rhope016
29th Oct '07 Mon, 13:37
estrangherong namamalagi
Sa 14 na taon ng aking pamumuhay dito sa ating mundo siya'y aking nakasama.Isang estrangherong magpahangga ngayon ay namamalagi sa aming tahanan.
Una siyang nakita ng aking ama at siya'y pinatuloy sa aming munting tahanan.
Sa aming tahanan itinuturo ni nanay at tatay ang mabuting asal,ngunit sa aking lingid ang aming panauhin ay hindi sumusunod sa alin mang batas sa aming tahanan.Tinuturuan kaming manigarilyo o kaya nama'y tahasang nagsasabi ng mga bagay-bagay na di pa dapat namin malaman tulad ng sex at iba pa.Ngunit bakit hindi man lamang siya mapag-bawalan ng aking ama't ina?Kadalasa'y pinapatahimik pa ako ni ina para lamang makinig sa sasabihin niya.Pinapagalitan tuwing si ama'y aking guguluhin kapag kaharap siya.Bakit ganun siya kaimportante sa amin?kadalasang tanong ng mura kong isipan.
Ngayon,akin nang napagtanto kung bakit ireng estranghero'y di mapaalis.Maging sa aking pamamahay siya'y malayang namamalagi kasama rin niya ang kaniyang pamilya,sila karaoke,computer,radio,at iba pa.At ang ngalan ng estranghero ay telebisyon.Maging ngayon ang estrangherong ito ay namamalagi pa sa aming bahay...