PDA

View Full Version : Di ta guae yong khee



joezef
19th Feb 2008, 11:17
Nag-aaral ako sa La Salle.

Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.

Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.

Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay ang matanda.

Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan.
"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae yong khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga.

Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.

Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mga kamag-anak.

Sumakay ako ng taxi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng "Di ta guae yong khee".

"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba narinig 'yan?". :ohno:

wasak
19th Feb 2008, 20:23
lagot... murder... :rofl:

nupandu
19th Feb 2008, 21:36
naku pa imbestiga na yan... hehehe.. it a planned murder.. joke lang

firestarter
20th Feb 2008, 10:50
ngek.....
murder nga :p

joke lang po... :)

kuma-kun
20th Feb 2008, 13:23
:rofl: wow dead meat:lmao:

schneid
22nd Feb 2008, 10:01
patay kang bata ka... hahahahaha... mangumpisal ka na... :pray::help::pray:
:yipee::beat::excited:

lykadelic
22nd Feb 2008, 10:15
hala ka! lagot! joke lang...hehehe;)

batotoybato
13th Nov 2010, 13:59
hala lagot xa pla pumatay:lol:

fool018
13th Nov 2010, 14:22
haha.. buti hindi mu tinanong dun sa kaibigan mong namatayan..

breaker004
13th Nov 2010, 23:26
nakapatay xa..buti nga ndi nya tnanong dun sa kasama nya..ehe,

vinke23
13th Nov 2010, 23:28
.,hahaha,buti na lang umiyak yung anak kaya hindi natanungan kung anung ibig sabihin nun

countkenshin
14th Nov 2010, 00:03
haha nice one sir :thumbsup:

t700_825
14th Nov 2010, 09:58
lagot ka ngayon...hehehe.,dapat kasi nag aral n rin siya ng chinese tutal nga chinese mga kasamahan niya....hahaha, yan 2loy,.