ayangko
19th Nov '07 Mon, 02:49
Sa araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon
akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng
may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La
Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay
isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa
'94' at pataas, kung lumipas ang isang buong
schoolyear at umabot ka sa 15 units na bagsak,
masisipa ka sa paaralan.
Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng
bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa
iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay
kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti,
isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang
estudyanteng may-ari ng transcript na ito.
Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para
i-acknowledge ang paghihirap n gating magulang sa
pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para
maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na
huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang
speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na
kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil
madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa
mga achievements nila. May mga awards na gaya ng
"Summa Cum Laude", "Best Thesis Award" at "Leadership
Award." Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng
unibersidad na nagbigay ng "Hung on and managed to
graduate despite nearly getting kicked-out during his
academic stay" award.
Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito
para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang
estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable?
Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga
tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi
ba?
Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.
Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na
marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo,
nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka
mag-aral, nandyan yun g iisipin mo "Ano pa kayang
trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o
clerical? Ba't kasi ang bobo ko. Kung matalino lang
ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang
sikat na kumpanya."
Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng
bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang
bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang
pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na "Kaya mo yan,
mag-aral ka lang" pero alam ba natin talaga ang
sinasabi natin?
Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa
unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O
di kaya naman, ipagmamalaki niya pang 'TAKE 5 NA
KO!!!' o 'Pare, magpi-PhD na ako sa
Anmath3/Calculus/etc.' Pero hindi alam ng mga isang
Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal
na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang
pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang
isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
Kahit kalia n, hindi naging problema sa 'Star Student'
na sabihing 'Nay, bagsak ako' at hindi kailanman
sumagi sa isip nila na 'Paano kaya kung sa
walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?
Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.
Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything.
Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas
ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para
magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa
palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka
academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi
man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang
makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.
Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay
ko para sa mga estudyanteng lumpagpak,
muntik-muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang
pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong
patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang.
Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan
mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang
makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa
pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na
harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito
magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang
transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation
at proud na proud sa sarili mo.
Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos
nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng
mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo naming me
patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga
lumagpak, ano ang meron?
Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang.
Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa
magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari.
Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college,
nagtiyaga kayo e ba't titigilan niyo yung pagti-tiyaga
ngayon?
Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa
kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating
mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit
mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka
bobo, kundi tinamad ka lang.
Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.
I've been on both sides. Naranasan ko na ring
lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan
ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject.
Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at
kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa
pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi
makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko
na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na
naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. Akin ang
transcript na ito.
Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto.
Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng
Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano
man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga
panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako .
This is a rebellion. I raise my middle finger to every
professor, over-achiever, naysayer and detractor that
told me that I can't make it. I raise my middle finger
to every valedictory or graduation speech that only
gratifies the university, those who were achievers in
school or those who gratify the country when it's
supposed to be the graduate's moment of glory. You are
supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who
failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda
ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya
niyo rin to. Imposibleng hindi.
:praise: :praise: :praise: