View Full Version : Pinaka enjoy na trip


Lovely Face
1st Jun '07 Fri, 07:44
Kelan nangyari yung pinaka enjoyable ninyong trip, either international or domestic.

boyTi899
1st Jun '07 Fri, 08:40
The second time I went to the states probably is the most enjoyable one. It happened October of 2005. At first, nung nandito pa kami sa Manila, nakacheck-in na kami, tapos yung flight was supposed to be at 10 P.M, nagtataka na lahat kami bakit sya delayed ng delayed until umabot ng 1 A.M, so finally, inannounce na canceled na ang flight. The enjoyable part? We were brought to Manila Pavilion (a hotel somewhere in Manila of course), and all expenses were charged to PAL. Free hotel accommodations ika nga na may VIP treatment..ang saya!

And pagdating naman sa States, the most enjoyable part para sakin ay yung mamimili ka ng gamit para sa sarili mo..:p
At siguro yung makarating kami ng Las Vegas.

rentao_15
1st Jun '07 Fri, 14:53
most enjoyable trip as of now... eh yung batangas escapade namin nung high school....

almost 4 years ago... 3rd year high school pa lang ako... 29 kami na magkakaklase na sumama noon... at sobrang bonding time yun.... hehehe... bale lahat yun libre courtesy of my classmate na may bahay dun sa rosario, batangas... although its not swimming sa resort... masaya pa rin makibonding with nature... in short gubat ang napuntahan namin... grabe... wala ng tulogan pagdating dun pasyal na kaagad...

pagdating sa bukid naglaro pa kami ng baseball and guess what ang ginawa naming base eh yung mga tuyong tae ng kalabaw... hehehe.. tapos yung pamato namin is tuyong tae rin ng kalabaw.. lakas trip noh... kaya kapag tumama ung binato sa bat na gamit ng pitcher siguradong talsikan un... hahahah

tapos sa gabi naman may bonfire... at nag forum kami nun... naglabasan ng sama ng loob ng mga crushes... etc... sobrang masaya... kahit may iyakan...

kinabukasan... nagbatuhan naman kami ng kalansi... hahaha... pati yung nananahimik na baka pinagtripan namin... buti na lang nakatali kaya hindi kami nahabol...whew....

tapos nung liguan na... kaming mga lalaki wala nang pakialam naghubot hubad sa labas at naligo sa poso... hehehe... nasira pa nga namin yung poso eh... waheheheh

grabe masaya yun... at may iniwan pang remembrance ang escapade na yun... isang bote ng ginebra sanmiguel na hindi namin nainom dahil ayaw ng mga kaklase naming babae... at hanggang ngayon nasa akin pa rin... ito ang ang katunayan ng masayang lakwatsa na yun... 2 days and 2 nights... filled with enjoyable moments... galing talaga...

JenG
2nd Jun '07 Sat, 16:43
pinakaenjoy na trip is nung (2006) nagghost hunting kami dun sa VAMPIRES CAVE grabe takot na takot ako as in ayokong pumasok!!! well ako wala naman me nakitang kakaiba buti na lang!! then we went to MAINA BRIDGE kung saan merong nagpapakitang white lady...full moon pa nung pumunta kami kasama namin ung frend namin n may third eye!! then nung andon na kami sabi nya honk namin ung horn ng car kasi daw nandoon sya sa tabi ng daan!!! katakot pero enjoy....

niKkay
3rd Jun '07 Sun, 01:34
enjoyable trip ko.. nitong vacation lang.. Nung punta kami province ng papa ko.. aba, nakita ko ang ganda ng view sa habang sakay ng plane... natutuwa/nageenjoy ako sa view ng mga buildings.. different water forms, mga lupa at bundok while sakay ng plane.. i rili appreciated it in a simple way na kahit nakaupo lang ako.. tsaka i wonder bakit ngayon ko lang naappreciate yung ganoong kasimpleng bagay... salamat nalang sa mga sponsors.. hehehe

Lovely Face
3rd Jun '07 Sun, 06:46
As for me, unforgettable ang travel ko from Baguio City to Sagada. Although marami na rin akong napuntahang ibang lugar..kagandahan kse yung mga napuntahan kong places, i get there FOR FREE!:wow:

We arrived at Victoria Liner terminal...ubod ng lamig...doon kme nagpalipas til 6am...then afterwards we went to another bus station to get to Sagada, Mt. Province. Sbi ng mga tao ron it will take 4 hrs to travel, pero my goodness, 8 hr drive pala from Bguio City to Sagada!

