PDA

View Full Version : prankahan at bulgaran tayo.

GuiebRy
29th May 2007, 15:53
post po kayo about your personality, looks, mga pananaw ninyo sa buhay, mga faves ninyo, kahit ano basta it's all about you..ex. ikaw ba'y simpleng mataray, simpleng tao, o kahit ano pa..

bolantoy
29th May 2007, 15:56
:rock: akoy simpleng rakista at astig! takot sa girlfriend at masunurin.gwapo at mahilig sa musika.lagi ako busy sa trabaho kaya minsan tampo gf ko.ako pinaka matangkad sa magkapatid at matipuno ang katawan

GuiebRy
29th May 2007, 15:59

almost perfect life na yan bro..ingatan mo lang lahat kase di lahat ng oras ay nasa kaayusan at ginhawa ka..payo lang po:pray:

Masaya
29th May 2007, 16:01
ako gwapo :D tahimik pero magulo at maingay pag kilala nyo na ko :D

GuiebRy
29th May 2007, 16:33
ako gwapo :D tahimik pero magulo at maingay pag kilala nyo na ko :D

o sige ako gwapo na rin:rofl: since dalawang guwapo na ang nag post..

rentao_15
29th May 2007, 17:24
pangapat gwapo na ko... hehehe

ako naman... very sentimental sa buhay.... bahay and school lang ako... pero minsan-minsan kapag natutukso sumama sa mga kaibigan sa gimiks... 5 feet 7 inches height ko, 57kg weight, slim, nakasalamin... at sabi daw nila matalino... pero ngayon tinatamad ako magaral... hehehe

Masaya
29th May 2007, 23:13
haha ako rin tamad... 2 na tayo rentao... kakabwisit kasi yung iba kung prof magaling din mag absent wla tuloy kwenta pumasok, yung iba naman nde ng lelecture talak lang ng talak

rentao_15
29th May 2007, 23:45
haha ako rin tamad... 2 na tayo rentao... kakabwisit kasi yung iba kung prof magaling din mag absent wla tuloy kwenta pumasok, yung iba naman nde ng lelecture talak lang ng talak

bro saang university ka nagaaral?... parehas tayo ah... agree ako sayo... yun ang main na reason ko kung bakit nakakatamad magaral... grrr....

jefferzee
30th May 2007, 00:35
ako tamad tlaga. hahaha... ang araw araw ko.. gising,bukas ng tv...bukas pc,ligo,kain,nood tv,lalaro ng ps,nood ng tv..computer buong araw . haha. minsan pag madaling araw na.. telebabad pa ako. Malakas ako magpatugtog.. maingay tumawa..parang natili yung tunog.. may sakit ako sa puso, may 3 tahi sa dibdib.. hindi ako kumakain ng gulay..puro prito ulam ko yayks. tapos sinangag pa yung kanin madalas. Mabilis maubos pasensya ko, ayoko sa tanung ng tanong kahit alam naman ang sagot.. wala akong madalas na pera kaya hingi ako ng hingi sa guardian ko. pero ung hiningi kong pera ubos agad pagnagmall. Puro cd binibili ko haha, tig wa 100pesos. marami akong cd lahat galing odyssey. Nangongolekta ako ng magazine-kzone magazine. Mahilig ako sa horror.. minsan natili pag nagugulat sa mga movies,hahahaha. Ang madalas na pinapanood kong channels ay Abs,CN,NIck at Disney,MYX. Paborito ko yung Spongecola,Callalily at Cueshé. Ang pinakamahal na cding nabili ko sa buong buhay ko ay ang MCR:The Black Parade (P450),HSM OST(395) at HSM The Concert(455). Mahilig ako sa music, madalas spongecola pinapatugtog ko. Minsan di na ako nakakatulog hehe,, 5 na ako nakakatulog ng madaling araw. Yan muna. inaantok na ako haha.. cge see yah.

Masaya
30th May 2007, 02:04
sa silliman univ sa dumaguete city

niKkay
30th May 2007, 03:25
ako, simple lang.. kamukha ni bakekang.,.. :rofl:
suplada at mataray ako../

GuiebRy
30th May 2007, 04:33
ako tamad tlaga. hahaha... ang araw araw ko.. gising,bukas ng tv...bukas pc,ligo,kain,nood tv,lalaro ng ps,nood ng tv..computer buong araw . haha. minsan pag madaling araw na.. telebabad pa ako. Malakas ako magpatugtog.. maingay tumawa..parang natili yung tunog.. may sakit ako sa puso, may 3 tahi sa dibdib.. hindi ako kumakain ng gulay..puro prito ulam ko yayks. tapos sinangag pa yung kanin madalas. Mabilis maubos pasensya ko, ayoko sa tanung ng tanong kahit alam naman ang sagot.. wala akong madalas na pera kaya hingi ako ng hingi sa guardian ko. pero ung hiningi kong pera ubos agad pagnagmall. Puro cd binibili ko haha, tig wa 100pesos. marami akong cd lahat galing odyssey. Nangongolekta ako ng magazine-kzone magazine. Mahilig ako sa horror.. minsan natili pag nagugulat sa mga movies,hahahaha. Ang madalas na pinapanood kong channels ay Abs,CN,NIck at Disney,MYX. Paborito ko yung Spongecola,Callalily at Cueshé. Ang pinakamahal na cding nabili ko sa buong buhay ko ay ang MCR:The Black Parade (P450),HSM OST(395) at HSM The Concert(455). Mahilig ako sa music, madalas spongecola pinapatugtog ko. Minsan di na ako nakakatulog hehe,, 5 na ako nakakatulog ng madaling araw. Yan muna. inaantok na ako haha.. cge see yah.

hahaha:rofl: ang tindi mo :salute: ..talagang detalyado..:lol:

jefferzee
30th May 2007, 11:20
kinarir ko talaga ... hahaha Mayako na ipost yung part 2. hahahaha

Lancelot
30th May 2007, 12:02
ako simple din... talking serious minsan, mahilig sa ebooks, mahilig kumain basta makakain, mahilig sa gamez, mostly i spend my vacant time kung wla na work sa net surfing naman kaya kung saan ako nakakarating, at kung wlang net ebooks naman.. i have 2 cutie boy kidz and only one wife.. :lol:

sa totoo lang kamukha ko daw si Ian Veneracion, dahil sa bigote ko.. :lol:

-Lancelot

rentao_15
30th May 2007, 15:03
naks naman bro lancelot... a person fulfilled na or satisfied na sa life... i hope makarating din ako sa stage mo balang araw, marating lahat ng goals ko sa buhay and fulfilled...

niKkay
1st Jun 2007, 03:36
pag tahimik na ako.. at kinausap mo but no response.. asar na ako nun..
Ako, alaskadora ako.. but it is my of of showing my paglalambing...

aLgiE
1st Jun 2007, 11:27
my turn jhening :D
makulit ako as in..lalo na pag gustong gusto ko yung tao,kinukulit ko talaga, binibiro ko...madali ako mag react into something na sa tingin ko di maganda pero di ako marunong magtanim ng galit sa isang tao..kasi madali ako matawa...akala nila galit ako,pero pinipigilan ko lang tawa ko :lol: .....malambing din ako, super..yun sabi nila :lol: .....
gusto ko me kapatin na bunso kaya nahananap ko si jhen kasi shes really a beybi..sa ugali at kaulitan :lol: .....naging mommy tuloy ako.....mahilig ako sa lakwatsa..kasi ayaw kong nag mumukmok sa bahay...pero lately lang ako lagi sa bahay dahil sa symbinaize :lol: ....... eto pa lang muna ..... :)

iBee
1st Jun 2007, 14:28
simple boy lang po ako... studying in the pontifical royal catholic university of santo tomas(naks :salute:)

1_ years old(u decide. :giggle:), naka-salamin(tulad ni ren), g33k(sabi ng frends ko.), mahilig sa computer programming, hacking, computer addict. walang cellphone. :D. at... at... palabiro? :lmao:

yun lang pumasok sa isip ko ngayon eh. pag may time ako, mas detalyado post ko. :lol:

niKkay
1st Jun 2007, 16:17
my turn jhening :D
makulit ako as in..lalo na pag gustong gusto ko yung tao,kinukulit ko talaga, binibiro ko...madali ako mag react into something na sa tingin ko di maganda pero di ako marunong magtanim ng galit sa isang tao..kasi madali ako matawa...akala nila galit ako,pero pinipigilan ko lang tawa ko :lol: .....malambing din ako, super..yun sabi nila :lol: .....
gusto ko me kapatin na bunso kaya nahananap ko si jhen kasi shes really a beybi..sa ugali at kaulitan :lol: .....naging mommy tuloy ako.....mahilig ako sa lakwatsa..kasi ayaw kong nag mumukmok sa bahay...pero lately lang ako lagi sa bahay dahil sa symbinaize :lol: ....... eto pa lang muna ..... :)

anong nahananap ka jan.. hehe.. ako marunong magtanim ng sama ng loob.. pero madali lang rin mapalambot puso ko.. lambing lang! hehe, plus kulitin mo ko..:beat:
kung si mommy algie.. naghahanap ng bunsong kapatid.. ako naghahanap ng ate or kuya.. kaya nakita ko sila ate algie, kuya eli, tito marky at iba pa dito..

bolantoy
2nd Jun 2007, 14:00
akoy simpleng tao na may simpleng pangarap sa bahay.masaya lang gf ko lagi,masaya na din ako.araw-araw may kinakain at pinakain.pangarap kong abutin ang pangarap ng gf ko :rock:

Redge
2nd Jun 2007, 14:08
ako'y ordinaryong tao lamang ,,maraming pangarap sa buhay ,,makulit po ako ,,palabiro ,,pero romantiko pagdating sa mga babae ,,dahil po ang babae para sakin ay minamahal,,at nirerespeto,,depende sa babae kng karapat dapat irespeto,,d me pikon ,,wag lng akong sasabihan ng d magandang salita,,pala kaibigan,,:clap: :clap: :clap:

qwertyuiop
17th Feb 2009, 17:39
:smoke:Lulong sa yosi, kaya nga ngulat ako sa sabi ni peter sa peteranswers.com na pipirme na ko sa lupa sa edad 22 tahimik sa mga indi nakakakilala, praning naman sa mga nakakakilala, antukin, walang dyos pero takot gumawa ng mali, ok daw ako kausap. Mei alam daw ako sa mga sinasabi ko kaso madalas praning.

mimiq05
18th Feb 2009, 00:08
post po kayo about your personality, looks, mga pananaw ninyo sa buhay, mga faves ninyo, kahit ano basta it's all about you..ex. ikaw ba'y simpleng mataray, simpleng tao, o kahit ano pa..

ako ay isang kathang isip ng mga tao...

nagiging tunay ako sa mga taong naniniwala na

ako ay totoo...

paborito kong tumawa dahil may kasabihan

dun ang lolo ko na kapag tawa ng tawa gusto na mag asawa..

pero di yun ang gusto ko, masarap lang tumawa tapos..

marami akong pananaw sa buhay

sa dami nun di ko na alam kung alin ba talaga

ang orihinal na galing talaga sa akin...

aang tanging masasabi ko lang...

isa akong malaking kalokohan...

pero seryoso sa isang bagay...

sa pag ibig

joke :peace:

laincerlee
18th Feb 2009, 00:53
hmmh ako simple lang din ako and ndi ako gwapo..
hmmh makulit minsan pero tahimik talaga ako in person:D
and pure ako mag mahal:giggle:

kaso lagi ako busted:weep:

yan lang muna

:)

freakyfries
15th Mar 2009, 20:58
ako ay parang adik!!!

hahaha:lol:

na matagal ng nagmamahal ky....:whisper:

hehehe...

zachardy
15th Mar 2009, 21:34
ako c cm mcaunsky

cm is my name and mcaunsky's the apelido.....

dugong pinoy ako... maka pilipino ako... kahit na maraming umiinsulto sa atin.... mga walangya silang lahat!! pinoy pa rin ako.... buo aking loob... may agimat ang dugu ko!! bwahahahaha!! :rofl:

idol ko si justin..... mahilig akong sumayaw at kumanta tulad ni justin..... idol ko si leo dicap... mahilig din akong umarte tulad nya...... marami akong hilig sa buhay.....

masayahin ako... pag nasa mood...... matino akong kausap pag nasa mood..... wala akong silbing kausap pag me topak...... pero pag ako tinotopak, once in a blue moon lng namn... ang problema... ang blue moon sa amin araw araw :rofl: :rofl: :rofl: mas gusto ko pang latiguhin nyo ko ng nakabitin, kesa insultuhin nyo ko.......
masama ang tabas ng dila ko pag napipikon ako.... masama akong magbitaw ng salita pag napipikon ako..... masama akong mag bigay ng 1st impression, kaya ndi ko sinasabi sa lahat ng kakilala ko ang 1st impression ko sa kanila.... pero bago ako mag stick dun sa impression ko kikilalanin ko muna yung tao.....
OPEN ako sa maraming tao..... kahit dun sa mga 1st time ko pa lang nakilala.... kahit masama impression ko sa kanila.... ewan ko pero malaki tiwala ko sa ibang tao....
meron akong mga taong iginagalang, depende sa pag kakakilala ko sa inyu....
ndi ko madalas ipakita nararamdaman ko kung nagagalit ako o nalulungkot ako.....
pero pag pinakita ko na galit ako.... masama akong mag salita.... maraming magagalit sakin oras na bumuka ang bibig ko.... :rofl:
pero kahit na anong gawin nyu, ndi nyu ako mapipilit ipakita kung nalulungkot ako....
sa mga kaibigan ko lng pinapakita, pag nalulungkot ako.... pero pag nasa mood lng ako.... at pag nasa tamang tyming.... :rofl:

at higit sa lahat!!

I LIEK MUDKIPZ!!

un lang!!!!!!

potpotmamen
16th Mar 2009, 06:47
ako si potpotmamen.

you can call me pot for short.

pinoy din ako pero wala akong pakelam kung iniinsulto na tayo ng iba kasi isa akong ignoranteng tao. ok lng na insultuhin nio ko pero pag ininsulto nio pamilya @ mga kaibigan ko, magkakamatayan tayo.

idol ko si shawn milke at dennis lee. gusto ko ung voice nila lalo na si dennis pag nag scre-scream. kung di nio sila kilala, lurk moar (sage).

masayahin ako pag kasama ko mga barkada ko. mejo makulit din. mainitin ulo ko. hindi mo ko makakausap ng matino pag nag iinuman na. sabi ni pol, malakas daw kami mag inom ni carl pero di ako naniniwala dun. mas malakas mag inom si kim. malaki tiwala ko sa mga kaibigan ko pero wala akong tiwala sa sarili ko. tinatanong ko muna mga kaibigan ko bago ako mag desisyon. hindi mo ko mapipilit na gawin ang isang bagay pag ayaw ko talaga gawin pero pag pinilit mo pa ko edi gagawin ko. pag nagalit ako, talagang galit ako. mumurahin kita harapan o kaya baka masaktan ka pa.

at higit sa lahat....

MY POWER LEVEL IS OVER 9000!!!!!!

yun lang din!!!1!!!11!!one11!!!eleven!!

EDIT: idol namin si moises y. silva

joelnaval
16th Mar 2009, 09:48
Ok to bulgaran thread:hehe:

zachardy
16th Mar 2009, 10:57
ay kulang pala ung akin....

idol namin si moises...

yan tapos na yung akin :rofl:

jeff3_16
16th Mar 2009, 11:02
Matagal nako dito sa symbianize at hanggang ngayon ay inlab pa rin ako kay Iya Villania..:D:D:D

bls_user
16th Mar 2009, 11:20
ako assuming daw. pero pag kilala mo ko, hindi naman. pero if you really piss me off that you will most likely regret it.

i'm sweet and caring. di ako gwapo. malaki tyan ko. pero most of the time mabait naman ako :D

Timoy®
16th Mar 2009, 13:02
hmm sige na nga ibubulgar ko na nga yung sa akin.. Ako nga pala si Timothy Louie Hinal..ang dami sa aking tawag.. You can call me timmy,tim,louie,lou,weng (pambabae halos :lmao:) yan halos ang tawag sa akin lalo na ng mga taga sa amin (syempre alanga'y naman taga mindanao :lmao:) mahilig ako magsurf (sa pc hindi sa dagat! :punish:).. Magitara kaso sira na gitara ko, music lover halos lahat ng genre pinatos ko pwera yung mga kantang hindi pa ako pinapanganak.. (alanga'y pati yun karirin ko? :lmao:) dati ko din karir ang sumayaw.. Maglaro ng chess, at basketball.. Magtxt ng magtxt hanggang sa mapagod..(i can't live without my beloved cellphone :lmao:) at mahilig ako kuman..... Kuman..,...kumanta :lmao: (mga greenminded :punish:)
wala naman ako maipagmamalaki sa hitsura ko...di ako gwapo.. Pero may nagsasabi na cute.. :lmao: Ewan ko... Sa paningin na lang ako ng tao dumedepende kung anu tingin nila sa akin..at hindi ako mahilig magbuhat ng sariling bangko dahil nga sa dumedepende lang ako sa paningin ng tao :salute: madami nagsasabi mabait daw ako,kalog,makulit.. (i guest soo... :lol:) simple lang ang pamumuhay, simpleng porma na may halong kaunting rock :rock:...pure magmahal..(never guest :lmao:).. Anu ba yan buong talambuhay ko naikwento ko na.. Hahaha.. Ayan na po muna.. :salute:

hannah009
15th Aug 2010, 09:55
Simpleng tao lang ako

madali ako magalit
madali ako mainis
pikon din ako
pero madali lang naman
mawala yung galit,inis and
pagkapikon ko once na
nagpaliwanag ka ng maayos

mahilig ako sa color purple :D
paborito ko ang kwek kwek
paborito ko din ang chicken adobo
mahilig ako magbasa ng libro,
lalo na kung about sa vampires (kaadikan ko :lmao:)
mahilig ako manood ng movies
mahilig din ako magtext

ginagawa ko kung ano maisipan
kong gawin
basta gusto ko gagawin ko
kahit madaming kontra
at dun ako madalas na
napapahamak :lmao:

ganyan ako kasimple.

Yan na lang muna ;)