PDA

View Full Version : ano ba ang pinoy action movie?



toinkzy08
25th Sep 2009, 19:57
paki delete nalang po if repost :D

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

Lagi itong may mga uto-utong tauhan o “mga bata”.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril … mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang … hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis … at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

rikslime
25th Sep 2009, 20:04
repost

toinkzy08
25th Sep 2009, 20:07
repost

sorry for that :D

rrry11annn
26th Sep 2009, 13:58
May nakalimutan ka pa...

*Laging nakasuot ng jacket ang bida kahit na minit ang panahon..

toinkzy08
26th Sep 2009, 14:32
hehe pwede :D

dontwotymz
28th Sep 2009, 05:45
haha nice post!

ronstar
29th Sep 2009, 23:32
Mer0n pa. .kapag ung bida nanliliGaw dun sa leading lady eh may kantahan pa. .hakhak :rofl: alala ko si fpj nakanta :rofl:

XVlll
30th Sep 2009, 07:10
meron pa..

habulan ng kotse tapos sasabog yung sa kalaban..mkikita mo yung mga gasolinang tumitilamsik galing sa loob ng kotse..

mag i slow-mo ang camera habang sumasabog ang kotse ng bida sa bandang likuran..

toinkzy08
30th Sep 2009, 07:34
hehe oo nga noh... nice :D

sarabyte
30th Sep 2009, 07:44
hehehe pag may dumating na pulis, tapos na ang bakbakan..

pot2
30th Sep 2009, 11:15
natawa ako sa pinakahuli :rofl: pero kahit sa totoong buhay ganyan talaga nangyayari :lmao:

alen22
30th Sep 2009, 12:51
add ko lang
kaag pinasok ng bida ang kuta ng mga kalabang habang nagmimiting at nakarinig sila ng putok

boss ng kalaban: ano yun?
mga alalay: boss pinasok tayo!
boss ng kalaban : magsikalat kayo!

-

toinkzy08
30th Sep 2009, 12:56
haha nice alen :D

alen22
30th Sep 2009, 13:42
add ko lang
kaag pinasok ng bida ang kuta ng mga kalabang habang nagmimiting at nakarinig sila ng putok

boss ng kalaban: ano yun?
mga alalay: boss pinasok tayo!
boss ng kalaban : magsikalat kayo!

-

superproxy21
30th Sep 2009, 20:10
LOL

tapos ung biad di nauubusan ng bala, yung mga pulis may white towel sa ulo tpos nka sakay sa oner.

monching76
6th Oct 2009, 18:52
meron pa nak kakantahan at sayawan cla kung nde sa pool sa dagat tapos me darating na mang gugulo :rofl: :rofl:

toinkzy08
6th Oct 2009, 19:02
haha... fan ka siguro ng mga pinoy bakbakan movies kuya hehe salamat sa pagdaan :)

jongskii
6th Oct 2009, 23:50
isa pa.

may side kick lagi ang bida na laging binabatukan...

toinkzy08
7th Oct 2009, 07:11
oo nga. nakalimutan ilagay hehe

pitloy
7th Oct 2009, 09:29
ang title ng pelikula kadalasang linya sa script ng bida......bugbog sarado hindi gaanong iniinda ang sakit pero pag nadampian ng bulak sakit sakitan....kayang ubusin ng bida ang buong kuta ng kalaban ng sya lang mag isa, mayaman sa baril tinatapon pag ala ng bala kahit sang angulo sapul ang kalaban hindi ilang bala na ang tumama buhay parin prang daplis lang at laging sa balikat ang tama, mas kabisado ng bida ang pasikot sikot sa lungga ng kalaban kesa sa mga kalaban ang script prang may balagtasan ang kalaban pag nasabugan o nahuloog sa mataas na lugas pa-poster talagang tumatambling pa with koryograpi ang sasakyang mercedes na dapat sumabog nagiging ford colt na patapon syempre maganda leading lady kahit hindi bagay si kontrabida laging may alak yan syempre .....dapat isinama mo narin mga eksena sa jeep/bus/mrt/.... na thread wahehehehe

monching76
7th Oct 2009, 09:33
heto pa kala ng kalaban patay na yung bida kc nipasabog na nya :rofl:
pero yun pala sa dulo ng kweba me batis dun cya naka talon nasabit cya sa baging :rofl:

monching76
7th Oct 2009, 09:38
heto pa kala ng kalaban patay na yung bida kc ni pasabog na nya :rofl:
nde nya alam sa dulo ng kweba me batis dun naka talon yung bida nasabit pa sa baging:rofl:

Xhirako
8th Oct 2009, 09:03
Haha,,nice post TS,,
laging may alalay o sidekick yung bida na pwede nyang batuk-batukan,,

cyrus_rado
9th Oct 2009, 02:04
kumpleto na ba??? :lol: :rofl:

N!C3
9th Oct 2009, 08:35
pagbumabaril ang bida laging naka close fist tapos nakalagay sa dibdib yung kamao nya habang yung isang kamay ang bumabaril,,try nyo si bong revilla,,phillip salvadaor,robin padilla,edu manzano...heheheheh

toinkzy08
9th Oct 2009, 19:10
hahaha dami nyo pala napapansin ah hahaha

Xhirako
10th Oct 2009, 05:34
Laging habulin ng babae ang lalaking bida,,hahaha

ronstar
10th Oct 2009, 05:42
Pag na trap ng kalaban yung bida. At babarilin na nung kalaban. Biglang wala na pala siya bala. At magsusuntukan na lang sila :rofl:

toinkzy08
10th Oct 2009, 12:05
nako mahilig kayo ha hehehe

cyrus_rado
10th Oct 2009, 16:28
laging paawa ang bida :lol:

Otep82
10th Oct 2009, 16:44
eto pa tinamaan si bida sa dibdib pero buhay parin yon pala kwentas lang ang tinamaan na bigay pa ng lolo nya:rofl::rofl:

cyrus_rado
10th Oct 2009, 17:10
hindi napupuruhan ang bida

king_edz06
5th Jan 2010, 09:58
Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

Lagi itong may mga uto-utong tauhan o “mga bata”.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril … mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang … hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis … at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!

heheheh korek ka jan

brokeuncle
5th Jan 2010, 10:10
Kapag naghahabulan ang bida at k0ntrabida sakay ng k0tse,tatamaan ng bida ang k0tse ng k0ntrabida tap0s laging lilipad tap0s sasab0g tap0s irereplay ng sangkatutak bago lumapag. Hahaha..:rofl:

jongpagong
10th Jan 2010, 12:04
laging panet ang mga goons ng kalaban

cyrus_rado
10th Jan 2010, 13:59
mabilis magtago ang bida

yoram
13th Jan 2010, 08:41
nabasa ko 'to sa book ni bob ong ah? :)

cyrus_rado
13th Jan 2010, 11:21
kadikit ng pulis ang kalaban

FAIRCHILD©
13th Jan 2010, 12:14
may nakalimutan pa kayu!!! :ranting:
eto oh:
"Nakakatuwa pakinggan ang tunog ng suntokan ng bida at ng mga kuntrabida".
ahahaha. :rofl:

joshuaru07
23rd Mar 2010, 13:27
natawa ako dun sa cocorner tapos ikukulong lang, bat nga ba di pa patayin hehe :lmao:

cyrus_rado
24th Mar 2010, 15:15
matatamaan ng bala tapos di mamamatay

Ronjones
7th May 2010, 05:29
hahaha pero di na uso action ngayon sa pinoy movie.. love story na.. meron ka ba? ehehe