View Full Version : Ulirang anak, kawawang magulang!


axel08
12th Nov '07 Mon, 03:31
Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin
ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na
din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project
nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project nayun. Kasama din ang 7
thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag
ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para
mabili mo nang yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory
nyo. Anak komportable kaba jan sa boarding house mo san ba kamu yan sa
VICTORIA COURT? maganda ba dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala
yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha
nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt
kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag gradweyt
mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi
natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay cya nga pala anak diba sabi
mo sa JOLLIBEE / MC DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga
ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI
sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na
pambili mo ng CRV na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.


Ang nagmamahal

Itang at Inang


P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.