View Full Version : Pagbagsak ng Dolyar, ikinatutuwa mo ba???


Lovely Face
14th Nov '07 Wed, 02:57
Ako, oo kse ibig sabihin tumatatag ang purchasing power ng piso. Sana balang araw 1 dollar will be equal to 1 peso para wala ng mag abroad. :clap:

icOn
14th Nov '07 Wed, 03:01
partly yes at partly no. yes because like you said at lovely, tumataas ang purchasing power ng peso. good job mrs president. :salute:

well...no, kasi nasa exporting business kami. :sigh: aw, hindi na pala ngayon. :giggle: pero as of now, 40-55% sa savings ng parents ko ay dollars. :slap:

Lovely Face
14th Nov '07 Wed, 03:51
si GMA ba dahilan, o yung mga ofws abroad?? In fairness ha, nabasa ko sa world factbook, nung 1998 na nagkaron ng economic crisis sa south east asia, ang bansa natin ang the least na naapektuhan ng crisis.....kaya buti na lang skillful ang pinoy to work abroad and to earn money na siyang dahilan kaya di problema ang dolyar sa tin.

yapanitz
14th Nov '07 Wed, 06:08
mas gs2 ko sana bumaba ang dollar kaso kakaawa naman mga OFW ntn...ngaun bka tumaas n naman gawa ng bombing kgv...

jinxes
14th Nov '07 Wed, 06:17
as of now, sa situation ko no kasi dollars pdala ng parents ko para sa needs ko dito. Buti sana kung tumataas purchasing power ng piso at the same time bumababa presyo ng mga bilihin dito pero hindi eh, ganun parin, pataas ng pataas nga eh :ranting:

yapanitz
14th Nov '07 Wed, 06:39
gaya last month,tumaas daw ang piso pero ung mga ingredients needed ng bakery eh lalo pang tumaas lalo na ang asukal!

:ranting:

merde
14th Nov '07 Wed, 07:03
para sa nakakaraming pilipino, yes.

kung hindi bumagsak ang dolyar (o tumaas ang piso), baka aabot na ng 100 pesos per liter ang gasolina. alam naman siguro natin ang ibig sabihin nyan.
mas mababa na rin ang babayarang utang ang pilipinas sa paglakas ng piso.
para sa mga export business at mga regular na pinapadalhan ng mga kamag-anak ng dolyar, no.

rentao_15
14th Nov '07 Wed, 15:25
walang epekto sa akin.. di ko nararamdaman ang epekto ng pagtaas ng piso ahihihihi.. lalo lang nagmamahal ang mga bilihin.. di lang kasi ito ang factors eh.. nandyan din ang stock market and oil price :panic:

lapuzrg
14th Nov '07 Wed, 15:41
Yes & No. Yes, kasi sa katulad kong OFW, ito 'yung matagal ko ng pangarap na muling gumanda ang ekonomiya natin nang sa ganoon ay muli na akong makabalik d'yan sa atin.Hindi pa rin masyadong maramdaman ng karaniwang Pinoy ang nasabing " economic gain " dahil mataas at patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

No, dahil apektado ang padala ko sa pamilya ko.

JenG
14th Nov '07 Wed, 15:45
pero did you ever notice na patuloy na bumababa ang dollar pero the economic crisis same pa rin... ni kahit konting improvement esp sa price for our daily basis same pa rin...

kaya dami nagsasabi (news) na lokohan lang daw na gumaganda ang economy

mysticross
14th Nov '07 Wed, 15:48
for me prang wla nmang ngbago eh... bumaba nga ang dolyar, may nabago ba? di ko nararamdaman... so inbetween lng ako... :D

merde
14th Nov '07 Wed, 17:36
pero did you ever notice na patuloy na bumababa ang dollar pero the economic crisis same pa rin... ni kahit konting improvement esp sa price for our daily basis same pa rin...

kaya dami nagsasabi (news) na lokohan lang daw na gumaganda ang economy

kasi patuloy ang pagtaas ng mga produktong petrolyo. bago ang Iraq war, $26/barrel ang presyo ng langis. ngayon, lumalagpas na sa $100/barrel. [1]

kung dati 15 pesos/liter ang gasolina, ngayon P45/L na at ang pagtaas ng presyo ng langis ay napalaking factor o siya ang nagdidikta sa presyo ng mga bilihin kaya hindi natin masyado nararamdaman ang epekto ng malakas na piso.

kung patuloy ang pagtaas ng piso, pero stagnant o lalong bumaba ang presyo ng langis, dyan na natin mararamdaman. ang problema kasi, lumalakas ang piso pero tumataas naman ang langis sa pandaigdigang mercado.

ang pagtaas ng halaga ng piso ay may "cushioning effect" sa atin sa pagtaas ng presyo ng gasolina. kung hindi lumakas ang piso, malamang nasa mahigit 80 pesos/liter na ang gasolina.[2]

[1]BBC News: Iraq war fears lift oil prices (http://news.bbc.co.uk/2/hi/business/2491045.stm)
[2]Inquirer: Strong peso softens oil price impact (http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=98501)

Lovely Face
15th Nov '07 Thu, 07:47
Siguro hindi ngayon, maybe later makikita natin ang napakagandang epekto ng pagbaba ng halaga ng dolyar..pero lam ninyo ba the fejodap proposes fare hike na naman! Gagawin na nilang 9php ang minimum...............huwaaaa!

MacGyver
15th Nov '07 Thu, 09:12
Para sa akin hindi, kasi humina ang businesses (service companies like mine)na mostly ay dependent sa mga clients na dollar earners. Tipid sila ngayon dahil sa pagbaba ng kanilang purchasing power. Mababa rin ang foreign exchange transactions dahil withheld muna nila ang dollar while waiting for the currency exchange to rise.

Sa ngayon kasi dependent na ang economy natin sa dollars na nireremit ng napakarami na nating kababayan sa abroad, kaya sa laki ng ating base population na kumikita ng dollar, ramdam natin ang pagtitipid nila.

Maganda ang perception ng karaniwang empleyado sa pagtaas na ito ng piso dahil mas marami daw silang nabibili sa sahod nila. Pero ganun nga ba ang nangyayari sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market? Tama si Merde, nacushion nga ng pagtaas ng piso ang hirap na dala ng pagtaas ng presyo ng gas, pero kung susuriin mas nauna pang magtaaas ang presyo ng lahat ng prime commodities kaya bale quits lang din kung susuriin ang effect ng akala natin ay malakas na piso.

Government is also proposing a new tax hike to be levied against small businesses, which means pag natransfer na nila ito sa mga karaniwang tao, tayo na naman ang magpapasan nito. All these are concequences of the strong peso ( we read it as weak dollar...), The bigger question is may nabago nga ba sa pamumuhay natin as Filipinos?


:noidea:

Lovely Face
18th Nov '07 Sun, 01:01
May nabago nga ba?? Meron naman siguro.

kizzmark20
18th Nov '07 Sun, 01:45
" economics " they say na makakabuti ito dahil mababa ang bentahan ng dolyar para sa mga negosyante na uma angkat ng materyalis mula sa ibang bansa malaking tulong sa kanila yun.

kaya nasabing tumatatag ang ekonomiya

kaya lang kawawa naman yun mga nasa abroad kasi bumababa yun palitan :( nabab ang kita nila.

aiah_87
10th Dec '07 Mon, 19:42
its not really good because it causes export bnkruptcies...

Fico
10th Dec '07 Mon, 23:22
natanong to sa akin noon.. sa isang examination.. Ano daw ang mga epekto ng pagbagsak ng dolyar sa peso... sinagot ko is that meron syang negative and positive effect... ok ang pagbagsak ng dollar kasi mas malakas na ang peso.. ibig sabihin, ung mga iniexport nating mga goods and services mura na.. mas kayang kaya ng bilhin ng mga pinoy.. sa negative effect nya, ung mga export natin eh medyo liliit na rin ang halaga... may epekto pa rin sa economy ng Pilipinas. :D

jovrea27
11th Dec '07 Tue, 08:29
khit anu mangyaro sa palitan ng piso, ndi pa rin nman nararamdaman ng karamihan sa ating mga kababayan e! khirapan pa rin ang laganap sa ating lipunan.

para nga sken, wla ako pkialam kung tumaas ba o bumaba ang piso e! pwera na lng pag may bigay sken ermat ko. :giggle:

aiah_87
11th Dec '07 Tue, 09:01
khit anu mangyaro sa palitan ng piso, ndi pa rin nman nararamdaman ng karamihan sa ating mga kababayan e! khirapan pa rin ang laganap sa ating lipunan.

