View Full Version : (help) bayawak kinakain mga sisiw ng manok namin!


Dark_curse
22nd Jul 2011 Fri, 11:15
mga kasymb, help panu mahuli ang bayawak na nakatira sa likod ng bahay namin.. ilang beses ko na syang nakitang kinakain mga sisiw ng manok namin.. Kaso mabilis tumakbo papasok sa butas na kanyang tinitirhan.. Mga 3.5 or 4 ft long.. May airggun din kami at binabantayan q dn pero di ko majackpotan na lumabas at mapatay.. Gusto ko na lang nga na magset nalang ng trap para khit wala ako d2 sa bahay ay mahuhuli padin.. Kung may marunong dito gumawa ng trap, tulungan mo ako.. Paki post ng tutorial Or give me a link kung panu gumawa.. or kayo nalang gumawa tas sainyo nalang.. Hehe! Napipeste na talaga ako.. Buti pa ung bayawak palaging manok ang kinakaen.. Hehe! Thanks!

ericgmejia
29th Jul 2011 Fri, 21:19
gumamit ka ng DRUM, itayo mo,
lagyan mo ng hagdan or ramp na kaya akyatin ng bayawak,
lagay ka ng pagkain sa loob ng drum, manok or karne

pagpasok ng bayawak sa drum, dina makakalabas yun

di mo yan pwede barilin kasi masyado yan mabilis, bago mo maasinta wala na yan

willtsubasa
29th Jul 2011 Fri, 21:26
gumamit ka ng DRUM, itayo mo,
lagyan mo ng hagdan or ramp na kaya akyatin ng bayawak,
lagay ka ng pagkain sa loob ng drum, manok or karne

pagpasok ng bayawak sa drum, dina makakalabas yun

di mo yan pwede barilin kasi masyado yan mabilis, bago mo maasinta wala na yan

O kaya mag-paen knlang ng pagkaing may "RACUMIN" yung lason sa daga 44 pesos lang sa tindahan yun

jm_palubs
6th Aug 2011 Sat, 18:01
isumbong mo sa manginginum yan para sila na mag set up ng trap at gawing pulutan after

SchizoprenicO
2nd Jan 2012 Mon, 20:38
sirain mo nalang ung lungga nila. aalis yan o kaya sunugin mo sa loob

alexism339
2nd Jan 2012 Mon, 20:51
Tama yung drum,pero ipa taob mo tapos lagyan mo ng butas na sa tantya mo e sakto ang katawan nya..mag mount ka ng maikling pvc pipe na sakto sa haba ng katawan nya sa butas ng drum papasok,na sa tantya mo e kaya nyang siksikan..mag lagay ka ng nabubulok na karne sa loob para mabango sa pang amoy nya.pilit nyang papasukin yang pvc pipe hanggang maisuot nya ang ulo at unang mga paa nya.hayun hindi na siya makaka atras kaya kailangan may tali o matibay ang mounting ng pvc pipe mo...at bago mo gawin ito..ikulong mo muna s secure ang mga alaga mong hayop...para magutom siya at hanapin ang amoy ng pain mo...

another way is malaking sima,lagyan mo parin ng naubulok na karne...pero siguraduhing matibay ang tali...

pinaka mabisa..bumili ka ng lason na pang daga,ilamas mo sa nabubulok na karne..isuot mo sa butas o sa bahay nya....

sa pagkaka alam ko e pinag babawal na rin patayin ang bayawak ngayon....

attachments17
2nd Jan 2012 Mon, 20:54
isumbong mo sa manginginum yan para sila na mag set up ng trap at gawing pulutan after

adik!:yipee::yipee::yipee:

pokaws
7th Jan 2012 Sat, 02:36
try mo kumuha ng bato punuin mo ang butas ng bahay nya solve kana

parengdapa
7th Jan 2012 Sat, 02:49
hahhhah madali lang yan ts gawa ka ng silo o pisi tas kahit wag mo na bantayn medyo expert ako jan dati kami hunter ng mga ganyan at mga ibon sa mga gubat kung di mo pa nahuhuli pm mo ako at tuturo ko sayo baka mg screenshot ako e napatay m n pala useless lang so pm nlng kung di mo pa yan nasosolve matagal na ang 2days jan para mahuli :lmao:

SchizoprenicO
7th Jan 2012 Sat, 19:17
pasukin mo lungga nila tapos sapakin mo.. :D

Devin
9th Jan 2012 Mon, 20:47
O kaya mag-paen knlang ng pagkaing may "RACUMIN" yung lason sa daga 44 pesos lang sa tindahan yun


sir di pwede yan kasi di basta basta kakainin ng bayawak yan.... :beat: bulok na karne ang gusto ng bayawak :)




TS yung drum na may rampa ang the best na bitag

dyan, basta dapat yung drum may yung malaki, di mo na kailangan

gawing kumplikado yung bitag basta may rampa at may

mabahong karne sa loob ng drum sure na pupuntahan nya yan,

once na pumasok na siya sa loob ng drum na nakatayo di na siya

makakatakas, wag lang matutumba yung drum, yung usual na

drum natin diba malaki yung nguso kasya tao pero di nya kaya

umakyat dun kasi yung paa nya at kuko di kumakapit...




pag nahuli mo na siya naman ang kainin nyo masarap iadobo yan, masarap pa sa manok yan dalin mo sa akin yan illuluto ko para sayo, madali lang katayin yan :excited:

maynard051785
9th Jan 2012 Mon, 22:38
tama drum na lang... tirhan mo ako ts pag nahuli mo masarap yan heheheh

gemini96
10th Jan 2012 Tue, 16:58
d epektib dyan yung racumin...

bkit daga ba yan??? XD

just kidding TS..!!!

tama drum.. o kaya magsumbong ka sa manginginom...

o kaya kung medyo matapang ka...

sunugin mo yung loob ng lungga

alexism339
15th Jan 2012 Sun, 09:27
Paano kung takot si TS hawakan o dakmain yung bayawak?...may posibility na maka lundag yan sa drum gamit ang pwersa sa buntot.e malaki na daw,dapat pag nabitag mo.tumawag ka agad ng kasama na marunong humawak ng bayawak...nangangagat po yan once na ma corner na.then ingat po sa kuko nya.if you use PVC pipe..mahahawakan mo na siya ng walang palag,kasi naka ipit ang katawan nya sa PVC.ayun pwede mo na xang dalhin sa gusto mo.I surrender mo sa DENR...may reward yan at maidadagdag pa ang hayop sa public Zoo

ttam2730
16th Jan 2012 Mon, 02:33
ts lam mo gawin mo nalang dyan bumili ka ng good bye bading good bye ph lagay mo dun sa lungga nila mamatay yan..basta mag ingat ka lang baka maputokan ka..

moonshane
18th Jan 2012 Wed, 10:26
ts gawa ka ng trap na kawayan cguro gubat nmn dyan

yoseff
18th Jan 2012 Wed, 16:17
hayaan mo na yun bayawak..ikulong mo na lang ng maigi ang mga manok mo brod....