MeBanat
18th Mar '08 Tue, 00:01
Twenty Questions Ni Juan Ekis
MGA TAUHAN
Jigs = Fresh grad. Kabarkada ni Yumi. Magtatrabaho bilang researcher sa isang financial firm
Yumi = Commercial Model. Kabarkada ni Jigs. 2 years ahead kay Jigs.
TAGPO
Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort. Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan.
YUMI Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man. Naaawa ako sa'yo e. Tabi na tayo sa kama.
JIGS Hindi, okay lang ako dito.
YUMI Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna.
JIGS Sure ka?
YUMI Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?
JIGS (Matatawa) Okay ka lang?
YUMI Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider.
JIGS Good idea.
Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati ang kama sa gitna. Magsesettle down ang dal! awa. Ilalabas ni Jigs ang libro niya: "Puppy Love and other Stories" ni F. Sionil Jose. Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang nagsa-zazen.
YUMI Do you mind?
JIGS No, go ahead. I'm just reading.
Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho silang di maka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya.
YUMI I can't believe our friends.
JIGS Oo nga e.
YUMI Dapat ginagawa nila ito sa mga bagong pasok sa barkada o kaya
sa bagong...ay oo nga pala. Bagong graduate ka. Congrats.
JIGS Thanks.
YUMI So what are your plans?
JIGS Kinukuha akong researcher sa ADB. Kinukuha rin ako ng BPI sa OTP nila.
YUMI Wow naman. In demand.
JIGS Di naman masyado. Who the hell invented this tradition anyway?
YUMI (Matatawa) You won't believe it.
JIGS Ikaw?
YUMI Malay ko ba na mabibiktima rin ako nito balang-araw.
JIGS So why did you start it?
YUMI Wala ka pa sa tropa! nun e. Freshman ka pa lang siguro noon. Wala lang. Napagtripan lang namin si Ronald. E may crush siya kay Meg. Noong unang beses magpunta rito ng barkada, sabi ko, magsimula kami
ng tradition. Ilo-lottery namin ang pangalan ng mga lalaki at ng mga babae. Kung sino ang mabubunot, silang dalawa ang pagsasamahin sa isang kwarto sa loob ng tatlong araw. And then, we¹ll all see what happens. Pero dinaya namin noon yung kay Ronald at Meg. Puro Ronald at Meg ang mga pangalan na nakalagay sa lottery.
JIGS (Tatawa) Ang sama ninyo!
YUMI Kaya nga nakarma na ako e.
JIGS So is our case, dinaya? O talagang lottery?
YUMI (Teasing) Ano sa dalawa ang gusto mo?
JIGS Feeling ko may nagtrip sa akin sa barkada e.
YUMI Excuse me po, dalawa tayong biktima dito. I don't see any reason
kung bakit tayong dalawa ang sasadyaing biktima this year, unless may crush ka sa'kin na di ko alam at alam nila (tatawa).
JIGS Baka ikaw (tatawa).
YUMI ! The success rate of this tradition is 100% so far.
JIGS I was here na the 2nd time. Si Chris at si Cia ang biktima.
YUMI And last year were Rod and Kay. They're getting married kailan? Sa June yata.
JIGS What do you expect? Ikukulong mo ang isang lalaki at isang babae
sa isang kwarto for three days, imposibleng walang mangyari doon!
YUMI That was exactly my point. (Ngingiti)
JIGS E kung may madisgrasya?
YUMI Anong disgrasya?
JIGS Alam mo na 'yun!
Hahawiin ni Yumi ang divider nilang kumot.
YUMI Ano? Sex? Pano kung magsex sila? Nakakatawa ka naman. Di mo masabi.
JIGS Ang alin?
YUMI Ang sex!
JIGS Hah!
YUMI Sige nga sabihin mo nga?
JIGS Para kang tanga. Tumigil ka nga.
YUMI Shet, Jigs. Graduate ka na totoy ka pa rin!
JIGS Excuse me?
YUMI Sabihin mo nga: Sex! Sex! Sex! Sex!
JIGS Para kang bata, Yumi ha.
YUMI You used to call me ate Yumi when you wer! e in third year.
JIGS Well, graduate na po ako, ate Yumi.
Tahimik.
JIGS Hmmm. I wonder if we're gonna last three days.
YUMI (Teasing) Bakit? Ayaw mo sa'kin?
Di sasagot si Jigs.
YUMI We're gonna survive this one.
JIGS What makes you so sure?
YUMI No offense, Jigs. I honestly find you very attractive pero I've no
time for this. Alam mo naman siguro na kakabreak ko lng
JIGS Same here.
YUMI Same here what? Na you find me attractive o you don't have time
for this? (Matatawa)
Di sasagot si Jigs. Tahimik. Io-on ulit ni Yumi ang CD player at ipagpapatuloy ang zazen. Itatabi ni Jigs ang libro. Nawalan na siya
ng ganang magbasa. Pupunta siya sa ref. Bubuksan niya ito.
JIGS Hah! (Sarcastic) Perfect! Red Wine! How very conducive.
YUMI May chips ba diyan?
JIGS Sa awa ng Diyos, may tsibog naman.
Papatayin ni Yumi ang CD player. Tatayo siya at kukuha ng chips sa ibabaw ng ref.
!
YUMI Since we're gonna be stuck naman with each other for three days,
might as well make the best out of it di ba? I-enjoy na lang natin.
JIGS What do you mean?
YUMI Get the wine, let's have a drink! 50 hours to go na lang and we're
gonna be the first failure of this tradition.
JIGS Oo nga. (Kukunin ang wine. Maglalagay sa dalawang baso.) When they chose Cia and Chris, naiintindihan ko pa e. Lalo na sina Rod and Kay. Kung baga, tinulungan lang natin silang umamin sa isa¹t isa. Pero
us...
YUMI Weird ng barkada natin no?
JIGS To our barkada and our weird traditions!
YUMI To us, the first failure of this tradition!
Magto-toast sila at iinom.
JIGS Sige, ate Yumi. Let's make our stay here more interesting. ..
YUMI What's with the ate?
JIGS Fine...
Bubuksan ni Yumi ang chips. Uupo sila pareho sa sahig para magkwentuhan.
JIGS Let's play twenty questions.
YUMI Sige! Ano yon?
J! IGS Each of us will have ten questions each. Tatanungin kita, tatanungin mo ako, mga gusto nating malaman sa isa't isa. Alternate tayo. Pero the thing here is, you can't ask the question that I already asked.
YUMI That's pretty interesting.
JIGS At bawal magsinungaling.
YUMI Fair enough. Pero whatever is said inside this room remains in
the room. Ok?
JIGS Of course. You wanna start?
YUMI No. I want to ask the last question. (Ngingiti at kikindatan si Jigs)
JIGS Smart move. Game. First question: Ano ang greatest frustration
mo sa buhay?
YUMI Nge. Ang korni naman ng tanong mo. Walang ka-challenge- challenge. Ask me something na mag-iisip naman ako.
JIGS Simula pa lang e.
YUMI Sige. Ano nga ba...?
JIGS Akala ko ba walang ka-challenge- challenge?
YUMI Wag kang maingay, nag-iisip ako...I'm a frustrated ballet dancer.
JIGS Talaga?
YUMI I took lessons when I was six pero umayaw ako. Wala kasi ako! ng disiplina e. Mas gusto kong makipaglaro sa mga kalaro ko. Pero I really enjoy watching ballet dancers. When I see them dance parati kong naiisip na sana, ako rin. There! Ang dali naman ng tanong mo. Walang thrill.
JIGS Appetizer lang. Yari ka sa'kin mamaya.
YUMI We'll see. Ako naman: Did you ever have doubts about your sexuality? I mean, kahit minsan ba, naisip mo na bakla ka?
JIGS Never.
YUMI Bilis ng sagot a.
JIGS Coz I never entertained the idea.
YUMI Homophobe ka ba?
JIGS Alternate tayo sa tanungan, di ba?
YUMI So, not once? Kahit konti? Kahit what if lang?
JIGS I'm straight, okay?
YUMI I'm not asking if you're gay or not. I'm asking kung...
JIGS Never nga.
YUMI We all thought na you were gay. Well at least nung first few months mo sa tropa before you introduced your girlfriend to us.
JIGS What?! You thought I was gay?!
YUMI E pa'no kasi, masyado kang mabait. Ang pogi-pogi ! mo, pero parang
allergic ka sa mga babae. Over ang pagiging gentleman mo. Too good to
be true. You have a good body, it seems that you work out pero iniisip
namin front mo lang yun. Kadalasan kasi front ng mga bakla ang pagiging maganda ng katawan nila at pagiging sporty...
Tatawa lang si Jigs.
YUMI So we thought it's either that or you were planning to become a priest.
JIGS What?!
YUMI Well, you were always this goody-goody person. Pumupunta ka sa chapel. Nangungumpisal, nagsisimba.. .
JIGS The way you said it, parang equivalent ang dalawa a.
YUMI Of course not. I didn't mean that!
JIGS I take my faith seriously. That doesn't make me gay!
YUMI So you did want to become a priest...
JIGS Hindi rin. Actually, I always wanted to raise a family...and be a
father.
Tahimik.
YUMI So you're not gay.
JIGS No.
YUMI You never...
JIGS Ilang beses ka ba ipinanganak? Kulit mo e. It's my turn.
YUMI Homophobe ka no?
JIGS Hindi kaya!
YUMI Whatever...
JIGS Ako na, daya mo naman e.
YUMI Okay, okay. Shoot me.
JIGS How do you see yourself five years from now?
YUMI You expect to win this game? Ang kokorni ng mga tanong mo e.
JIGS The object of this game is not to win.
YUMI E ano pa ba?
JIGS To get to know the other person.
YUMI Sure. Basta ako, I will win this game. Walang thrill ang isang game kung walang nananalo.
JIGS Sagot.
YUMI May time limit ba 'to? (Tatawa) Wine pa nga.
JIGS Sabi nga nila: in vino veritas.
Magsasalin si Jigs ng wine.
YUMI Masarap ang wine, ha? Saan kaya nabili ito? (Iinom) To answer your
question, either maging entrepreneur ako, magsisimula ako ng sarili kong botique or bar, o kaya, m! agiging artista ako sa pelikula.
JIGS Not bad.
YUMI Pero mukhang malabo yung stint ko sa movies. Tough ang competition e. Saka mahina ang manager ko. Panay hosting at pictorials ang nakukuhang raket para sa akin. Papalitan ko na nga e. Pag nakaipon
ako, baka magtayo na lang ako ng botique.
JIGS (Magbibiro) Ayaw mo mag-bold?
YUMI Yuck!
JIGS Lahat ng gustong mag-artista doon dumadaan.
YUMI May talent naman ako kahit papano a!
JIGS Lahat naman ng bold star may talent a! Sa dibdib! (Tatawa)
YUMI (Hahampasin ng unan si Jigs) Bastos ka talaga! Akala ko goody-goody ka...Hindi ko papatulan ang pagbobold kahit anong mangyari no! Kahit ganito ako, may respeto pa rin naman ako sa sarili ko.
JIGS Ganito? Anong ganito?
Di sasagutin ni Yumi ang tanong.
YUMI These producers think all the people want is sex, sex, sex! Kaya puro basura ang mga pelikula e. Wine pa nga!
JIGS (Magsasalin ng wine) Bakit naman botique?
YUMI Hoy madaya ka na ha? Hindi pa ako lasing. Ako na'ng magtatanong.
Ang korni mo namang magtanong. Bigatan naman natin nang konti...Inom
ka muna.
Iinom si Jigs. Magsasalin siya ng bago.
YUMI Who was your first crush in the barkada?
Tahimik.
YUMI Haha! Bingo ka no? Bagal mo naman sumagot.
Iinumin ang wine. Magsasalin ng bago.
JIGS Lalaki o babae?
Tatawa sila pareho.
YUMI Dapat may time limit ito e.
Tahimik.
JIGS Hirap naman ng tanong mo.
YUMI Iyon nga ang maganda e. Para may thrill. As if naman ibo-broadcast
ko sa barkada kung sino.
JIGS Wine pa?
YUMI Di mo pa sinasagot yung tanong ko, nagtatanong ka na!
Magsasalin ng wine si Jigs kay Yumi.
JIGS Yung crush ko kasi...siyempre, sino pa ba? E di yung pinakamaganda sa barkada.
YUMI Nge. Subjective yon no! Para sa'kin ang pinakagwapo si Joel. Sa
babae, si Kay. Para kay Ronald, si Meg...
!
JIGS Yung literally na may dating walang tanung-tanong. Yung kahit sinong tanungin mo sa tropa, objectively, siya ang isasagot.
YUMI Jigs, twenty questions ang game natin. Hindi guessing game. Ca'mon man. Play your own game. Pa'no na kung truth or dare to e di
pahirapan na. Dadalawa na nga lang tayo e.
JIGS Yung commercial model.
Matitigilan si Yumi.
YUMI Wine pa nga.
Magsasalin si Jigs. Mag-iisip si Yumi. Iinom. Biglang matatawa.
YUMI (Tumatawa pa rin) Talaga?
JIGS Sige, pagtawanan ba?
YUMI You can say it to my face, I won't bite. Bakit hirap na hirap kang
sabihin kung sino? Takot kang ma-reject? Parang tanong lang e...Wine pa nga!
JIGS Okay, 1 point ka na...
YUMI (Ngiti) Gee...thanks. Flattered naman ako. At kailan naman nangyari ito?
JIGS Sorry, my turn to ask. (Ngingiti) Who is your crush in the barkada...NOW?
YUMI E ginaya mo lang yung tanong ko e.
JIGS Hinde no. May qualifier ! ako. Ang sabi ko, NOW. Ang tanong mo, first crush ko.
YUMI Korni pa rin. Alam mo, kung basketball 'to, tambak ka na.
JIGS Just answer the question.
YUMI Siyempre wala. I told you, I don't have time for these stuff. Kakabreak ko lang di ba?
JIGS Korni mo namang sumagot.
YUMI E korni yung tanong e. Pero kung talagang-talagang kailangan kong
sumagot...hmmm. ..teka... sino nga ba? Sino ba'ng crush material sa barkada? Wala akong maisip e. Ikaw na lang.
JIGS Yung seryoso naman.
YUMI Seryoso ako. Ayaw mo yata e. Sige, iba na lang...
JIGS E napipilitan ka lang e.
YUMI Uy! Pa'no ba 'yan? MU na tayo? Crush mo ko, crush kita...yiheee
(Tatawa).
JIGS Dati pa 'yon no!
YUMI Ay? Di mo na ko crush? Bakit, na turn-off ka? Ano namang ginawa ko? Tsk. Tsk.
JIGS Is that your question na?
YUMI Oy, hinde! Ito naman...di ba pwedeng mag-follow-up?
Iinom ng wine si Jigs.
YUMI Fine. Here's a little juicy question: Describe your first kiss.
JIGS That's not even a question.
YUMI Arte mo. O: How was your first kiss like?
Matatawa si Jigs.
JIGS Wet.
YUMI Yuck!
Magtatawanan sila.
JIGS Alam mo, aksidente yung first kiss ko. Close kasi kami nung isa kong kaibigan. Pag naggu-goodbye ako sa kanya, parati ko siyang kini-kiss sa noo. E one time, sa gym habang nagpapahinga, nakaupo siya sa sahig. Tinatamad siyang tumayo. So bumaba ako nang konti para halikan siya sa noo kasi pauwi na ako. E siya naman, para maabot ko, medyo tumingala. E sakto, sa lips ko siya nahalikan. Pareho kaming nagulat. Pero di pa kami naghiwalay agad. Weird nga ang feeling e. Parang may glue. Ayaw na namin maghiwalay pareho...
Tawa pa rin si Yumi
YUMI Awww. Ang sweet naman. Parang sa pelikula. Si Krissy ba 'to?
JIGS Hindi. Hindi mo siya kilala.
YUMI So what happened? Nagkatuluyan kayo?
JIGS Nope.
YUMI Ha?
JIGS! Ewan ko ba. Complicated kasi yung situation namin e. May boyfriend
siya noon. Ako naman, takot pa sa isang relationship. Pero at least, na-discover namin na pareho pala kaming may gusto sa isa¹t isa. Pero hanggang doon na lang.
YUMI What happened after?
JIGS We talked about it. We both decided na it wont work. Tapos, bigla
na lang, hindi na kami nagkikita. And then, I met you guys, iba na ang barkada ko.
YUMI Nakakatuwa naman.
JIGS Ikaw, pa'no yung first kiss mo?
YUMI Ikaw ang nagturo sa akin ng game na ito di ba? Bakit ba lagi mong
bini-break ang rules? Di mo na pwedeng tanungin 'yan!
JIGS Tine-testing ko lang kung lasing ka na. (Iinom ng wine) Okay, naka-warm-up na ako: What was the naughtiest thing you ever did?
YUMI 'Yan ang mga tanong! Ano ba'ng ibig mong sabihin ng naughty?
JIGS Bahala kang mag-define.
YUMI Hmmm...marami e...(matatawa) baka maeskandalo ka.
JIGS Kanina ayaw mo ng korni.! Ngayong medyo exciting naman...
YUMI Eto na...I had two boyfriends at the same time.
JIGS (Nagulat) Hala.
YUMI I was with Joel and Zach at the same time.
JIGS Yikes. Alam ba ni Joel?
YUMI Kaya nga kami naghiwalay nun e. Nahuli ako (matatawa).
JIGS Ano namang pumasok sa kukote mo't ginawa mo 'yon, aber?
YUMI Nag-eexperiment lang ako. E sa type ko sila pareho e. Ano'ng magagawa ko? Saka para may thrill. Alam mo 'yon? Yung patago kang nakikipag-date sa isa para di mahuli. Everyday pa akong nakakalibre,
kasi, alternate sila! (Tatawa) Akala nyo kayo lang mga lalaki ang
pwedeng gumawa non?
JIGS How can you love two guys at the same time?
YUMI Who said something about love? Walang kinalaman ang love dun. I
was...having fun!
JIGS Nainlove ka na ba, ever?
YUMI Nakakailang tanong ka na? It's my turn.
JIGS Don't you want to answer the question anyway?
YUMI My turn!
JIGS Kulang ka pa sa wine. (Tatawa)
Ubos na ang unang wine bottle. Kukuha si Jigs ng isa pa sa ref.
JIGS Ang bilis nating uminom a.
YUMI Are you still a virgin?
JIGS Whoa! Where did that come from?
YUMI That's my fourth question.
JIGS (Magsasalin ng wine sa mga baso). Ano sa tingin mo?
Ngingiti si Jigs. Tititigan lang siya ni Yumi.
YUMI Don't tell me, wala pang nangyayari sa inyo ni Krissy hanggang
ngayon? Ilang taon na ba kayo?
JIGS Mag-tu-two years na sana next week.
YUMI So virgin ka pa? I don't believe it!
JIGS Mukha ba akong tarantado?
YUMI Mukha kang nagpapaiyak ng babae e.
JIGS Insulto ba 'yon?
YUMI Compliment 'yon, tanga.
JIGS Ah, okay. Thanks.
YUMI Pero, you mean, you never felt the urge to do it?
JIGS Alin? Sex?
YUMI Wow! Nasabi rin niya!
JIGS Of course I always feel it. Natural lang 'yon sa tao no? Nasa iyo
na lang 'yan kung anong gagawin mo sa urge na 'yon.
YUMI E natural naman pala e. Bakit mo pinipigilan? I mean, pag naiihi ka, iihi ka. Pag nagugutom ka, kakain ka. Pareho lang 'yon, di ba?
JIGS Pag naiihi ka, iihi ka dahil kailangan mong umihi. At hindi ka iihi kahit saan. Pupunta ka sa banyo. Pag nagugutom ka, kakain ka dahil kailangan. At hindi mo kinakain ang lahat ng pagkain na ihain sa iyo. Pag di ka gutom, di ka kakain. Pag di mo gusto yung pagkain, di mo gagalawin. Ang aso, pag may nakitang pagkain diyan, walang tanung-tanong. Lalamon 'yan.
YUMI And sex is the same?
JIGS Lahat ng bagay, nilalagay sa lugar. May context. At least, yun ang
nagpaiba sa atin sa aso.
YUMI Grabe ka namang magsalita. Para mo na ring sinabing lahat ng nakikipagsex, aso ah!
JIGS Sinasabi ko lang, pag wala sa tamang konteksto, mali.
YUMI And what is that context?
JIGS Matanda na tayo. Ayokong maging preachy. Alam na natin 'yan.
Tahimik.
JIGS Kaso, kahit alam na natin, minsan di pa rin natin ginagawa.
Tahimik.
JIGS Masarap e. Sino bang ayaw nun?
Tahimik.
YUMI (Medyo nairita) So feeling mo santo ka at dapat kang i-congratulate for being a virgin!
JIGS Sinasabi ko lang ang pinaniniwalaan ko. Ineexplain ko lang kung bakit di ko ginagawa. May kanya-kanya tayong dahilan. Di ko pinipilit kahit kanino ang mga paniniwala ko...No need to get so cross about it, Yumi.
Tahimik.
JIGS It's not about being a virgin or not. It's about putting things into their proper places.
YUMI I'm not arguing with you.
JIGS Me neither. I'm just answering your questions.
Matagal na katahimikan.
Ngingiti si Jigs. Titignan niya si Yumi na medyo nairita sa nakaraang train of conversation nila. Magsasalin siya ng wine para kay Yumi.
JIGS Nasobrahan ka na yata sa wine e. (Tatawa) You still wanna go on with the game? Nine pa lang tayo, eleven more to go. (Ngingiti)
YUMI Shoot me.
JIGS Who was your first lay?
[itutuloy..]