PDA

View Full Version : [BEWARE!] Modus Operandi Sa Bus



spit_f1re88
30th Nov 2007, 19:20
nabasa ko lang sa email ko...

(True story)

hindi ko na sana ikukwento kasi akala ko aksidente lang.....

AKALA KO AKO LANG!...UNG PALA MERON PANG IBA NA MABIBIKTIMA NG
GANITONG
SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA
ANG
PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka....

(based on my own experience sa isang aircon bus....)

last september 6, 2007, 4pm ako ay nagpunta sa cubao at bumili ng
ticket
(going to baguio) sa victory liner cubao. sumakay ako ng aircon bus
from
victory liner (cubao) to robinsons galleria (going back sa office in
ortigas)

....ang pamasahe po ay P10 from cubao to robinsons galleria... at ako
po ay
nagbigay ng P100 sa kundoktor... binigyan nya ako ng ticket worth P10
at
kinuha ung 100pesos na binayad ko, sabay sabi na sandali lang wala
akong
baryang panukli. So, pagdating sa may P Tuazon (near araneta
center)...pina
alala ko uli ung sukli ko sa konduktor... tinanong nya ako, "san ka
nga uli
baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria
lang!"...... ."malayo
ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor

so, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the
driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas
ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang
kundoktor... (luminga- linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight). ..tumayo ako at nilapitan
ko
ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli
ko...

eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay
inabot
ko...

sabi ng kundoktor... "Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG
TICKET
MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo
mag
init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA
RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY
KO...

dun na kami nagkasagutan. ...at may dumikit sa akin na lalaki at
sinabihan
ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS
HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung
ginawa
nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE.. .HINDI KO ALAM YAN...BAKA
NAMAN
WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa
pagkakataong
ung...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,, ung
driver at
ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko
ung
driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO UNG PINTO...BABABA NA
AKO..LAMLAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA
HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa
pagkakataong ung, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng
POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada
na uli
ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT
Station)
ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na
mapagsusumbongan
ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing
ortigas
going to makati (guadalupe tulay)...

May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor
at
driver....na hindi rin binibigay ung sukli.

Sya daw ay galing sa may Timog ...sya ay baba sa may Boni....

Naalala ko ung nagyari sa'kin ...nang biglang may "LALAKI" na tumayo
sa may
kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS. ..SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA
KUNDOKTOR... KITANG
KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee
Boni"...nang
biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na
matulin ung
bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng
tinapay
malapit na sa tulay)....

Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong- pareho ng ginawa
dun sa
babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningna n ko ung
driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor... .

Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa
akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un
hindi sinuklian?.. . "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG
DRIVER AT
NUNG KONDUKTOR... .UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD
MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA
EXPERIENCE
AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK.. .SINAKSAK UNG ISANG
PASAHERO...KAWAWA
NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG
SUMASAKAY AKO
NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid. ..hindi lang pala holdaper at snatcher ang titinang mo
sa
bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na
tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....

Salamat po.

aga_cruz
30th Nov 2007, 19:55
posted na po ito Only registered users can see the link.

aga_cruz
30th Nov 2007, 19:55
search before you post:)