cleslie05aj
9th Jun '07 Sat, 10:11
Kakatapos lang ng Valentines Day ng huli tayo magkita....
Sosorpresahin sana kita sa office mo pero wala ka...
sabi ko naiintindihan naman kita dahil busy ka sa work mo....
Nagpunta ko sa lugar na pinupuntahan natin lagi
pero hindi kita nakita.... hindi ka rin nagparamdam...
sabi ko ok lang yan.. dahil mamimiss mo din ang kakulitan ko...
Nagdaan ang isang buwan at nasundan pa ng dalawang linggo
Nanatili ka pa ring wala sa tabi ko...
Dinalaw kita sa bahay nyo pero walang tao..
Sabi ko ok lang yan, dahil pagnagkita tayo di mo mapipigilan ang sarili mo na
yakapin ako...
Pumunta ako sa opisina mo,
Hindi ka na pala doon nagtatrabaho....
Sabi ko ok lang yan.... ipapa-alam mo naman sa akin kung
nasaan ka na...
Ang buwan naging isang taon....
isang taon na hindi ka nagparamdam...
Valentines Day na ulit at ako magisa pa din...
isang taon na wala ka pa rin...
Sabi ko ok lang yan.... magaantay pa rin ako...
Nakita kita noong October naglalakad ka sa gilid ng kalsada
gusto nga kitang lapitan pero ako pa ang nahiya...
ang laki ng pinagbago mo... at bigla kang pumayat...
sabi ko... siguro nangangayayat ka sa kakaisip sa akin...
lumiko ka na sa kanto pero hindi na kita naabutan...
At nitong November inabangan kita sa kantong nilikuan mo
pasado alas tres ng hapon... naglalakad ka may dalang bulaklak...
sabi ko sa sarili ko, baka may liligawan ka ng iba...
gusto kitang tawagin pero di ako makasigaw...
pag liko mo sa may kanto ay nasundan pa rin kita....
Pumasok ka sa isang malaking gate... tahimik ang lugar at puro damuhan...
sinundan pa din kita... Huminto ka at yumuko... pinagmasdan kita sa malayo...
Nilapag mo ang dala mong bulaklak sa damuhan... at ikaw ay lumuhod
nilapitan kita at narinig kitang nagsasalita...
"Isang taon na nakakaraan ng huli tayong magkita mahal.
isang taon na din akong nagdudusa ng wala ka sa piling ko."
Sabi ko na nga ba... nagsisisi kang lumayo sa akin... ang sabi ko sa sarili ko...
nagpatuloy kang nagsalita...
"Naaalala mo pa ba mahal yung huling valentines day natin... ang saya natin noon...
nagplaplano na tayong magpakasal... pinaguusapan na natin kung anong uunahin nating bilhin sa bahay na pinatayo natin kung kama ba o kalan na lutuan... natawa nga ako ng piliin mo ang kama, kasi sabi mo pwede naman tayong kumain or bumili sa labas.. ang importante sabay tayong matutulog at gigising sa iisang kama..."
Kinilig naman ako sa mga sinabi mo.... pero tahimik pa din ako sa bandang likod mo
at nagpatuloy ka sa pagsalita...
"Kinabukasan ng Valentines Day... hindi na tayo nagkita... halos mabaliw ako sa
kakaisip sa iyo... kung alam ko lang na mangyayari iyun sa iyo di sanay nagpakasal na tayo agad sa malapit na simbahan...."
Anong pinagsasabi mo... hindi kita maintindihan... hindi kita iniwan...
Ako ang iniwan mo.... hinanap kita pero wala ka... (umiiyak na ako...)
"Bakit hindi mo pinaalam sa akin na magkikita pala tayo ng araw na iyun..
edi sana nasundo kita... at magkasama pa rin tayo ngayon..."
"Sosorpresahin kita sana noon... ipapaalam ko sayo na pumayag na sila mama na
magpakasal na tayo...
Pero pag punta ko sa opisina mo wala ka...
At simula noon hindi na kita nakita..."
Ang hirap palang nagiisa... dapat kasi hindi ka na umalis... hindi sana nangyari ito..."
Ano bang nangyari... naguguluhan na ako...
"Iniwan mo ako ng hindi tayo nagkausap... ni hindi man lang kita nayakap at nahalikan... "
Nilapitan kita... at nanatili ka pa rin nakaluhod. hinahaplos mo pa ang isang lapida...
sino ang kinakausap mo dyan... bakit ka umiiyak sa may-ari ng lapidang iyan...
Bakit pangalan ko ang nakasulat sa lapida... pero hindi pa ako patay...
"Naaksidente ka dahil niligtas mo ang isang bata na tatawid sana pero ang katawan mo ang humarang sa sasakyan na sana ay babangga sa bata..."
Bata? ---- bigla kong naalala ang araw na iyun..... kakagaling ko lang sa boutique ng makita ko ang bata na patawid sa kabilang kalsada... ang inisip ko agad iyung bata kaya dali-dali kong tumakbo at niligtas ko siya pero...
"Namatay ka agad dahil sa aksidenteng iyun... ang batang niligtas mo ay labis din nalungkot, pero maraming tao ang humanga sa iyo... Namatay kang isang bayani sa mata ng maraming tao"
Hindi ako namatay... buhay ako... heto ako sa likuran mo...
Nilapitan kita at niyakap pero tumagos ko mula sa likuran mo...
Hindi maari ito...------bigla kong naalala ang aksidenteng nangyari sa akin...
Naramdaman ko ang sobrang sakit sa aking katawan... pero iniisip pa rin kita....
Ang sakit na nararamdaman ko sa aking katawan ay unti-unti ng nawala...
"Isang taon na akong nagdudusa... tulungan mo naman akong makapag-adjust...
hirap na hirap na ako... "
Ako din nahihirapan na... buong akala ko iniwan mo ako....
Yun pala ikaw ang iniwan ko... pero ang pag-ibig ko ay nanatili pa rin sayo...
"Kahit magmahal ako ng iba.... mananatili ka pa ring buhay sa puso ko...
Paalam na sa iyo 'Mahal..."