PDA

View Full Version : ♥napa"TULA" ako ng makita ka



Pages : 1 2 3 [4] 5 6 7 8 9 10 11

Xhirako
8th Nov 2009, 15:13
Mag-ingat ka cuttie sa yong pag-uwi
sa daan sana baon mo'y ngiti,
sa lahat magandang hapon ang pagbati ko,
akoy nagugutom pameryenda naman kayo,

purpincognita
8th Nov 2009, 15:36
little xhirako
ano ba course mo?
napahanga mo ako
sa mga drawing sa profile mo.

vaafi
8th Nov 2009, 15:50
Purple, ang course nyan si xhirako
Malamang ay enhinyero
Pagsukat sa haba ng hotdog nito
Tiyak madaling naisaulo

purpincognita
8th Nov 2009, 15:52
hahahahahahahahahaha!
ako po ay iyong napatawa
Ang galing mo naman mag-imbistiga
Pati hotdog iyong nakita!

cuttiegurl19
8th Nov 2009, 15:54
napatawa ako ng malakas sa tinuran mo
hotdog pa din hanggang sa kanyang kurso
yan na talaga ata ang trademark ni xhirako
xhirako alyas hotdog inhinyero :lmao:

purpincognita
8th Nov 2009, 16:09
salamat sa inyo
di na boring araw ko
sana lagi kayo
ang makakulitan ko dito

Xhirako
8th Nov 2009, 16:14
Tama ka purple,pampabuhay nga,,
itong kakulitang pinag-gagawa,,
kesa maghapong nakatunganga,,
sa araw ng linggo walang magawa.,

purpincognita
8th Nov 2009, 16:20
Wala na akong makikita
Na mga kaibigang makakata
Kuntento na ako sa SB
Kahit abutin pa ng hatinggabi

dhoms
8th Nov 2009, 17:30
purpincognita - isang dalagang nagkukubli.
sa bawat sulok ng isip, salita niya'y umaani,
ng isang musikang, nagbibigay ng silbi,
tulad ng isang bulaklak, nakabibighani.....

Xhirako
8th Nov 2009, 17:47
Itong si dhoms magaling tumula,,
mga girls sa kanya walang kawala,,
avy nya'y mukhang matalino,,
kaya lang di ko alam kung sino..

sinfuliphone
8th Nov 2009, 17:53
Pareng xhirako na sa hotdog nakilala
Ngayo'y isa ka na ding ganap na makata
Hindi kaya sa paghabi mo tula
Hotdog mo nama'y tuluyang manlata

dhoms
8th Nov 2009, 17:54
si nikola tesla ang nakikita sa ava,
ang may gawa ng AC at ang nakibaka,
upang kuryente, ating magamit na,
kaya't iniidolo ko, pati sana ang masa.

sinfuliphone kaibigan, tila ako ay naunahan,
sa pagbibigay komento, kay xhirakong kasamahan,
kaya'y magtatanong, ako kaya'y matutulungan,
sa paghahanap ko, sa babaing sinumpaan...

Xhirako
8th Nov 2009, 18:05
Dhoms,Madami ng naipares sayo na babae,,
bakit hanggang ngayon yata ikay nadadyahe,,
di yata ang gusto mo'y lalake,,
si sinful andyan,lumingon ka lang kase,,
nyahaha,,peace!

dhoms
8th Nov 2009, 18:11
ako'y isa sadyang lalaking matuwid,
isang tunay na pilipino, kadugo, kapatid,
siguro nga'y mahiyain, pagtingi'y di maitawid,
kaya'y di ko masambit, di ko maipabatid!

migz29
8th Nov 2009, 18:47
Dhoms, mukhang sumasablay,
Gayuma na iyong tinataglay,
Maari sana ika'y maghintay,
Bago pagibig iyong ialay..

dhoms
8th Nov 2009, 18:53
salamat katoto sa iyong mga bilin,
asahang lahat ng iya'y aking susundin,
upang ang pag ibig akin ng maangkin,
sa babaing iniirog at tunay na iibigin...

migz29
8th Nov 2009, 18:57
Dapat lamang na busisiin,
Babae na iyong iibigin,
Pagkat kung magkamali,
Malamang iya'y lalaki rin..

mreffort
8th Nov 2009, 21:26
wala akong masabi sa nasa taas ko
siguro dahil di sya interesadong tao
oops!wag magalit sa tula ko para sa'yo
tandaan ang pikon ay laging talo..:peace:

Xhirako
8th Nov 2009, 21:35
Si mreffort masipag sigurong tao,,
sa effort nga naman sya na ang panalo,,
ngunit bakit siggy ay nawawala,,
di yata't sa effort kinulang kaya?

mreffort
8th Nov 2009, 21:48
effort ko na ba'y nagkulang para sa'yo
dahil lang wala ang siggy ko?
ako'y may sasabihin kaibigan
sa akin LAMANG kasi,siggy ay kabaduyan

wala sanang maoffend sa akin
nagsasabi lang ako ng aking tingin
ako'y malalim na tao
hindi emo(yuck) rakista kamo
effort ko'y walang sukatan
kaya ako'y wag husgahan
na nagkulang effort ko
dahil lang wala akong siggy tulad mo
kaibigang Xhirako..:peace:

Kuya Mharz
8th Nov 2009, 22:01
Di ko maintindihan
ano ba'ng pinagtatalunan?
pwede kayo magkurutan
o di kaya'y sabunutan!

wahehe!

Xhirako
8th Nov 2009, 22:25
@kuya mharz
rukawa gandang gabi sa'yo,,
mabuti't napadaan ka't walang masyado tao dito,,
tara kape muna tayo,,
pang-alis ng antok at toyo sa ulo..
@mreffort
naintindihan ko iyong mensahe kapatid,,
pagpasensyahan mo na aking sobrang pagmamasid,,
halika dito magkape muna tayo,,
wag kang mag-alala libre ko 'to..,
ayus..Nyehehehe..:rofl::wink:

dhoms
8th Nov 2009, 22:26
atin na ngang narinig ang bawat katwiran,
nang bawat panig sa kanilang talakayan,
inyong mga pananaw, tiyak na igagalang,
ng lahat ng kasapi sadyang isasaalang alang

kaya mga katoto, ako muna ay tatayo,
sa aking upuan, mula sa pagkakaupo,
sa susunod na araw muling magkakatagpo tagpo,
sana ay makahanap na, kapareha nitong puso.

panandaliang paalam at pangakong magbabalik,
kalakip ang papuri, may kasama pang halik,
asahan ninyong ako, tiyak na mananabik,
kaya't mahihimbing muna at mananaginip......................

Xhirako
8th Nov 2009, 22:33
Oh dhoms magandang gabi sayo,,
talaga yatang paborito mo tong thread na to,,
malalim na ang gabi,,karamihan tulog na,,
ngunit tayo dito'y lumalamay pa...

Kuya Mharz
8th Nov 2009, 22:47
sige na xhirako, si dhoms ay hayaan na
nang sa kanyang pagtulog lumaki pa sana
diba't siya'y akyat-bahay? balato naman sa parte!
kung ayaw ay itali sa inimbentong kuryente!

purpincognita
8th Nov 2009, 23:13
tila buong araw ka dito
Storytellers, halatang namiss mo
Regular sked mo na ba ito
or marami pang magiging pagbabago?

Kuya Mharz
9th Nov 2009, 04:53
Paumanhin, aking purple. ako'y ngayon lang nagising
naiwan ko ang computer sa gitna ng forum gaming
ako'y mukha lamang online, ang totoo'y nahihimbing
at muli sa panaginip, ikaw'y aking nakapiling!

cuttiegurl19
9th Nov 2009, 06:59
goodmorning forum gamers , naku nalate ako
pagkat kagabi ay nanood ng konsyerto
ng isang talentadong aking iniidolo
corny man siguro pero idol ko si sarah geronimo :dance:

dhoms
9th Nov 2009, 09:48
"and if forever's not enough", ang sabi sa kanta,
sa iniidolo mong mang aawit, kung ituring ay Sarah,
wla lang masambit, babati lang naman sana,
sayo, oh! cuttie..isang magandang umaga....

