Yannah
17th Dec '07 Mon, 15:45
Sadyang masarap pakinggan ang mga payo ng ating mga magulang. Sa kanilang mga salita nabubuo ang ating pagkatao. Mas lalo tayong nagiging determinado na harapin ang pang araw-araw na buhay malapit man tayo sa kanya o malayo.
ano ang payo ng magulang mo na hindi mo makalimutan?
Ito ang ilan na hindi ko malimutan na payo ng aking magulang..
- Maging masaya ka dahil isa lamang ang buhay natin at maiksi lamang ito.
- Huwag mong hayaan na ang ibang ang pumili at magdesisyon sa bagay na para sa iyo at huwag mo ring hayaan na apak-apakan ka nila.
- Anuman ang pangarap mo sa buhay nariyan lang ako sa tabi mo. Mabigo ka man, sabay nating haharapin ang bukas mo na may pagbabago.
- Hindi kayaman ang sukatan ng tagumpay mo sa buhay. Maging mabuti ka sa lahat at makakamtam mo ang higit sa iyong inaasam..
share niyo din mga payo ng magulang niyo na di niyo makalimutan..
gian
17th Dec '07 Mon, 15:57
ang ganda po ma'am... touching, very touching...
makisama ka sa lahat ng makakasama at makikilala mo...
don't do unto others as you wouldn't want others to do unto you...
hindi lahat ng tao dapat mong pagkatiwalaan, sa huli pamilya mo rin ang iyong babalikan..
:salute:
Masaya
17th Dec '07 Mon, 15:59
mag-aral ng mabuti, hindi tayo mayaman at wala kaming ibang maipapamana sayo kundi ang edukasyon mo anak. :)
wella1407
17th Dec '07 Mon, 16:10
since di ko na na'meet tatay ko mga payo nalng ng nanay ko: :D
- mahalin ko muna sarili ko bago ibang tao
- okay lang na magalit pag minsan
- mag'aral
- maging matalino sa pag'pili ng mamahalin at wag tumulad sa kanya
- pag dumating yong time na nagkaron na ko ng anak na kasing tigas ng ulo ko, saka ko lang siya maiintindihan :weep: :D
Im_megan
15th Jan '08 Tue, 17:19
Wag magpagabi pag uwi,mag aral ng mabuti,wag muna umibig habang ng aaral pa!
cybil_geisha
17th Jan '08 Thu, 18:46
"wag ka magpapadaan sa mga regalo..." hehehe. ;)
icOn
17th Jan '08 Thu, 20:39
1.) ang kagwapuhan ng isang lalake ay hindi nasusukat sa dami ng profile views sa friendster...
2.) wag matulog kapag nasa bus..bantayan ang mga gamit dahil lahat ng kasama mo ay magnanakaw, lalo na yung katabi mo...
3.) wag lalabas ng bahay na walang sapin.
yan lang po. :)
:lmao: jowk lang :peace:
eto galing kay erpats:
wag mo palaging problemahin ang barkada mo, dahil kapag ikaw nagka-problema, wala silang pakialam sa iyo...:sigh:
(sa hapag kainan) ubusin mo kung ano yang nilagay mo sa plato mo. maswerte ka may makain ka, yung ibang bata sa kalye namamalimos pa para lang makakain.
eto naman galing kay ermats:
kung ano mang meron ka, isipin mo na maswerte ka dahil meron ka nun. matuto ka makuntento kung ano meron tayo. wag mo laging isipin yung mga gusto mo, ang isipin mo, yung mga kailangan mo.
(twing sembreak, xmas break, summer break) minsan ka lang nandito sa bahay, magtulong ka.
(sa pera) hindi ibig sabihin na may extra ka na pera, gastusin mo na. kung hindi mo kailangan, wag na. itago mo na lang muna. para pagdating ng panahon na kailangan mo ng pera, may mabunot ka sa bulsa. :yes:
simple lang pamilya namin, wala kaming kayamanan. pero masya kami. sana ganun din kayo. :D
EricMeister
17th Jan '08 Thu, 20:44
Magsumikap ka para lumigaya!;)
Im_megan
30th Jan '08 Wed, 16:22
Hahahahaha,nakakatawa naman ang iba,
Sakin namn iba....
Ang payo nila :
Magpakatatag ka anak.
Tyaga at sikap ang kelangan para matupad mo ang mga pangarap
Wag magsinungaling.
blush_blush
21st Feb '08 Thu, 16:08
sa dad ko...
kung gagawa ka ng kalokohan siguraduhin mong walang makakaalam.
patience sa lahat.
lahat ng bagay may oras wag magmadali
cutie17
11th Apr '08 Fri, 18:36
ang payo ng mga parents ko that i nvr 4get!
=magmahalan kaming
=umuwi ng 6:00 ng gabi:lol:
=at ito pa kumain ng kumain:lmao:
Yannah
1st May '08 Thu, 11:47
:lol: wag basta mag tiwala sa bagong kakilala..
kasi minsan, kahit matagal mo na kakilala, naloloko ka parin :(
psppsp42
1st May '08 Thu, 12:06
eto lagi sinasabi sa akin
wag muna magaanak .. okay lang mag girlfriend..
yun lang.. hahah... hangang ngayon wala parin akong girlfriend...
myragarcia
8th May '08 Thu, 07:19
wag kang lalaban sa matanda .
maging magalang sa lahat ng tao.
mag simba lagi
wag kang makikipag away
wag muna mag aasawa
tapusin ang pag aaral
marami pang iba....
racerdude_SiR
8th May '08 Thu, 14:59
mag aral ng mabuti...pra s future mo at future ng mgging pamilya mo...