PDA

View Full Version : Katanungan para sa mga tunay na lalaki!

BabyBart
22nd Apr 2010, 16:25
Kayo ba ay may katanungan para sa mga kalalakihan?

Siyempre kung may thread na nakalaan para sa mga katanungan ng mga lalaki para sa mga babae, dapat may thread din na puwedeng magtanong ang mga babae sa mga lalaki.

Kung may tanong kayo about love, friendship, o kahit ano pang mga bagay, wag kayong mahihiyang pumasok sa thread na ito! :dance:

Tanungan na! :excited:

Jane Carla
23rd Apr 2010, 12:34
:wow: may ganito pala.. :think:

my first question..

bakit may mga lalaking nagpapanggap na walang gf or asawa?.. :no:
lalo na pag maganda na ang kaharap nila..
pansin ko lang.. :giggle:

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 12:46
:wow: may ganito pala.. :think:

my first question..

bakit may mga lalaking nagpapanggap na walang gf or asawa?.. :no:
lalo na pag maganda na ang kaharap nila..
pansin ko lang.. :giggle:

may mga lalaki kasing mapagpanggap...halimbawa baliktarin nten...may panget na babae...tapos inaasar sa kanya....kahit wala p syang gf/asawa...sasabihin nun may asawa n sya / gf...hahahaha...kaya mapagpanggap...pero din rin naman lalaki lng gumagawa nito...kahit mga babae rin naman....dba?

raven_mk3_18
23rd Apr 2010, 12:46
kasi nagbabaka-sakali sila na pede nilang maging kalaguyo yung babae na yun

Raxxia
23rd Apr 2010, 12:47
hahaha sagutin mo na yan! :p

Jane Carla
23rd Apr 2010, 12:52
yun na nga eh.. :slap:
bakit ang daming ganong lalaki?.. :evillol: :peace:
nakakalimutang may gf/asawa sila pag magandang babae na ang kaharap.. :no:

next question.. :D

ano ang nagiging tingin or impression nyo sa mga girl na napapasagot sa text lang?..
as in walang kahirap hirap ligawan.. sa simpleng sweet messages napasagot agad agad?..
curious lang.. :lol:

pierrot27
23rd Apr 2010, 12:58
^Easy to get. Easy to forget. That phrase struck my mind sa tanong mo po ate. Heheh. Um. Pero ayaw din naman namen nung napakahirap makuha! Hahah. Pero ok lang yun, kung mahal mo talaga pero as pov ng hindi ikaw yung nasa ganung posisyon, parang ampanget naman ng ganun.

laarnimarie
23rd Apr 2010, 13:02
:wow: i soo soo love the TS... :thumbsup:

buti naman nakaisip ka ng ganito TS.. :kiss:

actually, madami akong tanong sa boys...

iisa-isahin ko muna... :giggle:

1. Bakit lage kayong umiiwas sa away? kami kasi mga girls ay mga CONFRONTATIVE kami..
kumbaga gusto naming pag-usapan ang problema... eh bat kayo, iniiwasan nyo??? :ranting:

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 13:02
yun na nga eh.. :slap:
bakit ang daming ganong lalaki?.. :evillol: :peace:
nakakalimutang may gf/asawa sila pag magandang babae na ang kaharap.. :no:

next question.. :D

ano ang nagiging tingin or impression nyo sa mga girl na napapasagot sa text lang?..
as in walang kahirap hirap ligawan.. sa simpleng sweet messages napasagot agad agad?..
curious lang.. :lol:

para sa akin., yan yung tinatawag na easy to get na girl..kaya easy lng din sila makukuha ng iba sau...halimbawa mas maganda sweet yung message nung isang boy...edi patay kna...kaya kdalasan di nagiging seryoso yun mga cnasagot lng sa txt messages...

