View Full Version : PAALALA : Modus Operandi sa Bus


mabhin17
14th Nov '07 Wed, 10:07
Para ito sa mga sumasakay ng bus… magdala lagi ng barya…

Ingat po…


(True story)







hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....


AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka....



(based on my own experience sa isang aircon bus....)


last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng ticket (going to baguio) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus from victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in ortigas)


...ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako po ay nagbigay ng P100 sa kundoktor...binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta center)...pina alala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor


so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....


Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...


eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...


sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...


dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..


tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....


eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...


Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)


Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...


So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)...


May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli.


Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni....


Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...


"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....


Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...


Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....


Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...


Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...


pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK...SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...


so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....

Salamat po.


Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti

aga_cruz
14th Nov '07 Wed, 10:18
bro mas maganda sumbong mo sa bitag ke tulfo,,, anung pangalan ng bus na gumagawa nun????????:ranting:

eumanoid
14th Nov '07 Wed, 10:37
waaaa. scary

GSM_BLUE
14th Nov '07 Wed, 10:45
totoo yan boss!!! lalo na sa crossing sa shaw!!!!!

Battosai
14th Nov '07 Wed, 11:31
Kaya ako, I always make sure na may loose change ako when riding public transportation. Tama, isumbong mo kay Tulfo! Pero sa nangyari sayo, dapat kinuha mo yung pangalan and plate number nung bus. You also should have kept the ticket.

mysticross
14th Nov '07 Wed, 12:06
grabe nman yan... ndi na pla ngaun holdaper at slasher ang dpat katakutan kundi pati mismong mga driver at kundoktor at may kakuntsaba pa tsk tsk... dpat mturuan na yan ng leksyon! :furious:

eumanoid
14th Nov '07 Wed, 13:57
honga. you shouldve taken a look at the plate. oh well. i guess nawala sa isp mo sa tindi ng pagkainis at panibugho. hehehehe :rofl:

jovrea27
14th Nov '07 Wed, 14:15
:ranting:amp, mga ungas un ah...

rentao_15
14th Nov '07 Wed, 15:12
nakakaasar grrrr... :furious: hmp... naku...

empoy
14th Nov '07 Wed, 15:32
matindi talaga ang mga kababayan natin sa pag-diskarte ng pera..kahit konting barya pinapatulan na....

mas maganda na makuha ang plate number ng bus na yun or yung company name ng bus...

dapat sa mga taong ganyan...ginigilitan ng leeg...:kill:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 15:34
tama kau dun, dami nila nabibiktima, kaya dapat sakto pamasahe natin.

zaido empoy, cool k lng:lmao::lol:

empoy
14th Nov '07 Wed, 15:37
tama kau dun, dami nila nabibiktima, kaya dapat sakto pamasahe natin.

zaido empoy, cool k lng:lmao::lol:

galit ako sa mga taong nangloloko ng kapwa nila...ayoko ng gnung klaseng tao...maraming paraan para kumita...:kill:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 15:38
sintensyahan mo na pulis pangkalawakan:lmao::lol: apir :punish:

mysticross
14th Nov '07 Wed, 15:42
hahaha kulit mo tlga mabz! :lol: :lmao:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 15:45
mysti:smack: musta dun sa kabilang site?:quiet::D

mysticross
14th Nov '07 Wed, 15:55
:lol: ewan ko :noidea: di aq ngagawi don lately :D

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 16:00
ako din, madalang na nakakapunta dun:D

basta wag ka sasakay ng bus, mag taxi k nlng, sabihin mo nlng name ko sa driver:lmao:

Redge
14th Nov '07 Wed, 16:08
ok post mo mabhin,,:punish:paminsan minsan seryoso ka pla :lol:

akala ko puro kalokohan na namn to:lmao:

tnx :salute: idol

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 16:12
behave ako ngaun unggoy:punish:

me nagbanta sakin, isang halimaw ng SB :lmao:

:quiet:

mysticross
14th Nov '07 Wed, 16:22
haha halimaw :lmao: pro back to the topic... kpag nsasakay aq ng bus, gnon din cnsbi ng kundoktor "mamaya na lng ang sukli" waaaa pro buti nman bnbigay ang sukli sken whew...

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 16:24
ndi pa ngyayari sakin un, wala kasi ako pera puro barya:lmao:

lapuzrg
14th Nov '07 Wed, 17:16
Salamat sa paalala, dapat sa mga taong 'yan, bitin patiwarik, talupan ng buhay, buhusan ng gas at silaban.. para makita na nila, kamuka nila...:ranting:

eumanoid
14th Nov '07 Wed, 17:39
grabe ka naman lapuzrg. masyado kang bayolente. tama na yong balatan sila at paliguan ng asin at kalamansi :slap:

empoy
14th Nov '07 Wed, 18:12
sintensyahan mo na pulis pangkalawakan:lmao::lol: apir :punish:


wag nilang hintayin na tawagin ko pa c annie....:upset:

uubusin ko ang mga lahi ni puma ley-ar :kill:

apir mabhin :punish:

apir ulit :hit:

hi 5 mabhin :chair:

:lolcard:

empoy
14th Nov '07 Wed, 18:15
dapat yung mga yun ihulog sa slide na may blade na 1KM ang length at pagbagsak nila...sa POOL na puro calamansi juice with 1 gallon of chili extract...:laugh:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 18:36
wag nilang hintayin na tawagin ko pa c annie....:upset:

uubusin ko ang mga lahi ni puma ley-ar :kill:

apir mabhin :punish:

apir ulit :hit:

hi 5 mabhin :chair:

:lolcard:

:what::furious::furious::furious:

loko ka :punish: ginulpi mo ko dun ah:hit:

apir AZ boi :punish::lmao:

niKkay
14th Nov '07 Wed, 18:39
buti di ako nagbubus.. tsk

empoy
14th Nov '07 Wed, 18:40
buti di ako nagbubus.. tsk


Lucky you :thumbsup:

cyberlink26
14th Nov '07 Wed, 19:01
nakakaasar naman yun grabe sila!:furious: nakakatakot na tuloy magbayad ng buo kaylangan sakto na lang hanggat maaari!thanks sa pag share!:dance:

rico
14th Nov '07 Wed, 19:11
dpat un bro kinuha mo ung plate number ng bus tpos sumbong m sa xxx..hehe.. tpos lalagyan ka ng hidden camera tpos ttgnan nla kng 22o tpos sikat ka pa!hehe..la lang.. :lol: mga tao tlga ngaun gagawin lahat pra lang sa pera.:ranting:

empoy
14th Nov '07 Wed, 19:15
dpat un bro kinuha mo ung plate number ng bus tpos sumbong m sa xxx..hehe.. tpos lalagyan ka ng hidden camera tpos ttgnan nla kng 22o tpos sikat ka pa!hehe..la lang.. :lol: mga tao tlga ngaun gagawin lahat pra lang sa pera.:ranting:

ano yung XXX?...:upset:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 19:25
zaido empoy lapit ka sakin bulong ko sau :punish: apir:

dinig mo ba??:lmao:

empoy
14th Nov '07 Wed, 19:28
mabhin...uu...dinig ko...:laugh: :punish: :panic:

sher
14th Nov '07 Wed, 19:32
shish! mrt na lang,hehe..

advyz lng..
bsta when u ride a puv, fx, and the likes, always make sure na alam mo ang plate number ng sinasakyan mo.. ndi mo man makuha ang plate number bago ka sumakay, kunin mo to pagbaba mo pag may ginawang kalokohan.. then ireport mo sa kinauukulan.. and if kaya mo rin tandaan if anong ung transportation company..
yngatz tau! :)

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 19:33
kaya mga kabayan, konting alerto sa mga modus operandi gaya nito:D

ingat:hi::lmao:

eumanoid
14th Nov '07 Wed, 20:50
mag bisikleta ka na lang. wooot

sharingan_nirvana999
14th Nov '07 Wed, 21:35
kalokohan n nmn b 2 mab???:lmao:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 21:39
:slow: aliis jan :punish:

nanggugulo k nnmn e:hit:

empoy
14th Nov '07 Wed, 21:41
cnong nanggugulo tol?....:getiton: :kill:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 21:46
:more: zaido empoy, ung bulate nang gugulo :punish::lmao:

ndi eto kalokohan, isang payo lang to para sa lahat:buddy:

empoy
14th Nov '07 Wed, 21:48
alam ko naman na MAKABULUHAN ang thread mo na 'to kaya sasamahan kita sa pakikipaglaban mo sa mga nanggugulo :kill: :guns: :kill:

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 21:52
:happy: ako na si red zaido apir zaido :punish: :lmao::lol:

si nirvana bulate ata mastermind ng modus operandi na yan:laugh:

empoy
14th Nov '07 Wed, 21:55
waaaaa:happy: apir :punish:

MacGyver
14th Nov '07 Wed, 21:55
Ano kaya magiging reaction nung talong kumag kung bigla kang mag flash ng POLICE BADGE? Hmmmm...interesting..:ranting:

empoy
14th Nov '07 Wed, 21:57
Ano kaya magiging reaction nung talong kumag kung bigla kang mag flash ng POLICE BADGE? Hmmmm...interesting..:ranting:


parang mga batang inagawan ng kendi yung mga kumag na yun...matapang lang pag kaya ang mga binibiktima...:kill:

jinxes
14th Nov '07 Wed, 22:04
:ranting: tarantndo mga un ha. meron n dn akong nkitang gnyan dito sa amin. mga :x: sila. Report mo yan bro, dming pwdeng paglbasan niyan. Mas mabuti kung ivideo mo sila tpos kunin mo plate number ng lkong bus pag nxt tym n mangyari ulit.

mabhin17
14th Nov '07 Wed, 22:14
ndi sila araw araw umaatake, meron lng silang araw na trip nila para ndi mainit mata sa kanila, kumbaga para ndi obvious, malas mo lng kung nagkataon sa araw mo:slap:

kaya maging alisto mga unggoy:spy:

empoy
14th Nov '07 Wed, 22:35
baka umaatake cl kapag wala ng pambatak :kill:

eumanoid
14th Nov '07 Wed, 23:04
mas mabuti kung wag ka na lang magbayad. hehehe. ng makaganti ka naman

sharingan_nirvana999
14th Nov '07 Wed, 23:24
isa itong malaking kalokohan...hindi accepted sa symbianize ang ganitong mga pangyayari:lmao::lol::lmao:

eumanoid
14th Nov '07 Wed, 23:25
ano ang hindi accepted?

empoy
15th Nov '07 Thu, 11:03
isa itong malaking kalokohan...hindi accepted sa symbianize ang ganitong mga pangyayari:lmao::lol::lmao:


ano ang hindi accepted?....:lolcard:

this is a nice thread and i think we must give credit to those people who share & informed the public about the MODUS these F:censored: people doing :kill:

mabhin17
15th Nov '07 Thu, 20:48
nice 1 zaido apir :punish:

kaw bulate nirvana :punish: puro ka kalokohan :hit::lmao:

empoy
17th Nov '07 Sat, 16:10
apir mabhin :punish:

rhope016
18th Nov '07 Sun, 08:02
pinaghihirapan mo taz sila makikinabang...:rant:

rhodel29
18th Nov '07 Sun, 08:43
totoo eto...for how many years na ko byahe from crossing to sucat andami ko na naka encounter na ganito pangyayari...di lang ako nakikialam mahirap na! baka magripuhan at itapon an lang ako sa xpres e...:slap::furious:

Dagdag ko lang to mga tol...


Iwasan nyo rin matulog o umidlip sa mga bus..yung mga hinayupak na konduktor(di po lahat) my kakutsaba yan sa mga bus stop, timbre ka nila kung medyo alam nila pwede ka yariin..pagbaba mo laslas na bulsa or bag mo...:furious:

empoy
18th Nov '07 Sun, 16:38
totoo eto...for how many years na ko byahe from crossing to sucat andami ko na naka encounter na ganito pangyayari...di lang ako nakikialam mahirap na! baka magripuhan at itapon an lang ako sa xpres e...:slap::furious:

Dagdag ko lang to mga tol...


Iwasan nyo rin matulog o umidlip sa mga bus..yung mga hinayupak na konduktor(di po lahat) my kakutsaba yan sa mga bus stop, timbre ka nila kung medyo alam nila pwede ka yariin..pagbaba mo laslas na bulsa or bag mo...:furious:

PUTIK!!! talagang kakaiba na ang pinas ngayon..yung mga dapat na may concerned sa mga passengers nila..yun pa ang nauunang tumira...mga TULISANG DAGAT!!!!! :panic: :kill:

rhodel29
18th Nov '07 Sun, 17:30
Kaya nga onli in da pili[ins e...:lmao:hehehe

mae8869
18th Nov '07 Sun, 18:21
:thanks: for sharing
ingat kayo guys

KONOG
19th Nov '07 Mon, 07:26
nakakatoakot naman yan!!
salamat sa paalala!

kailangan nga maisumbong kay tulfo!!

mabhin17
19th Nov '07 Mon, 21:21
:thanks: sa add'l info rhodel:salute:

psychogist
22nd Nov '07 Thu, 04:54
:panic: wwaahh kinakabahan na tuloy ako mag bus. . .

parati pa naman ako nag bus from cubao to bicutan

but buti naman wala pa akong nararanasan na ganito

and sana wala parin :pray:

thanks sa mga info mga paps :thumbsup:

kwen2
22nd Nov '07 Thu, 05:33
hmm, cguro hindi lang ganyan ang style nila?!

mabhin17
22nd Nov '07 Thu, 22:18
:thanks: sa mga nagpaambon:lmao:

eumanoid
22nd Nov '07 Thu, 22:20
:thanks: sa mga nagpaambon:lmao:

:hi: sau mad. ulalanan ka sana ng swerte :hit: