View Full Version : Bagay Na P'wedeng Gawin 'pag Ikaw Ay Nababato


kurabo
16th Apr '08 Wed, 05:18
MGA MAKABAYANG BAGAY NA P'WEDENG GAWIN 'PAG IKAW AY NABABATO

1. Tumitig sa araw.
2. Maghanap ng bituin sa tanghali.
3. Tumalon ng 2,186,545 na beses (kailangan 'di lalampas sa bilang).
4. Tulain ang "Ako'y may alaga asong mataba, buntot ay mahaba, makinis..." kung may phobia sa aso palitan ito ng pusa - "Ako'y may alaga pusang mataba...."
5. Bilangin ang mga paa ng milipede 'wag isama ang mga komang at pilay.
6. Maghuli ng bulate at budburan ito ng asin. Dapat iodized para iwas goiter.
7. Kumuha ng bola at balansehin ito sa ilong. Kailangan MIKASA.
8. Magbadminton mag-isa. Dapat matalo mo ang sarili mo. 'Wag hayaang mag-second place ka.
9. Kantahin ang "Yeye Vonelle" ng paatras habang tumatalon sa bubog.
10. Amuyin ang dumi sa gilid ng kuko sa paa.
11. Gumawa ng bangkang papel at ipaanod ito sa Huang-He o sa Yangzi river sa China.
12. Bilangin ang may apelyidong Dela Cruz at Delos Santos sa telephone directory.
13. Maghanap ng santol kahit hindi nito season.
14. Alamin ang lyrics ng ending song ng Encantadia.
15. Kumuha ng mga bato at pagpatung-patungin tapos guluhin ito. Gawin lang ito ng paulit-ulit.
16. Magluto ng instant pancit canton at lagyan ito ng sabaw.
17. Maghanap ng kuting at isapaw ito sa sinaing.
18. Humukay sa lupa at umasang makakakita ng mina ng langis.
19. Maghinunule gamit ang cork remover.
20. Paghaluin ang Tide at Ariel at hintayin itong bumula ('wag haluan ng tubig).
21. Makipagkwentuhan sa barbero.
22. Kudkurin ng kuko ang mga dumi sa paligid ng inudoro.
23. Mag-ipon ng tubig sa dram gamit ang medicine dropper.
24. Pumunta sa fly-over sa Balintawak at magbungee jumping doon.
25. Isipin ang mga bagay na 'di maisip.
26. Alamin kung naliligo din ba ang mga HATOR.
27. Gumawa ng obstacle course sa bakuran. Kung wala kayong bakuran, sa bakuran ng kapit-bahay. Kung walang kapit-bahay 'wag nalang gumawa.
28. Iminom ng diatabs kahit 'di nagtatae.
29. Sundutin ang mata.
30. Makipag-jack 'n poy sa sarili.
31. Gumawa ng ice sculpture sa gitna ng Sahara desert.
32. Isipin bakit 'di nagkatuluyan si Tina Paner at Chris Villanueva.
33. Maglaro ng tong-it. Siguraduhing hindi ka marunong nito.
34. Bumili ng isda sa petshop at palanguyin ito sa kloroks.
35. Kalabitin paulit-ulit ang mga labi ng pataas-baba gamit ang hintututro.
36. Gumawa ng mosaic art gamit ang kulangot.
37. Umutot at ipunin ito sa isang bote.
38. Gumawa ng clippings ng mga picture ni Edie Gil.
39. Maghanap ng Abu-Sayaff at maglaro kayo ng Russian Rollet.
40. Magbasa ng chinese newspaper.
41. Kilalanin ang mga members ng Tuesday group ng That's Entertainment.
42. Kumain ng manggang hilaw at isasaw ito sa ice cream.
43. Paglaruan ang laway.
44. Kausapin ang sarili.
45. Umakyat sa puno ng kamatis.
46. Pumunta sa ABS-CBN, turuan si Kuya Cesar mag RAP.
47. Itapat ang mukha sa TV at patay-sindihin ang TV.
48. Makinig kay Tiya Delly sa radyo (DZRH).
49. Maghanap ng orang-utan at turuan itong magballet.
50. Gumawa ng leche flan gamit ang itlog ng butiki.
51. Mag-alaga ng garapata.
52. Mag-isip ng pangalan sa nahuling garapata.
53. Kung walang maisip na pangalan dito, patayin nalang ang garapata.
54. Hanapin ang pinaka malapit na lamayan at doon kumanta ng "Ako ay may lobo".
55. Matulog ng nakadilat.

Kung nasubukan nang gawin ang lahat ng nakatala sa itaas at ikaw ay nababato pa rin ay singhutin nalang ang naipon na utot sa bote (see no. 37).

psyknarph
16th Apr '08 Wed, 08:01
#3 = pag lumampas ulitin sa simula... :lmao:

rhope016
17th Apr '08 Thu, 11:25
tamang tama..bored ako..:lol:
try ko gawin number 31. Gumawa ng ice sculpture sa gitna ng Sahara desert.

mer38
18th Apr '08 Fri, 10:53
10. Amuyin ang dumi sa gilid ng kuko sa paa.

ang sarap kyang amuyin ang sariling paa..yung my color green pa..wahahaha:lolcard:

lasalista
18th Apr '08 Fri, 10:59
magastos ung #11, kailangan ko pang pumunta ng china hehehe

wella1407
18th Apr '08 Fri, 11:07
23. Mag-ipon ng tubig sa dram gamit ang medicine dropper.

pwede na saken 'to :lmao:

nico_alpha
22nd Apr '08 Tue, 17:43
55. Matulog ng nakadilat.


eto pwede na sakin to..hehehe

ambissyoso_009
24th Apr '08 Thu, 12:37
auzzz ung no 23 pde din palipas oras :lol: cguro pti ikaw nababato kya mu naicp toh....:lmao:

globenet25user
24th Apr '08 Thu, 12:43
:lol: puro talaga kayo kalokohan

sth_gerds
20th Jul '08 Sun, 08:36
ayus #9 hehe sarap nun kung lead singer si april boy!!!

blingyblog03
20th Jul '08 Sun, 12:12
magtiyatiyaga nalang ako sa #21 at least may kausap ako:lmao:

suffocate9
20th Jul '08 Sun, 17:30
ito malupet----> 28. Iminom ng diatabs kahit 'di nagtatae.

gawin araw2x ewan ko lang! lolz!

Sherman08
21st Jul '08 Mon, 00:00
ngawa ko n dati yun number 16 s sobrang pagmamadali meron pa ksama itlog nyahahaha

arti_nyo
21st Jul '08 Mon, 01:52
sakin # 25 Isipin ang mga bagay na di maisip.
kasi la tayong isip puro tayo sipsip

neyney00
21st Jul '08 Mon, 06:17
batUng bato ka naba?

ROCK-ROCKAN NA!!!

:slap:

-bob ong-