para nga sken, wla ako pkialam kung tumaas ba o bumaba ang piso e! pwera na lng pag may bigay sken ermat ko. :giggle:

piso o dolyar ba ang binibigay sayo??? :lol:



hirap talaga ang pinas kaya nga maraming lumalabas coz they think it would break the poverty cycle... hahay...

kurabo
12th Dec '07 Wed, 13:10
piso o dolyar ba ang binibigay sayo??? :lol:



hirap talaga ang pinas kaya nga maraming lumalabas coz they think it would break the poverty cycle... hahay...

they were hoping to break the poverty cycle not thinking:weep:

aiah_87
12th Dec '07 Wed, 16:47
they were hoping to break the poverty cycle not thinking:weep:

:slap: korek ka jan...

inakay
12th Dec '07 Wed, 19:30
Ako, oo kse ibig sabihin tumatatag ang purchasing power ng piso. Sana balang araw 1 dollar will be equal to 1 peso para wala ng mag abroad. :clap:

:pray:Salamat at tumatag ang purchasing power of Peso, sabi nyo eh...:beat:Pero di ba tumatag din ang patuloy na pag increase ng mga presyo? They say, petroleum products will never go down because of scarcity.

How about Rice, corn, banana, gulay, gamot, etc. Nasaan na ang effect ng pagtatag ng Peso? Habang tumataas ang value ng Peso tumataas din ang presyo ng mga bilihin.

Is it right to say Peso value is directly proportional with prices of basic commodities?

Kaya sa mga maka GLORIA => magsaya na kayo...marami kayo naloko sa Dolor vs Peso rate.:upset:

aiah_87
12th Dec '07 Wed, 19:32
ano namn pede magawa mo jan ngayon?

inakay
12th Dec '07 Wed, 19:44
ano namn pede magawa mo jan ngayon?

:beat:Patuloy kung gagampanan ang aking tungkulin bilang manggagawa, sa pagawaan ng Gatas pamalit sa gatas ng mga ina na tinatamad nang magpadidi sa kanilang mga babies.

"Breat Milk is still best for babies"

Sa ganitong paraan, maipagpatuloy ko ang pag-contribute sa Philippine economy thru income tax - di rin biro ang 30 Thousand Php na kinakaltas sa akin ng ating mga magiting na BIR tax collectors. Kahit 1K man lang maibalik sa mga hampas lupang pilipino na nyurakan pa ng mga walang-hiyang mga politiko.:salute:

Lovely Face
17th Dec '07 Mon, 12:33
Time will come that 1 dollar will be equivalent to 1 peso...that time Philippines will be the most progressive country in Asia.

inakay
17th Dec '07 Mon, 12:56
Time will come that 1 dollar will be equivalent to 1 peso...that time Philippines will be the most progressive country in Asia.

:weep:Hindi progressive. Corrupt pa rin ang mga leaders. Mataas lang ang Peso value dahil more than half of the population will earning dollars outside the philippines and they will be supplying dollars to the less than half of the Pinoy population back home.

Ang maiwan na lang sa pinas ay mga aged and disabled plus the politicians - considered disabled.

During that time magbabago na ang qualification ng mga politico. Kailangan ex-convict ka to be ligible to an elected position.:rofl:

Pooh Bear
30th Dec '07 Sun, 02:27
aaminin ko mas masaya ako pag mataas ang palit ng piso sa dolyar kase pag nagbakasyon kami mas marami kami nabibili sa atin. alam ko masaya din ang mga OFW.

ang malungkot nga lang bumababa ang palitan dahil bumabagsak ang ekonomiya ng US. in fact may usapan dito baka maging international currency na ang Euro Dollar. :weep:

jmark
31st Dec '07 Mon, 15:02
tumatatag nga yung peso kami namang nagpapakahirap dito sa abroad ang nababaon..buti sana kung galing kami sa matataas na antas ng lipunan d na kainlangang kumayod ng gaya sa amin, but im not so sana lng kahit papanu maintindihan yun ng iba..lumakas nga peso mataas pa din mga bilihin so san na kami pupulutin..

and i disagree poh bear d masaya ang mga OFW sa lagay na yan..:salute:

silent_drill_08
31st Dec '07 Mon, 15:06
kawawa naman kami pag bumagsak ng tuluyan ang dolya... :weep: :weep: :weep:

arjay
31st Dec '07 Mon, 15:41
Para sakin mas ok! :thumbsup: kung pa baba ng pababa ang value ng piso vs dolyar.. Pra namn di na work sa ibang bansa ang mga parents at mga kasamahan natin.. kc nawawalan sila ng pag-asa dito sa pilipinas..:snack:

Pag pababa din ng Dolyar ay nakatulong din satin, para namn hindi na mag taas ang presyo ng bilihin sa palengke mga store at iba pang kinakailngan natin.. I hope patuloy na yan! Para naman wla ng mag abroad at panatilihin ang peace dito sa pinas! :music:

nhuj
31st Dec '07 Mon, 16:05
alam nyo ba nagra riot ang mga hapon kapag lumaban ang pera nila.kaming mga ofw din gusto na mag riot.ang mahal na ng bilihin d2 sa dubai,mahal pa ang bahay.11 pesos na lang palitan,lumalaki ang halaga ng padala ko ang value ganun pa rin,nadadali ng yung para akin.pano pa ko makaka ipon.tumaas pa ang gatas ng anak ko!!!!!!!kainis na talaga.:weep:

Aristotle
31st Dec '07 Mon, 17:24
It's a bitter pill for an OFW like me but good for our country. Sana lang ang pagunlad ng ekonomiya ay maramdaman ng mga mahihirap nating kababayan. Yon man lang ay consolation na sa aming paghihirap dito sa abroad.

Pooh Bear
1st Jan '08 Tue, 04:39
tumatatag nga yung peso kami namang nagpapakahirap dito sa abroad ang nababaon..buti sana kung galing kami sa matataas na antas ng lipunan d na kainlangang kumayod ng gaya sa amin, but im not so sana lng kahit papanu maintindihan yun ng iba..lumakas nga peso mataas pa din mga bilihin so san na kami pupulutin..

and i disagree poh bear d masaya ang mga OFW sa lagay na yan..:salute:ganun ba? akala ko pa naman masaya mga OFWs kase mas maraming napapalit ang dollar nila.

pero kung iisipin nga kahit bumaba ang palit ng dollar eh pataas naman ng pataas ang bilihin sa atin. hindi pa makontrol ang price gouging ng gobyerno kaya mas lalo nababaon sa hirap mamamayan :ranting:

Lovely Face
2nd Jan '08 Wed, 14:38
Tungkol sa Euro na yan, someone told me in the other forum na ito na rin ang currency na gagamitin sa pag purchase ng oil barrels for international markets....

Pooh Bear
3rd Jan '08 Thu, 13:25
talking about oil, the price of crude oil broke the $100 per barrel barrier today.

pine predict na aabot kami dito ng $4/gallon :weep:

Lovely Face
4th Jan '08 Fri, 02:38
Humihina rin kasi ang economy ng US

Pooh Bear
5th Jan '08 Sat, 19:14
Time will come that 1 dollar will be equivalent to 1 peso...that time Philippines will be the most progressive country in Asia.this is wishful thinking.

I don't think this will happen in the next 100 years base sa nakikita kong mabilis na paglubog ng Pilipinas at marami ang nag ja-jump ship.

marami na chances ang Pilipinas para umangat pero dahil sa talamak na corruption sa atin, na pinabayaan ng mamamayan ka level na lang natin Bangladesh :slap:

nakakahiya, naungusan pa tayo ng Vietnam, yan ang next Asian tiger pwede pa.

rhope016
5th Jan '08 Sat, 20:33
mas maganda sana kung habang bumababa yung dollars bumababa rin yung presyo ng bilihin dito sa Phil.

Lovely Face
6th Jan '08 Sun, 05:17
this is wishful thinking.

I don't think this will happen in the next 100 years base sa nakikita kong mabilis na paglubog ng Pilipinas at marami ang nag ja-jump ship.

marami na chances ang Pilipinas para umangat pero dahil sa talamak na corruption sa atin, na pinabayaan ng mamamayan ka level na lang natin Bangladesh :slap:

nakakahiya, naungusan pa tayo ng Vietnam, yan ang next Asian tiger pwede pa.

Well, thats your prediction, but anything can happen....anytime.

