View Full Version : Thanks System Disabled Temporarily


Marquess
25th Oct 2011 Tue, 16:12
Aware naman po siguro tayo sa kabagalan ng Symbianize ngayon. Yan ay dahil sa dami na ng members natin. Di na makayanan ng server natin yung mga activities na ginagawa ng members natin. Dahil po dyan pinag-aaralan na natin yung paglipat sa bagong server na kayang i-accomodate yung pangangailangan ng Symbianize. Pinaalam na po natin sa server admins natin yung tungkol dito at hinihintay na lang natin matapos yung pag-examine nila sa server load natin ngayon at nang makapagbigay sila ng recommendation kung anong specs ang kailangan natin para sa bagong server.

At habang hinihintay po natin yung bagong server, pansamantala muna nating inaalis yung Thanks system natin na isa sa pinakamalakas magpataaas ng server load para pansamantala nating maibalik yung bilis ng Symbianize.

Pasensya na po sa abala at salamat po sa inyong pang-unawa.


PS:
Naka-save po lahat sa database yung dami ng naibigay at natanggap nating thanks kaya wala tayong dapat ipag-alala kahit na di naka-display sa profile natin yun ngayon. Pag binalik na natin yung Thanks system makikita na po ulit natin yung thanks/thanked count natin.