cuttiegurl19
9th Nov 2009, 10:20
magandang umaga din sayo napaputing nilalang
tinalo pa si regine pagdating sa paputian
ako'y naiingit sa iyong natural na kutis
tila ba sa banyo ay di na umaalis :lmao:

dhoms
9th Nov 2009, 10:24
anu bang kutis ang tinutukoy mo?
hindi ba at sa larawa'y matanda na ako,
siguro ay dala lamang, effects sa litrato,
ang tulad mo dapat ang pinupuri ko....

cuttiegurl19
9th Nov 2009, 10:28
ang aking tinutukoy ay ng iyong kabataan
iyong kutis noon ay prang bondpaper lang naman
aking itatanong ano ba ang iyong sikreto
baka naman ito ay nanalantay sa iyong dugo

aba bakit naman ako ay pupuriin
ni pagtingin sa salamin ay di ko maatim
kaya naman ngayon ay nagpupursige
sa pagdating ng panahon gulatathione makabile

dhoms
9th Nov 2009, 11:01
anu bang kabataan ang tinutukoy mo?
gayong namomoblema sa isang tigyawat ko,
ako ay nabigla ng may biglang tumubo,
kaya't mga kasambahay, laging tinuturo...

purpincognita
9th Nov 2009, 11:21
Puyat ka kasi nang puyat
Kaya natuwa yang tigyawat
'Wag naman sanang kumalat
Sa iyong mukhang banat. :)

cuttiegurl19
9th Nov 2009, 12:34
dhomz

baka naman ika'y inlab
iyong pagibig ngayo'y nagaalab
ibunyag at wag ng itago
para tagyawat ay di na tumubo

purp

ako ay napahagalpak sa katatawa
sayong sinabing banat na mukha
ngunit ako sa iyo'y sangayon
mukha'y banat at fresh prang nag glutathione

purpincognita
9th Nov 2009, 12:43
wala na kasi ako maisip
kaya naman yon ang aking nilagay.
lam mo ba sa panag-inip,
nakikita ko kayo ni nosremepai :lol:

migz29
9th Nov 2009, 12:47
Kay palad naman ng aking kaibigan,
Dalawang babae sya'y napagtripan,
Kaya't hindi malayong mangyari,
Isa sa inyo'y kanyang maging katipan..

purpincognita
9th Nov 2009, 12:50
siguradong hindi ako yon kaibigan
kaya naiisip mo ay kalimutan
tama nang si cuttigurl na lang
para sa kinikilig na si nosremepai

cuttiegurl19
9th Nov 2009, 13:01
migz ano yang pinagsasasabi mo :madslap:
di kami ang labtim ng banat na ginoo
ang labtim ko ay si nosremepal ngunit wala ngayon
si purp naman at si kuya mharz ang alam mo naman yon

Xhirako
9th Nov 2009, 13:18
Tama si cuttie kay nosremepai ang tipan,,
si purpin naman si kuya mharz ang kainlaban,,
ikaw mhigz wala ka bang nagugustuhan,,
ng bagong loveteam umusbong naman,,

purpincognita
9th Nov 2009, 13:25
tama si xhirako
sino ba napupusuan mo
ikaw ay amin pang itatakbo
para manalo sa kanyang puso

betbu29
9th Nov 2009, 13:36
mga kaibigan akoy may imumungkahi
mga totoo nating itsura ay ipagmalaki
nang lahat ay mas lalong magkakilanlan
tara, ating avatar ay atin ng palitan

purpincognita
9th Nov 2009, 13:39
wait lang ako ay hahanap pa
nang maliit na pic para di makita
hahaha,interesado ka talaga
Gandang trip to para mas masaya!

cuttiegurl19
9th Nov 2009, 14:04
tama lang naman mangyari ito
pra makita kung sino ang totoong tao
gaya nga ng tulang huwad ni insan
wlang plastikan dapat ng magkakitaan

dhoms
9th Nov 2009, 15:42
ang pagpapakita ng tunay na katauhan,
ay tiyak magdudulot ng pagkakakilanlan,
maitataguyod, tunay na pagkakaibigan,
kaya mga katoto, inyo ng simulan....:)

mreffort
9th Nov 2009, 21:26
kaibigang dhoms eto ako
mismo kung anu ang nakikita mo
hindi emong mabaho
isang rakistang totoo

kung pangalan ang kailangan
sasabihin ko ng walang pag'aalinlangan
call me ROMER
one the forum gamer

sumasayaw din ako,kumakanta
sa saliw ng kahit anong musika
palakaibigan, hndi pala'away
pero madalas ako'y pasaway

minsan andito,minsan wala
pero ako'y may sasabihin sa madla
oras ko'y dito nauubos
dahil thread na ito ay AYOS!
parang bisyo na mahirap baguhin
teka lang d pa pala ako nakain..

purpincognita
10th Nov 2009, 00:22
ngunit ang napag-usapan kanina
ipakita ang ating mga mukha.
Sina betbu ay meron na
si esme din na maganda. :)

mreffort
10th Nov 2009, 01:53
pauna pa lang naman na pakilala
ako sana'y pagpasenxahan na
kung litrato pala ang gusto
punta kayo sa profile ko

nosremepai
10th Nov 2009, 06:11
di na ako makasabay..
nahuhuli na ako! tsk! sablay!
puro na lang ako backread para makahabol
kainis! ganumpaman let's :rock: and roll!

nosremepai
10th Nov 2009, 06:14
aking nabasa me mga labtim:wub: na pala..
lalake sa babae,lalake sa lalake.. kakatawa..:laugh:
vaafi at mhy kayo parin gang sa huli..
pano yan insan mhy di ka na free?

Xhirako
10th Nov 2009, 06:41
Kaibigang Nosre ngayong nabackread mo,,
ayaw mo rin bang yaring tunay na mukha ipakita mo?
Wag kang mag-alala,konti pa lang tayo dito,
walang ibang makakakita kundi siya at ako,,

nosremepai
10th Nov 2009, 06:42
hahaha! natawa ako..
punta na lang sa profile ko:)
ng mkha ko ay masilayan..
hiya ako kung dito lalagayan..:)

Xhirako
10th Nov 2009, 06:48
Magaling katoto,akin ng nasilayan,
sa iyong profile taglay mong kagwapuhan,
si cuttie nga ang bagay na iyong kalambingan,
sa panlabas na anyo,di maiiwanan:thumbsup:

cuttiegurl19
10th Nov 2009, 07:18
magandang umaga sayo kaibigang xhirako
tatlong oras ng tulog, kaya antok pa ko
ako ay nanabik pagkat ngayon ay last day na
di na ko makapghintay, uwian na sana

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 08:30
Good morning po ulit, masisipag na katribu
bakit ba tuwing umaga tambay agad kayo
Ako man ay antok pa, just checked out from Chateau*********
Kasama'y isang chicks kaya pagod ako!

Nyahaha! Dyuk!

m@y3ng
10th Nov 2009, 08:30
Magandang umaga insan
FG Storytellers ay nasaan?
Ako sa FG ay nagbabalik
Madami kaya ang nananabik?

@Kuya Mharz


Kuya Mharz bakit ang aga mo? :think:
Tila ata iba kapiling mo
Napapaisip tuloy ako
Ikaw talaga ay magulo :laugh:

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 08:48
Hindi naman, Sis Mhy. Ako lang ay nagbibiro
Para tayo ay sumaya sa atin pong paglalaro
Alalahinin sanang pag nag-read back ang Purple ko
Sure na :hit: ang abot ko, kaya behave ang kuya nyo!

wahehehe!

m@y3ng
10th Nov 2009, 08:54
Kuya Mharz

"Jokes are half meant" laging tandaan
Purple mo sana'y huwag madaan
Baka sa post mo siya'y magdamdam
Kaya pakabait ka lamang dyan.

cuttiegurl19
10th Nov 2009, 08:58
sus :whistle: talaga naman ikaw kuya
bakit ba nagmamaang maangan pa
kadalasan alam ko ang jowk ay half meant
hmm sino kaya ang iyong nakamate :peace:

insan

goodmorning sayo aking magandang insan
di ko nga alam sila ay nasaan
siguro sila ay natutulog at nananaginip pa
bakit sila ganon samantalang tayo ay nagttrabaho na :upset:

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 09:00
Paumanhin, kaibigan. ngayon ko lang nalaman yan
but to tell you just honestly, ya'y amin nang nadaanan
buti na lang naging sapat ang aming pagmamahalan
if challenges are yet to come, pilit na makakayanan! :):):)

hehe, sana kayo rin ni comrade NOSRE! BRRRRRRR!!!!

m@y3ng
10th Nov 2009, 09:03
insan


Trabaho nga ba ang ating ginagawa?
Kumpanya kaya'y satin ay may mapala?
Umagang umaga FG ang inaatupag
Kahiya naman sating masisipag :lmao: :rofl:

cuttiegurl19
10th Nov 2009, 09:04
:wow: naman kuya , so heavy na ata ng nyong foundation
ako ay humahanga , pagkat prang kailan lang nagstart iyon
if i can still remember sa fg nagsimula
goodluck sanyong labers, alagaan mo si purpuginita :cloud9:

insan :thumbsup: hagalpak ang tawa ko
tama ka mukhang di naman tayo nagttrabaho
mula sa pagdating hanggang sa pagalis ng opisina
FG na lang lagi, dito ata tayo kumikita :lmao:

m@y3ng
10th Nov 2009, 09:08
Kuya Mhraz


Iyong mga pangako ay dapat tuparin
Lahat ng pagmamahal ay dapat gawin
Maging totoo sa nararamdaman
Upang relasyon magtagal kaylan pa man

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 09:10
Thanks for the thoughts, my sweet cuttie
you really are our best buddy!
Kahit ako'y medyo naughty
Bait pa rin 'kaw parati!

Naku, miss mhy na sumingit
sa mukha ko'y nangungulit
ako po ay isang pangit
mukhang sandok na pilipit!

jokes are half meant, right? Nyahaha!

m@y3ng
10th Nov 2009, 09:14
cuttie

Insan hayaan nalang sila
Basta tayong lahat ay masaya
Hayaan ang mga nagpapapansin
Insecure lang ang mga iyon sa atin :rofl:


wala lang. taas kilay? :kilay: kiber :laugh:


Kuya Mharz

Kahit na ikaw ay naughty
Magpakabait ka pa rin parati
Upang purple mo sa iyo ay matuwa
Bigyan ka ng kiss na iyong ikabibigla

cuttiegurl19
10th Nov 2009, 09:51
kuya mharz nag :blush: talaga ako doon
di ko alam, mabait na pala ako ngayon
basta masasbi lang, tiwala sa isat isa
pagkat yan ang dahilang ng parating pagkakasira

insan

insan ko na napakaganda
salamat at ako ay kumain na
salamt sa mga advices mo
kaya naman ako ay humahanga sayo

m@y3ng
10th Nov 2009, 10:14
Insan napaka bolera mo
Mag insan nga talaga tayo
Di hamak na mas maganda ka sa akin
Kaya naman maraming nahuhumaling

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 10:16
Walang ibang pupuri
Kundi ang sarili
yan ay kasabihan
wag sana kalimutan

nyahahaha!

cuttiegurl19
10th Nov 2009, 10:19
kuya mharz namin dito
palitan na ang siggy mo
pagkat ang pagmumukha ko
di ko makita kahit sang kanto

:lmao:

m@y3ng
10th Nov 2009, 10:22
Kuya Mharz

Huwag masyadong bilib sa sarili
Hintayin mo iba ang magsabi
Yan ang pakatandaan parati
Para ang lahat masaya lagi

vaafi
10th Nov 2009, 11:05
When I first saw you I knew it was love,
you seemed like an Angel from the sky above.
You were just standin' there yet lookin' so fine,
I knew I had to make you mine
.
Everytime I saw you, my heart would melt,
I wanted to tell you just how I felt.
So I gave you a gift from my heart,
hoping that you would give us a start.

I told you exactly how I felt in side,
my feelings for you I couldn't hide.
But you never told me if you felt the same way,
I wasn't sure just what to say.

Now I just wanna yell and shout:
You're all I ever think about.