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 13:11
:wow: i soo soo love the TS... :thumbsup:

buti naman nakaisip ka ng ganito TS.. :kiss:

actually, madami akong tanong sa boys...

iisa-isahin ko muna... :giggle:

1. Bakit lage kayong umiiwas sa away? kami kasi mga girls ay mga CONFRONTATIVE kami..
kumbaga gusto naming pag-usapan ang problema... eh bat kayo, iniiwasan nyo??? :ranting:

para sa akin...baka kasi di magustahan nung girl ang mga dahilan n sasabihin sa kanya o kaya baka kasi lalong lumaki pa ang problema pinag-usapan p..minsan kelangan tlaga umuwas lalo n kung alam n alam mong galit yung girl...

betbu29
23rd Apr 2010, 13:14
1. Bakit lage kayong umiiwas sa away? kami kasi mga girls ay mga CONFRONTATIVE kami..
kumbaga gusto naming pag-usapan ang problema... eh bat kayo, iniiwasan nyo??? :ranting:

hindi naman siguro sa umiiwas, ayaw lang siguro namin ng nakikipagkomprontahan with girls...

pag kasi kinompronta mo sasabihin nila pinapatulan mo sila... tapos sasabihan ka ng bakla kasi nga pumapatol ka sa babae... :D

pag di mo naman pinansin sasabihin nila umiiwas kami... then pagsasabihan kang walang kwenta...:D

next question please... :D

jyoiru
23rd Apr 2010, 13:38

tama ka dyan....
ayaw namin kc palakihan ang isang bagay n kung minsan d naman ganun ka importante kya ako tumatahimik nalang me o d kaya umaalis

Jane Carla
23rd Apr 2010, 13:43
bakit karamihan ng lalaki..
di makuntento sa isa?.. :evillol:
lagi kelangan may spare.. :slap: :laugh:
tapos pag babae ang manloloko.. kung anu ano na sasabihin..
kesyo malandi..makati :slap: at kung anu ano pa..

so unfair.. :lmao:

RaveMasteR
23rd Apr 2010, 13:47
Yup tama si Sir Betbu; isa din na reason nyan ay alam namin na ang girl pag ma init pa ang ulo masyado silang nager, hindi makikinig sa paliwanag namin, kami mga lalaki ayaw namin ng ganun kaya habang hindi pa masyado ma init ang problema tatahimik nlang kami at lalayo muna para kinabukasan pag balik namin alam na namin na pwede na kayo mkinig sa salita namin. ^_^

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 13:50
bakit karamihan ng lalaki..
di makuntento sa isa?.. :evillol:
lagi kelangan may spare.. :slap: :laugh:
tapos pag babae ang manloloko.. kung anu ano na sasabihin..
kesyo malandi..makati :slap: at kung anu ano pa..

so unfair.. :lmao:

para sa akin...makukumpara nten yung mga lalaking ganyan sa isang sasakyan...parang ganito... ang isang sasakyan lagi yang may spare na gulong..kungbaga, pag nabutas yung isa may kapalit...kungbaga - parang naninigurado o kya wala syang tiwala sa gurl...kaya ganun...heheheh

silverlight
23rd Apr 2010, 13:53
ibahin nyo ako, change me. mabait akong lalaki

jyoiru
23rd Apr 2010, 13:57
bakit karamihan ng lalaki..
di makuntento sa isa?.. :evillol:
lagi kelangan may spare.. :slap: :laugh:
tapos pag babae ang manloloko.. kung anu ano na sasabihin..
kesyo malandi..makati :slap: at kung anu ano pa..

so unfair.. :lmao:

well depende po yan sa lalaki... Kung ganun n k mature ang lalaki sa isang relasyon o d naman kaya kung gaano nia kamahal ung girl nia.

pagsawa na cia e try niang maghanap ng wala sa present nia pero tinitingnan rin ng boy kung gaano katiba yung kanilang relationship well kung 5years + n kau malamang d na sisirain ng lalaki yan

laarnimarie
23rd Apr 2010, 14:05
paano niyo pinaparamdam na mahal nyo ang isang babae?

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 14:28
paano niya pinaparamdam na mahal nyo ang isang babae?

di ko gano alam e....pero...cguro kung patay na ko dadalawin ko sya at magpaparamdam ako....:noidea:

jyoiru
23rd Apr 2010, 14:43
paano niya pinaparamdam na mahal nyo ang isang babae?

well karamihan kc sa mga lalaki d showy.... at hindi expressive d cla ganun kagaling mag express ng pagmamahal ung mga ganung tipo e ung parang dominant sa relationship cla ung nasusunod at kumbaga ung girl na ang bahalang mag-understand. Ung mga taong ganito ok n i text isang beses ung girl sa isang araw o d naman kaya e ung isang beses na date sa isang buwan

Ung tao namang sobrang sweet e ung ung tipong puspos na nangligaw sa kanya ung parang nahirapan makuha ung girl kya ginagawa nia ang lahat para mapasaya e2 at d magsawa sa kanya at lalo pang mapatunayan ang sincerity nia. Ung mga taong gaito naman lagi ang gus2 kasama at laging naaalala anu mang okasyon... 1st monthsary....First kiss birthday mo at gagasta ng kahit malaki para sau...

:book:

laarnimarie
23rd Apr 2010, 14:56
:thanks:

bakit ayaw nyo magsuot ng sexy yung gf nyo?
hindi ba kayo proud na maganda katawan ng gf nyo? :lol:
kahit sa pics, ayaw nyo na may makakitang ibang tao..

hal: merong pic na naka two piece yung gf nyo tas ipinost sa fb..
eh SUMMER naman..bat ba kayo nagagalit?? :giggle:

jyoiru
23rd Apr 2010, 15:05

actually d naman sa nagagalit ung mga bf sa suot ng gf nla ang sa kanila lang naman e kung gaano kaikli ang suot n2 depende rin po yan nga sa lalaki e.....

pag mahal na mahal k ng bf mo syempre ayaw nila na mababastos k ng ibang lalaki they just protecting you. Eto ung mga lalaking emotero type insecure sa mga bagay mahina ung self confidence nila seloso at wlang tiwala sa gf nila

ikaw b gus2 mo b ng lalaking wlang pakialam sau at ok lang kung me mga ibang boy na tumitingin sau ng masama??

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 15:17
:thanks:

bakit ayaw nyo magsuot ng sexy yung gf nyo?
hindi ba kayo proud na maganda katawan ng gf nyo? :lol:
kahit sa pics, ayaw nyo na may makakitang ibang tao..

hal: merong pic na naka two piece yung gf nyo tas ipinost sa fb..
eh SUMMER naman..bat ba kayo nagagalit?? :giggle:

ang totoo nyan., kaya yung iba nagagalit....iniisip nya baka pagpantasyahan ng ibang boys yung gf nya n ginagawa nya rin sa iba...ganun yun...parang yung kasabihan n. ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw....:lol:parang ganun:noidea:

RaveMasteR
23rd Apr 2010, 15:26
:thanks:

bakit ayaw nyo magsuot ng sexy yung gf nyo?
hindi ba kayo proud na maganda katawan ng gf nyo? :lol:
kahit sa pics, ayaw nyo na may makakitang ibang tao..

hal: merong pic na naka two piece yung gf nyo tas ipinost sa fb..
eh SUMMER naman..bat ba kayo nagagalit?? :giggle:

Hehe hindi naman sa ganun na hindi proud, ganito kasi yun; diba alam nyo naman kaming mga lalaki pag may sexy hala na parang hindi na mapakali kung pwede lang na hapo-in ang legs e ginawa na. peace mga pre ha? ^_^... ganito kasi dahil love namin kayo mga GF namin ayaw namin ma bastos kayo. kahit sa isip lang ng ibang lakaki ayaw namin kayo ma bastos, in short ayaw namin ma karmahan hihi joke^_^..

laarnimarie
23rd Apr 2010, 15:33
:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

peejaybomalabs666
23rd Apr 2010, 15:42
:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

hindi mahirap bigkasin yun...pero gus2 nmin n kau ang magbibigkas nyan o kya kayo ang unang magbibigkas nyan...parang yung kasabihan na 'ladies first'.:noidea:

jyoiru
23rd Apr 2010, 15:47
:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

Hindi naman sa hindi iniexpress ang smin lang naman d naman namin alam paano sasabihin tska d ba mas mahalaga na actions speaks louder than words....

maybe ok n cguro ung kiss sa pagkikita dba?? o d naman kaya ay yakap

RaveMasteR
23rd Apr 2010, 15:53
:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

Hihi hindi naman sa ganun, ganito kasi yon diba? may facts na mostly men died in the cause of heart attack? so it means na mostly sa amin hindi expressive. ^_^

betbu29
23rd Apr 2010, 15:56
:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

anong hindi... hindi nyo lang siguro nahahalata pero deep inside miss namin mga love ones namin...

para sa akin napakadali lang bigkasin ng "i miss you" pag sinasabi ko yun sa kanya sinasabihan naman nya ako ng "ang sweet mo naman" :giggle:

ang ginagawa ko pag namimiss ko sya eh tinetext ko ng mga love quotes minsan naman tinatawagan ko sya... kinakamusta ko sya... yun...

Raxxia
23rd Apr 2010, 16:12
:wow: i soo soo love the TS... :thumbsup:

buti naman nakaisip ka ng ganito TS.. :kiss:

actually, madami akong tanong sa boys...

iisa-isahin ko muna... :giggle:

1. Bakit lage kayong umiiwas sa away? kami kasi mga girls ay mga CONFRONTATIVE kami..
kumbaga gusto naming pag-usapan ang problema... eh bat kayo, iniiwasan nyo??? :ranting:
hindi nmn sa umiiwas ang lalake, ayaw lang nilang lumake ang mga gnung bagay lalo nat mahal ng guy ung gurl.. :beat:

bakit karamihan ng lalaki..
di makuntento sa isa?.. :evillol:
lagi kelangan may spare.. :slap: :laugh:
tapos pag babae ang manloloko.. kung anu ano na sasabihin..
kesyo malandi..makati :slap: at kung anu ano pa..

so unfair.. :lmao:
ang lalake ay polygamous by nature PERO minsan din namimis interpret lang ng mga gurl ung pagiging swit ng guy sa gurl

paano niyo pinaparamdam na mahal nyo ang isang babae?
ibi2gay ang lahat lahat pra sa gurl khit gusto mo na ung isang bagay bsta gusto ng gurl kakalimutan nmin ang gusto nmin mapasaya lang ung gurl :yipee:

:thanks:

bakit ayaw nyo magsuot ng sexy yung gf nyo?
hindi ba kayo proud na maganda katawan ng gf nyo? :lol:
kahit sa pics, ayaw nyo na may makakitang ibang tao..

hal: merong pic na naka two piece yung gf nyo tas ipinost sa fb..
eh SUMMER naman..bat ba kayo nagagalit?? :giggle:
ksi lam ng mga lalake na mababastos ang gf nila ng gnun
dahil gnun din cla kpag nkakakita ng ibang girl na nkatwo piece or sexy outfit (wag magpakaipokrito)

:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

ksi nga nkadikit na sa mga lalake ang "macho/barako look"

prang dyahe "daw" ksi pra sa ibang guy ang gnun kesyo korni "daw".. un lang :lmao: :lmao:

betbu29
23rd Apr 2010, 16:16
nuff said..

RaveMasteR
23rd Apr 2010, 17:32
Bye guys countinue lang ako bukas ^_^..

heartless28
23rd Apr 2010, 17:58
:thanks:

bakit ayaw nyo magsuot ng sexy yung gf nyo?
hindi ba kayo proud na maganda katawan ng gf nyo? :lol:
kahit sa pics, ayaw nyo na may makakitang ibang tao..

hal: merong pic na naka two piece yung gf nyo tas ipinost sa fb..
eh SUMMER naman..bat ba kayo nagagalit?? :giggle:

Sakin ok lang mag suot ng sexy yung GF ko, basta nasa lugar lang.. Kahit nga sa beach mag two piece pa ok lang eh...

Ako proud ako...

Ok lang din naman... wag lang yung seductive tignan na parang, nasa kwarto tapos mag pipic ng naka bra...

hindi ako magagalit sa ganito... kababawan lang yun...:)

BabyBart
23rd Apr 2010, 18:31
:wow: may ganito pala.. :think:

my first question..

bakit may mga lalaking nagpapanggap na walang gf or asawa?.. :no:
lalo na pag maganda na ang kaharap nila..
pansin ko lang.. :giggle:

Mga hindi kuntento sa kung ano ang meron sila :noidea:
Di naman lahat ganon.

yun na nga eh.. :slap:
bakit ang daming ganong lalaki?.. :evillol: :peace:
nakakalimutang may gf/asawa sila pag magandang babae na ang kaharap.. :no:

next question.. :D

ano ang nagiging tingin or impression nyo sa mga girl na napapasagot sa text lang?..
as in walang kahirap hirap ligawan.. sa simpleng sweet messages napasagot agad agad?..
curious lang.. :lol:

Kung ako ang nag-enganyo sa kanya na maging kami kahit niligawan ko siya sa text. Aba, wala akong karapatang mag-komento ng masama sa kanya.
Pero kung laging ganon ang isang babae..."Get a life."

:wow: i soo soo love the TS... :thumbsup:

buti naman nakaisip ka ng ganito TS.. :kiss:

actually, madami akong tanong sa boys...

iisa-isahin ko muna... :giggle:

1. Bakit lage kayong umiiwas sa away? kami kasi mga girls ay mga CONFRONTATIVE kami..
kumbaga gusto naming pag-usapan ang problema... eh bat kayo, iniiwasan nyo??? :ranting:

Salamat ;)

Umiiwas kami kasi minsan masakit sa tenga ang pag-nag ng mga babae. ~_~
Minsan naman, talagang wala nang dapat pag-usapan pa pero pinapahaba lang ng babae.
Naranasan ko dati, yung bagay na tapos na binabalik pa. Eh di paulit-ulit lang usapan namin. In the end, siya ang tama at ako ang mali. :noidea:
Oo na lang talaga.

bakit karamihan ng lalaki..
di makuntento sa isa?.. :evillol:
lagi kelangan may spare.. :slap: :laugh:
tapos pag babae ang manloloko.. kung anu ano na sasabihin..
kesyo malandi..makati :slap: at kung anu ano pa..

so unfair.. :lmao:

Hindi naman lahat ng lalaki ganoon. Siguro yung mga lalaki na gusto ng "spare tire" ay yung mga hindi nasasatisfy ng mga current partners nila. Iba naman sa akin, kung mahal ko talaga siya..."stick to one" ako.

Ang lalaki na tatawag sa nangaliwa nilang GF na "makati" ay...bahag ang buntot.

paano niyo pinaparamdam na mahal nyo ang isang babae?

Hindi ako gumagawa ng bagay na ikasasama ng loob niya at magpapaluha sa kany. :noidea:

:thanks:

bakit ayaw nyo magsuot ng sexy yung gf nyo?
hindi ba kayo proud na maganda katawan ng gf nyo? :lol:
kahit sa pics, ayaw nyo na may makakitang ibang tao..

hal: merong pic na naka two piece yung gf nyo tas ipinost sa fb..
eh SUMMER naman..bat ba kayo nagagalit?? :giggle:

Gusto ko ako lang makakita ng pagka-sexy niya.
For my eyes only.
Possessive ako eh. :noidea:
Akin lang siya.

:thanks:

bat kayo mga boys hindi kayo expressive pag namimiss nyo gf nyo?
-mahirap ba bigkasin ang -i miss u--

ano ba ginagawa nyo pag namimiss nyo taong mahal nyo?

Kadalasan sa mga lalaki, feeling nila pusong mamon sila kapag sinasabi nila ang "I miss you."
Depende naman yun eh. Ako, kaya kong sabihin sa taong mahal ko kung ano ang totoong nararamdaman ko.
Kung namimiss ko siya, eh di "I miss you."
Random moments at hindi niya inaasahan, "I love you."
Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka mahihiyang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman mo.

mind^^FREAK
23rd Apr 2010, 23:12
Ako ayaw sa akin ok lng yung sexy na outfit pero dpat hindi sobra..Mharap nman kasi na bnabastos na ng iba yun gf mo tpos d m nala2man.Or bka mea iba na ang judgement nla sa gf mo..Worst case pa pag may bumastos tlga ng harapn sa gf mo syempre d nman pwede na gnun nlng yun dba ..So away na..Might as well na iwasan nlng din un.

mind^^FREAK
23rd Apr 2010, 23:16
Sa pagi2ng non expressive i don't think general trait yan ng mga boys..I my self have no problem being expressive to the person that i love..Its not so hard for me..Infact i make it a point to say dat several times each day..Well its the cheapest and most effective and most sencire way to make your girl smile..^^,

laarnimarie
24th Apr 2010, 17:33
wew... :thanks: boyzzz.. :giggle:

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?

sirnyor
24th Apr 2010, 17:39
wew... :thanks: boyzzz.. :giggle:

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?

pag gabi, malamang tulog na kame...,depende na rin sa senario..,kung bakit nawawala kame sa text..,normal na po to. :)

julbert
24th Apr 2010, 18:41
wew... :thanks: boyzzz.. :giggle:

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?

Palaging nangyyari sakin yn.,pero sagot ko po depende sa sitwasyon. Hal, mgkasama kmi ng gurl sa hapon tapos pgdating ng gabi gs2 nya mgttxt parin ako palagi..e meron din akong ginagawa pag gabi browse ng symbianize, nuod tv, etc.. dahil don nkkalimutan ko mgrply..

kng iintndihin maigi valid nmn ang reason namin kng minsan di kami nkkareply agad agad...peace tayo mga gurlzzzz...:dance::dance::dance:

BabyBart
24th Apr 2010, 19:00
wew... :thanks: boyzzz.. :giggle:

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?

