564672946639
13th May '08 Tue, 18:31
napulot lng sa FS
Original message from claire:
> Sa aking Anak,
> >
> > Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
> >
> > Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
> >
> > Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
> >
> > Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
> >
> > Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.
> > Huwag mo sana akong pagtatawanan o
> > pagsasawaang pakinggan.
> >
> > Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
> >
> > Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
> > Madaling magkasakit kapag nalamigan,
> > huwag mo sana akong pandirihan.
> > Natatandaan mo noong bata ka pa?
> > pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
> >
> > Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
> >
> > Kapag may konti kang panahon,
> > magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
> >
> > Alam kong busy ka sa trabaho,
> > subalit nais kong malaman mo na sabik
> > na sabik na akong makakwentuhan ka,
> > kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
> >
> > Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
> >
> > At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
> >
> > Pagpasensyahan mo na sana kung ako
> > man ay maihi o madumi sa higaan,
> > pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
> > Tutal hindi na naman ako magtatagal.
> >
> > Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
> >
> > At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
> >
> > Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
> > CWL Spiritual Director
> > St. Augustine Parish
> > Baliuag, Bulacan