View Full Version : lifestyle ng Call center

krizzywhizzy
29th Apr '08 Tue, 01:12
Na search ko lang po. Ganito pala ang buhay ng isang call center...

"Buhay Call Center"
by lonevoyager007

(Wag ko sana danasin ang lahat ng ito)

1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo.

2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel...example:*toot* .... thank you for calling (the company) this is (your name) how may i help you?

3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15mins break nyo, itinutulog mo na lang para fresh pagkacalls uli, mya na yung 1 hour nap.

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

5. marami ka nang naiipong jacket... nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.

6. sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas.

7. ang tawag mo sa mga friends mo...dude, bro, coach,tl, sup.

8. di na dugo ang dumadaloy sayo... kape!

9. finefake mo na wag maging "slang" pag nagbabayad ka sa tindahan o kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka... masama pa, mas panget pakinggan.

10. tadaaaaa! nagsasalita ka sa pagtulog mo, pati calls mo napapanaginipan mo.

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang... *sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh**

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.

19. hindi ka na kilala ng aso nyo

20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.

21. wala ka nang alam na balita.

22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na't alam mong successful lahat ng ka-batch mo.

23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..

25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..

26. pag payday... olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P

27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng noon time show!

28. hindi mo na kilala ang mga bagong artista.

29. hindi mo na alam itsura ng mall...

30. di ka na maebs sa bahay, sanay ka na sa cr ng 6th floor or ibang floor.

31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

33. alam mo kung sino si Avaya

34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising... kakabangon lang galing sleeping lounge.

35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas.

36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)

38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

40. mabilis ka ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo...

41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala

42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine

44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

46. sanay ka na makarinig ng napakalakas na pag singa ng sipon.

47. marami ka ng naipon na microwavable container

48. marami kang ketchup packs galing mcdo at jollibee

49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng ticket..

50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan

51. pag gumagamit ka ng cr,, di ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa na lulubog ebs mo.

52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-over break.

54. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo.

55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwatro ng umaga

57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.

58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at cookies.

59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..

60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay

61. kala mo libre ang kape sa select...

62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.

63. pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl...

64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay

65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep

66. naka id ka pa kahit nasa jeep

67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours

68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo... sabihin mo msn.com (hahahaha!) kasi pag sinabi mong passport, hindi nila alam yun.

69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.

70. madalas mo harangin ang mga calls

71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.

72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!

73. gusto mo nang lumipat sa makati

74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!

75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**

76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na at alam mo na ang gagawin:

77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang TV. sa office parang limang TV ang nakatapat sayo habang may kausap.

79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom

80. may picture ka ng nakasuot ng headset

81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. hindi pwede pahuli.

82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala

84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang naka-mute at nakikinig sa usapan nila

85. yung ex mo may kasama ng iba

86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

87. d2 ka na sa opisina nakakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon, shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt, prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits...

88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

89. palaging matabang ang kape sa office

90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo

91. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.

92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa

93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng kape.

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.

96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon...

97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel's pancit canton, wendy's. north park, starbucks

98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa.

99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!!!

100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig nanaman na paulit-ulit ang suot mo.

101. Lahat ng kaibigan mo kinakahiya at minamaliit nila ang ginagawa mo... Pero pag dating sa araw ng sweldo nagpapalibre sayo.

102. Lahat ng nanglalait sayo na sa call center ka nag tratrabaho, ngayon nakikita mo sa lobby na nag-aapply.

103. Eto na ang tinuturing mong Buhay!

krizzywhizzy
29th Apr '08 Tue, 02:01
104. kaya mo ng magbasa ng libro habang nkikipag usap sa customer

105. nkashades ka sa loob ng mall...kahit pa nga umuulan..

106. nagfifile k ng kuko habang nagbebenta...

107. may branded kang mug, commonly bitbit, nsa bag or worst naiwan sa station...

108. at kahit sobrang init ngayon, may dala ka pdng jacket...

109. at dakila kang plastic...sample..."Yes mam, I understand and I'm so sorry to hear that." sabay press ng MUTE button, "eh bobo ka pala eh" then UNMUTE ulit. " don't worry let me assist you with that"...di pa pde ng artista...

110. natikman mo na rin halos lahat ng variants ng cup noodles

111. cguro pati lhat ng variants ng instant coffee...

112 and the best thing is ung gimik aftershift, tumotoma ka habang ung iba bumibili ng almusal...

113. marami ka ding alam na proxy website / server or anyway mabypass ang network filter and firewall..

weakandpowerless
10th May '08 Sat, 22:21
19. hindi ka na kilala ng aso nyo :rofl:

Sultry
10th May '08 Sat, 22:51
75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**

76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na at alam mo na ang gagawin:

77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa
:laugh:

aiAnne_kulet
10th May '08 Sat, 23:22
kaya pala...... tama lahat yan kasi ganon yung kakilala ko na ngwwork sa call center...hehehhe pansit canton is the best......

twilight
10th May '08 Sat, 23:57
:wow: thanks dito... :10: :giggle:

underverse
11th May '08 Sun, 05:37
hehe! aus ah:lol:

knelsaun
11th May '08 Sun, 21:37
maging ganyan kaya lifestyle ko kung lilipat ako ng call center... salamat dito!

Monocycle
13th May '08 Tue, 13:15
114. Sanay kang mamura.

ChInKyMeLiSsE08
30th May '08 Fri, 02:29
ang taray..

Lhon0901
30th May '08 Fri, 02:36
Hindi naman... Pero konti na lang ang matitira sa social life nyo po kung ganun... Anyways, hindi pansit canton favorite ko, spaghetti! :yipee: 2 years mahigit na ako and so far, liking it naman...

snuptaz28
22nd Jun '08 Sun, 20:51
kaya ayaw ko ng call center eh. hehehehe... takot akong may kasamang iba fiance ko hahahaha

Sherman08
15th Jul '08 Tue, 10:16
call center din ako mg 2 years na ,nhhatid ko p din girl friend ko s ofc,time management ln tlga ska magandang schedule hehe

Lovely Face
15th Aug '08 Fri, 03:24
kaya ayaw ko ng call center eh. hehehehe... takot akong may kasamang iba fiance ko hahahaha

Ngek, nasa tao naman yan eh...hahhahahaha!

Di ba dapat ang title eh "lifestyle SA Call center or Lifestyle of call center people/employees?" di ba dapat ganun?

jv_asero
3rd Nov '08 Mon, 13:30
mahirap b s call center. gusto ko mag appllllllly pero gusto ko malaman kung scripted b un sinasabi nyo pag may actual na kau kausap sa phone. medyo mahina kasi me sa english. gusto ko malaman kung may kopya ako kung anu isasagot ko sa customer. ok naman ang diction ko pero ang grammar, eww. hehehe

dh23
3rd Nov '08 Mon, 13:37

oo pre scripted yan ung sasabihin mo at syempre may kasama diskarte rin yan at pagging multi tasking ano ba course mo pre?
magprogrammer ka nlng hehehe un hindi scripted wahehehehe

Kharz
13th Dec '08 Sat, 03:55
1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo.

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

5. marami ka nang naiipong jacket... nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.

8. di na dugo ang dumadaloy sayo... kape!

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..

27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng noon time show!

29. hindi mo na alam itsura ng mall...

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

48. marami kang ketchup packs galing mcdo at jollibee

50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan

52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwatro ng umaga

67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala

86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

i agree... :lmao: :thumbsup:

hindi ako call center agent.. tech support engineer ako..

Lovely Face
24th Dec '08 Wed, 07:53
^pano ka nagkaron ng idea kung di ka nagwork as an agent?

striker_01
24th Dec '08 Wed, 08:04
^pano ka nagkaron ng idea kung di ka nagwork as an agent?

Madali lng malaman un bro, ako drin ako nagwowork s Call Center, pero alam kuna lhat ng ginagawa dun, ehe
May subject n kcng Call Center n dinagdag s kurikulum ngayon...

bls_user
24th Dec '08 Wed, 08:13
me subject na call center?

Lovely Face
24th Dec '08 Wed, 08:24
talaga.... baka naman sa mga IT courses lang yan..pati ba medical science or other course meron na rin niyan? and excuse me po hindi ako bro..im a sis! fyi

striker_01
24th Dec '08 Wed, 09:55
me subject na call center?
talaga.... baka naman sa mga IT courses lang yan..pati ba medical science or other course meron na rin niyan? and excuse me po hindi ako bro..im a sis! fyi

Sorry kla ko lalake k, cge Sis, o kya miSs cUte nlang cge, ehe

Dito smen meron Call Center Subject lahat ng course,
mpa Nursing man or HRM, Tourism, meron lahat, Required raw bago mka graduate...

Un benefits nito ehh, gya nung mga nursing n hindi nkpasa or nag iipon plang pra s board exam nila, ngayon Call Center Agent n sila, imbes n Nursing, ehe

maganda nga rito ehh, s mismong Call Center Company kmi pumapasok.., kya para kding Call Center Agent mismo.. ehe

Nung kmi s Sutherland kmi pumapasok lhat, ewan kulang ngayon, p iba iba raw kce ng Company kinukuha ngayon s skull nmen.....

bls_user
24th Dec '08 Wed, 11:11
ngaun ko lang nalaman yan na me subject palang call center..hehe

lovely face sis ka??? waah. kala ko din lalaki ka. sorry po :D

ralphquerubin7
24th Dec '08 Wed, 11:59
104. kaya mo ng magbasa ng libro habang nkikipag usap sa customer

105. nkashades ka sa loob ng mall...kahit pa nga umuulan..

106. nagfifile k ng kuko habang nagbebenta...

107. may branded kang mug, commonly bitbit, nsa bag or worst naiwan sa station...

108. at kahit sobrang init ngayon, may dala ka pdng jacket...

109. at dakila kang plastic...sample..."Yes mam, I understand and I'm so sorry to hear that." sabay press ng MUTE button, "eh bobo ka pala eh" then UNMUTE ulit. " don't worry let me assist you with that"...di pa pde ng artista...

110. natikman mo na rin halos lahat ng variants ng cup noodles

111. cguro pati lhat ng variants ng instant coffee...

112 and the best thing is ung gimik aftershift, tumotoma ka habang ung iba bumibili ng almusal...

113. marami ka ding alam na proxy website / server or anyway mabypass ang network filter and firewall..

oo nga.. kahit pikit ka pa.. alam mo na kung anong brand ng coffee at noodles ang iniinom o knakain mo.. lahat n flavor memorize mo na.. heheh

madbam07
24th Dec '08 Wed, 14:04
natawa ako sa "hindi ka na kilala ng aso mo!" hahahaha

Lovely Face
30th Dec '08 Tue, 07:43
ngaun ko lang nalaman yan na me subject palang call center..hehe

lovely face sis ka??? waah. kala ko din lalaki ka. sorry po :D

opo sis po ako check my icon..heheh..oks lang....peace

Lovely Face
30th Dec '08 Tue, 07:44

ah ok....:)