I want to be with you more than you'll ever know,
but I should probably just let my feelings go.
One day I hope we'll be together,
even if I have to wait forever.

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 11:06
ang daming binihag
nitong magandang dilag
boses ay kay halina
madami ang nataranta


:lol:

vaafi
10th Nov 2009, 11:17
Creatively You worked your art
You spun a web all Around my heart
How beautifully Your deeds have spread
Each intricately Woven thread
With strands of care You dried my tears
Your gentleness Dispelled my fears
Your wisdom Helped me understand
And patientlyYou held my hand

Your passion Lit a glowing fire
That filled my soul With sweet desire



Adopted

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 11:21
napakalalim ng iyong mga tinuran
ako'y iyong napabilib sa iyong katalinhagaan
sana'y ipaliwanag mo ng mabuti
ang lahat ng iyong nasa sa loob.


:noidea: ang hirap :lol:

betbu29
10th Nov 2009, 11:23
magandang dilag na sadyang nakahahalina
sa symbianize ay reyna pala
kung pagsamo koy iyong mamarapatin
ang aking pag-ibig iyo sanay tanggapin

:off: not serious, napaTULA lang po ako

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 12:11
di pa kita kilala pero
kay gaan na ng loob ko
tadhana bang kita'y maging kaibigan
o hanggang dito lang ang hangganan


:lol: wlang direksyon ang tula ko sori :lol:

m@y3ng
10th Nov 2009, 12:25
Tila ata may nagliligawan
Sa FG na laging tambayan

betbu29
10th Nov 2009, 12:30
@ sweet

ang pagtula ay di kailangan ng direksyon
basta nasa puso mo at ganda ng imahinasyon
pagkat kung hanggang dito nalang ating hangganan
pagiging kaibigay sapat na at kaligayahan

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 12:35
naunahan ako ni betbu :slap:

para ke mylene

prang rosas ang kagandahan
kinahuhumalingan ng mga kalalakihan
lito kung sino ang sa kanila ang pipiliin
at sino ang kanyang itatangi

:lol: pasensya na wla akong talent sa pagtula :lol:


para ke betbu:

sana'y malaman mo
na ako'y natutuwa sayo
sana'y makilala pa kita ng lubusan
para tayo'y maging matalik na magkaibigan

:giggle:

vaafi
10th Nov 2009, 12:44
Iam the sand,
You are the sea.
All of your love
Washes over me.
I am the moon,
You are the sun.
In the universe
We're united as one.
I am the air,
You are the wind.
You blow in happiness
That only love can send.
You are the soil,
I am the rose.
With caring and tenderness
Our friendship grows.
You are the mind,
I am the heart.
I know we will never
Be too far apart.

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 12:52
misteryoso ang iyong katauhan
yan ang aking palagay
matanglihaga ang iyong mga salita
na kahit sino ay mapapanganga


:lol: pasensya na ulit :lol:

betbu29
10th Nov 2009, 12:54
Iam the wand,
You are the pea.
All of your dove
Washes over tree.
I am the goon,
You are the gun.
In the transverse
We're united as none.


:off: hehe... remix po yan nung kay sir vaafi

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 13:21
hehehe...

itong thread ni nosremepai
lovers lang ang tumatambay
lalo't may sweet na kasabay
sina betbu'y namumungay! :rofl:

betbu29
10th Nov 2009, 13:40
salamat kay nos na syang nagbukas
ng thread nato na sadyang walang kupas
pagpunta ko dito ay naging madalas
damdamin kong itoy gusto lang ilabas


kuya mharz ako lang namay humahanga
damdamin kong itoy di na ipagkakaila
sa paghanga lumalabas ang isang makata
tulad ni pareng dhoms na isa ring manunula

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 13:46
kahit ako'y di makata na tulad nyo
ang puso ko'y umaapaw sa inyo
pagkat ramdam ko
na ako'y tanggap nyo


:lol:

Kuya Mharz
10th Nov 2009, 13:51
Sus... nyahaha!

Sabi nga nung isa dyan
Mas masaya kung siksikan
And since ika'y slim naman
Kasya pa rin sa tahanan! :lmao:

Xhirako
10th Nov 2009, 14:38
Kamusta kuya mharz na maaasahan,,
tama sila,masaya kung siksikan,,
si sweetimpaktita welcome sa tahanan,,
ng itong si betbu ganap ang kasiyahan

mreffort
10th Nov 2009, 16:58
sa saglit kong pag'alis
andami ko agad namiss
nakakainis!:upset:
sa pagpost kayo'y sadyang mabibilis
eto na ulit ako mga bro,mga sis
pakiss!:kiss:

sweetImpaktita
10th Nov 2009, 17:26
salamat sa inyo
lalo tuloy akong naeengganyo
na tumambay dito
dahil sa kasiyahan na idinudulot nyo


:whew: :lol:

LittleMuse
10th Nov 2009, 17:53
Good evening, everyone
kumusta na ang tulaan?
mukhang hide-out ng ligawan
and so cheesy na lambingan! :)

dhoms
10th Nov 2009, 18:03
lubos na ikinabigla ang lahat ng nabatid,
lahat ng talinhaga, tunay at walang bahid,
ang inyong pagsinta'y, lubhang ipinahatid,
kalakip ang pangakong, pag irog, itutuwid...

ang pagdaloy yaring oras tila na nalimutan,
nang mabasa ang inyong, akda at kasulatan,
kaya't ang pagtanaw ko, sa lahat ng kaibigan,
tila isang bulkang, puno ng yama't karunungan...

ipagpatuloy sana, pagtatahi ng mga letra,
ng lahat ng kasapi, pati lahat ng kasama,
sa pag tatagpi tagpi at lahat ng pagburda,
ang lahat ngumingiti, lahat tumatawa.....

LittleMuse
10th Nov 2009, 18:14
wow naman si mr. dhoms, poetic sya ngayon!
kahit na ang tula nya isang violation
4 lines lang kasi dapat pero ok lang yon
ang tula mo naman ay napapanahon!

dhoms
10th Nov 2009, 18:18
ipagpatawad sana yaring kabalintunaan,
at ang hindi pagsunod sa mga nakasunduan,
pagkat yaring damdamin, di sadya mapigilan,
mga salita ko'y naghahanap ng maliliparan....

LittleMuse
10th Nov 2009, 18:22
very impressive, dhoms na malambing
marahil ay mapalad, babaeng makakapiling
katangi-tangi ka na binatang turing
ang mamahalin mo'y t'yak na magniningning

dhoms
10th Nov 2009, 18:29
salamat sa iyo, littlemuse na aming kasama,
subalit daan ng pag ibig, saki'y tila nag iiba,
sapagkat noo'y sadyang, marami akong sinisinta,
ngunit hanggang sa ngayo'y, walang ipinipinta...

sinfuliphone
10th Nov 2009, 18:45
andito ako, umiibig sayo

LittleMuse
10th Nov 2009, 18:46
that's so sad to hear, dhoms na kasama
yan ba yung kung tawagin nila'y isang karma?
sana'y hindi naman 'pagkat kawawa ka
kung ang laan sa 'yo hindi mo makita

napapakanta sa 'yo, si sir sinfuliphone
favorite nyang kantang sumikat pa noon
mukhang totoo na ang pagtingin sayo
sabagay, kung titingnan - mukhang bagay kayo! :lol:

dhoms
10th Nov 2009, 18:49
@muse

tanging ang paghihintay, tangi kong magagawa,
at ang manalangin na matagpuan na siyang sadya,
ngayo'y pagtulo ng luha, mandi'y di humuhupa,
oh bakit kalungkutan, ayaw mong magparaya!

@sin

thanks pare...hehe

Xhirako
10th Nov 2009, 18:51
Lilmuse may laman,,iyung mga tula,
tila kay kaibigang dhoms ikay may paghanga,
ito'y napansin ng aking makita,
tula nyong sagutan nakakahiwaga,
thats all folks,,nyehehe,,peace po tayo,,:rofl:

LittleMuse
10th Nov 2009, 19:02
kahit naman sino, kay dhoms e hahanga
kahit si sinfuliphone, s'ya'y tinitingala
sa mahilig tumula, ako'y malambing nga
pagkat ang tulad n'ya'y kaaliwan ng madla