PDA

View Full Version : Nakakawiling Mga Aral Mula Kay Inay At Itay



-black panda-
18th Feb 2008, 15:39
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

-Si Inay, tinuruan nya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. "Kung kayong dalawa ay magpatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay!

-Natuto ako ng RELIGION kay Itay. "Kapag may mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

-Kay Inay ako natuto ng LOGIC. "Kaya ganyan, dahil sinabi ko"

-At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC. "Kapag ikaw ay nalaglag sa bubong, ako ang mag-isang manonood ng sine"

-Si Inay din nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY> "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

-Si Inay ang nagpapaliwanag sa akin kung ano ang CONTORIONISM. "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

-Si Itay ang nagpapaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA. "Huwag kang tatayo dyan hanngat di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"

-At si Inay ang nagturo sa akin kung ano ang WEATHER. "Lintek talaga kayo, ano ba itong kwarto nyong magkakapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

-Ganito ang paliwanag sa akin ni inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE. "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maaari rin kitang alisin sa mundonh ito!"

-Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. "Tumigil ka nga dyan! Wag kang mag mag-inarte gaya ng nanay mo!"

-Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung ano ang ibig sabihin ng ENVY. "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

-Si Inay ang nagturo kung ano ang GENETICS. "Nagamana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

-Si Itay ang naman ang nagturo kay Kuya kung ano ang ibig sabihin ng RECEIVING. "Uupakan kita pagdating mo sa bahay!"

-Si itay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ANTICIPATION. "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating sa bahay!"

-Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR. "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower huwag na huwag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

-At ang pinamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE. "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"

::rofl::rofl::rofl::rofl::rofl:

prettywitty22
18th Feb 2008, 18:09
:rofl: :rofl: :rofl:

vastiere
19th Feb 2008, 05:28
kewl!!!!!

lykadelic
19th Feb 2008, 06:49
:slap::lol::lmao::rofl:

-black panda-
19th Feb 2008, 09:35
:thanks: guyz for reading!

schneid
19th Feb 2008, 10:17
Waaahahaha... nakakatawa talaga... hehehhe... :yipee::yipee:

shikaru
19th Feb 2008, 10:55
ayos madami ka nga matututunan mula sa magulang...

-black panda-
19th Feb 2008, 11:11
very informative talaga mga parents natin..jowk3!! :D:

mayann
19th Feb 2008, 12:18
haha:lmao:

-black panda-
19th Feb 2008, 12:54
haha:lmao:

:thanks: for reading! :D:

ingeniousthinker
20th Feb 2008, 13:44
korek na korek...:rofl:

NmEmoniC
20th Feb 2008, 16:43
marami talaga alam mga magulang natin....


pero kadalasan lokohan na hehehehe