View Full Version : Para po sa lahat ng mga Anak


qlyfrank
25th Apr '08 Fri, 09:32
Sa aking pagtanda
unawain mo sana ako
at pagpasensyahan.
Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
Pingan o nakatapon ng
sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana
akong kagagalitan

Maramdamin ang isang
matanda
nagse-self-pitty ako sa
tuwing
sinisigawan moko.

Kapag mahina na ang
tenga ko at hindi
ko
Maiintindihan
ang sinasabi mo,huwag mo naman sana
akong sabihan ng
“binge”
Pakiulit na lng ang
Sinabi mo..
o pakisulat
na lang, pasensya kana
anak matanda
na talaga ako

kapag mahina na tuhod
ko, pagtiyagaan
mo
sana akong
tulungang tumayo
katulad ng pag-
aalalay ko sayo noon
nag-aaral ka pa
lamang lumalakad

pagpasensyahan mo
sana ako kung ako man
ay nagiging
makulit at paulit-ulit na
parang sirang
palaka.Basta
pakinggan mo na lang
ako.Huwag mo sana
akong
pagsasawaang
pakinggan

Natatandaan mo
Anak noong bata ka pa
Kapag gusto mo ng
Lobo,paulit ulit mo
‘yong sasabihin,
Maghapon kang
Mangungulit hangga’t
hindi mo nakukuha
Ang gusto mo
Pinagtiyagaan ko ang
Kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na
rin sana ang aking
amoy,Amoy
matanda,amoy lupa
huwag mo sana akong
piliting
maligo,mahina na ang
katawan ko
madaling magkasakit
kapag nalalamigan
huwag mo sana akong
pandirihan
natatandaan mo noong bata ka pa?
pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng
kama kapag ayaw
mong maligo.

Pagpasensyahan mo
sana kung madalas
ako’y masungit
dala na marahil ito ng
katandaan
pagtanda mo
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang
panahon
magkwentuhan naman
tayo
kahit sandali lang. Inip
na ako sa
bahay,maghapon
nag-iisa.walang
kausap.Alam kong busy
ka sa trabaho,
subalit nais kong
malaman mo na sabik
na
sabik na
akong makakwentuhan
ka,kahit alam kong
hindi ka
interesado sa mag
kwento ko.

natatandaan
mo anak.
Noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kong
Pakingan at
Intindihin ang pautal-
Utal mong kwento
Tungkol sa
Iyong teddy bear.

At kapag dumating ang
sandali ng akoy
magkakasakit at
Maratay sa banig ng
karamdaman, huwag
mo
sana akong
pagsawaan alagaan.
Pagpasensyahan mo na
sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan.
pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay
tutal hindi na naman ako magtatagal.

kapag dumating ang
sandali ng aking
pagpanaw,hawakan
mo sana ang aking
kamay at bigyan mo
ako
ng lakas ng
loob na harapin ang
kamatayan

At huwag kang mag-
alala,kapag kaharap
ko na ang Diyos
na lumikha,ibubulong
ko sa kanya na
pagpalain ka
sana…dahil naging
mapagmahal ka sa
iyong ama’t
ina……………[/LEFT][/CENTER]

iampaces
25th Apr '08 Fri, 09:44
Kaka-iyak naman! Naluluha ako ng binasa ko ang tula na ito. Salamat sa pagpapa-alala qlyfrank. Naalala ko tuloy yung nangyari sa ama ko. Ganitong ganito din ang nagawa ko sa kanya. 'lam nyo po. Ako ang naglilinis ng ihi, at dumi nya. Ako ang tumutulong sa kanya kung lalakad patungong banyo. Ako ang nagpapaligo sa kanya. Andun din ako sa tabi nya ng malagutan sya ng hininga. :weep: Wherever he is, somewhere out there. Sorry sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Mahal na mahal kita Papa ko! :weep: Para sa kanya yung signature ko! Hindi ko kasi nasabi sa kanya na mahal ko sya nung buhay pa sya. Sana masabihan ninyo ang mga malalapit sa buhay nyo na kung gaano nyo sila kamahal. Bago mahuli ang lahat. :weep:

bel27
25th Apr '08 Fri, 10:26
:weep: naiyak naman me bez...:weep:
Sa parents ko po promise, magpapakabait na po ako..:pray:
I love you Ma and Pa... :smack:

jefferzee
25th Apr '08 Fri, 12:16
nice.. love it.. salamat...

rhope016
25th Apr '08 Fri, 18:43
:thanks: po sa share..:salute:

crAshEd
27th Apr '08 Sun, 19:23
o nga...kkaiyak