PDA

View Full Version : Pano po ba mag gitara?



lups
25th Mar 2008, 01:57
balak ko kasing mag aral eh kaso self study lang may ma i recommend po ba kayo na website kahit yung basic lang, advance pwede na din po and baka may advice na din kayo para sa mga katulad ko na gustong matuto ng gitara.

thanks po

Tobi
25th Mar 2008, 02:02
ako rin ako rin!! :beat::beat::beat:

lotis
25th Mar 2008, 03:14
ang pag-aaral ng gitara ay para ding isang ambition my goal ka my sacrifice at may failure din pero pag sumuko ka talo ka ang kailangan lang ay konting basics tyaga at everyday practice kahit 30 minutes lang tapos kailiangan syempre my gitara kang sarili mo at phisical naman kailangan ung mga daliri mo medyo mahahaba ok lang maigsi pero mas madaling matuto ang mahaba ang daliri at ang most sa lahat ay yung listening skills mo kailangan alam mo ung tunog ng mga chord na tinutugtog mo para maligaw ka man ay memorize mo ung tunog nila ma rerecognize mo na ung chords nya sana nakapulot kayo kahit konti gitarista ko sa banda namin. thanks sa pagbabasa.:thumbsup:

archangel0416
25th Mar 2008, 07:42
ako gusto ko din matuto, i know basic nga lang... gusto ko matuto nung plucking ba un? para kasing maganda matutunan yun..

mherz
25th Mar 2008, 07:44
ako gusto ko matuto matagal ko na kasing pangarap un e...sna may pagturo samin..:giggle:

lups
25th Mar 2008, 10:18
how about po sa guitara kasi plan ko bumili ng yamaha na pang acoustic okay lang po ba yun?ang price nya eh 10k ano po ba ma recommend nyo na gitara?sana matuto na kami:)reply naman po sa mga guitar guru jan hehe

thanks po sa advice sir lotis:)

paulzky
25th Mar 2008, 10:28
balak ko kasing mag aral eh kaso self study lang may ma i recommend po ba kayo na website kahit yung basic lang, advance pwede na din po and baka may advice na din kayo para sa mga katulad ko na gustong matuto ng gitara.

thanks po

bro lups click here sana makatulong..galing yan kay sir marky..:salute:
You can see links before reply

mukhang expensive ata ung 10K..sa mga baguhan palang ok lang muna yung mumurahin ang una mong bilhin..kapag marunong ka na ok na na bumili ka ng branded...like yamaha, gibson..etc

jachen088
25th Mar 2008, 10:30
ako sakin , mag popost ako dito kung ano lahat ng basic to advance Hand Techniques and Listening Skills dito sa thread na to by next week :thumbsup:

lups
25th Mar 2008, 15:30
sir paulsky maraming samalat ang problema pano ba mag upload jan sa mega upload kailangan po ba eh may account?cencia na newbie lang here:D

jachen wait lang me sa post mo..thanks po uli

DrGerbil
26th Mar 2008, 10:58
share ko lang po. CHORD NOTATION.(by drgerbil)

first, lets study the major scales

key of C:
C-D-E-F-G-A-B-C

Key of D
D-E-F#-G-A-B-C#-D#

Key of E
e-f#-g#-a-b-c#-d#-e

Key of F
f-g-a-Bb-c-d-e-f

Key of G
g-a-b-c-d-e-f#-g

key of A
a-b-c#-d-e-f#-g#-a

Key of B
b-c#-d#-e-f#-g#-a#-b


gawin nating reference ung table sa taas,

kunyari given ka ng chord na D2 so pano un?

dun sa table sa taas, sa key of D, kunin mo ung note na pangalawa sa scale ng D, bale, E diba? so ganito ung formation nun,

ung E-string(pinkamaliit) iwan mong open

tapos, un palasinsingan mo, lagay mo sa B-string 3rd fret,(ung B string eh ung 2nd to the last string)

tapos un hintuturo mo, lagay mo sa G-string(third to the last string) 2nd fret

Presto! may D2 ka na. mas magandaang tunog nyan kaysa D lang.


Kunyari naman D2/G (D2 over G)

ung E-string(pinkamaliit) iwan mong open

tapos, un palasinsingan mo, lagay mo sa B-string 3rd fret,(ung B string eh ung 2nd to the last string)

tapos un hintuturo mo, lagay mo sa G-string(third to the last string) 2nd fret

Tapos un middle finger mo lagay mo sa E-string(Pinakamalaking string)3rd fret
parang magiging style dirty finger yan, pero maganda ang tunog nyan.

Ung iba post ko nalang ulit

-aiah-
26th Mar 2008, 11:26
bumili ka ng libro... mahirap kasi mag-aral ng gitara, hanap ka ng libro na may supplementary readings... :yes: i bought one nga eh,,,hanap ka pinoy ang author kasi simplified lahat... goodluck sa'yo...mamaltos tlaga kamay mo nyan...

share ko lang ang secret... CONSTANT PRACTICE...gwin mong shota gitara mo... :lol:

lups
26th Mar 2008, 15:11
Dr Gerbil thanks ha!wag sana kayong magsawa magturo para sa mga katulad namin gusto matutong mag gitara malaking tulong po yan para samin:)

lups
26th Mar 2008, 15:16
aiah, e2 lagi ko na ngang himas gitara ko pati pag tulog katabi ko na din hehe
btw,ano po yang nabili mong libro ok po ba yan?pa share naman po? thanks:)

paulzky
26th Mar 2008, 15:21
aiah, e2 lagi ko na ngang himas gitara ko pati pag tulog katabi ko na din hehe
btw,ano po yang nabili mong libro ok po ba yan?pa share naman po? thanks:)


hehe ansarap talaga magguitara bro lalu na kung sasanayin mo na kumakanta ka habang nagguitar malaking bagay kasi yun sa pag-improve ng talent mo..pag-aralan mo mabuti ang strumming..actually madali lang magsaulo ng mga chord at mga tipa sa guitara ako kasi nun sa strumming ako nahihirapan pero nagtiyaga ako hanggang sa natuto..ituloy mo lang yan kapatid hindi mo mamamalayan magaling ka na pla tumugtog...:salute:

lups
26th Mar 2008, 15:29
superman este sir paulsky may banda ka po ba?:D

paulzky
26th Mar 2008, 15:37
superman este sir paulsky may banda ka po ba?:D

yeah ang tutuo lagi ako tumutugtog sa church every sunday...dati nainvolve narin ako sa banda sumasama kami sa battle of the bands nung college ako...ngayun keyboard kasi ang hinahawakan ko..lika jammin tayu minsan kaya bilisan mo matuto ha...ganyan din ako dati gustu ko isang upuan alam ko na agad pero mali pla yun...maraming bagay nakukuha sa tiyaga...kaya mo yan bro nararamdaman ko na magiging isa kang magaling na lead guitarist..:salute:

Earl
26th Mar 2008, 15:41
maybe this can help...

Guitar ScalesMethod 1.1.4.2 (You can see links before reply)

it will guide you bro... and practice as well... :smoke:

DrGerbil
26th Mar 2008, 18:24
(drgerbil guitar lessons continuation)

lupz alam mo na ba ung basic chords? like C-G-Am-F-D-Em
sabihin mo kung hindi pa ha, para i22ro ko.

meanwhile dun muna tayo sa continuation ng itinuro ko about sa Chord notation.

so kunyari given ka ng chord na Cadd9 ganito un kung papano.

tandaan mo na ang mga add9 na chords ay same lang as 2 example, und D2 pede rin siyang tawaging Dadd9.

ung middle finger mo lagay mo sa A-string(sumunod sa E-string, ung pinakamalaki)third fret

ung hintuturo mo naman lagay mo sa D-String (ung sumunod sa A-string) 2nd fret

ung palasinsingan mo naman lagay mo sa B-String(ung second to the last string) third fret

tapos ung hinliliit mo lagay mo sa E-string(pinakamaiit)third fret

Presto! ganyan ang Cadd9.

kunyari naman given ka ng Am7, ganito un.

ung hintuturo mo lagay mo sa B-string first fret

tapos ung middle finger mo lagay mo sa D-string(ung sumunod sa A-string) 2nd fret

ganyan ang Am7.


Tip:
isang madaling paraan ng pagtug-tog ng Em ay iwan mo lang na open string lahat, Em na un. (to be continued)

dlegendkiller
26th Mar 2008, 18:42
tol download mo ung guitar pro 5, may fingering or positioning ng fingers mo dun:slap:

-aiah-
26th Mar 2008, 21:38
aiah, e2 lagi ko na ngang himas gitara ko pati pag tulog katabi ko na din hehe
btw,ano po yang nabili mong libro ok po ba yan?pa share naman po? thanks:)

ganun nga...itabi mo:giggle:

ito yong book>>> NEW WAYS TO GUITAR AND PIANO PLAYING
by: romeo mahinay

hanapin mo sa national bookstore... :giggle:

if you're good on string... everything will be easy... madali na lng sa keyboard... :giggle:

yunik
27th Mar 2008, 19:50
brow, baka makatulong din ako kc masahista este gitarista din ako.hehehe..
magpost ako ng mga ebooks para may guide ka.. from beginner to intermediate to advance..bsta prctice kalang!
Di ba practice makes perfect? Siguro mas mapapaganda panatin..gawin nating...CONSISTENT PRACTICE makes perfect!:pray:

psyknarph
27th Mar 2008, 22:04
payo ko lang po... hindi ka mtututo ng 3 chords sa isang araw it is supposed to be like that mas maganda nang 30 mins isang araw o kahit na 1 hr basta hindi ka mainis kakasaulo ng chord...

bale maglalagay ako dito ng thread para sa mga gusto matutuong maggitara... atbp..

galingan mo tol!!! :thumbsup:

lups
29th Mar 2008, 11:26
yung mga chords po madali namang pong tandaan,kaso pano po diskartehan maka buo ng isang kanta?paano po ba ang tamang pag stram?kailangan po ba marunong munang bumasa ng mga nota?

para po sa ibang gustong matuto mag gitara ask lang po akyo sa thread na ito:)
thanks po uli....

benjun2178
29th Mar 2008, 13:21
Kaskas ka lng bro habang nagtitipa at kumakanta... Importante jan mapraktis kamay palipat-lipat ng chords. Mahirap talagang pagsabayin nung una. Mapahinto ung pagstrum mo habang nililipat mo sa susunod na chord ung kabila mong kamay.

Mgsimula ka sa mga kanta na madali at konti lng ang chords. At wag muna ung mga kanta na may ipit. Im referring ipit to F, Bm, Bb, F#m, etc, mahirap kc yan, masakit at nkakawalang gana.

Kaya mo yan, natuto din akong mggitara sa sariling pg-aaral lng. nkakaadik talaga. kahit saan ako mgpunta, may gitara ako palaging kasama.

capzgwapz
29th Mar 2008, 15:37
download k ng guitar pro tpos install mu sa pc mu. mganda soft un..

psyknarph
29th Mar 2008, 15:50
yung mga chords po madali namang pong tandaan,kaso pano po diskartehan maka buo ng isang kanta?paano po ba ang tamang pag stram?kailangan po ba marunong munang bumasa ng mga nota?

para po sa ibang gustong matuto mag gitara ask lang po akyo sa thread na ito:)
thanks po uli....

chord family gamitin mo bro... depende sa key chord.. ito karamihan ang ginagamit nila pag gumagawa sila ng kanta

halimbawa, pag key of G, heto ang mga chords na pwede mong gamitin: Em, Am, C, D, tapos pd mo rin lagyan ng F#m, Bm. Magandang simula ito...

para sa ibang key chords naman gamitin mo lang yung transposition method...

hindi mo na kelangan magbasa ng nota... tamang pakikinig lang bro... :salute:

Dru
29th Mar 2008, 16:56
hehehe....ayos.....oo tlga tsagaan pag-aaral ng gitara..

ska kung mag-aaral ka.....dpat tuloy tuloy....di pwedeng paputol putol.....ako natuto 3 years ago nahinto after 2 years tpos la na.....hehehehe...ngayon nangangalawang na ulit....heheheh.

..normal ang kalyo sa una....:weep:...pero pag tumagal parang wla nalang yun...snay na..:clap:

..memorize the basic chords.....

..dpat may una kang kanta na matutunan....ako una ko I'm Leaving on a Jetplane....pag nagwa mo na ng maayos...lahat ng swabe pati yung stramming.....go na! :excited:

..ibase mo yung stramming sa beat ng kanta wag ka sna gumawa ng sariling stramming kasi mangyayari pareparehas yung stramming mo sa lahat ng kanta...hehehehe...gnun ako dati pero naayos ko naman..

gudluck!! tsaga!!

L Lawliet
29th Mar 2008, 23:51
Dedication ang dapat meron kayo kung gusto niyo talaga matuto...kahit ano namang tutorial ang basahin nyo, kung wala naman tiyaga eh balewala rin yun...

Ako, 1 whole month bago ako makabuo ng kanta...hindi pa pulido sa lagay na yun...

Natuto akong maggitara through punk rock...by power chords muna....mas simple kasi mga chords nila eh...then saka ako nag-basic chords...

Sherman08
31st Mar 2008, 08:39
waah may gitara kame pero d ko p din matutunan:weep:

lups
31st Mar 2008, 11:10
Sherman,

ask ka lang sa d2 sa thread para matuto tayo:)

ovelheta
31st Mar 2008, 11:29
nasa sa inyo nmn yan yung gus2 nyu ma22..
aral lng po ng aral..
bili kyo mga song hits pra... aralin nyu muna mga chords..
tpos pag nkaka2g2g n kyo.. gunta kyo d2
... You can see links before reply ;)

misanthropic
31st Mar 2008, 11:50
kelangan may tyaga ka at interested matuto..kumuha ka lng ng chord chart at pagpraktisan mo yung mga chords dun...magsimula ka sa basic chords..yung madadali lng..then magpraktis ka sa isang kanta....patience..;)

kurungkoy23
31st Mar 2008, 12:44
Kung ako sa inyo, magstart kayo sa mga simple old songs. Familiarize nyo itong sumusunod:

1. Timing. Sabayan nyo na ng kanta para yung sense of timing ay makasanayan.
2. Hand positioning, make sure fingers apply the right pressure against each string para tumunog. Wrist should be properly bent to avoid hand injury and fatigue.
3. Shifting from one chord to the next. Dapat merong transition.
4. String tuning. Know the relationship of a string's tune to another.
5. Learn the major chords first. Tapos minor, etc...

These would be your first steps in learning basic guitar playing. Enjoy! :D

Viewer
5th Apr 2008, 11:53
una sa lahat.. kung gusto mong matutong mag-gitara... u need to focus on it... kelangan mo ung hilig talaga sa gitara..

gumamit rin ng metronome para sa tamang timing or tempo.. tapos start slow... speed comes in constant practice... :rock:

may nagsabi kasi sa akin... "if you don't know TEMPO, you're not a musician" .. :(

weaponx
5th Apr 2008, 14:42
kumuha ka ng gitara

kung wlang gitara, manghiram

kung walang mkikihiram, kumuha ng baseball bat

kung walang baseball bat, kumuha ng martilyo,

kung walang martilyo, kumuha ng napakalaking bato,

at ihampas sa kung sino man ang nangdadamot...

then just try to select a song that you really, really like and then master it... :D

psyknarph
6th Apr 2008, 05:01
una sa lahat.. kung gusto mong matutong mag-gitara... u need to focus on it... kelangan mo ung hilig talaga sa gitara..

gumamit rin ng metronome para sa tamang timing or tempo.. tapos start slow... speed comes in constant practice... :rock:

may nagsabi kasi sa akin... "if you don't know TEMPO, you're not a musician" .. :(

ako ata yung nagsabi sau viewer.. hehe...

neyney00
9th Apr 2008, 03:07
try mu magsimula mag guitar plucking, hanap ka ng tao na pwede magturo sayo ng isang guitar song na puro pluck ang gnagamit, madami sa mga old acousting songs, try mu dust in the wind,

nung natugtog ko na ng buo yung dust in the wind
nagtry naman ako mag strum, nagulat nalang ako marunong nadin ako
tapos yung shifting ng isang chords to another chicken nalang :lol:

" matagal kang matututo mag gitara kung hindi ka marunong umintindi ng tono at timing " or dapat marunong ka din kumanta

psyknarph
9th Apr 2008, 09:27
kumuha ka ng gitara

kung wlang gitara, manghiram

kung walang mkikihiram, kumuha ng baseball bat

kung walang baseball bat, kumuha ng martilyo,

kung walang martilyo, kumuha ng napakalaking bato,

at ihampas sa kung sino man ang nangdadamot...

then just try to select a song that you really, really like and then master it... :D

naalala ko "huling el bimbo" ang minaster ko nun.. kauna unahang kantang nabuo ko... hehe... 3 chords na alang ipit!!!

Viewer
12th Apr 2008, 16:29
try how to learn tuning first... ha!!!

kakahiya yung guitarist na di alam pano magtune... by ear or with the aide of a tuner.. .

lups
4th May 2008, 06:48
waaa sakit pala sa kamay:D

psyknarph
4th May 2008, 07:00
sanayan lang yan tol... kahit isang oras lang isang araw ok na.. by next week magkaka-kalyo kana nyan.. pero sige lang tol.. pag na overcome mo yan la nang makakapigil sayo.. :excited::D

chrono_dude
4th May 2008, 10:00
oo nga. tama ka jan dude. ganyan na ganyan ang ginwa ko. kaia nagkaroon ako ng free guitar. hehehe

lups
4th May 2008, 21:11
salamat mga bro sa mga moral support nyo:D

ff-libra
6th May 2008, 09:47
May website akong suggestion:

You can see links before reply

Mababait ang mga tao roon. :) Magregister ka sa forum, which is free para makita mo ang ibang lessons. Marami kang matututunan doon.

Good luck.

nullheart
18th May 2008, 16:01
dun po sa nagbabalak bumili ng gitara kng gus2 mo po ng cheap but quality proof guitars punta ka po sa Raon sa Quiapo.... dameng pagpi2lian dun

psyknarph
19th May 2008, 03:51
oo nga sa Raon... lahat na nandun... from guitar pick hanggang sa sound system at production studio. Kumpleto!!! :D

lups
20th May 2008, 10:10
ask ko po sa iba need pa daw matutunan bumasa ng notes?need pa ba talaga?

psyknarph
20th May 2008, 12:06
sa umpisa tol chords lang talaga kelangan mo... unless gusto mo agad gumawa ng sarili mong compo, talagang kelangan mo ng notes... pero kung tutugtugin mo eh yung mga kanta ng iba chords lang talaga pare koy...

pag lead naman kelangan marunong kang bumasa ng guitar tablature (aka tab). Which is madali lang matutunan di gaya ng notes....

ex: ganito ang makikita mong chord ng D sa tablature

e----2----
B----3----
G----2----
D----0----
A----0----
E----0----

see? madali lang diba?? :D pag tab naman ng lead kelangan mo lang kunin yung timing...

lups
20th May 2008, 17:22
thanks psyknarph paturo na din po pano bumasa ng tabslature kahit basic lang po:D

denstel_0707
20th May 2008, 18:56
bro kung ako ang tatanungin mo....super essential ang note reading (no offense sa nagtatab) pero importante na matutunan mo yung pinakafundamentals ng notes....like yung DURATION ng notes, Yng dynamics at madami pang iba....pero would suggest maghanap ka sa internet....tpos kung ako sayo kung may budget ka naman....wag ka ng bibili ng mga low quality na guitar....try buying a yamaha acoustic guitar....kahit medyo mahal di ka magsisisi....yung sa akin 15 years ko ng gamit yung skin lang ang nagfade pero yung quality ng sound...maganda pa rin!!!

Hope nakatulong bro!!

neyney00
20th May 2008, 19:55
sa tablature...
(standard tuning)
yung E ang pinakamatabang string at ang e naman ang pinakamanipis
e---------
B---------
G---------
D---------
A---------
E---------

yung mga numbers, yun naman ang bilang ng fret, 1 ay first fret, 2 ay second fret, 3 ay third fret and so on.
0 ..1st ....2nd ....3rd ......and so on---->
.....fret ....fret ....fret
el----------l---------l---------l---------l
Bl----------l---------l---------l---------l
Gl----------l---------l---------l---------l
Dl----------l---------l---------l---------l
Al----------l---------l---------l---------l
El----------l---------l---------l---------l
yun number 0 ay free string, ibig sabihin wala kang fret na pipindutin, kakalabitin mu lang.


kung saan string nakalagay ang number, yun ang ippress, ex..
ito ay C chord

e-0-----------
B-----1-------
G-0-----------
D--------2----
A-----------3-
E-0-----------


may tatlong 0, ibig sabihin kakalabitin mu lang yun. ang B string ay 1, press mu yung 1stfret B string. ang D string ay 2, press mu yung 2nd fret D string. ang A ay 3, press mu yung 3rd fret A string.

:giggle: tama ba kuya psyknarph?

psyknarph
20th May 2008, 20:39
:giggle: tama ba kuya psyknarph?

correctamente!!! plucking ang labas nyan :thumbsup: sayang la ako power magbigay ng rep.. :D

pag strumming isang line lang sya

e--0--
B--1--
G--0--
D--2--
A--3--
E--3-- or E--0--

bale pag nasanay kana sa tablature (yung halos hindi kana titingin sa fretboard pag nagbabasa ka)... hindi kana masyado mahihirapan pag naumpisahan mo nang pagaralan ang notes...

neyney00
20th May 2008, 21:41
ahhhh kapag 1 line strumming pala at pag hiwahiwalay eh plucking! now ko lang nalaman yun ah :thanks: kuya

lups
21st May 2008, 09:51
thanks po sa karagdagang kaalaman:clap::yipee:

ff-libra
30th May 2008, 11:27
For those interested po. Nakita ko lang ito at hindi sa akin.

A Guide to Guitar Chords (You can see links before reply)


:)

kenneth_forever
11th Jan 2011, 01:28
hehe yan marunong ka na magbasa ng tabs, tapos tambay ka sa You can see links before reply daming tabs dun. I prefer tabs than song hits chords, siyempre sa dami ng tabs piliin mo yung pinakamalapit na tunog para sa pandinig mo. Try nyo gitara ng parokya ang ganda sa gitara. Tips, mas maganda yung gitara na pang senior kasi kapag nasanay ka gumamit nun piece of cake nalang yung ibang gitara

rolanjun55
13th Jan 2011, 09:53
good day mga sir..for more info everything ab0ut guitar and how to play it,kindly visit us at "guitar talk"... Marami p0ng masters ang magtuturo sa inyo dun from basic,intermidiate to advance playing...

warstrikerz
13th Jan 2011, 10:07
alamin mo kung paano magbasa ng tabs at ung mga positions ng finger para mas madali. magdowload ka rin ng mga software na pwedeng makatulong tulad ng guitarpro.