----------- P 375.00/day

approx. 375.00 x 26 days = P 9750.00

baka take home pay mo P 9000.00.. pwede na sa walang pamilya

rakhistha2
3rd Feb 2010, 08:40
Ako, as an IT professional, pumapatak ng 40-50k a month koh..sa SAP kasi ako..

n_oandasan
15th Apr 2010, 21:08
ayaw ko rin web developer ako d2 sa brunei bakit sabihin ko.... sensya kana pre. magtanung ka lang about web

xHidex
17th Apr 2010, 00:43
ako ay hamak na programmer. . magkano sahod ko? depende sa mapupulot at mabebenta ko sa junkshop :rofl:

basurero at dyaryo bote :thumbsup: :rofl:

junfred
18th Apr 2010, 19:22
ako isang engineer sa semicoductor company, first job ko salary=14000

empoy
18th Apr 2010, 19:45
ako isang engineer sa semicoductor company, first job ko salary=14000

14K for an Engineer? :D

mharwie
19th Apr 2010, 10:40
Guys click this site po. You can see links before reply It will help you to grow financially! Promise hindi kau magsisisi at malaki ang maitutulong nito sa financial problem. God Bless all!! Get you're blessing now!

junfred
24th Apr 2010, 11:06
14K for an Engineer? :D

Yupz pare, pang experience lng fresh grad. Kasi.. Liit noh? Hehehe..

Baka hiring sa company nyo? Lipat ako dyan..B-)

chano
27th Apr 2010, 12:21
ako tambay! baon lang!

nidzky_art
30th Apr 2010, 00:37
100/hour 8 hours a day government employee

flint28
23rd Feb 2011, 08:39
nung sekyu ako, 5000/month
nung sa factory ng sapatos nman eh pakyawan, minsan umaabot lng ng 4k/month minsan 7/month

now sariling biz... tshirt printing pag may tangap kita agad 1000/day at blogging, kaso wala pa ko ads :rofl: basta sariling biz na, may laptop na ako so tumatangap ako ng mga designs and cad designs... lahat ng kaya ko, ginagawa ko... mas ok pag sariling biz eh... kahit 1k lng pera, pag gagamitin ang utak, pwede, minsan nga laway lng ang puhunan...

sya nga pala, computershop ako dati work, 1500 lng sweldo, tatlong buwan pang d pinasahod amfufu... all around pa ako dun, technician din po kac ako... kaya mas ok parin sariling biz....

SARILING BIZ, THE BEST

Sir ang galing mo naman. Nakaka inspire ka :praise:

Na try mo na ba mag oDesk?

bethluvdar
5th May 2011, 10:35
mga sir kung sa software side ka magaling malaki makukuha mo n monthly income kung marunong ka mag hanap ng mga clients. tapos kung hardware specialist k nmn eh simpleng tama lng monthly income pero mas stable ksi mas madali mkahanap ng client at mblis lng ung gawain. try to find a job that best suits you (Para meron ka stable na monthly salary). tapos isiksik mo ung freelance programming or hardware repair. college student p lng ako malaki n kinikita ko sa freelance

Nargalism
5th May 2011, 18:57
Confidential po kasi itong mga Salary etc.. Kung ako sa iyo Thread Starter.. Pag butihin mo na lang yung Work mo... Ang mahalaga ay ang iyong Skills and Knowledge... Kaya nga Nilagay mo sa Resume mo yan... Career Objective

heartless28
5th May 2011, 19:38
he he he... usapang sahod... :)

wamiruk
7th May 2011, 10:38
unang work 325 usd deck cadet...yung 2nd = secret hehehe
si kapitan around 6k usd up...di pa kasama yung raket... pinka mataas na narinig ko 12.5k usd

kenhuck
7th May 2011, 11:23
mga ka symb, kung secret lang po ang ipopost natin sa tanong ni TS, mas mabuti pa pong wag na lang ipost at itago na lang sa sarili natin. ok lang naman sabihin kasi di naman po tayo magkakakilala personally. at wala naman po tayong company na binabanggit. so ang kailangan lang naman po malaman ni ts ay yung type ng work at salary para may rough idea siya sa work na papasukan niya.

Technical Operation Center Staff po ako, 13k sahod

currently applying as Technical Consultant. 8 months na ako sa work at gusto ko mag career change. bunuin lang ang two years na work dito sa philippines tapos kunin na ni tito sa Australia as an engineer.

marxielincoln
7th May 2011, 17:09
ako computer engineer...pero di ako nag pursue bilang coe, i used to be a waiter, 150 lang sahod ko dun,naging bartender mejo mataas 200, dat was 2006, tpos naging shop asst ako sa oliver's super sandwich minimum 350 ata dat tym, naging ahente sa nestle, minimum,382 na ata nun. Tapos napromote na supervisor, ayun minimum pa rin awa ng diyos, naging key accounts specialist sa tridharma(kopiko), 9thou kada kinsenas, i left dhl naoperahan ako.tapos eto ako ngayon sales agent ulit ng gandour chocolates, 20k monthly excluding commisions

flint28
5th Jun 2011, 22:22
Share ko din pay ko as a freelancer sa oDesk. At least 10k po ko weekly
You can see links before reply

eidna.odacrem
6th Jun 2011, 06:37
Share ko din pay ko as a freelancer sa oDesk. At least 10k po ko weekly
You can see links before reply

ano job mo sa odesk ?

flint28
6th Jun 2011, 09:51
ano job mo sa odesk ?

content moderator for games and gadgets websites.

kayle03
6th Jun 2011, 09:58
mga ka symb, kung secret lang po ang ipopost natin sa tanong ni TS, mas mabuti pa pong wag na lang ipost at itago na lang sa sarili natin. ok lang naman sabihin kasi di naman po tayo magkakakilala personally. at wala naman po tayong company na binabanggit. so ang kailangan lang naman po malaman ni ts ay yung type ng work at salary para may rough idea siya sa work na papasukan niya.

Technical Operation Center Staff po ako, 13k sahod

currently applying as Technical Consultant. 8 months na ako sa work at gusto ko mag career change. bunuin lang ang two years na work dito sa philippines tapos kunin na ni tito sa Australia as an engineer.

Apply ka sa client ng company ko sir, kelangan nila ng tech support engineer for pc power supply. PM me your contact details.

eidna.odacrem
6th Jun 2011, 18:42
content moderator for games and gadgets websites.

hmm. buti ka pa, ako 2 months registered na ako sa odesk pero wala ako mahanap na trabaho. I badly need a job to earn money. :weep:

maui1127
6th Jun 2011, 22:46
Ako 17k a moth 4k a week sa Odesk Data Entry work ko...

bonbon123456789
6th Jun 2011, 23:14
ako IT Support sa isang IT Solutions Company d2 sa ibang bansa.. sahod ko.. secret din...

maui1127
6th Jun 2011, 23:23
Theres no point naman na kakahiya niyu yung sahud niyu dahil pinaghirapan niyu naman yan diba?...Dugo at pawis ang puhunan.

eidna.odacrem
7th Jun 2011, 01:20
Ako 17k a moth 4k a week sa Odesk Data Entry work ko...

wow. buti ka pa. ako tagal ko na naghahanap ng data entry work don

Emsi
7th Jun 2011, 01:39
Pwede ba seaman ? .. hehe

flint28
8th Jun 2011, 02:44
hmm. buti ka pa, ako 2 months registered na ako sa odesk pero wala ako mahanap na trabaho. I badly need a job to earn money. :weep:

Bago ka pa lang naman pala sa oDesk. If interested ka talaga, visit
mo yung thread namin at baka makakuwa ka ng mga tips. Ang dami
ng taga SB ang kumikita sa oDesk. Ako more than a year ng active
and enjoy ako sa work lalo na at nasa bahay lang office ko :D

Ako 17k a moth 4k a week sa Odesk Data Entry work ko...

Uy maui, naligaw ka ata dito.. hehehe :D Isa si Maui sa may mga
regular income sa oDesk. 17k a month part time habang nag aaral...
ok na ok yun :thumbsup:

maui1127
8th Jun 2011, 04:17
Uy maui, naligaw ka ata dito.. hehehe Isa si Maui sa may mga
regular income sa oDesk. 17k a month part time habang nag aaral...
ok na ok yun

Hehehe..Wala kasing magawa mga ganitong oras eh...Nag brobrowse nalang ng New posts

hmm. buti ka pa, ako 2 months registered na ako sa odesk pero wala ako mahanap na trabaho. I badly need a job to earn money.

Visit mo po thread ni Sir. Flint bro.. "You can see links before reply"

flint28
8th Jun 2011, 09:22
Ang saya, Happy Payday Wednesday nanaman mga nag-ooDesk :D

laincerlee
8th Jun 2011, 11:30
ako tECH... 10k kada month lng sahod ko hindi pa yun minimum kc chinise amo ko....napakabarat pero my overtime kaya umaabot ng ganun...

Janella448
8th Jun 2011, 15:42
ang masasabi ko lang more than 30k sweldo ko per month ;) kayo na humusga. basta mas malaki dyan.

Trabaho? Im in an employee leasing company. Computer Science Grad, good programmer. ;)

Mccoy59
24th Jun 2011, 11:37
Ako po 25k, Tech Support rep...

totoyko94
24th Jun 2011, 11:43
ako 500 a day...

ampopo
24th Jun 2011, 14:43
best na sahod na natanggap ko eh nung OJT ako sa Panasonic Mobile Corp. sa Laguna Technopark, trabaho ko dun nag iinstall ng mga language pack ng mga cellphones nila. best sahod ko dun eh umabot ng 21k+/month. monday to sunday kasi kung pumasok. hahaha!!!

leadguitarme
24th Jun 2011, 14:53
for me un ethical talaga tong tread nato,kc masyadong showy yung tittle nalang basahin mo dina maganda. "magkano salary mo?" its nonsense !!

nani_amb
24th Jun 2011, 15:25
salary is confidential and should only be discussed to immediate family and/or legal counsel

'yan ang nakalagay sa contract ko :lol: ..bakit mo nga pala kasi gusto malaman TS??

flint28
24th Jun 2011, 15:45
Sa iba unethical. Para naman sa iba hindi.

Kung ayaw mo eh di wag mo ipost dito salary mo.
Di naman namimilit si ts. Saka kahit mag post ka naman dito
di naman alam ng mga tao identity mo kaya wala naman siguro
mawawala sayo kung ishare mo yung info, unless you're using your
real name as your username here in SB.

Saka kung tingin niyo unethical tong thread na to, sana lang yung mga
nag sabi, hindi nag viview sa adult section. Dahil sa tingin ko mas unethical
mga post dun lalo na yung mga nag vi-view ng mga scandal.

nani_amb
24th Jun 2011, 15:57
he and I can't see the purpose and point of this thread kasi.. :slow: :lol:

flint28
24th Jun 2011, 16:15
he and I can't see the purpose and point of this thread kasi.. :slow: :lol:

Kung babasahin mo naman kasi yung tanong ni TS, nagtatanong
lang naman siya ng pay ng IT Pro. Siguro dahil gusto niya magkaron
ng idea dahil IT ang course niya. Ewan ko ba kung bakit ang daming nag post na hindi naman
related sa IT (including me :D)

cjgeva06
26th Jun 2011, 01:49
ako P50/day pesos lng,,, bigay ni misis un,, pang bili ng ulam,,ala ksi q work,,,,:upset::upset::upset::pray::pray::pray:

maui1127
26th Jun 2011, 02:02
If you found out this thread so unethical kindly dont post nalang po...

Read the title huh!...And theres nothing wrong to tell kung kano talaga sahod mo dahil pinaghirapan mo namn yan...Mahiya ka lang cguru kung ninanakaw mo ya...

masteredison
26th Jun 2011, 03:28
10-16K a month for being a 'Freelancer' na tambay bahay na nagcocomputer

Sideline

2low4u
27th Jun 2011, 12:23
Sa tingin ko hindi naman unethical ang pagtatanong na salary ni ts. unethical yan kung sa loob kyo ng opisina tapos nand0n ung boss nyo. kung dito lang naman at hindi ka naman nagbibigay ng full identity m0 . like full name and full company name. wala namang masama. kung ako dun sa mga saradong isip hindi naman pinipilit na sabihin sweldo kaya kung wala namang matinung sasabihin wag nalang magreact.. ako p2,500 ko a m0nth 3hrs a day sa school ako work taga check ng attendance ng student. and pagabsent tatawagan ko parents. nagbusiness naman ako alm0st p500 ang kita kada araw. unfortunately dahil sa casino naubus lahat ng napundar ko. ngayon tambay haha homestudy muna para magapply ng work.

flint28
29th Jun 2011, 08:58

Try mo mag oDesk. Ok kita namin dun. Sorry TS kung lagi kong
inaadvertise yung oDesk. Ang ganda kasi ng opportunity na kumita
kahit nasa bahay ka lang. Visit mo thread ko pag interested ka.
Sticky na siya ngayon sa Web Offers kaya madali makita :D :thanks:

jhusly
29th Jun 2011, 12:02
ako dati working in real estate company, peru office ah? Basic ko dun is 12k tax-free! Me 80pesos kami for dinner kung ot kami at umabot ng 9pm, so 1piece chicken na din ung db? Hehe... At since masipag ako mag.ot, take home ko ussualy 7.5k-9- per kinsina! Mganda na sana kaso gusto humanap ng angkop sa course ko, nabubulok na kc programming sa utak ko!

@ flint28 : sir, anung mga trbhu po b meron dyn oDesk? Prang mganda pakingan ung nasa bahay lng ah, prang i'm the boss! Hehe... ComSci grad po ako at hilig ko sana unting progrmng...

engrfrancia
29th Jun 2011, 12:15
sir may account nako sa odesk kaso di ako makakuha ng work dun .. patulong naman po

psyknarph
29th Jun 2011, 12:21
300 isang linggo :slap:

aNt01n3
29th Jun 2011, 12:28
unethical kasing pagusapan ang sueldo boy...

couldnt have said it any better!

TS
its unethical because it shows how much a person is worth.

if your goal is to find out industry standards to figure how much to ask from a company from a bargaining standpoint.

this is kinda the wrong place for that cause itd just open a can of worms

if its out of curiosity and not the later

then i would recommend you visit a local job board
they have brackets on how much people are getting

my advise to you is to base it from there
a company pays you for what you are worth
and not what you think youre worth
so you might as well know the trends

go to a job board

aNt01n3
29th Jun 2011, 12:40
Paki explain kung bakit unethical pag usapan ang sahod? D ko kasi maisip kung bakit eh..

because it shows how much a person is worth.
in companies
people would always have different salaries
the reason behind that
is something more than skills

two people in the same level
with the same work

could have different salaries.
but it doesnt mean that the one with a higher salary is worth more than the other.

hence its big no in corporate culture.
it opens the doors towards whats called as micro iniquity
and small groups mentality

its when the employees
start getting unprofessional because they think the person who is paid more should do more work.

that is not always the case
especially when you get to a certain level in management
which is why

now im not sure with local firms
but with at least some companies

revealing ones salary
or bracket ( salary grade is shown by codes)
is terminable offense.

and that is non negotiable
any form of comparison of salary
you are let go.

sounds harsh
but in my experience
its the lesser evil

lordglen86
29th Jun 2011, 12:47
Ako nmn work Experience ko

Call Center agent ---- PLDT Ventus (Dish Network) 16k/month
Voice to Text Transcriptionist ---- Scopeworks Asia 12k/month pero d kcng toxic ng calls
Legal Transcriptionist ---- (Singapore Courts) Account sahod ubod ng liit ^^

boomboomboom
29th Jun 2011, 12:53
process engr - 35k province

maui1127
29th Jun 2011, 13:18
because it shows how much a person is worth.
in companies
people would always have different salaries
the reason behind that
is something more than skills

two people in the same level
with the same work

could have different salaries.
but it doesnt mean that the one with a higher salary is worth more than the other.

hence its big no in corporate culture.
it opens the doors towards whats called as micro iniquity
and small groups mentality

its when the employees
start getting unprofessional because they think the person who is paid more should do more work.

that is not always the case
especially when you get to a certain level in management
which is why

now im not sure with local firms
but with at least some companies

revealing ones salary
or bracket ( salary grade is shown by codes)
is terminable offense.

and that is non negotiable
any form of comparison of salary
you are let go.

sounds harsh
but in my experience
its the lesser evil

Hingi naman ng tissue dumudugo ilong ko pre.... :rofl:

Nice insight

aNt01n3
29th Jun 2011, 13:30
Courtesy of Google
Information anyone couldve just looked up

SA
Fresh Grad/Bachelor in related field
Status: Non Exempt

Min
12000.00

Avg
15000.00

Max
16500.00

SE
1-4 Years Experienced Employee
Status: Non Exempt

Min
11000.00

Avg
15000.00

Max
18000.00

DBA
Bachelor in related field / External Certification
Satus: Exempt

Min
30000.00

Internal Hire
38000.00

External Hire
65000.00

Project Manager
Advanced / Higher / Graduate Diploma / External Certification
Status: Exempt

Internal Hire
50000.00+Representation

External Hire
65000.00 to 120000.00+Representation

Consulting Project Based
150000.00 to 350000.00

haski
2nd Jul 2011, 23:13
Pwede ba akong sumali ang laki ng mga sahod nyu ah

pwede ako mag post yung ng salary ko dito full time Social Media Manager po ako sa odesk

dating Bus Conductor
peanut vendor

3rd year high school

flint28
3rd Jul 2011, 16:19
Pwede ba akong sumali ang laki ng mga sahod nyu ah

pwede ako mag post yung ng salary ko dito full time Social Media Manager po ako sa odesk

dating Bus Conductor
peanut vendor

3rd year high school

Very inspiring tong tao na to :salute:

3rd year high school student dating bus conductor and peanuts vendor
Ngayon earning $500/week

Pinangunahan na kita Haski. Proud ako sa achievements mo :salute: :clap: :thumbsup:

fedor30
5th Jul 2011, 03:25
18k facilities tech 12hr duty toxic

neil2103
5th Jul 2011, 06:01
unang trabaho ko...

janitor sa province nasa 2,000 monthly ang sahod ko sobrang nakakapagod....:)

then pumunta ako ng manila... nag work ako sa sm warehouse

warehouseman - 7,000 per month (3,500 ang kinsenas)

after that nag work naman ako sa cavite sa isang diagnostic center

cashier - 5,500 per month after ng resign

work namn ako as a production worker

Euromed Mandaluyong nasa 7,500 per month(bale 3,700 ang kinsenas)
Unilever Phil. - 8,000 per month (4,000 ang kinsenas)

after that na tengga ng halos isang taon... at sa pagtiyatiyaga pag apply medyo pinalad na makapunta dito sa Saudi..

im currently working as Office Coordinator/Secretary here in Saudi ang sahod ko nasa PHP 24,000 per month

sobrang ok yung work hindi ka masyado mapapagod mas lamang pa yung pag surf sa symbianize at facebook kesa sa trabaho....:beat: lagi pa nang lilibre yung boss ko nang kfc bucket meal at dinner sa steak house at nagyaya pa pumunta sa bahrain para maghappenings lang.....:dance:

paul1720
13th Jul 2011, 11:09
22k minimum:yipee:

mychem
13th Jul 2011, 13:14
ako pa nag mamanage ng oras ko.
3k a week sweldo ko 11am- 5pm lang pasok ko. pag month ng october naman umaabot ng 5.5k-7k a week sweldo ko that month kaso nga lang 5am- ako mag start ng work ko noon kasi family business namin so kahit hindi ako magsara ng shop pwede kaso wala ng tulugan nun!

nani_amb
13th Jul 2011, 15:27
just got an update from my former officemates.. 50k/month na daw sila coming december
:thumbsup: para sa kanila..haha