View Full Version : Ang Sarap Maging Senador!


Narelle
2nd Jun '07 Sat, 21:56
:thumbsup: ANG SARAP MAGING SENADOR!:thumbsup:

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin ' yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There ' s food for everybody ' ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

Lovely Face
3rd Jun '07 Sun, 03:01
Is this a reliable source of such info? If that is true, well napaka palad nga nila!!!!:nakupo:

Sna ako rin maging senador. ahehehe.:$$

Narelle
3rd Jun '07 Sun, 08:07
They are the ones who cry widespread POVERTY in the country!:ranting:

hunter
3rd Jun '07 Sun, 09:48
yup..cla ngpapakasarap while others are not..:ranting:

niKkay
6th Jun '07 Wed, 01:28
ayan, nasagOt na rin tanong ko kung bakit may "K" silang gumasta ng marami para sa ads...:salute:

KONOG
24th Sep '07 Mon, 23:28
siguro nga masarap maging senador lalo na si lito lapid na wla namang nagawa pero sumusweldo pa rin

jet_23
25th Sep '07 Tue, 05:03
PAG ELEKSYON SABI NILA... TUTULUNGAN NILA MGA MAHIHIRAP NA MAKA AHON..
PERO HINDI NILA ALAM, SILA MISMO NAGPAPAHIRAP SA KANILA...

PERA NG BAYAN YUNG GINAGAMIT NILA... MGA %#^%** NA SENADOR NA YAN...

Lancelot
25th Sep '07 Tue, 11:53
tsk tsk tsk... nakakainis icipin talaga.

-L

KONOG
25th Sep '07 Tue, 12:08
ano ba talaga nagagawa ng mga senador para ma-improve ang buhay natin>?
puro sila reklamo, kaso dito kaso doon eh kung tutukan naman nila mga tao?

juancarlomartinez
18th Oct '07 Thu, 16:07
dpat tlga kung boboto ka ung tlgang my mgagawa s bayan ng hindi sayang ang perang npupunta s knila!

arjay
18th Oct '07 Thu, 16:10
Yup! ano n lng manyari da ating bayan.. Ok nga! pro Bad Source nman pinag kukunan.. Hindi na sila naawa sa mamayan..

GSM_BLUE
18th Oct '07 Thu, 17:27
swerte tlaga sila.. idagdag mu pa ang mga ang regalo nila kumpadre..

drx2k
26th Oct '07 Fri, 20:04
kaya nga sila sumusugal sa pagkandidato bilang senador o congressman at nag-aagawa sila sa mga pwesto dahil "Pork Barrel", eh kung wala kaya yang lintik na Pork Barrel na yan, meron pa kayang tatakbo ng paulit-ulit o may polical dynasty sa pilipinas? cguro kung meron man ito yung mga taong totoong may malasakit sa bansa. isipin na lng natin yung sweldo ng isang senador 35k lng isang bwan pero pag halalan, milyon-milyong piso ang ginagastos, khit sabihin nilang donation lng yung iba, maiisip mo parin bakit ganon kalaki ang ginagastos nila para sa PR o pogi points nila

babycheche01
22nd Feb '08 Fri, 17:10
kaya pla ngayon i realized na kapag nakaupo ka na there's a bigger chance na masilaw ka sa pera like them...nakakainis andami nagpapakahirap kumita ng pera tapos sila ganun nalang..:ranting:

mherz
12th Mar '08 Wed, 04:49
sarap nmn ang buhay nila,tayong mga pilipino ang

nagdurusa sa mga pinaggagawa nila!!! :ranting:

benjun2178
12th Mar '08 Wed, 05:00
paano yan? nakasanayan na kc... paano ba maituwid para mapunta ang budget na yun sa dapat pupuntahan? di rin pwedeng walain ang mga senador, maliban na lng kung cguro kung baguhin ang gobyerno natin... :slap:

funkson666
12th Mar '08 Wed, 11:09
kawawa naman talaga ang mga pinoy, oo! dahil sa pagkagahaman sa pera ng ilan nagagawan isanla ang kaluluwa ky satanas....kulang na lang sambahin ang pera...

VOTE FUNKSON666 FOR SENATOR!:lol:

ThankMode
13th Mar '08 Thu, 06:36
pero in all fairness ok ang performance ng mga senator ngyon, lalo na mga opposition! all out war against pandak! ano nmn ung 2 million compare mo sa millions of DOLLARS! na kinukurakot ni mrs.pandakekok! amf namimili na rin pla ng currency ung mga kinukurakot ngyon ng gobyerno ntn,,huhu wawa nmn mgging anak ntn bka pati bakuna may bayad na din in the near future...:ranting:

jericjed
26th Jul '08 Sat, 14:12
Plano ko ngang tumakbong senador in the near future

Mr.Duncan
26th Jul '08 Sat, 15:59
Nasa kultura n ng mga politicians yan (most of them).d na matatanggal sa image nila ung pagiging kurakot at manloloko.ang nakakaawa jan eh ung mga tapat sa tungkulin (kung meron man...malamang wala!) nadadamay sa mga kagaguhan ng mga palyadong nakaupo sa pwestow!!!!

Akatsuki Leader
3rd Aug '08 Sun, 12:44
I work for the government. its all true. The info is actually accurate. BTW the 2 million peso fixed budget sometimes called discretionary fund is also liquidated thru a mere certification that funds were spent for public purposes. Thats just one sheet of paper. Most senators take 20% out of their pork barrel as SOP. Its also the same with congressmen of the house of representatives. However, their pork barrels are around 65 million pesos each. The president meanwhile has 20 billion pesos as a sort of discretionary budget for his offices outside the regular departments. it sort of like the executive version of the Pork Barrel although they dont call it that. These politicians are really blood suckers.

gawjuz
4th Aug '08 Mon, 15:08
:lmao: wow.... nice info

dannice_06
4th Aug '08 Mon, 19:54
napakasakit isipin na tumatakbo sila hindi para matulungan ang mga kapwa pilipino kundi di para sa pera na hindi naman dapat sa kanila na dapat ay sa ating mga mamamayang pilipino:weep: they are such a looser at ang alam lang ay sambahin ang pera:ranting:

jericjed
5th Aug '08 Tue, 19:41
Mas masarap maging presidente!