Kadalasan kaya hindi ako nakakareply kasi nakakatulog ako. :noidea:

Hindi naman sadya.

RaveMasteR
24th Apr 2010, 19:07
wew... :thanks: boyzzz.. :giggle:

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?

Helo poh! ^_^ . . . Hindi sa na walala kami bigla depende cguro yun sa lalake ako hindi naman ako ganun, ako pa nga agresive sa pag txt2 eh ^_^, pero the most simple answer nya eh kasi antokin ang mga lalaki kaya yon in the middle of dicussion bigla na wawala ^_^

ebucles
24th Apr 2010, 20:51
Originally Posted by laarnimarie
wew... boyzzz..

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?

My answer:
please change topic in short..hehe or not interesting... or sobrang ulit ulit pinag uusapan or may ginawa lang(nanood,nag laro,may ibang gngwa) or last nakatulog napo, na pag gising sa umaga sabhin, sorry po nakatulog or dedma "parang walang ngyari"..hehe kunting pag unawa kasi sa mga lalaki din po.. especially those have in relationship...:thumbsup:

laarnimarie
24th Apr 2010, 21:06
:thanks: ulit... :D

Sinu pipiliin nyo... si Symb o si GF? :laugh:

Pinapili ko bf ko..kasi adik yun eh..
naiinis kasi ako, madalang mgtext dahil sa sb..
muntik na kami mghiwalay..
kaya yun, pinapili ko,, syempre, ako pinili :lol:

eh sa inyo? sino ba mas mabigat? :lol:

>>>kiddie stuff buh.. :lmao:

BabyBart
24th Apr 2010, 21:32

Si GF na lang, hindi bahagi ng "kids". :lol:
Mawala na ang lahat wag lang siya. :pray:

mind^^FREAK
24th Apr 2010, 22:18
Ako ang madlas maiwan sa middle ng txting :-(

mind^^FREAK
24th Apr 2010, 22:22
D nman dpat nagaagawan yung 2 eh..Magkaiba nman yun..Dpat kng like m tlga ang isang bagay at naaagaw ang time sa gf mo d do it together dba??Pde nman kayong mag symbianize together ^^,

laarnimarie
24th Apr 2010, 23:46
:thanks: mind freak... :thumbsup:

mind^^FREAK
25th Apr 2010, 01:53
Welcome laarni ^^,

kenchii17
25th Apr 2010, 02:55
gf syempre di mu na naman
pede akapin si symb eh haha...

laarnimarie
25th Apr 2010, 08:40
Ano gagawin nyo pag nakipaghiwalay ang taong mahal mo?

will you just let her go? or fight for her and try to fix the mess ?

dlegendkiller
25th Apr 2010, 09:31
Ano gagawin nyo pag nakipaghiwalay ang taong mahal mo?

will you just let her go? or fight for her and try to fix the mess ?

padamay sa thread.

it depends upon the situation.

ako nung nakipaghiwalay ang 2nd gf ko, which is very unjust, nakipaghiwalay na lang nang indi man lang ako kinakausap, tinanong ko sya why.. d sya sumasagot, ni text ayaw sagutin. tinanong ko ung sister nya, aun sabi nya wala daw ako time sa kanya. so ang ginawa ko, hinayaan ko na lang muna syang mag isip, pero d talaga ako kinausap.

i let her go. kahit masakit. kasi d ko naman pede pilitin ang isang tao na mahalin ako, mas masasaktan lang ako.

pero kung may reason kung bat ako iniwan (e.g. parents, lalayo sya, etc.) i will wait for her to come back. :salute:

Raxxia
25th Apr 2010, 11:22
wew... :thanks: boyzzz.. :giggle:

eto pa..

Bakit bigla kayong nawawala in the middle of texting.?
nakakapagod ba?
minsan kse may ggwin xa at di na nasasabi xeo kea minsan pagtpos nia gwin ung mga un tska ka ittxt :salute:

:thanks: ulit... :D

Sinu pipiliin nyo... si Symb o si GF? :laugh:

Pinapili ko bf ko..kasi adik yun eh..
naiinis kasi ako, madalang mgtext dahil sa sb..
muntik na kami mghiwalay..
kaya yun, pinapili ko,, syempre, ako pinili :lol:

eh sa inyo? sino ba mas mabigat? :lol:

>>>kiddie stuff buh.. :lmao:
obviously na sagot d2 na gf na pipiliin ksi di mo nmn malalambing ang symb like sa paglalambing mo sa gf mo.. :salute:

Pano pag nalaman mong mahal ka parin nya? nakipaghiwalay lang siya dahil pagod na siya kasi lage ka nagsisinungaling at lage kayo nag aaway... :sigh:

cguro na sakal lang xa give him space and time pra makapag-isip at makahinga khit papano.. :salute:

mcgills
25th Apr 2010, 11:34
Pasali pansamantala sa thread niyo ah ^_^

Ang tanong na "bakit ganito si lalaki at bakit ganito si babae"
ay lumitaw lamang dahil sa mga masasamang lalaki at babae.
Pero nang una hindi yan pinag uusapan ng babae at lalaki
(di natin pinag uusapan yong mga hangal nag uusap tayo
roon sa matinong mag asawa, matinong lalaki at babae
yon ang gusto kong maintindihan natin).

Merong dahilan kung bakit nilikha ng Dios ang lalaki at babae.
Hindi sila nilikha para pagtalunan sino ba ang mas matino sa
kanila.
Ang dahilan kung bakit naunang nilikha si Adan bago si Eba
merong dahilan yon. Inilagay ito sa kaayusan...
sila ay magiging isa mutualism yan merong tutungkulin ang
bawat isa ayon sa katalagahan.

Take note: Di ko sinasali yong mga tarantadong babae at
lalaki mag usap tayo roon sa buti..

Para maintindihan natin subukan nating panoorin ito.
You can see links before reply
You can see links before reply
You can see links before reply
You can see links before reply
(baka masagot yong mga tanong natin sa isa't isa)

Ang asawa ba ay biyaya ng Dios?
You can see links before reply

Kaya payo ko sa inyo halimbawa kayo babae maging maingat
kayo para sa susunod di mo na itatanong ang walang kwentang
tanong. Ganun rin sa lalaki kung matino ka.
Pero kung hindi matino di ok lang din ilagay mo ang sarili mo
sa bangungot ikaw naman ang may gusto niyan kasalanan mo rin
yan di ka nag iingat.

Kaya tignan rin naman natin yong ating sarili. Baka mamaya
tayo pa yong may pag kukulang.

Gusto mo ng totoo, gusto mo ng matuwid? Hindi madaling
makita yon! Gusto mo ng matinong asawa? Hindi basta basta yon.

laarnimarie
25th Apr 2010, 11:49
<ang taas ng speech mo :laugh:

bravooo :clap:

Raxxia
25th Apr 2010, 11:52
wooottt :salute:

RaveMasteR
25th Apr 2010, 12:09
Ano gagawin nyo pag nakipaghiwalay ang taong mahal mo?

will you just let her go? or fight for her and try to fix the mess ?

U know pag dating sa mga ganitong bagay may tinatawag tayo na case to case basis, it means depende na sa problema bitwin the two of u. kasi ganito ang explanation nyan ang tiwala ay mas mahirap pa ma ibalik tulad ng isang itlog, pag ma fix man yan hindi na sya perfect. so it means pag malaki na talaga ang damage yan mas masyado na ibalik so case to case. ^_^, pero the simpliest answer nya dapat u will try to fix it first... ^_^

heartless28
25th Apr 2010, 12:24
Ano gagawin nyo pag nakipaghiwalay ang taong mahal mo?

will you just let her go? or fight for her and try to fix the mess ?

depende sa reason, kung hihiwalayan niya ako na may iba na syang gusto, okay lang kesa naman pag pag pilitan ko sarili kosa taong ayaw sakin..

Kung ako naman ang may mali, syempre pipilitin kong itama...
:)

laarnimarie
25th Apr 2010, 14:37
:thanks: boys :giggle:

nasan na kaya ibang girls :think:

mind^^FREAK
25th Apr 2010, 16:43
Anung ga2win pag nakipaghwalay?
Ahm..For me i nid to let go.What sense does a relationship have if the love is not anymore mutual.What does it give you when you r with the person yet she doesn't love you anymore..Its better to let her be free..Love in anyway is never selfish and it longs to make the object of the love happy ^^,

ice cold lava
26th Apr 2010, 05:44
:wow: i soo soo love the TS... :thumbsup:

buti naman nakaisip ka ng ganito TS.. :kiss:

actually, madami akong tanong sa boys...

iisa-isahin ko muna... :giggle:

1. Bakit lage kayong umiiwas sa away? kami kasi mga girls ay mga CONFRONTATIVE kami..
kumbaga gusto naming pag-usapan ang problema... eh bat kayo, iniiwasan nyo??? :ranting:

actually ayaw lang namin salubungin galit nyo kapag may confrontation kasi diba pansin nyo kapag mahaba na ''declamation'' nyo nagpapanting na tenga namin dun na nag-ti-trigger na sumagot kami or gumanti ayaw man naming humantong sa physical na pananakit kaso karamihan duon nagtatapos, pero aminin nyo hindi ba pagkatapos naming marinig ang declamation nyo saka kami naglalambing o nagpapaliwanag sa inyo, kumbaga warfreak kasi kayo girls tapang nyo kasi alam nyong kayo kahinaan namin hehehe

pierrot27
26th Apr 2010, 07:08
Ganun pala talaga ang mga babae. :) kala ko gf ko lang yung gumagawa ng nakikipagbreak ng walang dahilan at laging nagdadahilan pag nagsisinungaling. But inspite of that, mahal ko pa din. :blush:

jyoiru
26th Apr 2010, 10:23
actually pareparehas lang naman tau ng mga nararamdaman e dba.... pd rin gawin ng girl yan o d naman kaya ng boy sa pag-iisip lang nga yan ng tao

jedzzz
26th Apr 2010, 10:46
:thanks: ulit... :D

Sinu pipiliin nyo... si Symb o si GF? :laugh:

Pinapili ko bf ko..kasi adik yun eh..
naiinis kasi ako, madalang mgtext dahil sa sb..
muntik na kami mghiwalay..
kaya yun, pinapili ko,, syempre, ako pinili :lol:

eh sa inyo? sino ba mas mabigat? :lol:

>>>kiddie stuff buh.. :lmao:

pede bang sumagot..? :)
syempre gf talaga... ako kasi kung may problem lng talaga ako sa love bumibisita d2 sa sb...
so gf talaga... :clap:

marimar2008
26th Apr 2010, 13:00
Bakit ang lalake naghihigpit pero pag ikaw ang naghigpit sasabihin praning ka? ammmmffffttt

actually ayaw lang namin salubungin galit nyo kapag may confrontation kasi diba pansin nyo kapag mahaba na ''declamation'' nyo nagpapanting na tenga namin dun na nag-ti-trigger na sumagot kami or gumanti ayaw man naming humantong sa physical na pananakit kaso karamihan duon nagtatapos, pero aminin nyo hindi ba pagkatapos naming marinig ang declamation nyo saka kami naglalambing o nagpapaliwanag sa inyo, kumbaga warfreak kasi kayo girls tapang nyo kasi alam nyong kayo kahinaan namin hehehe

hahahaha.... :lol: naaliw ako sa sagot nya..

e bakit pagkatapos nyo makipagbati, uulitin nyo pa din ang dahilan ng pag-aaway? parang walang nangyari, parang nilipad ng hangin ang pinag-usapan, balik na naman sa away.. tapos pag kakausapin iibahin ang topic.. likas bang sutil ang mga boys? ano bang dapat gawin para mapasunod ang lalake ng hindi dinadaan sa away/usapan?

delrene
27th Apr 2010, 13:37
bakit gusto ng mga boy na sagutin sila agad ng nililigawan nila na para bang atat na atat maging gf.. :peace:

sirnyor
27th Apr 2010, 13:48
bakit gusto ng mga boy na sagutin sila agad ng nililigawan nila na para bang atat na atat maging gf.. :peace:

para sa akin, sabik na sabik na kasi..,kulang nalang tumalon sa building para mapasagot ako, hahahaha

Raxxia
27th Apr 2010, 15:27
bakit gusto ng mga boy na sagutin sila agad ng nililigawan nila na para bang atat na atat maging gf.. :peace:

hindi nmn sa nagmamadali.. xempwe iba ang kasiyahan kpag sinagot ng mga gurls ang guy tska ung ibang guy ayaw ng nhihirapan... (ewan ko nga ba!:slap:)

jyoiru
27th Apr 2010, 16:02
bakit gusto ng mga boy na sagutin sila agad ng nililigawan nila na para bang atat na atat maging gf.. :peace:

ganun tlga excite sa pagmamahal:thumbsup: