View Full Version : Buhay sa Amerika...


wenhdeey
5th Nov '07 Mon, 15:53
A cool e-mail I got from my friend which I find nice and true about life in the US...share ko lang po....

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag nasa America ka akala nila
madami ka ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat
ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit
mo. Kailangan mo gumamit ng credit
card para magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang
utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga
kano. Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may
kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi
ka bumili ng kotse sa America
maglalaka d ka ng milya-milya sa ilalim
ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
jeepney, tricycle o padyak sa America.


Akala nila masarap ang buhay dito sa
America. Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay
at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay
sa kapitbahay kse busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.


Akala nila masaya ka kase nagpadala
ka ng picture mo sa Disney, Seaworld,
Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan
mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+
para makarating ka dun, kailangan mo
nanaman mag trabaho ang 10 hours para
ipalit sa pinangbayad mo sa ticket mo.


Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita
sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas
$1.00 sa America, ang isang pakete ng
sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $6.50, ang upa mo sa bahay
na P10,000 sa pilipinas, sa America
$1,095.00 .


Akala nila buhay milyonaryo ka na
kase ang ganda ng bahay at kotse mo.
Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago
mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sa
bihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.

Madaming naghahangad na makarating sa
America. Lalo na mga nurses, mahirap
maging normal na manggagawa sa
Pilipinas. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng
America.


Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan
mo ding magbanat ng buto para mabuhay
ka sa ibang bansa. Isang malaking
sakripis yo ang pag alis mo sa bansang
pinagsila ngan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas.
Hindi ako naninira ng pangarap, gusto
ko lang buksan ang bintana ng
katotohanan...

sharingan_nirvana999
11th Nov '07 Sun, 14:10
ahhh kaya pala

jayem
22nd Dec '07 Sat, 15:03
i agree, 2 of my sisters actually migrated there. gusto nila umuwi dito dahil sa kultura natin mga pinoy pero dun daw kasi basta masipag ka siguradong may trabaho ka at kapag sinuwerte eh aasenso ka. yun lang talagang kailangan mo magbanat ng buto sa amerika. Yung gf ko nga gustong manirahan dun kaya tinatakot ko siya na kung gusto niya dun eh siguraduhin niya na kaya niya yung trabaho saka kaya niya isuffer yung time na dapat ay magkasama kami, unlike dito basta wala ka masyadong utang at di sobrang taas ang pangarap eh mabubuhay ka ng matino. yun lang.. hehe

langbalutdito
22nd Dec '07 Sat, 15:33
sang ayon ako dito... ok lang ang dollars kung gawing piso dyan sa pinas... pero dito, puro dollars ang gastos kaya parang wala lang pinagbago. mahirap din ang buhay dito sa states...



ate, pwede ko to i-post sa blog ko? :D

yapanitz
22nd Dec '07 Sat, 15:37
kakaiba yan ah...

dapat yan basahin ng mga gs2ng magmigrate sa ibang bansa to open up their minds of tu2loy b tlga cla...

wenhdeey
22nd Dec '07 Sat, 17:12
ate, pwede ko to i-post sa blog ko? :D


sure..wala pong problema kuya :D

langbalutdito
23rd Dec '07 Sun, 00:05
sure..wala pong problema kuya :D

salamat, ate! :D

babycheche01
25th Jan '08 Fri, 16:34
ayoko na pla sa amerika...pero gusto ko lang cguro pag pupunta ako dun yung tipong mamamasyal lang ng hanggang 2 weeks..pero i don;t have money pa...:weep: