PDA

View Full Version : delayed si tekla...



dazed_confused
2nd May 2007, 20:23
(*baka po may naka post na nito eh censya lang...lagi ko itong baon saan man ako magpunta...haha...;) )

delayed si tekla

Pag dating ni Lando sa bahay, sabi ni Tekya, ang asawa niya, "Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor. Pero huwag mong sabihin kahit kanino, baka mapahiya lang ako kapag di nagkatotoo"

Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco. Pagbukas ng pinto, sabi ng collector, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan." "Kanino mo nalaman ito?" tanong ni Tekya. "Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng taga-Meralco. "Talaga? Nakasulat sa records ninyo?"

Sa sumunod na araw, si Lando ay sumugod sa Meralco at galit na galit pagdating sa counter:
"Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang misis ko? "Konting pasensya lang. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito, magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyado.


"Eh, kung ayaw kong magbayad?" tanong ni Lando.

"Puputulan ho kayo," sagot ng empleyado.

"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?"

"Pwede naman siyang gumamit ng kandila di ba?" nyahaha :lmao:

yNaQt
4th Oct 2010, 23:55
toinks ! hehe ,, nabsa ko na toh .. but natawa pa din ako ..