PDA

View Full Version : guyZ asK lang. PweD bA mag pa laglag kahIT oNe mOnth palang pREgnant?



Pages : [1] 2

darkprince_17
6th Jul 2011, 23:03
guys pweDI bA mag pa laglag kahit one month palang pregnant? At anung gamOT nMAN gagamitin ko na safe? Guys sory for my topic. Sa mga walang magawa kundi mag sermOn .. PLEAS wag po kayo mag post....!! Wala kayO sa sitwasyoN ku paRA magalit. OpinIOn lang po pakay ko hndi sermOn. Yung mga nka try napo pleaz.

griffter00
6th Jul 2011, 23:11
bro i know your just desperate, baka kung ano painum mo sa babae... at malason.. consult an expert a doctor...

hinde yan ang sulusyon bro...
leave the innocent alone...

darkprince_17
6th Jul 2011, 23:28
tnx sa advice. Pero d ko alam gagawin..! chaka bATA pa aku at walang akung traBaho. Alam ku mali. PeRO paNU na!? ..... GuyZ gIVE soMe goOd aDvicE... Naisip ku. Ito ang pinaka tanga kung gnAWA. Alam nyO im emOtinG noW with droP of tears. ...

darkprince_17
6th Jul 2011, 23:32
akala ko ok lang. Hndi pala. NgayOn kulang na isip na ganito pla... Eh kung mag pakamatay kaya?

visibleman15
6th Jul 2011, 23:41
naku bro.. kaya nga totoo ang kasabihan nasa huli ang pagsisisi. pero sana wag na madamay ang bata dyan bro. tandaan mo na mortal sin yang balak mo. mabigat na parusa yan sa batas ng tao at sa batas ng diyos... isipin mo munang mabuti ang gagawin mo bago mo ito gawin... alam ko ala ako sa sitwasyon mo.pero kung ako tatanungin mo? di dapat madamay ang bata.. magiging anak mo yan. di man kita matulungan na magawa ang gusto mo, gusto ko matulungan ka na hindi mo mas pagsisihan ang balak mo pang gawin ngayon. Please understand my post, di kita sinesermunan. gusto ko din tulungan ka.. Godbless

visibleman15
6th Jul 2011, 23:45
tandaan mo lahat ng bagay na nanyayari sa buhay ng tao ay may kahulugan. may nais iparating ang nasa taas kung bakit manyayari ang bagay na yan sayo.

batibot1234
6th Jul 2011, 23:49
kawawa naman ang bata. walang kamuwang-muwang mamatay na lang. ni hindi makikita ang ang mga magulang niya at ang mga magulang niya hindi rin siya makikita. hayyyy.
hindi rin niya makikita ang itsura ng mundong gagalawan niya paglaki niya. hindi niya makikita ang mga ngiti ng taong magmamahal sa kanya at taong mamahalin niya.
wag mo nang ituloy kung ano man ang masama mong balak. im sure binabalak mo yan dahil humihingi ka ng opinyon. kung hindi mo kayang panagutan hayaan mong mabuhay at iluwal ng kanyang ina.
ipaubaya mo sa kinauukulan at sila ang tutulong sayo. nariyan ang DSWD naten handang tumulong. malaking kasalanan yan at sigurado di ka basta-basta papatahimikin niyan.

visibleman15
6th Jul 2011, 23:53
tama, kung ikaw man may karapatan mabuhay sa mundong ito dapat siya din. nakakatakot lang bro, baka mas malaki ang balik sayo pagtinuloy mo yan. di kita tinatakot. may nabalitaan na ako nagpalaglag hindi na umasenso sa buhay at habambuhay niyang pinagsisisihan ang ginagawa niya. hanggang ngayon

obama bin laden
7th Jul 2011, 00:24
kawawa yung baby pre..dimonyo lang ang sasang-ayon sa balak mo..kung problema mo na bata kapa at wala kang work..madali na lng sulosyunan yan..kung mga magulang ang iniisip mo..sa una lang magagalit mga yan..lilipas din ang lahat..di mo pagsisisihan kung nabuhay sya..anak mo yan e..tsaka LAHAT NG BAGAY MAY DAHILAN..:)

pray lang..all is well:pray:

Myxmo
7th Jul 2011, 00:33
punta k sa may QUIAPO bli k ng HERBAL MEDICINE n pangpalaglag UNG RED AND WHITE ANG KULAY..100 isa nun....

Myxmo
7th Jul 2011, 00:35
deposit ng deposit kc hnd nag wwithdraw... :lol:

obama bin laden
7th Jul 2011, 00:40
deposit ng deposit kc hnd nag wwithdraw... :lol:

bata pa daw sya e

stuffedbread
7th Jul 2011, 00:43
ang laking kasalanan naman nyan.... iniisip mo pa lang, kasalanan na...paano pa pag ginawa mo na??? ang laking risk din ng gagawin mo kasi ang health din ng babae ang nakasalalay... pwede mag sepsis o infection, hemorrhage o MASSIVE bleeding, disseminated intravascular coagulation... search mo na lang.... o maya pag ininuman ng pampalaglag, ung baby kawawa...baka madaming defects ang baby...kawawa talaga...ang dami ko ng naencounter na ganyan....hay...

TRY MO KAYANG MAGDASAL??? o magconfess kasi naisip mo yan...

obama bin laden
7th Jul 2011, 00:47
eto oh..my comment sa fb ko..

blackssmith
7th Jul 2011, 00:49
bili ka nang Sytotic Need Dalawa isan Inum at ang isa Pasok sa Ari nang Shota mo.. oh di kaya Kortal ka nalang mas mura.. yan kasi di ka nag iingat ehh.. see the Expire Date b4 Buy..

jaypee03
7th Jul 2011, 00:50
:slap: patay kang bata ka:beat:

kung bibili ka lng ng gamot mag isip ka..

pag hindi nalag lag ang yung fetus..

baka mag ka deperenxa xa sa pag labas nia..

at ma realize mo na di mu dapat ginawa un..

haixt..

stuffedbread
7th Jul 2011, 00:59
:slap: patay kang bata ka:beat:

kung bibili ka lng ng gamot mag isip ka..

pag hindi nalag lag ang yung fetus..

baka mag ka deperenxa xa sa pag labas nia..

at ma realize mo na di mu dapat ginawa un..

haixt..

:weep:
tama... MULTIPLE CONGENITAL ABBERATIONS!!! KAWAWANG BATA...SALBAHE ANG MAGULANG... KAWAWA DIN ANG JOWA MO... BAKA SYA PA ANG MAPAHAMAK SA GAGAWIN NYO... DALAWANG BUHAY ANG MASASAYANG... HAY HAY... MAGISIP!!!

spo0ns
7th Jul 2011, 01:02
Not cool man!..face the consequences of your actions..

stuffedbread
7th Jul 2011, 01:02
bili ka nang Sytotic Need Dalawa isan Inum at ang isa Pasok sa Ari nang Shota mo.. oh di kaya Kortal ka nalang mas mura.. yan kasi di ka nag iingat ehh.. see the Expire Date b4 Buy..

doctor ka ba??? RX drug yan which is being used for ulcer... it should be administer by a licensed doctor.. and for emergency purposes during delivery...... marami ding fake nyan...

kwuabah18
7th Jul 2011, 01:02
pare, wak mo mna isipin na bata ka..

bata din naman yan papatayin mo eh..

harapin nyo yan kasi ginustos niyo naman gawen yan face the consequence..

trophy mo yan wak mo tapon.. malay mo pag ginawa mo yan ngaun hindi ka na ulet mabigyan kaya cherish what you have now..

be happy..

:):):)

charlone25
7th Jul 2011, 01:15
naku s0brang bad mu.. :hit: nawili kang magpaka sarap.! Dapat matut0 kang magpakahirap!

walang bata bata.! Tuwad.!! :rofl: :rofl: ay dapa pala :laugh:

eshisyours
7th Jul 2011, 01:48
@TS, since nkakarelate ako sayo
i`l give you some tips
mrami ako kakilala, DNC Procedure worth 5-8k ung price :)
DNC procedure is only for 1-2mos old.

regarding sa abortion mo.

No comment ako. kanya kanyang pananaw lang yan sa buhay.
what if, wla ka sa ryt age and you dont have enough money pra supporthan ung bata.
ano maggng situation ng bata pag laki nya diba!
tska 1mo. eh prang sperm pa rin yan bro.

stuffedbread
7th Jul 2011, 02:10
@TS, since nkakarelate ako sayo
i`l give you some tips
mrami ako kakilala, DNC Procedure worth 5-8k ung price :)
DNC procedure is only for 1-2mos old.

regarding sa abortion mo.

No comment ako. kanya kanyang pananaw lang yan sa buhay.
what if, wla ka sa ryt age and you dont have enough money pra supporthan ung bata.
ano maggng situation ng bata pag laki nya diba!
tska 1mo. eh prang sperm pa rin yan bro.


D&C para sa fetal demise...hindi para alive pre... walang doktor ang gagawa nyan... unless miukhang pera ang doktor at walang konsensya...

Huntress Krystle
7th Jul 2011, 02:34
guys pweDI bA mag pa laglag kahit one month palang pregnant? At anung gamOT nMAN gagamitin ko na safe? Guys sory for my topic. Sa mga walang magawa kundi mag sermOn .. PLEAS wag po kayo mag post....!! Wala kayO sa sitwasyoN ku paRA magalit. OpinIOn lang po pakay ko hndi sermOn. Yung mga nka try napo pleaz.

In my opinion, kung ganito ka sensitibo ang topic, maging handa ka na kung may mga manermon sayo. Because what you're seeking for (pagpapalaglag ng bata) isn't necessarily a likeable topic. :)

Sabi mo, bata ka pa at di mo pa kayang mag-alaga ng bata. But that is the consequence of your action na may kapangyarihan ka sanang iwasan. You're telling us "wala kami sa sitwasyon mo para magalit." But if we are to look at the bigger picture, it all comes down to one thing - irresponsibility. Tignan mo din yung sitwasyon nung bata sa sinapupunan nung babae. Binuo, tapos basta basta na lang papatayin dahil di pa handa yung parents. Mas kawawa sya dahil na-sentensyahan na agad sya.

If I were you, sabihin nyo sa parents nyo o mga kamag-anak. Ask for their help. They can help you raise the child habang naghahanda o nag-aaral pa kayo. Habang hinahanda nyo yung sarili nyo na maging responsible parents. That's my honest opinion. Na yun ang mas magandang gawin kesa patayin yung bata.

Rhab
7th Jul 2011, 02:40
Pre tama yun, magisip kang mabuti, pag di nalag2x ang bata magkakadiperensya ang bata.. Mas lalu mu pagsisisihan yun.. Kung inaalala mu sasabihin sayo ng magulang mu,. Maniwala ka sa una lang yan.. Pag nandyan na yung bata, wala n yun.

icesaiah
7th Jul 2011, 02:54
guys pweDI bA mag pa laglag kahit one month palang pregnant? At anung gamOT nMAN gagamitin ko na safe? Guys sory for my topic. Sa mga walang magawa kundi mag sermOn .. PLEAS wag po kayo mag post....!! Wala kayO sa sitwasyoN ku paRA magalit. OpinIOn lang po pakay ko hndi sermOn. Yung mga nka try napo pleaz.

Naku Bro mahirap talagang sitwasyon yan. Naranasan ko din yung ganyang sitwasyon at mas malala pa. Payo ko lang sa'yo wag kang magdesisyon ng magulo ang isip mo dahil hindi magiging maganda ang resulta for sure.

Sa tanong mo kung pwede magpalaglag kahit 1 month pa lang, ang sagot ay OO. Kahit nga 4 na nagagawan pa ng paraan pero risky na masyado sa babae yun. May mga abortionista dito sa Pilipinas pero mahirap mahagilap dahil bawal nga yun dito sa aten. May kakilala ako pero hindi ko na lang sasabihin kase I do not advise you na magpalaglag kayo.

Regarding naman sa kung anong gamot ay wala akong idea kung anong tawag dun at kung saan makakabili nun.

Kung sa tingin mo eh bata ka pa at hindi nyo pa kaya palakihin yung baby nyo, much better kausapin nyo pareho yung parents nyo. Sila ang pwede nyong sandalan lalo na sa ganitong sitwasyon. Sa una expect nyo ng magagalit sila dahil kahit sinong magulang ay hindi matutuwa sa nangyari. Pero for sure din na matatanggap pa din nila kayo dahil anak nila kayo.

Lastly, be Man enough to face the consequence. Ganyan talaga ang buhay minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na pinagsisisihan naten kaso huli na. Pero hindi pa naman huli para i-tama yung mali. Wag nyo ng dagdagan ang mali ng isa pang pagkakamali.

rodelons
7th Jul 2011, 06:36
Di rin ako sang ayon sa pagpapalaglag mo ng ANAK MO sir..d lang talaga namin mapigilan magcomment eh,panagutan mo yung bata,hayaan mo syang mabuhay,balang araw mayayakap mu yung anak mo at magpapasalamat na hinayaan mo syang mabuhay..siguradong pagsisisihan mo habang buhay ang gagawin mong PAGKITIL NG BUHAY,buhayin mo sya.magiging ok din ang lahat..more wisdom and love para sayo sir wag kang susuko..

papzjam
7th Jul 2011, 06:51
hindi ako dangyon dyan, kahit pa man pwede ipalaglag..
pero? sa totoo lang? kahit sa impyerno hindi ka siguro tatanggapin..
at kahit lumohod ka pa mula pinas hanggang roma.. walang kapatawaran ang iyong gagawin..
sana? tingnan at basahin mo mga post nila dito TS...

kaya nga sa parte ng katawan ng tao, ang unang nabubo-o ay ang puso. at 24hrs mula ng ginawa nyo yan? it will beat..
sa puso mo pakiramdaman ang nasa loob ng tiyan.. kawawa naman pag ginawa nyo ipalaglag... sana hwag.....

maxine143
7th Jul 2011, 08:36
Before ka magdecide, weigh mo muna advantages and disadvantages. kung ipalaglag nyo yung baby, wala kang poproblemahin financially for raising a child in the future. but just be sure walang consequences regarding to your action. for example, pinatake mo yung gf mo ng mifepristone (works on 8 weeks below), prostaglandin d or cytotec (misoprostol) but these medicines are hard to get. Its either may kakilala ka na pharmacist na illegally sold it without the prescription pero may kamahalan un. Sometimes hindi lahat ma-expel ang fetus so ang tendency magdurugo yung gf mo than the usual (2-3 days after taking the med) or what they call spotting, somewhat like brown spots that smells like dead fish.

well i think there is always having to live with the guilt of it even the people that say they dont believe it is a baby have some feelings of
guilt. it is a serious medical procedure not to be taken lightly. there are risks of infection and complications such as bleeding.
if one gets it done make sure to go to a reputable place that does it alot

jfckal
7th Jul 2011, 08:50
Ts,think a thousand times..,alam natin at alam mo na mali yan...

danieldelapena
7th Jul 2011, 08:53
mercy killing? oh no..:slap:

aucifer
7th Jul 2011, 08:53
In my opinion, kung ganito ka sensitibo ang topic, maging handa ka na kung may mga manermon sayo. Because what you're seeking for (pagpapalaglag ng bata) isn't necessarily a likeable topic. :)

Sabi mo, bata ka pa at di mo pa kayang mag-alaga ng bata. But that is the consequence of your action na may kapangyarihan ka sanang iwasan. You're telling us "wala kami sa sitwasyon mo para magalit." But if we are to look at the bigger picture, it all comes down to one thing - irresponsibility. Tignan mo din yung sitwasyon nung bata sa sinapupunan nung babae. Binuo, tapos basta basta na lang papatayin dahil di pa handa yung parents. Mas kawawa sya dahil na-sentensyahan na agad sya.

If I were you, sabihin nyo sa parents nyo o mga kamag-anak. Ask for their help. They can help you raise the child habang naghahanda o nag-aaral pa kayo. Habang hinahanda nyo yung sarili nyo na maging responsible parents. That's my honest opinion. Na yun ang mas magandang gawin kesa patayin yung bata.

Hes right You know.... everybody is korek in this matter.... what your gonna do na magpalaglag will not solve your problem but it Will MAKE it WORSE.

jtribaco
7th Jul 2011, 09:04
if ever, di magagamot ang konsencia mo... kausapin mo ang parents nyong dalawa... :)
guilty of murder (accessoies of crime ka)

zukee
7th Jul 2011, 09:14
Ang alam ko po kasi..
kahit ilang months pa yan..

hindi pwede magpalaglag..

Maawa po sana kayo dun sa nanay at magiging anak niyo..:pray:

netgear8085
7th Jul 2011, 09:23
Panagutan mo... yan ang sagot dyan. magpaka-lalaki ka.

ikawatako2920
7th Jul 2011, 09:23
Sorry to say t.s. na sa sarap ka lang pala kasama,...

hindi ka nmn kasi yung iinom kea nasasabi mo yan pero di kita sinesermonan ah, nag sasabi lang ako ng point of view ko,...

sana di pa huli yung mga payo namin na wag mong ituloy,


tsaka basahin mo may mas malala pa daw na naka experience nyn pro di niya pinalaglag,...

ilang taon ka ba?? may mas mga bata pa nga ata sayo na nag kaanak ng maaga, walang pera at walang mga pinag aralan pero pinag patuloy pa din nila,...

pero sige kung di mo kaya go pumunta ka sa QUiapo at bumili pero sana before kang bumili subukan mo munang mag dasal at ng mahimasmasan ang damdamin mo,...


di kita sinesermonan opinion po at payo yan,...

rabzrich31
7th Jul 2011, 09:26
Naku bosing..! !

pag sinabi namin kng anong gamot at kung anong procedure.. eh parang damay na kami dyan sa ginawa nyo hindi po ba??

ang mag rereseta ako ng gamot sayo bosing..

ang GAMOT is "BEAMAN at PAKASALANMOANGGIRL" kuha mo?! :)
try nyo ask yung parents nyo kung palaglag nyo eh sasang-ayon sila.. kapag OO eh di GO..
kapag HINDI, eh magpakiusap na lang kayo na tutulungan muna kayo nila hanggang sa right time na kaya nyo ng mag support sa baby nyo..

sa pananaw ko po bosing yan DAPAT at TALAGANG TAMA na inyong GAGAWIN...

and excuse me bosing ha..?

panu kapag nagpalit kayo ng position ng BABY mo.. Masisiyahan ka ba? ha?

PEACE po bosing.. ;) :thumbsup:

WoWNASABAYABASANWoW
7th Jul 2011, 10:10
aw bawal nga pala ito^^ good luck TS kaya mo yan^^

visibleman15
7th Jul 2011, 10:16
yung iba nga gumagastos ng malaki para magkaron sila ng anak tapos ikaw ipapalaglag mo lang? dude isip ka muna mabuti. kung ako man bata pa ako kung magkaron din ako ng supling papanindigan ko yan.

obama bin laden
7th Jul 2011, 11:13
takot ka lang men..i-open mo na yan sa parents mo..they know what to do..magiging ok dn ang lahat pag inopen mo yan..

nani_amb
7th Jul 2011, 11:54
ipagdasal mo delayed lang jowa mo..:lol:

panagutan mo na..i know you're considering it, napakaliit nga lang ng porsyento:rofl: ..marami kasi pwedeng mangyari pag pinainom mo ng 'gamot' 'yung babae, iba iba ang reaction ng katawan sa iba't ibang gamot lalo na kung pregnant ang babae, sangkatutak na hormones ang nagliliwaliw..

bottom line,. prove that you deserve to have what's dangling between your legs:rofl:

mja23
7th Jul 2011, 15:51
hindi maiwawasto ang isang mali sa isa pang pagkakamali. gawin mo naman ang tama brad..siguro wala kang kang kapatid na girl kaya un kaagad naisip mo.

bitz123456
7th Jul 2011, 16:02
bro icipin mo muna lahat ng magiging result ng gagawin mo. . madami pa way para jan. .

patulong nalng kayo sa parents nio ng jowa mo. . un nlng best way bro!!!

GUDlack!!

darkprince_17
7th Jul 2011, 17:23
mga kapatid maraming maraming salamat sa inYo... Papaki usapan ku yung gf ku na wag ng itoloy. Hndi nMAn aku tlaga sang ayoN eh nadala lang aku sa bALAK nYA. HahayaAN ku nlang na sguro na malaman ng parent nya at ng parents ku ang nANG yAYari.. At kami nlang cguro ang bahalang mag sufER sa gnawa namin. Pero talagang hndi ku matangap na maggng tatay nA aku.. GoDbLEs d ku maPiGilan ang emOte ku im crying. Thankz mga kaPAtid.

obama bin laden
7th Jul 2011, 18:50
your welcome..godbless men

moveupdan
7th Jul 2011, 19:17
@Myxmo wag mong isuggest. Sya ang kawawa kapag ginawa nya yun. Habang buhay syang kokonsensyahin nyan :((

Kuya ang suggest ko sayo. Magsumikap ka ! Taguyod mo pamilya mo !
Alam kong mahirap pero nangyari na eh. So GOODLUCK. pm mo ko kung kinakaylangan mo ng tulong. :)) im here at your back . Tulongtulong lang dito sa Symbianize.

aidyaram
7th Jul 2011, 19:38
hay,so sad na naiisip mu yan pagkatapos nyong magpasarap (sorry for the term)..wag mu na ituloy boss..malay mo blessing in disguise ang baby..tsaka isipin mu na lang,kapag ba pinalaglag nyo ang baby,patatahimikin ka ba ng konsensya mo? think twice..attitude lang yan..think positive..you may be young pero hindi ibig sabihin nun sira na ang buhay or kinabukasan nyo kapag nagkababy na kau..ikaw lang naman ang sisira sa buhay mo eh, you cannot blame it for having a baby (sana kasi naisip nyu yan bago nyu ginawa "un")..tsk,ang dami ng ganyang eksena..you should've learned from them..


botom line is, DON'T DO IT! :pray:

Huntress Krystle
7th Jul 2011, 20:15
mga kapatid maraming maraming salamat sa inYo... Papaki usapan ku yung gf ku na wag ng itoloy. Hndi nMAn aku tlaga sang ayoN eh nadala lang aku sa bALAK nYA. HahayaAN ku nlang na sguro na malaman ng parent nya at ng parents ku ang nANG yAYari.. At kami nlang cguro ang bahalang mag sufER sa gnawa namin. Pero talagang hndi ku matangap na maggng tatay nA aku.. GoDbLEs d ku maPiGilan ang emOte ku im crying. Thankz mga kaPAtid.
That's a wonderful decision TS. I'm glad na nagbago ang isip mo. It's natural for you to be afraid dahil bata ka pa at hindi planado ang pagkabuntis ng gf mo. But as the saying goes - "As you sow, you shall reap." So imbes na patungan mo pa ng isa pang pagkakamali yung ginawa mo, tama yan na panagutan mo nalang at harapin. I'm sure both of your parents would understand and accept - in due time. You just have to be patient and faithful.

Maybe right now you view it as "suffering." But look at the bright side. Think of the baby as God's blessing or His wake-up call. Para mag-mature kayo ng gf mo at matuto sa mga pagkakamali ninyo. And I'm sure, once you see your child after birth, magbabago yang emotions mo. Baka pagsisihan mo pa na binalak nyo syang ipalaglag. Because you can mold your child into someone who could atone your past mistakes by growing into a wonderful, better person.

Best of luck! ;)

babyshogun
7th Jul 2011, 20:22
Bro, wag maging balukt0t ang pg iisip m0. Masamang kumitil ng buhay. Panagutan m0 ang syota m0

maksimom
7th Jul 2011, 20:30
brad, magpaka-lalaki ka. harapin mo ang mga kalalabasan ng iyong mga ginagawa.
ang ginawa nyo ay isang paraan ng PAGGAWA. kaya harapin mo ang KALALABASAN.

jtribaco
7th Jul 2011, 20:56
Good luck :) kaya mo yan bro prince! maraming way naman... since nagawa na yan, expect lang ng kunting taray ng parents, lilipas din yun! :)

SuperThin
7th Jul 2011, 21:27
suggest ko lang sayo, pagisipan mong mabuti. msarap kaya maging daddy! :) naexperience ko na ang ganyang sitwasyon, nagisip ako ng matagal hanggang sa naging 5months na, then nalaman din ng parents nya nalaman ng parents ko, sa una lang magagalit, since nandyan na yan. wala na silang magagawa. ipagpatuloy mo yan! although mahirap, kapag nakita mo ang baby mo na nakangiti sayo, nakakawala ng pagod at hirap. mapapangiti ka din! :) sana nakatulong ako sayo.

marcus26
7th Jul 2011, 22:26
pre di solusyon ipalaglag mu bata.. ako medio bata ako nag-asawa 20 yrs old dti naicip ko yan at muntik ko na gawin pro naicip ko bkit ko papatayin ang bata na sriling dugot laman ko.. kya ngaun 5 months na baby and im happy and contended na kung anu mga ngyri sa buhay ko. im studying now kya mhirap tlga lalot my anak ka ka..kya payo ko lang sau face ur destiny. pre yan tadhana mu kya hrpin muh at lalake ka dpat laksan mu loob muh! pare di hbang buhay nsa baba ka..!

vashistamped
7th Jul 2011, 22:57
Guys like you really pisses me off. Let me give you three reasons on why I should bitch slap you so you can wake up from reality.

First: You have sex with a woman knowing that you are underage and not yet prepared for responsibility. There's your first sin.

Second: You want to abort the fruit of your "sin" and thus jeopardizing the woman and the baby at the same time. There's your second sin.

Third: You want to kill yourself because of the first and second reason.

Men, I seriously want to kick your ass right now. If you're a man then be a man for crying out loud.

minori90
8th Jul 2011, 01:14
Hoy!!!ayaw mo nang sermon?pero napakasamang bagay ng gagawin mo mandadamay ka pa?hihingi ka ng advice kung pano pumatay ng tao? Astig yun ah!? Alam mo kung di mo kayang panagutan pabayaan mong mabuhay yung bata tapos ipa-ampon mo sa mga mabubuting magulang na di biniyayaang magkaroon ng anak!simpleng logic!! Tungkol naman sa pagpapakamatay mo hoy!!may mga tao gumagastos ng milyon para lang humaba pa buhay nila ! Isipin mo bakit ka ba nabuhay ano ba yung misyon mo sa mundo? Alam mo ako sa totoo lang minsan gusto ko na ring mamatay dahi sa hirap ng sitwasyon ko! Broken family kami ako kailangan kong mag-aral ng mabuti at magtiis para makahanap ng trabaho para mapag-aral ang iba ko pang kapatid!!naisip mo ba sa sitwasyon ko mga magulang ko ang may kasalanan pero kailangan ako ang maghirap!!!samantalang ikaw nakabunjtis ka ikaw ang may kasalanan kayo ng syota mo tapos ganun lang magpapakamatay ka tatakasan mo?at ano yung bata ang papatayin ninyo? Mangilabot ka nakaawa yung bata!yung anak mo!

icesaiah
8th Jul 2011, 01:15
mga kapatid maraming maraming salamat sa inYo... Papaki usapan ku yung gf ku na wag ng itoloy. Hndi nMAn aku tlaga sang ayoN eh nadala lang aku sa bALAK nYA. HahayaAN ku nlang na sguro na malaman ng parent nya at ng parents ku ang nANG yAYari.. At kami nlang cguro ang bahalang mag sufER sa gnawa namin. Pero talagang hndi ku matangap na maggng tatay nA aku.. GoDbLEs d ku maPiGilan ang emOte ku im crying. Thankz mga kaPAtid.

buti naman bro at naliwanagan ka sa mga payo namin sayo :thumbsup:

sa una talaga bro mahirap tanggapin na magiging tatay ka na, ako din binalak ko dati na ipalaglag yung baby namin pero thank GOD dahil hindi niya hinayaang mangyari yun. Now mag 3 years old na baby namin this August and I'm happy for it. Dahil dun natuto akong magsumikap at naramdaman ko yung sarap ng may anak. Lahat gagawin mo para sa anak mo.

Good job bro. Balitaan mo na lang kami pag nanganak na GF mo... :salute:

ikawatako2920
8th Jul 2011, 12:21
Buti na realize mo kaya mo yan TS,...

pag usapan nyo lang yan at sure ko magiging naayos din lahat yan,..

chinito15
8th Jul 2011, 14:42
bro... mali talaga yung nagawa niyo..pero kung papanagutan mo yan at paninindigan... alam kong tutulungan ka pa rin ng Maykapal, at kung natatakot kayo sa parents niyo...HUWAG... they should be the one to understand your situation and your parents WILL accept you two no matter what......

wag na wag niyo iaabort yan..mas malaking pagkakasala iyon..

Itama ang MALI ...

I wish the best for you and your girlfriend.....[make sure to marry her ha ;)]

zhanewhin
8th Jul 2011, 15:28
ipasa ang RH BILL !!!!!!!
LOL just kidding.

Sabi ng prof ko kalokohan daw yung mga taong nagsisi sa huli.
Kasi isang malaking kalokohan daw ang kasabihang nasa huli ang pagsisi .
Hindi ka naman daw kasi magsisi kung nung simula palang bago mo gawin ang isang bagay handa ka na sa mga mangyayari.
Pano kung ganito
Pano kung ganyan.
Dapat may mga solusyon ka nang nakalaan .
Kaya nga Ang mga matatalinong tao pinagiisipan muna ng mabuti ang mga bagay bagay bago nila gawin un.
kaya kadalasan wala silang pinagsisisihan pagdating ng araw.

Gagawa gawa kayo ng bata ayaw nyu panagutan.
Tsk tsk.
Sana bgo nyo ginawa yan inisip nyo muna na masyado pa kayong bata para dyan.

Pero anyway dahil nandyan nayan panagutan mo nalang.
Parehas kayo ng barkada ko 19yrs old tatay na.
at cousin ko 17yrs old nabuntis na.
Hay
Pabata ng pabata ang mga nagmamagic ng bata ngayon.

Mukang npka masunurin nyung tao at sinusunod nyo ang mga wika ng mga pari katulad ng
"HUMAYO KAYO AT MAGPAKARAMI"
Lol hahaha

BILANG PASASALAMAT DAW NI TS SA LAHAT NG NAGADVISE !!
NINONG DAW TAYONG LAHAT !!
Hahaha

alcheon
8th Jul 2011, 17:06
wag po ipaabort delikado baka mamatay o magkaroon ng komplikasyon yung girl, sa una lang na magagalit ang parents nyo at lilipas din yan galit nila at kapag naipanganak na yang bata matutuwa yung parents nyo mag :pray: ka na maging maayos ang lahat! naging trend na ngayon yan na maaga nagiging parents ang mga bagets tsk tsk tsk anyways isipin mo na lang na meron ka ng obligasyon at kakayanin mo yun...hindi mo dapat takasan... be a man bro.:D

xxGAMERxx
8th Jul 2011, 21:08
wah ts pwede ba namin malaman age mo parehas lang tayo ng pinagdadaanan pero ako handa akong panagutan anak ko sana makayanan nating lahat to wag nyo paabort maawa kayo sa magiging anak nyo.. anyway ninong at ninang tayong lahat maski din kayong lahat guys sa binyag ni baby namin anyway 17 ako at 16 si gf mag 18 palang ako pero wala ng magagwa papanagutan ko talaga sya

tongbutz
8th Jul 2011, 21:22
bka delay lang cya ng isang bwan antay antay kapa baka mag karoon cya ..gung nakakahanap nga tayo ng paraan para sa mga gadjet natin d2 ung pakayang panagutan mo ung bata ...kabwasan sa pag ka lalake ang diwag tol:upset::upset:

leonard1928
9th Jul 2011, 16:02
bro nagkausap n b kau nng girl?pumayag ba siya na ipalaglag..maxado ksi risky un sa side ng girl..malay mo may di pa magandang mangyari..pero xempre kung kagustuhan nyo namang dalawa un ok naman..paconsult na lang kau sa doctor kung anong pde gawin..basta isecure mo na safe ung gf mo..un lng..

darkcry09
9th Jul 2011, 19:28
@TS

wag mo naman gawin sana sa magiging bata yan, kawawa naman.

isipin mo nalang kung ikaw yung baby na yun tingin mo ba matutuwa ka kung

ipapalaglag ka ng iyong ama't-ina?


responsibilidad niyo na yang magkasintahan, pumasok kayo sa ganyan sana panagutan niyo.

ang init ng katawan ay panandalian lang pero ang init ng pagsisi ay pang habang buhay.

tech_marlon
9th Jul 2011, 19:40
tol, listen to what i will tell you... 3 years na kami ng gf ko at nagsasama nadin kami 3 years na din at gustong gusto na namin magkaanak talaga hindi pa kami binibiyayaan tapos ikaw ayan na mag kaka anak kana binabalak mo pa syang patayin? masuwerte ka na nyan... kung gusto mo padin ituloy yan paabutin mo ng 3months bago mo painumin ng pampalaglag... pero sinasabi ko sau laging nasa huli ang pagsisisi... nakaka sigurado kanaba na yan na ang pagsisisihan mo? baka matapos mo maipalaglag yan dun palang dumating ang totoong pagsisisihan mo.... mag isip-isip ka munang maigi. god bless

fernievidal
9th Jul 2011, 20:12
I'm so proud of the Symbianizers who said NO TO ABORTION.

TS. Be a man and finish what you started. If you really love your girlfriend, you will face the consequences that your actions caused. And please, DO NOT ABORT the baby. Its a grave sin to do so.

anivia
9th Jul 2011, 20:19
wala sa edad ang basehan ang importante nandyan na yan e kuig iinuman mo yan ng mga gamot tapos biglang mag babago isip nyo na buhayin nalng kawawa bata mag kaka diperensya yan...mag isip kang mabuti.. kawawa ung bata:weep: tutulungan ka naman ng magulang mo pagagalitan ka lng sa umpisa pero pag labas ng bata sila ang unang matutuwa dahil makikita nila ang apo nila kaya wag mo na ituloy ang pag papalaglag malaking KARMA ang babalik sayo pag ginawa mo yan

g081663
9th Jul 2011, 20:20
tol'.. alam kung binabasa mo paron tong mga reply namin. isa lng masasabi ko

.tol'. mag isip ka ulit sa gagawin mo, marami ng advice dyan, sana alam mo kung anu ang tama.

just relax muna bago ka mag desisyon ng ganyan.

Peace of mind tol PEAce of mind lang... isipin mong mabuti kung anu ang tama at mali at kung anu ang mangyayari sa mga desisyOn mo, at kung sino ang mga tao na nagmamahal sa inyo at handang tumolong. PEAce of minD muna bago mag desisyoN...


ok ba tau dyan?...

barillipad
9th Jul 2011, 23:04
Ang galing sa kama takot naman maging ama!!!!

khiya
11th Jul 2011, 09:26
Same tayo ng situation tol... ako kung magiging ama na ako pananagutan ko yun

post narin sana ako ng thread pero di na ...
yung mga advice ng mga kasymb natin

saludo ako :salute:


KUNG KAYA KO. ALAM KONG KAYA MO RIN

obama bin laden
11th Jul 2011, 09:34
Same tayo ng situation tol... ako kung magiging ama na ako pananagutan ko yun

post narin sana ako ng thread pero di na ...
yung mga advice ng mga kasymb natin

saludo ako :salute:


KUNG KAYA KO. ALAM KONG KAYA MO RIN

tama..

xtianx
28th Jul 2011, 02:00
TS an0 na ba balita jan?

jinkazama0017
28th Jul 2011, 02:30
harapin mo n lng at tanggapin mo n lng bro kung ano nagawa mo.. congrats itay...

Uracil
28th Jul 2011, 22:26
Nice decision bro. Hope it would help you and your partner be a better person and parents :)

ViewtifulDave
22nd Jan 2012, 18:53
wag mong ipalalaglag. . .ituloy mo lang yong pag-aaral mo. . .pagtiisan mo yan. . .ginusto mo yan. . .yong babae lang muna pa stop mo . . .kailangan makatapos ka para masustentohan mo yung bata. . ..

:ranting:

azean07
22nd Jan 2012, 19:28
musta na ang bata TS?

notevirus7
23rd Jan 2012, 04:11
nagpakamatay na ata ung TS eh hindi na nagrereply.

wag mo ipalaglag yan dahil nasa sampung utos ng dyos na wag kang papatay.

mas magandang tiisin mo na lang yung hirap na pagiging ama mo kesa magtiis ka sa impyerno

xdocmer06x
23rd Jan 2012, 04:33
Kaya mo yan TS. Masarap ang magkaanak.Patunay yan na di ka baog. :lol: Magpakalalaki ka, take it from me. :salute:

3653
23rd Jan 2012, 04:49
Kaya mo yan, sa una lang mahirap yan sa susunod mas mahirap na

t0bi12345
23rd Jan 2012, 09:42
nasan na si TS?
nagpakamatay na kaya??
wag naman sana .. sayang buhay
right guys!!

dydx887
24th Jan 2012, 08:17
6 months na yung bata!yey...:yipee:

ano kaya magiging pangaLan niya?!
Kung boy - SYMBIANO
Kung girL - SYMBIANA.
...hay! Happiness taLaga.:excited:

We hope and pray for the goodness of your chiLd.
ALam kong tama ang iyong naging decision.

gr4du4t3
27th Jan 2012, 23:47
mahirap yan tol, baka kung kumapit pa rin ang bata eh baka maging deformed lang xa pagkapanganak. wag nalang...

krispyKreme
27th Jan 2012, 23:56
sir try mo kumontak ng abortionist

may bayad nga lang
:lol:

iphei
28th Jan 2012, 18:29
Nawala si TS..Nagkaron na yata yung gf..hehe

notevirus7
28th Jan 2012, 22:54
baka naman naghanap na ulit ng kakanain :rofl:

o8ofranzo8o
28th Jan 2012, 22:57
hala ka, panagutan mu yan.
kaw lang makakalutas niyan.
either ituloy o palaglag :slap:

maglapuz
30th Jan 2012, 11:11
bawal yan...

shwenix119
30th Jan 2012, 11:36
naku 2l kawawa ang bata. 2l madali lang maghanap ng trabaho. Lang ta0n kana ba at anu natapos m0? Kasi kung highsch0ol grad. Kana at 18 ab0ve kana bat di m0 subukang mag apply ng army. Basta wag ka muna mag pakasal.

kgen42
30th Jan 2012, 12:29
sir, hindi 2 sermon kc same tau ng situation. Pro bko pinanindigan ko gnawa ko. Baby is a blessing. Dhil dun mkakapunta na aq ng europe. Eh kung pnalaglag ko un.? Bka tambay ako ngaun. Hindi yan ibibigay sau ni GOD kung alam nyan di mu kaya,

kryshnyr
30th Jan 2012, 12:36
Pre isipin mo nlang na ikaw yang bata na yan nong nsa tyan kapa nag ina mo pre...kung kay kaya ang ipanalaglag pre makikita mo kaya ang mundo pre?isipin mo ung bata pre...

Lagnonector
30th Jan 2012, 12:41
Sa san pablo laguna marami

or sa quiapo...

sleep04
30th Jan 2012, 23:25
baliw ka TS, MASAMA YAN!!!

Kuroro023
1st Feb 2013, 15:56
Life taken by life.... wag naman sana

Snabero13
1st Feb 2013, 16:03
wag mu 22loy yan boss gnawa muna e kaya dapat panindigan mu..hindi ka nakatiis sa sarap e..kaya wala kanang magagawa...tanggaoin mu nalang ang lhat:weep:

triztan0026
1st Feb 2013, 16:28
mga tol 2011 pa yung thread,,hehe kung di man niya tinuloy yun balak nya malamang ko malaki na yung bata,haha lumalakad na yun.. :rofl:

smyle
1st Feb 2013, 21:17
pwedeng pwede kahit days pa lang. mura ang condom, mura din ang pills.

genxiv
2nd Feb 2013, 04:14
LOL oonga tagal na pala nito..close na dapat to.. baka tularan pa..

securer
4th Feb 2013, 20:52
cytotec misoprostol..sikat na pampalaglag accrdg sa lecture namin..

triztan0026
5th Feb 2013, 13:55
wag niyo na balakin magpalaglag bad yun..
bandang huli kayo din magsisisi kung bakit nyo ginawa yun..
:pray: na lang kayo..hehe
saka tama dapat nga close na to,

maxmiller
8th Feb 2013, 00:44
Kakabasa ko lang nung thread. Sayang ilang taon na pala tong topic. Tsk tsk.

Pero I'll add my two cents na rin just in case mayroon pang magawi sa thread.

TS, kung nasan ka man at kung anong ginawa mo, mahimbing sana ang tulog mo sa gabi. Di ako nagmamalinis dahil dumaan din ako sa ganyang sitwasyon, bata kasi at mapusok. Nakabuntis. Wala din akong trabaho noon. Pareho kami ng nabuntis ko.

Naisip ko kung paano na yung kinabukasan ko. Bata pa ako nun at wala pang nararating sa buhay. Ano nalang sasabihin sakin ng magulang ko lalo na yung magulang ng nabuntis ko?

Pero dahil kasalanan ko naman yun, (wag mong sabihin pinilit ka!) pinanindigan ko. Pinakasalan ko yung babae, naghanap ako ng trabaho at nagpursige. The rest is history.

Pakalalaki ka TS or kung sino mang nasa ganyang sitwasyon. Madaling magpakamatay (or pumatay gaya ng abortion). Mahirap mabuhay at bumuhay ng pamilya. Accept the consequences of your actions. Suck it up, then give it your all.