PDA

View Full Version : DEKADA 90s



zercas
30th Apr 2007, 12:22
pulot lang po ito..

DEKADA NINETIES

Heto ang malupet, puro pang-eighties kasi ang nilalabas na mga
reminiscences, siguro talagang sobrang tanda na ng nagsulat. Kaya sa
mga pinanganak nung 80's eto ang dadalaw sa inyong mga gunita during
the glory days of the 90's.

1. Jolina Magdangal - kapartner ni Marvin Agustin kung saan
nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na
hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o
Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA
Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30
na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri,
Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica
Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong
Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy,
sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music
Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa.

2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin
ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o
kaya ang mga expressions na "Wala lang", "Ano
ba `yan?," "OVEEEERRR," that later on evolved to "WHY NOTTTTTT??"
courtesy of Kris Aquino.

3. Robinson's Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting
room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima
rito si Alice Dixson na umano'y tumakbong naka-bra at panty lang
nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay
black propaganda ng Megamall.

4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade
games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa
kasalukuyan) . Astig ka kapag pupunta ka ng Glico's sa Quad (Timezone
sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o Virtua
Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance Revo!

5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop "YO!
WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY! " Sagot ng mga Metal, "HIPHOP BULOK!!
PUNKS' NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!" Uso ito sa Megamall. Mga hiphop
na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy
pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena
ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na
tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.)
tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat
tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mge
metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong
mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven' ng
Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung may
identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si
FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang
bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ Kimozave
at ba-backup naman ang Evil Stepsisters.

6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal.
Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko' ang pangalawa
sa `Line to Heaven' na alam gitarahin ng mga gustong maging katulad
ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung
kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth,
Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito), Dahong
Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya,
True Faith, Fatal Posporos, Datu's Tribe, Tribal Fish, Arachnida,
Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang
(imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas').

7. Ultimate Warrior - namatay daw dahil binuhat si Andre the
Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya
dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali.

8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo,
Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si
April O'Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at ang
mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman). Tapos
uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM
toyland. "COWABUNGA, DUDE!"

9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims
ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349
ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na
nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke
dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na-
raket lang sila. (Parang 80's yata ito)

10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago
at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN,
HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na
gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing
Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may supsop
supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa
Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman
everyone went gaga over zagu.

11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na
itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS
COME OEVR. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone
para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng txtmate
dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü

12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas
kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito
ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang
La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio
at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok
sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan
niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang
Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at
nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace.

13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una
na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan
ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay kayang
kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito
rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na
naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao.

14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay
tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito, umikot
ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine.
Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee
ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi
parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw
na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald's at
nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung
iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng
pambata at pwede ring pang-environmentali st. GO PLANET!!

15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales,
Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng
lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belguim. Siya si
Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam
kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa siya
ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan
kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito.

16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang
balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang-
iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson's Galleria sa
kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at
panty si Alice Dixson.

17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa
totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal
Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito.

18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging
inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila ni
Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay
nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi
Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay
ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman
nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico
Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung
overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot ay
hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan Youth
Foundation, hayan may kabuluhan naman pala.

19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman
ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang
bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di
mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o
dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago
pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang
discman na may FM/AM receiver?

Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga
nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na ang
mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese gater, step no, at
piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller
ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o
family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang
abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para
sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na
minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan.

Jet Magbanua
Doha, Qatar
Manila, Philippines

zercas
30th Apr 2007, 12:23
DEKADA 90's (Part 2)

Dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko, sa dami talaga ng mga ala-ala
ng nakalipas na dekadang kailangang habulin ng isip ko, heto at
muling bubulabugin ang inyong mga pagmumunimuni ng malikot na
recollections ng mga ayaw umaming matatanda na sila ngayon na sila
ay mga ex-GenX people..Kitams pati ako ayaw umamin.

(Item Nos. 1-19 sa Dekada Nineties, part one)

20. Uumpisahan ko ang item dito ng pagtatapos ng dekada 90. Ang
lagim ng Millenium Bug. Sino ang hindi nangamba sa pagsasara ng
1999, sa eksaktong araw na December 31 at eksaktong oras na 00:00 ay
magsha-shutdown daw ang lahat ng computer? May mga haka-haka rin na
babalik tayo sa Stone Age where all computers would be useless and
we would be back to the primitive ways of our ancestors. Pero sa
palagay ko, hindi naman talaga na-extinct ang `stone' age. Marami pa
rin sa kabataan ang `stoned', `batong bato' na sa buhay, "yeah man,
c'mon I see god in my aluminum foil". Mas malagim pa ito sa
Millenium Bug. Ang tanong, kelan at paano ba ito magsha-shutdown?

21. Bago naging ecstasy ang trip ng mga nabato na sa bato, sino bang
hindi nakakaalam ng lyrics ng makabagbagdamdaming kundimang
pinamagatang "Extasi Extano"? "Extasi, extano, extasi,
extano..silakono testegustara porlosnakumba tegastaya porlokasi asi
mi gustami asi mi gustami, extasi, eba eba, extano.." Dahil di
maintindihan, pinauso ang mga kantang pwedeng sayawin tulad ng Dying
Inside, Always (I wanna be with you..), Informer, Hello
Africa, `yung "All you wanna do is ama-zoom-zoom- zoom and a-boom-
boom", at ang hndi pinatawad na si ANNN-GE-LI-NNNAAAA, "ang baho ng
*$@*=+*/$*&* &**@##…" kinain na yung tape kasi di pa uso sa album
cover ang PARENTAL ADVISORY, EXPLICIT LYRICS.

22. Nandyan ang Universal Motion Dancers na inOLWAYS ang Butterfly
Dance na namuo ng cocoon ng pagmamahalan nina Juday at Wowee De
Guzman. Pero mas astig pag marunong kang mag-Running Man at mag-
Roger Rabbit. Kahit mga metal aamin na kayang kaya nilang sayawin
ang mga ito bago naimbento ang Otso-otso. E ang loveteam ni Aiza at
Spencer alam nyo? Worm dance at TICK-TACK naman dyan mga streetvoyz!

23. In na in ang mga pantalong tinatawag na ELEPHANT kasi kahit
binti ni Dumbo e kasyang kasya sa luwag. At ang mga pundya ay lawlaw
na sa kapipilit i-low-waist ito. Uso ito sa mga Hiphop. Kung metal
ka, ang pantalon mong fit ay dapat naka-tupi ng isang beses ang
ilalim at alam mo sa pagkakatupi kung ang Levi's ay orig o pinatahi
sa suking sastre. Tapos may mga sinapian din ni Elvis Presley na
pumorma ng mga AMBELL o boot cut na pantalon. Minsan kahit staight
cut naman ay pipiliting maging ambell kahit iba ang kulay ng
ikakabit na triangle sa orihinal na tela ng pantalon.

24. Bago sumikat ang "kelangan pa bang imemorayz yaaaan?," halos
lahat ng may radyo ay nakikinig sa 97.1 DWLS FM, lalo na ang award
winning Top 20 at 12 ni Triggerman. Dahil sa pangalan nya at
iritableng paikipag-usap sa mga callers ay minsan nang binigyan ng
taning ang kanyang buhay. Meron kasing obsessed sa kantang `MmmBop'
nang tinalo ito ng kantang `Don't Fade Away' na naging Top 1 minsan
sa kanyang show.

25. At sinong makakalimot sa pagsikat ng mga groupbands, boybands at
mga girlbands na nagpalaos sa headband ni Donna Cruz? Nandyan ang
Ace of Base, Backstreetboys, Westlife, Nsync, Boyzone, Savage
Garden, Hanson, Moffats, Gil, Five, S Club 7, Salt N Pepa, A1, Human
Nature, Kris Kross, at napabalitang mga bading ang Spice Girls bukod
kay Scary Spice. Pero natabunan ito ng pag-amin na bading si Nick
Carter na tinakpan ng balitang iniwan na ni April Boy Regino ang mga
kapatid niyang sina Vingo at Jimmy ng April Boys, nakakalungkot.

26. Buhay na buhay ang Star City na parang anino lang niya ang
katabing Boom na Boom nung panahong ito. Patok na patok pa ang mga
pangalang Wow na Wow, Big Bang sa Alabang, Payanig sa Pasig,
Peryahan sa Baclaran at Tikbalang sa Malacañang. Sa Star City
nandooon ang Zyclon Loop na kaunaunahang rollercoaster na may 360
degrees loop sa Pilipinas. Matatagpuan din dito ang Wild River na
kelangan mabasa hindi lang ang pwetan mo kundi buong katawan. Dati
narito ang Jurassic Park , Alcatraz , at Wimpol's Ice World. Pero
lahat ng ito ay incarnation lang ng Fiesta Carnival na trip na trip
ng mga mas matanda pa sa atin.

27. Sa pagsuko ng Game & Watch at hindi pa pinapanganak na si
GameBoy, GameBoy Advance at PSP, ay umusbong ang magiting na si
BRICK GAME! Isipin mo ginawang handy ang Tetris ng Family Computer
at di pinalagpas ang mga kapatid nitong 4-in-1 at 1,000,000-in- 1 na
Brick Game. Bago nalagay sa 3210 ang Snake ay meron na sa Brick Game
nito. Ano, at meron pang Brick Game Challenge sa Eat Bulaga, saan ka
pa?

28. E Pog Pack meron ka? Libre ito dati sa Coke halos kasabay ng
pagdemote kay Barbie at Ken sa katauhan (ka-alienan) ng mga Trolls!
May kamukha silang 2 artista, CLUE: isang babae at isang lalakeng
ginawang babae, ang kumanta ng "Cute cute cute, cutie cutie cutie
cute, cute cute cute.." Iba-ibang kulay ng buhok ng Trolls na
nakataas parang laging naka-spray net. Kaso di mo malaman ang
kasarian nila parang mga hermaphrodites as in, mga di tiyak at
walang kasarian!

29. Nung 90's din nauso ang PopSwatch, baseball cap na Boy London na
may bakal na laging suot ni Robin Padilla at Dennis Padilla, at
Giordano Classics na dating tao na naging palaka. Walang tatalo sa
pagsikat ng mga branded na t-shirts tulad ng Fubu at Tommy Hilfiger
na mabibili mo sa halagang 3 for P100, bargain na bargain pwede pang
tawaran para may pambili ka ng choki-choki (ala mo yung tsokolateng
pinipisil at sinusupsop yung buong plastic?).

30. At ang brown-out na hindi bababa sa 10years per day! Grabe sa
init nuon, basangbasa na ang kilikili mo kakapaypay wala ka naming
magawa kahit bumili ka ng ice cream o ice tubig kasi brown-out din
ang mga tindahan. Nung malapit nang mag-eleksyon, ayan may ilaw na
ulit, salamat sa rasyong kandila't pamaypay. Buti pwedeng pumunta ng
Quad, Megamall o Galleria para magpahangin at maglibang.

31. Sa kabila ng mga kasiyahan, kagitingan, kabaduyan, kajologsan,
at katalinuhan nung 90's, atin ding alalahanin ang mga kabikabila at
sunod sunod na mga trahedyang naranasan sa Pilipinas. Ang lindol na
nagpabagsak sa Hyatt Hotel sa Baguio at nagpalubog ng Dagupan at
nagbigay sa Marikina ng Fault Line at kumitil ng libo libo nating
mga kababayan, lalaki, babae, at mga bata. Ang Ormoc landslide. Ang
Pagoda Tragedy. Ang nagpalubog sa ilang bahagi ng Pampanga at mga
karatig bayan nito nang pumutok ang Mt. Pinatubo . Nauso ang mga
evacuation centers, at dito naman naipamalas ang modernong bayanihan
ng mga Pinoy. Maraming mga NGO's at individual volunteers ang
gumagawa ng mga hakbang upang tumugon sa pangangailang ng mga taong
biktima ng mga trahedya. Nariyan ang pamamahagi ng mga relief goods,
lumang damit, laruan, libro, toothbrush, toothpaste, sabon, at iba
pang mga donasyon na nag-inspire kay Aga Muhlach para i-launch
ang `Ma-Aga ang Pasko sa Jollibee'. Astig. Ito ang pinaka-astig na
mga nagsilabasan nung 90's. Saludo ako sa inyo.

32. Malaki rin ang pinsalang naidulot sa Philippine film industry ng
mga chenelin at chuvang "take it, take it!" ni Ms. Mauritius Viveka
Babajee. Dito nagkaroon ng lamat ang ugnayang Lolit Solis at Gabby
Concepcion. Sayang sino nga bang nakakuha ng trophy? Speaking of
pelikula, sa panahon ding ito nauso ang mga pelikulang hitik na
hitik sa kabuluhan sa buhay, tungkol sa gulay at pangalan ng babae.
Kangkungan (Kandungan pala), Patikim ng P-nya, Itlog, Curacha,
Selya, Hagedorn, Onyok, at Kokey. Ayus!

33. Sa TV, nariyan ang pagsikat ng mga Tagalized cartoon series na
inumpisahan nina, Cedie, Princess Sarah, Peter Pan, Heidi, Remi,
Nelo at Patrasche, Maria ng the Trapp Family Singers, si Santa, ang
tambalang Sailor Moon (real name: Bunny Tsukino) at Tuxedo Mask
(real name: Mamuro) na barkada nina Sailors Jupiter, Mars, Venus, at
Mercury, ang mga pusang sina Luna at Artemis, at si Pokemon. Di yata
nakuntento sa drawing kaya naman naging mascot ang mga bida sa
pangunguna nina B1 at B2, mga kaibigan oso na sina Lulu, Amy, at
Morgan pati si Dodeng Daga. Kaso bakit di masyadong sumikat sina
Po , Laa-Laa, Dipsy, at Tinky-Winky, a kasi di sila marunong
magTagalog. Pati si Mr. Bean hindi pinatawad ginawa ring cartoons.

34. Sa music industry sumikat ang mga mayayaman kasi di nila
kailangan ng royalties sa sales, ang mga pirated CD's! Alam na alam
ng mga walang pambili ng mga orig albums, compilations at mga hard-
tofind-CD's- at-Odyssey- and-SM-record- bars ang mga pamagat na
Cruisin' volumes 1 to 3, Referendum volumes 1 to 9,787, Bandemonium
1-3, Rockology, Starbuck's, Crunch, Chorus Girl, Rock Stuff, Disco
Inferno. Kaya naman sa panahong ito, ang mga dating P375.00 na CD ay
naging P250.00 na lang, ang iba ay P150.00, lalo na ang mga OPM.
Mahusay talaga ang Pinoy!

35. Kalunos lunos din ang mga isinapelikulang massacre events nung
90's sa pasimuno ni Carlo J. Caparas. Ilan dito ang Vizconde
Massacre, Marikina Massacre, Lipa Masscre, The Cecilia Masagca
Story, Patayin sa Sindak si Barbara, at Burlesk Queen Ngayon. Patay
na silang lahat, pinatay ni Booba at Gagamboy.

36. Ang pagbisita ni Pope John Paul upang gunitain ang World Youth
Day na dinaluhan ng milyun-milyong deboto, delegates, at mga
kabataan upang ipauso ang "IT'S THE TIME FOR THE GREAT JUBILEE!"
Pagkatapos sisigaw ang lahat, "JOHN PAUL II, WE LOVE YOU!" Apat na
taon ang makalipas, ang sigaw ni Erap sa Quirino Grandstand, "WALANG
KAIBI-KAIBIGAN, WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! ", hanggang kahit mga
kaibigan at kamag-anak niya'y natawa sa pagbabasa ng aklat na
pinamagatang, `Eraption.'

Sabi ng mga scientists, astrologers, seers, Manang Bola at ng prof
ko sa Humanities, magugunaw daw ang mundo pagkatapos ng 1999.
Nagunaw rin ang lahat ng pangarap kong umabot sa edad na ito at
makapagsulat ng mga ala-ala ng panahong lumipas. Pero hindi ito
naganap at sa halip ay heto ako at ika'y nariya't nagbabasa ng mga
ungguyan at mahahalagang kaganapan nung panahong ang mga dating
aktibista ay nagrally na lang sa mga sinehan ng malls at skating
rink ng Megamall, hindi alam kung sila ba'y magra-rap o maghe-
headbang o magvo-volunteer para sabihing meron pa rin silang social
concern at malasakit sa kapwa.

Pilipinas, maibabalik ba ang kahapon? Game K P B?

tartimorion
30th Apr 2007, 12:57
hehe nawili ako dito a

aLgiE
30th Apr 2007, 19:41
butterfly dance ng universal motion dancers??
:lol:

zercas
2nd May 2007, 11:47
salamat at nagustuhan nyo. :yipee:
tawa rin ako ng tawa d2 eh..

tartimorion
2nd May 2007, 12:08
Ano na naman kaya masasabi about dekada '00 (o dekada milenyo?...basta :lol:) ng mga teenagers 10 years from now na sa ngayon e mga nasa pre school at elementary pa :D:D:D?

Malamang pag-uusapan nila about cellphones,texting,friendster,terrorism,otso-otso,wowowee,sex bomb,koreanovelas...etc. ano pa kaya :lol::lol::lol:

Lovely Face
31st May 2007, 08:02
Naaliw ako masyado dito. As in nakarelate talaga ko.:rofl:

Lam ninyo marami na rin dekada 90s na thread. But i enjoy this too...

shadow_kill
15th Jun 2007, 02:50
i liked this thread! astig! wlang syang n oras s pgbbasa!

tres
13th Oct 2007, 09:46
hehe unti lang inabot ko d2...

takure_zero
20th Oct 2007, 16:09
walking down the memory lane!!!

iBee
20th Oct 2007, 16:30
kahit bata pa ako dami ko naabutan dito :D

malapit na ang 2010... ihanda na ang dekada '00 list :lol:

trendkiller28
27th Nov 2007, 19:29
ayos to ah naalala ko tuloy kabataan ko

bonaldrin019
12th May 2008, 16:21
nyc wan. :thumbsup:

TemyongZ
13th May 2008, 11:16
Nice post :thumbsup:

blush_blush
14th May 2008, 16:25
ako rin tanda ko pa mga to hehe...

erick_h2o
14th Feb 2010, 15:12
:rofl: ikaw ba naman makakain ng parota ng indiano. kulay puti na letson manok ng qatari. mukhang ebak na mutton ng indiano at makalanghap ng mabahong paa at kili2x... malamang ganyan kahiwaga ang maiisip sa qatar pag malayo sa pilipino souq... :rofl:

david06
14th Feb 2010, 17:21
salamat... naalalako ang kabataan ko... hehehe... pro hindi pa ako ganoon katanda ah... hahaha :clap::clap::clap:

jao mamaw
15th Feb 2010, 13:30
Ayus Bossing... astig yung mga trivia.... nostalgia

ambokeso
19th Feb 2010, 15:38
sulit aus to!!!!! natuwa lalo ako dun sa mga laro..ngaun kc comp games nlng eh..salamat

k24szincksSFT
20th Feb 2010, 16:22
Nalibang ako magbasa.Up ko lang para mabasa din ng iba..

abet_ramz
9th Aug 2010, 14:44
nalibang ako sa pagbasa nito :) hehehe! 'di ko makalimutan yung sa galeria na ahas at yung sa megamol na injection daw ng aids sa sinehan. saka halos ata ng ninja turtles na novelties nun, be it toy, coloring book eh gusto ko ipabili ke ermats! hahaha!

bent78
21st May 2012, 14:20
salamatng mga dito ts.. ang sarap mag reminisce hehehe

foxpring
21st May 2012, 22:21
Salamat TS

MakoyPalaboy
22nd May 2012, 03:26
one of my favorite thread.. up na lang,,

fidelcruz
23rd May 2012, 07:39
wow galing ts :clap:

mavs_flavs
23rd May 2012, 08:11
Teng eneng yan.. isa rin pla ako sa nagsuot dati ng elepant pants.. pero ngaun skinny na.. haha

aztecman03
12th Jun 2012, 12:20
kulang pa..

Sinong di makakalimot sa mga palabas na:

Hiraya Manawari
Sine Skwela
Bayani
Epol Apple
Wansapanataym
:clap:

BonJovi
12th Jun 2012, 13:53
NICE hehe