Sumasayad sa gilid ng bangin yung mga ulap. And when we reached the place, di pa pala don. Ttawid pa pala ng hanging bridge at aakyat ng ilang bundok...

Ang nakakabilib pa, may signal pa rin yung cp ko.ahahahaha!

Lovely Face
3rd Jun '07 Sun, 06:48
enjoyable trip ko.. nitong vacation lang.. Nung punta kami province ng papa ko.. aba, nakita ko ang ganda ng view sa habang sakay ng plane... natutuwa/nageenjoy ako sa view ng mga buildings.. different water forms, mga lupa at bundok while sakay ng plane.. i rili appreciated it in a simple way na kahit nakaupo lang ako.. tsaka i wonder bakit ngayon ko lang naappreciate yung ganoong kasimpleng bagay... salamat nalang sa mga sponsors.. hehehe

Hi Jhen, san ang province u????

niKkay
13th Jun '07 Wed, 17:10
Hi Jhen, san ang province u????

ate taga cavite ako pero yung pinuntahan ko eh province ng papa ko, sa roxas city, capiz.. yung maraming aswang daw..

yung latest trip ko na talagang nag enjoy ako kahit napagod talaga... yung pumunta kami sa CAMP AGUINALDO, then meron dun ONE PESO RIDE.. natuwa ako dun.. :) first tym ko e

tsaka natuwa ako sa view..
lawak.. :)

Lovely Face
2nd Aug '07 Thu, 05:44
Wla na bang nagt travel ngayon???di n kse ko makapag travel koz of my job...pero sana in the coming months...

phat
13th Sep '07 Thu, 14:11
pinaka enjoy na trip for me was summer vacay in boracay with friends...:) iba kse pag kasama ang barkada eh, mas makulit... :D

hopefully, i could go out of the country this year once again, sana may time...

Lovely Face
24th Sep '07 Mon, 13:58
pinaka enjoy na trip for me was summer vacay in boracay with friends...:) iba kse pag kasama ang barkada eh, mas makulit... :D

hopefully, i could go out of the country this year once again, sana may time...

Yeah, masaya ang barkada...pero for me, mas masaya kung fmily ko ksma ko..gusto ko nga silang ipasyal sa banaue rice terraces eh.:excited:

Sana magka ron na ko ng Van....:dance:

Lovely Face
29th Apr '08 Tue, 03:49
Hay naku sana magkaron uli ako ng chance (and time) to travel far away...hirap magbyahe sa work ko..it demands your full time and attention..hmpf...:ranting: how i wish makapagfieldwork uli ko.

gishi_femme
2nd May '08 Fri, 03:56
pinakamasaya ko so far yung pag kasama ang barkada..iba kasi pag barkada kasama eh..kahit sa tabi tabi lang yan pag makukulit masaya...pag family kasi masaya naman din kaso syempre pag barkada iba eh puro kasi kalokohan hehe nwei..kung place ang paguusapan as I have posted on another thread Panglao Island in Bohol..just went there last friday...super enjoy ako sa sceneries...di pa ganun ka commercialized kasi hindi pa madami tao if ever puro natives lang din dun..yung sand super fine..then sa malapit pa lang sa shore makakakita ka na ng mga isda /starfishes...yung mga sea shells may laman pa sa loob mga buhay hehe...isama mo pa yung loboc river floating resto..sarap ng feeling..yung chocolate hills di ako maciado na amaze, di ako maciado mahilig sa ganun beach lover kasi ako though I appreciate it naman..and tarsiers are really cute...maarte nga lang kasi bawal hawakan...bawal may flash ang camera hehe..and mas maganda sya sa bora according to my reliable source ha..dapat kasi magbobora ako pero she said bohol na lang

Lovely Face
3rd May '08 Sat, 23:38
^yeah na rinig ko na yang panglao na yan..yan ang favorite place ni Cesar Montano kasi nga he's from there...

oo masaya ksama ang barkada if youre single yet...but for me na family woman...i prefer na kasama ang family.:)

nybee
4th May '08 Sun, 19:18
enjoy na trip namin ng family ko......hehe...ultimate destination namin pagudpud, past week, kakauwi lang namin kahapon...4 days kami...

alis kami nung wed punta muna la union mga 7 hours byahe kasama na stopover, dun natulog at nagswimming, fri alis kami madaling araw punta ng pagudpud, grbe ang tgal ng byahe at nakakapagod, lumagpas pa kami ng ilocos norte napunta pa kami sa cagyan..hehehe...tpos uwi kahapon whole day nagbbyahe kami....enjoy namin yung beach at pool, ska yung tanawin dun sa pagudpud kasi biruin mo nasa parang edge ka ng luzon tpos pag dineretso mo yun south china sea na pala...hehe...

ang sya kasi first time ko..:)

gishi_femme
4th May '08 Sun, 23:18
^yeah na rinig ko na yang panglao na yan..yan ang favorite place ni Cesar Montano kasi nga he's from there...

oo masaya ksama ang barkada if youre single yet...but for me na family woman...i prefer na kasama ang family.:)

yep..tinuro nga samin nung tour guide yung rest house ni cesar montano..tabi sya ng dagat...

gishi_femme
4th May '08 Sun, 23:20
enjoy na trip namin ng family ko......hehe...ultimate destination namin pagudpud, past week, kakauwi lang namin kahapon...4 days kami...

alis kami nung wed punta muna la union mga 7 hours byahe kasama na stopover, dun natulog at nagswimming, fri alis kami madaling araw punta ng pagudpud, grbe ang tgal ng byahe at nakakapagod, lumagpas pa kami ng ilocos norte napunta pa kami sa cagyan..hehehe...tpos uwi kahapon whole day nagbbyahe kami....enjoy namin yung beach at pool, ska yung tanawin dun sa pagudpud kasi biruin mo nasa parang edge ka ng luzon tpos pag dineretso mo yun south china sea na pala...hehe...

ang sya kasi first time ko..:)


naku yang pagudpod nga next vacation target ko eh hehe..kaso nga lang pagod ka sa byahe..mas ok kung airplane sana mas mabilis kaso wala by land talaga....ganda nga din daw dyan...

nybee
5th May '08 Mon, 07:11
naku yang pagudpod nga next vacation target ko eh hehe..kaso nga lang pagod ka sa byahe..mas ok kung airplane sana mas mabilis kaso wala by land talaga....ganda nga din daw dyan...

hehe...mganda din sa pagudpud, kaso, bka mga siguro "pagudpud" twag eh pudpud na gulong ng sasakyan mo, pagud na pagd kapa...hahah jowk lang...:lmao:

Lovely Face
6th May '08 Tue, 02:53
enjoy na trip namin ng family ko......hehe...ultimate destination namin pagudpud, past week, kakauwi lang namin kahapon...4 days kami...

alis kami nung wed punta muna la union mga 7 hours byahe kasama na stopover, dun natulog at nagswimming, fri alis kami madaling araw punta ng pagudpud, grbe ang tgal ng byahe at nakakapagod, lumagpas pa kami ng ilocos norte napunta pa kami sa cagyan..hehehe...tpos uwi kahapon whole day nagbbyahe kami....enjoy namin yung beach at pool, ska yung tanawin dun sa pagudpud kasi biruin mo nasa parang edge ka ng luzon tpos pag dineretso mo yun south china sea na pala...hehe...

ang sya kasi first time ko..:)

Oo..yung beach dun sa Vigan..ayun grabe...south china sea na nga yung kasunod...lam nnyo ba kasama ko yung family ng boss ko..hala nagtilian kami bago lumusong sa dagat..boss ko nakatingin lang hehehehe:lol: