PDA

View Full Version : Totoong buhay ng Pinoy sa Amerika



laincerlee
5th Feb 2008, 07:50
HAY BUHAY AMERICA TALAGA

A friend named "Maeng Ni" posted this. and dinag dagan ni "Li2 B"...
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.


Akala ng mga tao na nasa Pilipinas, kapag nasa America ka akala nila marami kang pera. Ang totoo, marami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga Kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag 'di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila
maghanap-buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kasi nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.

Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00 , sa America $ 6.50. Ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Maraming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pagdating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America.

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas.

Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan at karagdagang kaalaman sa mga naiwan naming mahal na mga kamag anak at kaibigan na hindi alam o naiintindihan ang totoong kalagayan ng karamihan ng mga kababayan natin dito, na ang iba sa amin ay nakaranas ng pang aabuso at kawalanghiyaan ng mga sariling kamag-anak na kung saan na dapat silang mga nauna dito sa America ang tutulong sa mga bagong salta.

Isa na ako at ang buong pamilya ko na pinitisyon ng mahal kong yumaong ama. na ang sarili kong nakakabatang kapatid na naunang makarating dito sa America na inaasahan ko at ng aking pamilya na tutulong sa amin sa mga bagay-bagay na dapat at hindi dapat gawain dito sa America, at sa halip, s'ya pa ang nagpahirap sa amin dito na halos maisipan ko na bumalik na lang sa Pinas.

Kung idedetalye ko ang lahat lahat ng paghihirap ko sa kamay ng sarili kong kamag-anak (kapatid) dito sa America, siguro lahat ng masasamang salita sa languwahe natin e, mabibigkas n'yo sa kanya.

Sana naman 'yung mga kababayan namin na naiwan d'yan sa Pinas, Huwag naman sana kaming pag-isipan na hindi na kami nakakaalala sa kanila o pinabayan na namin sila at kami dito ay nag papakasasa sa dolyar at karangyaan.

Marami ding naging successful dito sa America. Pero sana ISIPIN DIN N'YO NA MARAMI DIN DITO NA HINDI RIN NAGING SUCCESSFUL SA BUHAY. Mas maraming malungkot na pamilya dito dahil sa malayo sa mga mahal sa buhay at nagsisi sa pagpunta dito.

Nakakalungkot isipin ang mga media, mas binibigyan ng pansin ibalita sa mga kababayan natin d'yan sa Pinas ang mga nagiging sikat na Pinoy dito. Mas matimbang sa kanila ang ibalita sa inyo ang mga magagandang aspeto dito sa America.

Sana maging patas sila sa paghahatid ng mga katotohanan sa kalagayan ng mga Pinoy dito sa America. Kayong mga higanteng mamamahayag sa Pinas, tinutukoy ko ang ABS-CBN at GMA. Hinahamon ko kayo na patunayan ninyo ang mga palagiang patalastas ninyo na patas kayo sa pamamahayag ninyo lalong lalo na sa katotohanan.

"Ewan ko..!!!!" Noon, Gobyerno, Politika at Batas natin ang madalas na napipintasan.. Pero ngayon iba na.. Merong pagbabago, ano ito? Hindi lang Gobyerno, Politika at Batas. Pati ang Media ng Pinas ngayon ay napipintasan na rin.

Dahil sa mga palpak at walang kabagay-bagay na balita. O, at least me-pagbabago, 'di ba?

Anong pakialam namin sa mga rating n'yo. 'Di ba pera-pera lang 'yan . Ang pagtuunan n'yo ng pansin 'yung mga taong naaaragabyado ng ibang tao at GOBYERNO natin... Sana lahat kayo kunin na ni LORD...!!!!

Galinggan n'yo ang pag-survey dito sa America tungkol sa katotohanang kalagayan ng mga kababayan natin.

psyknarph
27th Feb 2008, 10:20
pwede ko po bang i-repost to under my name? :ranting:

killuaclassic
28th Feb 2008, 10:16
sir lain di naman po sa against ako just thinking na galing din po kc ako sa abroad :superman: and ganun po talga ang buhay kailangan magtrabaho... same here sa pinas kaya lang iba po kc pag nasa abroad na nabibili mo kung anong gusto mo and napapasaya mo ang mahal mo sa buhay by giving them more comportable life.. "Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa." .. regarding sa pamamahayag cguro fair naman po kc nagpapakita naman po ng ibang buhay sa ibang bansa na hindi successful ang media .. its just that they give more credit points to successful kc they are being proud to be pinoy... halimbawa po pag nagtagumpay na kababayan mo di ba proud ka kaya po mas nabibiyan ng exposure ang mga successful... cguro di lang po napapanood ng nagsulat yung mga palabas na para sa unsuccessful na pinoy sa ibang bansa...

thoughts lang po... :whew:

psyknarph
28th Feb 2008, 11:15
i stand corrected for my post above

kunsabagay po kung titimbangin natin parehas lang ang hirap ng buhay pag nasa ibang bansa man kumpara sa pinas... ang kaibahan lang po talaga syempre naiiwan natin at namimis natin ang mga iniwan natin.... Nasa lifestyle na po ng isang tao kung pano sya giginhawa, sa ibang bansa man sya o nasa pinas... at masasabi ko rin pong mas solid ang systema talaga sa amerika... (dito po ako ngayon)... mahirap din po ang buhay dito gaya sa pinas... pero halos lahat po ng mga ideas nya maipapaliwanag ko..

sa credit card issue po...
kanina lang sinamahan ko po si bayaw na bumili ng bagong kotse... dahil po maganda ang record niya sa credit history nya nakasave po sya ng halos 20%... mga ilang libo din pong dolyar yun dahil alam nilang kaya nyang magbayad at hindi sya mamumroblema sa mga gastusin nya... ang credit status mo po ang pinaka financial status mo dito... at syempre they will give you what you deserve...

sa issue naman po ng transportation...
me bus din po dito at tsaka tren... at makakabili ka ng second hand na kotse sa magandang halaga... automatic transmission po kasi ang uso dito pero meron pa rin pong nabibiling manual at syampre mas mura... at kung ako po ang tatanungin, mas gusto ko pong magdrive ng kotse kesa sumakay sa jeep, lalo na po't alam kong meron akong pambili ng gas...

sa trabaho naman po...
hindi po ba ganun din po dyan sa pinas? at least po dito marami pa rin pong libre... libre pong internet at libreng hiram ng dvd's, cd's, at mga libro sa mga public libraries (at pwede pang iuwi), kung me lakas ka po ng loob pwede kang kumain sa loob ng grocery kahit pinapanod ka ng manager na kunyari tumitikim ka lang ... part po iyon ng customer service (trust me, stock clerk po ako)...

at napakarami pong assistance na available dito... food stamps, tuiton reimbursements, financial aids, insurance, etc...

sa kapitbahay naman po...
napansin ko po na halos wala pong pinagkaiba sa siyudad dyan po sa pinas... me nga nagkkwentuhan din pong mga kapitbahay...

sa mga pasyalan naman po...
hindi pa po ako nakakapunta kahit saan don.. kasi po alam ko na sa ngayon hindi pa po kaya ng bulsa ko... siguro naman po ganun din dyan...

monetary naman po...
nandun na po ako.. at hindi lang po yon, lahat po ng mga bilihin dito na mahigit $1 ang halaga e me karagdagan pang tax.. bili ka ng greeting card me tax, 5 pirasong candy me tax...
depende po kasi sa goods na binibenta ang halaga... nabili ko po ang kotse ko (2000 honda accord automatic trans) ng $500 cash (ang saya ko po nung nabili ko yun)... ngayon po siguro naninibago lang sya sa systema ng bilihin dito...

sa mga naiiwan naman po...
hindi po ba gusto nyo rin po silang dalhin dito para guminhawa din ang buhay nila? ikakakasal po ako sa june... nandyan po sa pinas ang mapapangasawa ko.. pero hindi po naging hadlang ang distansya namin at lalo pa namin napapatunayan ang love namin sa isat isa...

sa 'kawalang hiyaang kamag anak' naman po
dito po ako nakatira ngayon sa bayaw ko... at alam ko po ang nararamdaman nung sumulat dahil ganun din po ako... sa unang linggo po gusto ko na talagang umuwi... pero nang tumagal naintindihan ko po kung bakit ganun sya... kasi po dito sa amerika ibang iba talaga ang sistema sa kabuuan... ilang beses na nya po akong iniligtas sa kapahamakan... pinakita nya lang po sa akin ang ibat ibang klase ng tao na nandito...

"Sana naman 'yung mga kababayan namin na naiwan d'yan sa Pinas, Huwag naman sana kaming pag-isipan na hindi na kami nakakaalala sa kanila o pinabayan na namin sila at kami dito ay nag papakasasa sa dolyar at karangyaan."

Dito po ako sasangayon talaga... Napakahigpit po kasi ng mga bansang puti sa mga hindi puti... (lalo n po kung pagaaralan nyo yung immigration laws sa bawat bansa)... napakamahal po ng bayad pagdating sa communication fees (phone calls using Yahoo Messenger to australia = $0.01, to philipines = $0.20), pero nakakapagpadala pa rin po ako sa pinas kahit papano kahit po stockboy lang ako sa grocery (at nakapagbayad din po ako ng tuition sa skul)... tulad po sa pinas, nasa pagiging masinop po talaga at pagtitipid....

mas gusto ko na pong me trabaho at nakakabayad me ng bills kahit na marami akong babayarin... kesa po ala akong trabaho...

on top of that, alam ko pong nakakatulong ako sa ekonomiya ng sarili kong bansa...

paalala lang po sa mga pupunta dito..
napakadali pong gumastos dito ng hindi nyo hinahawakan pera nyo... lalo na po kung saulado nyo ang credit card number nyo... kaya konting ingat lang po...:salute:

vahnderkaum2
28th Feb 2008, 20:35
Hirap lng talga mag trabaho basta tamad ka. pero when you love your work... ok lng yan...

benjun2178
28th Feb 2008, 20:51
medyu masaya ang unang part ng kwento... pero nag-iba ung tima pgdating sa dulo, nkakalungkot...

sephiroth1234
30th Dec 2011, 12:03
Kung tamad ka, siguradong wala kang asenso... :no:

Yun lang po... :D

jimmyrml
5th Jan 2012, 15:51
ok ah... yun nga lang talaga ang puhunan mo sipag at tyaga na may kasamang pag titiis....

Akatsuki Leader
8th Jan 2012, 20:38
I believe kumporme yan... There are a lot who have succeeded abroad especially after hardwork and perseverance... pero meron din naman na hindi talaga pang abroad ang systema sa buhay kaya kahit masipag eh hirap pa din sa abroad... and still sometimes it also all boils down to luck...

ry4nl3p0n
24th Jan 2012, 00:52
Sad but true. Hindi madaling kumita ng pera sa ibang bansa lalo na kung first time mong maging OFW.

newmen2.0
3rd Feb 2012, 20:48
hays ganun pla sa america...

:thanks: sa pag share.