View Full Version : Pwedeng i-apply s pang araw araw n pag-uusap.........


lasalista
15th Apr '08 Tue, 14:44
MOST MEMORABLE PHILIPPINE MOVIE LINE (Pwedeng i-apply sa pang-araw -araw)

You're nothing but a second-rate, trying hard copycat!"
"Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain."
"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!"
"My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!"

"Once, twice, thrice—gaano ba kadalas ang minsan?"

"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik."

"Hayop . . . Hayuuup . . . Hayuuupppp!"

"Trabaho lang ito, walang personalan."
"Si Val! Si Val! Palagi na lang si Val! Si Val na walang malay! Si Val na ang tanging kasalanan ay maging anak sa labas!"

"Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!"

"Akala mo lang wala . . . pero meron!! meron!! meron!!"
"Gutay-gutay na ang katawan nyo . . . pati na ang kaluluwa nyo!"
"Sabel! This must be love!"
"Wala akong pakialam . . . ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo ang . . . ahhhhh!"
"Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!"
"Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao."
"Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"

"Get out of my house. I don't need a parasite!"
"Ako legal wife!"

"Oo, Ate, oo, Ate . . . Puro na lang ako oo, Ate!!! Para akong manikang de susi"

"I was never your partner. I'm just your wife . . . kaya hindi mo ko nirerespeto!"

"Ang mga tala--mataas, mahirap maabot. Pero ipinapangako ko, Inay, bukas, luluhod ang mga tala!"
"Wag kang makaarte-arte na 'kala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito!"

"Noong una hinangaan kita. Pero nang makilala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita!"
"Pinuno mo na ang salop, judge. Dapat ka nang kalusin."

"Oo, inaamin ko, saging lang kame. Pero maghanap ka ng puno, sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!
"Mukhang may jewels 'tong batch na 'to . . . may matanda, may punggok, isa pang punggok, isa pang punggok, may tisoy . . . Mukhang antipatiko ito, pare."
"Hindi lahat ng nagpapasaya sa atin ay tama. Pero ang tama ay marahil masakit sa umpisa, pero siguradong sa huli tayo ay mapapaligaya."

dicken123456
15th Apr '08 Tue, 17:39
http://chroniclesofjared.com/wp-content/images/old-man-laughing.gif

rhope016
15th Apr '08 Tue, 20:50
:clap:ayos to ah..:giggle:

jefferzee
18th Apr '08 Fri, 01:44
ayos bro subukan ko yan bukas :D

lasalista
18th Apr '08 Fri, 08:50
ayos bro subukan ko yan bukas :D


goodluck:thumbsup:

mer38
18th Apr '08 Fri, 10:48
walang himala!..:hyper:

xxblu3thund3rxx
18th Apr '08 Fri, 13:41
galing naman ng compilation mo ng mga quotable quotes sa philippine movie...i'd like to share kaso wala akong maisip...sana ung iba mag ambag din...;)

jefferzee
18th Apr '08 Fri, 14:16
Natawa yung ka chat ko nung sinabi ko yung "Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!" sa kanya.. hahaha

lasalista
19th Apr '08 Sat, 09:08
"Si Val! Si Val! Palagi na lang si Val! Si Val na walang malay! Si Val na ang tanging kasalanan ay maging anak sa labas!"
eto pinaka fave ko hehehe. tnx guys s mga comments:)

jefferzee
19th Apr '08 Sat, 14:01
Ang gusto ko yung "Hayup..Hayooop..HayuuuuupP!!!" hahaha