PDA

View Full Version : Sa mga PSP geeks dyan. Patulong naman mga sir



mAxx pAyne
17th Oct 2010, 20:54
Tong psp 3004 ko kasi antagal magbukas. Pag binubuksan ko siya nag-oopen naman agad kaso nagri-read or loading lang. Hindi pinapakita yung mga icon sa main screen. Halimbawa, yung mga music,photo,music, etc. Blank lang at background or theme lng nagpapakita. Tapos yung busy or loading sign sa lower right part andun lagi. Tina-try ko din i-update yung firmware pero lahat ng ma-download ko nagiging corrupted kahit hindi naman. Tsaka yung mga firmware dito ko naman sa symbianize kinuha. Pa-help naman mga sir kung pano ko solusyonan to.

aNsWeRkEy02
17th Oct 2010, 21:13
sira na umd sensor niyan..try mo ion ng naka bukas umd door..

mAxx pAyne
17th Oct 2010, 21:30
Ibig sabihin sir, di na to makakapag play ng UMD?
About naman dun sa problem na corrupted yung lumalabas pag i-u-update ko yung firmware.
Tsaka eto pa pala. Habang naglalaro ako naiistorbo ako kasi nagpa-pop mag-isa yung "do you want to quit the game?" yes or no. Yan yung lumalabas lang dapat pag mag-eexit ka sa game di ba? Eh hind ko naman nape-press ung button na may psp logo. Nakaka-badtrip. Nagsimula to nung pumunta ako sa mall para magpalagay ng game eh. Pagkauwi ko biglang na-corrupt yung game kaya binura ko. Pagka open ko nag-reset tapos nawala yung epekto ng prometheus.

aNsWeRkEy02
17th Oct 2010, 21:50
mkakapag play ka pa ng umd games jan..ang problema lang nagdedetect ng umd yung umd rive mo kahit walang umd kasi umd sensor ang sura jan..dahil din dun yung pop up na do you want to exit..gawin mo paayos mo na sa tech yan or pwede din kung salpakan mo lagi ng umd disk sa loob

ano ba yung firmware na dinownload mo?

mAxx pAyne
17th Oct 2010, 21:59
Ire-reinstall ko lang sana yung 5.03 firmware baka kako yun lang problema kung bakit bumabagal.

mAxx pAyne
17th Oct 2010, 22:07
Duda akong ipagkatiwala ulit to sa technician, sir. Iniingatan ko tong PSP na to kasi may sentimental value sya.
Salpakan ko na lang ng umd palagi. Kaya lng hindi ba masisira tong PSP or yung UMD pag nakalagay lang lagi?

aNsWeRkEy02
17th Oct 2010, 22:11
reason kaya bumagal yan is ung pagreread ng umd sensor mo dahil sa sira nga yun ..di naman nakaksira yun eh..

mAxx pAyne
17th Oct 2010, 22:19
How about dun sa firmware upgrading sir. Bakit corrupted yung lumalabas eh completed at pare-pareho ng size yung mga nada-download kong 5.03 updater kaya hindi naman siguro corrupted mga yun.

aNsWeRkEy02
17th Oct 2010, 22:27
gagana lang yun kapag nakapag run ka na ng chikhen..

mAxx pAyne
17th Oct 2010, 23:06
Corrupted parin sir. Napagana ko na yung prometheus. Pero yung updater na wala padin.