aiah_87
28th Apr '08 Mon, 18:18
ang kwento ay tungkol kay AKO...
sana sa kwento nya kayo'y interesado :lol:
di nya pinangarap maging bida sa pelikula
trip nya lang ang umeksena...
4 yrs old si AKO noon ng unang maramdaman nya ang
''boredome''. palagi na lamang siyang naiiwan sa bahay dahil
may trabaho ang mga magulang nya at ang mga kapatid naman
ay nagsisipag-aral. lahat ng nakikita nya ay sinusulat nya sa
papel dahil wala nga naman siyang ibang alam gawin sa bahay.
kapag nagugutom naman xa ay tumatawid siya sa kabilang
bahay na kung saan nakadikit lang ang bubong nito sa bahay
nila. dahil sa tinatamad si AKO, di na xa dumadaan sa
pinto kundi sa bintana. hila-hila ang suot na short na sobrang
luwang at dala-dala ang basong may takip na may lamang
gatas. nang makarating sa kbilang bahay, sinilip nya muna kung
may tao... nang mapansing meron nga,... agad nagtago sa
likod ng pinto. may matandang nagsalita bigla... sino yan???
sumagot si AKO, meeeyaaawwww...
meeeyaawww...meeeeyaaaawww...
APO ikaw ba yan??? wag mo na ngang gayahin ang
pusa...nagugutom ka ba???
lumabas na nga si AKO sa pinagtataguan nya at
dumeretso sa harap ng lola nya... kahit sobrang laki ng
pagkakangiti, di yon napansin ng lola nya. (di na kasi
nakakakita lola nya sa sobrang tanda) lola... anong pagkain
nyo??? ang tanong nya habang papuntang kusina. umakyat sa
mesa at dun agad ay kumain. naririnig nya ang lola nya na
nagsasalita pero wala na xang pakialam.
nang mabusog na ay agad lumabas at umupo sa hagdanan...
nang makita ang pinsan na may dalang bisekleta, agad nya
itong nilapitan, hila parin ang maluwang na shorts...
oisttt...pahiram naman...
yoko nga, sagot ng pinsan nya na kaedad lang din nya...
sige na, sandali lang naman eh...
ayoko sabi, bulyaw nito...
sumimangot si AKO..
pahiram...sige na...
ayoko!!! sagot ng isa...
ayaw mo ba tlaga??? galit na si AKO...
sa sobrang inis... nag ala wolverine si AKO...
kalmot kalmot kalmot hanggang sa tumakbo palayo ang
pinsan...
kinuha ang bisekleta at naglaro...
KINAGABIHAN...
habang naglalaro si AKO sa kwarto nya, tinawag
sya ng nanay nya...
halika nga dito!!! anong ginawa mo sa pinsan mo???
hindi bumaba si AKO, sinilip nya ang pinsan sa
labas ng bahay kasama ang tita nya... di nya napigilan ang
sarili na tumawa nang makita ang pinsan na may design na ang
mukha, at may kulay pa... puro X X X... betadine dito at
doon...
ang damot kasi kaya yan... sabi ni AKO sa isip
nya...
hindi lumabas si AKO kaya nanigas ang tita at
pinsan nya sa labas....
kinagalitan siya ng nanay nya... kaya badtrip si AKO... sa
sobrang inis... nang makatulog ang mga kasama sa bahay...
kinuha ang mga gamit at lumabas...
lumabas sa kwarto at umakyat sa bintana...
maglalayas na lng ako... palagi na lng ako kinagagalitan...sabay
hikbi...
kinaumagahan...
nagising si AKO...
tumingin sa paligid... wala nga sya sa bahay nila... NASA BAHAY
SIYA NG LOLA NYA... ganun siya kung maglayas :lmao: :lol: :rofl:
mejo pagod na ako kaya abangan nyo na lang ang susunod na mangyayari... :lol: :rofl:
:peace: