View Full Version : muslim diskriminasyon

PINOY_RADICAL
29th Mar 2008 Sat, 23:02
Pag sinabing muslim, yung ibang mga kababayan natin ang agad pumapasok sa isip nila ay terrorista. Siguro dahil narin sa maling pagbabalita ng media kaya ganon. Kung susuriin mong mabuti, hindi tama ang ganung pag-iisip. Hindi lahat ng mga muslim ay terrorista. Sabi nga nung kaibigan ko, ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat. Dapat natin tanggalin ang ganung pag-iisip mga kababayan! Ang mga kabataang muslim ang unang-unang naaapektuhan. Kadalasan sa mismong paaralan (mababang paaralan) sila nagiging biktima ng diskriminasyon. Dinidiskrimina sila ng mga kamag-aral nila na hindi muslim. Nakakalungkot man isipin maging yung mga iilang guro.
Sana yung mga magulang ituro nila sa mga kabataan na mali ang ganung pag-iisip. At ang media maging pantay sa pagbabalita.

Kung sinoman ang nakakabasa sa mga pinagsasabi ko ngayon dito, sinasabi ko 'to hindi para ma-impress ka sakin, kundi para imulat ang mata mo sa katotohanan,kaibigan. Tao din ang mga kababayan nating muslim. Nasasaktan din sila emosyonal.

Sana darating yung araw na magsama-sama tayo sa isang paniniwala. At wala nang diskriminasyon.

1ManAssault
30th Mar 2008 Sun, 07:17
Tol boboto kita pag tumakbo ka sa halalan!

mag neto
30th Mar 2008 Sun, 11:42
Tol boboto kita pag tumakbo ka sa halalan!

hehehe:lol:

Pag sinabing muslim, yung ibang mga kababayan natin ang agad pumapasok sa isip nila ay terrorista. Siguro dahil narin sa maling pagbabalita ng media kaya ganon. Kung susuriin mong mabuti, hindi tama ang ganung pag-iisip. Hindi lahat ng mga muslim ay terrorista. Sabi nga nung kaibigan ko, ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat. Dapat natin tanggalin ang ganung pag-iisip mga kababayan! Ang mga kabataang muslim ang unang-unang naaapektuhan. Kadalasan sa mismong paaralan (mababang paaralan) sila nagiging biktima ng diskriminasyon. Dinidiskrimina sila ng mga kamag-aral nila na hindi muslim. Nakakalungkot man isipin maging yung mga iilang guro.
Sana yung mga magulang ituro nila sa mga kabataan na mali ang ganung pag-iisip. At ang media maging pantay sa pagbabalita.

Kung sinoman ang nakakabasa sa mga pinagsasabi ko ngayon dito, sinasabi ko 'to hindi para ma-impress ka sakin, kundi para imulat ang mata mo sa katotohanan,kaibigan. Tao din ang mga kababayan nating muslim. Nasasaktan din sila emosyonal.

Sana darating yung araw na magsama-sama tayo sa isang paniniwala. At wala nang diskriminasyon.

Bro actually hindi terurista ang ang tingin ko sa ibang muslim, kapag sinabing muslim ang pumapasok sa isip ko ay vendor ng mga pirated cd,dvd,cellphone,damit like yung mga branded na Lacoste basta lahat ng gaya-gaya.. Bro pasensya kana ha,may mga kaibigan akong muslim kasi kalimitan ang mga costumer ko dati noong nagbibusiness pa ako ng bigasan ay muslim, kaya hindi na sila iba sa akin..

PINOY_RADICAL
30th Mar 2008 Sun, 12:36

0o,yung iba ganun ang tingin nila. Maging yung isang batang maliit na tinanong nila kung ano tingin sa mga muslim ganun ang sinagot.

pero kagaya ng sinabi ko, ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat

rhope016
30th Mar 2008 Sun, 18:43
may mga kilala akong muslims at alam kong mababait sila..di dapat natin sila hinuhusgahan kaagad...:)

boy69
18th Jun 2009 Thu, 23:02
marami akong kaibigang muslim. hehe hindi naman yun sa relihiyon eh, nasa katangian ng tao yun!

645F
26th Jul 2009 Sun, 14:03
hehehe.. ako pag sinabing muslim ang nasa isip ko pwedeng mag asawa ng madami.. gusto ko nga maging muslim dahil dyan.. hehehe joke lang po..

voyager
26th Jul 2009 Sun, 15:01
wala sa relihiyon yan kundi nasa tao.. siguro nga isa sa malaking factor kung bakit hindi maganda ang pagkakakilala ng ating mga kababayan sa pinas tungkol sa muslim dahil narin sa media at sa nakikita nila minsan sa ugali ng mga ito lalo na sa quiapo, mga maangas, madumi ang paligid nagtitinda ng pirated. Mali rin kasi minsan ang mga nagbabalita sa dyaryo, telebisyon at radyo na pag may muslim na gumawa ng masama ang tag ng headline ay "muslim pumatay, nahuli sa ganon, etc.etc., pero bakit pag ibang relihiyon ang gumawa di nila masabing INC nakapatay, protestante nanghalay, kristiyano nandukot.. napaka unfair diba?.. isa yan sa dapat pakaingatan ng mga gumagawa ng mga balita na ganyan.. dapat minsan iexplore nila ang paligid nila kung bakit nagiging masama ang isang tao at di dapat unang tinitignan kung ano ang paniniwalang kinaaniban niya..

Salamalaykom at peace sa lahat..:salute:

BlindingAngel
5th Aug 2009 Wed, 12:45
naging bad image lang sa iba ang mga muslim dahil sa mga terrorista na yan, pero hndi naman masasama yung mga muslim e