Aristotle
19th Jan '08 Sat, 13:07
Yes and no. Yes kung totoo nga na gumaganda ang ating ekonomiya dahil kahit paano may consolation ang paghihirap ng mga OFWs. No, dahil as an OFW I have to send more to cover the same expenses. This thing baffles me because if the peso is indeed strong because of the improving economy then how come the prices of the basic commodities are still high. The true strength of the peso should be measured by it's purchasing power rather than the exchange rate.Dapat mas maraming nabibili ang 100 pesos ngayon na ang exchange rate is about 1 is to 40+ kumpara noong 1 is to 50. It would be interesting to hear from housewives and students kasi sila yong araw araw gumagastos.

jay_soriano56
19th Jan '08 Sat, 23:45
Personally, NO dahil nga mababa na ang palitan ng dollar to peso. Kung ikukumpara pa noong panahon ng crisis sa administrasyong erap mas marami pa ang nakinabang sa pagtaas ng dollar kaysa sa ngayong pagtaas ng piso. At saka OFW's din naman ang "largely" nagpapaunlad ng Pilipinas diba? Mas malaki ang naicocontribute ng mga OFW's pagdating sa mga remittances. Saka hindi naman "local at national" ang pagbaba ng dollar, guys "GLOBAL" po ito, kahit sa Saudi Arabia at US mahal narin ang bilihin. Depende narin sa sitwasyon :D

silver_surfer
21st Jan '08 Mon, 22:52
personally yes kasi yung mga binibili ko online bumaba yung price.

babycheche01
22nd Jan '08 Tue, 10:50
no! may nakatabi ako na dollar sa bahay pero until now di ko pa magalawgalaw kasi pbaba ng pababa eh:weep:

icOn
22nd Jan '08 Tue, 15:01
woooooohooooooooooo!!!! :happy: :happy:

Php - $ = 41.5650

:excited:

EDIT: kahapon 41.25 :yes: :giggle:

Lovely Face
24th Jan '08 Thu, 06:44
Baka hindi na makabawi ang dollar....

Pooh Bear
26th Jan '08 Sat, 21:35
Saka hindi naman "local at national" ang pagbaba ng dollar, guys "GLOBAL" po ito, kahit sa US mahal narin ang bilihin. Depende narin sa sitwasyon :Dsobra ng mahal bilihin dito. ang average gas prices, $3.xx per gallon, ang milk umaabot ng $5 per gallon sa maraming lugar. altho' sinasabi papunta pa lang daw kami sa recession, I disagree

we are now in recession :weep:

lilly
28th Jan '08 Mon, 00:05
no becoz, padala ng parents namin dollars,, bumaba nga ang palitan..tumataas nmn ang bilihin.. wawa mga ofw.

lasalista
30th Jan '08 Wed, 13:17
well pwedeng advantage at disadvantage, disadvantage kc s mga ofw bababa ang halaga ng padala nla s mga pamilya nla, advantage kc lumalakas ang piso kaso kahit ganon ang nangyayari mataas p din ang mga bilihin ang weird db! dapat pag lumalakas ang piso dpat bumaba ang bilihin etc. kya lng wla p ding pagbabago.

dicken123456
9th Feb '08 Sat, 13:13
Ako, oo kse ibig sabihin tumatatag ang purchasing power ng piso. Sana balang araw 1 dollar will be equal to 1 peso para wala ng mag abroad.


Pag ganito nangyari wala ng mag-iinvest dito, dahil puro dayuhan lang ang karamihan
na nag-iinvest dito, sila din ang malaking mag bigay ng tax dito, ang problema lang
kinukurakot at sinasamantala ng mga nasa puwesto, kahit siguro ako din... kung nasa
ganun kalagayan eh gagawin ko para sa magandang buhay, "hehehehe" pero totoo.
wala ng dayuhan, wala ng pupunta ng ibang bansa, magsisiksikan tayo dito,
maraming magiging tambay, dadami populasyon, maraming maghihirap,
mas maganda talaga na lumaki pa ang dollar para umunlad ang bayang ito,
mas maganda pa na ibenta ang Pilipinas sa mauunlad na bansa, tulad ng America,
Canada, Russia, France o China.

:clap:

wakokocrunch
11th Feb '08 Mon, 02:27
It should be a good sign if the perspective is that the PESO is the one strengthening against the dollar since it would entail a rising economy in terms of aggregate GDP and GNP in relation to US based commodities and services. Though mejo maliit ang turnover ng dollar equivalent ng mga OFW's ngaun dahil sa lower rate, it is just a small factor in overall for the Philippine economy.

However, if the trend and scenario is that it is the DOLLAR which is weakening against most of the other currencies, then it would be a preemptive signal on a possible upcoming recession in the US. Since the world market is still based on the dollar, a weakening dollar would indicate a weakening economy of the US and should be carefuly reconsidered and checked

Aristotle
11th Feb '08 Mon, 13:03
It should be a good sign if the perspective is that the PESO is the one strengthening against the dollar since it would entail a rising economy in terms of aggregate GDP and GNP in relation to US based commodities and services. Though mejo maliit ang turnover ng dollar equivalent ng mga OFW's ngaun dahil sa lower rate, it is just a small factor in overall for the Philippine economy.

However, if the trend and scenario is that it is the DOLLAR which is weakening against most of the other currencies, then it would be a preemptive signal on a possible upcoming recession in the US. Since the world market is still based on the dollar, a weakening dollar would indicate a weakening economy of the US and should be carefuly reconsidered and checked
I have to disagree with you that OFW remittance is a small factor in the Philippine economy. Consider these:
DOLE's latest report estimated OFW contribution to the GNP at around 9.2 %. In terms of dollars we remitted over 13 billion dollars last 2007. The net FDI or foreign investment last year amounted to 2.5 billion dollars. Can you imagine that? FDI contribution is only a fraction of OFW contribution and they are getting all sorts of incentives from the government while OFWs get petty pa consuelo de bobo. I still stick to my original comment that speculators are profiting in the peso appreciation instead of the OFWs and the ordinary people.

kEnzHin
11th Feb '08 Mon, 13:33
NO! kasi my dad is an ofw.. sa kanya lng kmi umaasa sa lahat ng mga gastusin namin sa pang araw2x.. what will happen to us kung ang palitan ng dolyar to peso is 1? maganda sana kung bumagsak ang dolyar, babagsak rin ang mga presyo ng mga bilihin.. pero ang labo ata mangyari yun..

babagsak mn o hindi ang dolyar.. plano pa rin nang Diyos iyon..

renz0982
11th Feb '08 Mon, 13:46
opo mas maganda nga po bumaba ang dolyar kaso marami pong maaapektuhan sa mangyayari..

kEnzHin
11th Feb '08 Mon, 14:14
opo mas maganda nga po bumaba ang dolyar kaso marami pong maaapektuhan sa mangyayari..

anu ung mga mangyayari?

wakokocrunch
13th Feb '08 Wed, 06:21
What I meant was that it is a small factor since the long term implications of such an event would indicate that the development would be shifting outside the US and be potentially available in the Philippines because with a lower dollar and a stronger peso, the economic power of the Philippines will be a bit more significant for investors to put their investments elsewhere other than the US or dollar based economies.

Of course it would have a small bump in the amount of remittance we might be getting from OFW's, but we are not talking about a small term effect of this... We are looking at a perspective of several years... economic implications is viewed in decades at least.

Now, let us put a similar scenario...with a stronger peso, our currency will actually have a stronger purchasing power and would promote a local increase in demand, which would have a good shift towards a stronger supply curve which will have a positive effect on the "pesos" that ALL of us Filipinos use to live here in our own country...

I see it as a good sign because I am more concerned with all the other Filipinos who earn and live with Pesos here in our country...



...I still stick to my original comment that speculators are profiting in the peso appreciation instead of the OFWs and the ordinary people.

I understand your point of view. In adherence to the main topic regarding personal perspective, I see what your stand is...based on the POV of dollar dependent work remittances...

Pero tingnan mo, let's say malakas masyado ang dollar, we get remittances...big value remittances. Then, those dollars would actually make the lives of those who earn them be a lot more comfortable kasi they have more purchasing power when they convert the dollars into pesos to be used in the Philippines. Dollar reserves would increase in the Philippines.....

Kaso, the BIG majority of Filipinos who depend on the peso alone (which in this case is weakened) will even have a lower purchasing power to buy products that they need or want...and these products are based on dollar investments which are expensive in the first place. Majority of the local Filipinos will have much more difficulty in stretching their meager peso profits. My point of view when I said the scenario of the weakening dollar is in context with a vast majority of Filipinos'.

Also, imported goods would practically cost less kung humina konti ang dollar, which is good. Again, ok lang ang weakening pero at a gradual rate lang kasi kung sobrang bilis, recession will ensue, and world markets na ang pwedeng maapektuhan sa pagcollapse.

Anyway, let's just continue and observe what specific course of events take place in the weakening dollar. I want my pesos to have more "umph!" :p

jalvi
14th Feb '08 Thu, 12:26
on the point of view of ordinary people. it has no effect at all. many are still below the poverty line. no economic uprise occur since our economy depends on the dictate of oil rich countries. so mostly aren't happy.
prices of basic commodities still rises to a high levels although we reached the highest gain in stock markets and 10-20% stronger peso a year ago.

since we are a country exporting workers, professionals as a prime export product , i symphatize to their families complaining the dropping down the value of their hard earned money abroad.

on my personal point of view. i'm also not happy. y? kc naman dollars ang sweldo ko and from the time i started working, luge na ko ng 2K bucks.waaah :weep:

wakokocrunch
23rd Feb '08 Sat, 20:02
Ako rin naman ay dollars ang sweldo ko from korea. Kaso I don't blame poverty on the falling dollar rate kasi it is just a complication of a much bigger problem... the mismanagement of administration. No matter how strong the peso becomes, it will not help the Filipinos since any amount of revenue and benefits that the economy has produced for the citizens are filtered and siphoned into personal pockets of those in power.

mherz
12th Mar '08 Wed, 04:20
no!!! kaming nasa ibang bansa,mahiraP!!!

sana kung bumaba ang dollars baba din ang bilihin,

kaso pareho rin nmn db? tumaas o bumaba,pareho lng

sa goverment..(pansin nyo?)

ThankMode
13th Mar '08 Thu, 06:22
NO!! hindi tumataas ang value ng peso,, ung economy ngyon ng US ang bumababa consequently bumababa rin ang value ng dollar kaya naiinis ako na pinagmamalaki ni mrs. pandakekok na tumataas ang peso samantalang ultimo karne ng baboy di nila makuntrol:upset::ranting::ranting::upset: waaaaaaaaaaaaa magRESIGN na xa!!

Aristotle
15th Mar '08 Sat, 13:51
My main advocacy is "Asenso ng OFW, asenso ng bawat Pilipino" and I am happy to learn that water rates in Metro Manila will be reduced because of the strong peso. I have argued in other fora that savings due to the strong peso against the dollar should be quantified and reflected in electricity, water, petroleum costs and other things funded by dollar loans because these are being repaid at a lower cost due to the appreciation of the peso. I hope that after the water and toll fees the government will also go for lower electricity and other things.

PINOY_RADICAL
17th Mar '08 Mon, 18:35
Yes & No. Yes, kasi sa katulad kong OFW, ito 'yung matagal ko ng pangarap na muling gumanda ang ekonomiya natin nang sa ganoon ay muli na akong makabalik d'yan sa atin.Hindi pa rin masyadong maramdaman ng karaniwang Pinoy ang nasabing " economic gain " dahil mataas at patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

No, dahil apektado ang padala ko sa pamilya ko.



ibig sabihin kaibigan, nahahati sa dalawa ang iyong sagot.

yung iba gusto nila mataas ang dolyar gaya ng mga kababayan nating OFW, yung iba naman gusto nila mababa, ano ba talaga? ipaliwanag nyo saken ng mabuti.

renzoy16
4th Apr '08 Fri, 23:14
I'm a son of an OFW. But, gusto ko namang makita na umunlad ang PESO. Dahil kung mataas ang peso, hindi na kailangan pang umalis ang dad ko.(at gusto ko ng makasama ang dad ko dahil since i was born, mga total 4 lng na taon ko lng siyang nakasama...im now 18 yrs old ).Pero iba eh, ang pag-taas ng value ng peso ay nararamdaman lang iilan. At kami ngang mga pamilya ng mga OFW ay umaangal dahil dito.

Lovely Face
10th Apr '08 Thu, 02:09
Bakit ganun, tumaas nga yung halaga ng piso but the commodities do keep on rising!:ranting:

kimsol23
10th Apr '08 Thu, 07:24
Kahit naman bumababa ang Dollar, wla naman tyung nararamdaman na ginhawa sa ating mga bilihin kaya masmabuti png tumaas uli yung dollar

tomas
10th Apr '08 Thu, 17:51
pagbagsak ng dolyar kinatutuwa?? :think: No! kahit naman tumaas ang peso, di naman bumabababa ang presyo ng bilihin, mababa pa rin ang sweldo, di naman nagiging ok ang buhay ng mga pinoy.. ang mga nakikinabang lang siguro nyan yung mga nasa gobyerno na matitindi sa corruptions. mas ok pa na mataas ang dollar... ganun din naman eh.. mas makakatulong pa sa mga OFW.

tomas
10th Apr '08 Thu, 17:54
I'm a son of an OFW. But, gusto ko namang makita na umunlad ang PESO. Dahil kung mataas ang peso, hindi na kailangan pang umalis ang dad ko.

you are joking? right?

slam21
15th Apr '08 Tue, 01:47
nakakalungot pra sa mga OFW kung bumabagsak ang dolyar...kac cla ung talo...

para saken ok lng..tumaas bumaba man wla dn nangyayare...:sigh:

Lovely Face
16th Apr '08 Wed, 01:35
you are joking? right?

I believe he's not, nangangarap siya gaya ko.:)

renzoy16
16th Apr '08 Wed, 19:00
you are joking? right?

im not joking,.. i think you should try to put yourself on my shoes,..

dicken123456
16th Apr '08 Wed, 20:50
Big "NO"


walang pagbabago bumaba man o tumaas, corrupt lang talaga
mga government officials natin kaya tayo ganito.



Good Bye Philippines

_15™
16th Apr '08 Wed, 21:13
a big "NO".

two reasons to consider:

1. if my rate is US $12/hour

US $12 x 8 (hours / day) = US $96
US $96 x 30 (average monthly days) = US $2,880

= $2880 / month

year 2005 = 2880 x 50 = P144,000 per month.
year 2008 = 2880 x 41.5 = P119,520 per month

difference = P24,480

2. year 2005 = premium gas fuel - P28.00
year 2008 = premium gas fuel - P43.00 - P45.00

jericjed
26th Jul '08 Sat, 13:56
Yes, coz this means that somehow, lumalakas din ang piso

Mr.Duncan
26th Jul '08 Sat, 16:02
No...im a OCW...no choice.

PINOY_RADICAL
26th Jul '08 Sat, 16:25
Bilang isang estudyante 'di ko alam kung ikatutuwa ko ba o hindi. Kung tataas ang piso at ang karamihan ng mga kababayan natin ay makikinabang, ikatutuwa ko ito.

dannice_06
4th Aug '08 Mon, 20:36
NO. . . .wala namang nababago eh lalo pa nga yatang nagmamahal ang mga bilihin tapos if ever $1 = P1 wala na ngang magaabroad pero pag dito na sila sa pinas wala namang trabaho:upset:

jericjed
5th Aug '08 Tue, 19:29
Dami kasing kurakot...

merde
28th Oct '08 Tue, 08:41
O ayan na, bumalik na naman ulit sa pinakamababa na 49 = $1, pero hindi nakakatuwa dahil kasama ang pagbasak ng Stock Exchange kasama ang world economy :weep:

Lovely Face
31st Oct '08 Fri, 07:23
right....marami na namang natuwa ang nagremit ng dollar sa bansa...

Aristotle
1st Nov '08 Sat, 14:14
Alin ba ang bumabagsak ang dollar ba o ang peso? From what I know it's the peso at sa isang OFW tulad ko maganda ito dahil mas malaki ang palit ng kinikita namin. Simple math, mas malaki ang natatanggap ng mga families ng OFW. Tutal naman noong mababa ang palitan hindi naman bumaba ang nga bilihin dyan sa atin. Tulad nga ng nasabi ko na hindi naman ang mga mahihirap at mga OFW ang nakikinabang kapag malakas ang peso kundi ang mga big corporations at gobyerno na may foreign loans in dollars. They don't pass the benefits to the people kaya dito na ako sa mataas na palitan.

lutongmakaw
1st Nov '08 Sat, 15:01
kung 1 peso=1 dollar sarap nun wala na magtattrabaho sa ibang bansa mayaman na bansa na tayo nun lahat ng ofw babalik na sa pinas.....ayun lang ang tanong kelan kaya to magkakatotoo?:pray:

kung kumikita ang average pinoy worker a month sa ating bansa ng P10,000 equals to $10,000 :wow: di ba ayos?

saglit lang tawag lang ako kay GMA:spit::gma: