PDA

View Full Version : sino may SE live with walkman dito?pagusapan natin!!

Pages : [1] 2 3 4

brunoboy18
28th Nov 2011, 22:37
Guys,balak kong bumili nitong cp na to,anu price nito nung binili nyo?

brunoboy18
28th Nov 2011, 22:41
sa tagal tagal kong naghanap ng cellphone na ang price is 11th pababa,ito nakita kng pinakamaganda,may ma sasugest ba kayo?

venices
29th Nov 2011, 10:15
sa cmkcellphones, bale 10k sya.... cmkcellphones.com

patz0110
29th Nov 2011, 13:44
maganda sya lalu na yung sounds, nabili namin 12,900 nung last saturday, sa sm tarlac

brunoboy18
29th Nov 2011, 15:26
ahh,mura pala sa cmk.dun nalang ako bibili,salamat sayo,,ahmm mzta naman mga games nya pareng patz?

brunoboy18
29th Nov 2011, 15:28
at yung internet nya?mabilis ba?optimus net sana bibilhin ko kaso 3.6 lang ang 3g nya,tulad ng cp ko ngayun,more on browsing kasi ako,kaya gusto ko mabilis :)buti nalang 7.2 tong se live with walkman,hehe

brunoboy18
29th Nov 2011, 15:31
anung bansa pala gumawa ng mga sony ericson phones?

patz0110
29th Nov 2011, 15:58
ok yung mga games, kahit hd walang lag, pangit lang battery life, yung net din mabilis (gamit ka ng opera mobile)

edit: yung cam din maganda sya
tsaka dahil bago, konti/wala pang mga custom roms kaya di ko magamit yung openvpn kasi need pa nya ng tun.ko

amnher
29th Nov 2011, 18:15
Need niya maroot para malagyan openvpn

patz0110
29th Nov 2011, 18:36
rooted na sakin kaso wala ako nung tun.ko

amnher
29th Nov 2011, 18:44
pede you magrequest somewhere sa forum na ito

pandabear
30th Nov 2011, 07:55
ilang days po ba tumatagal yung battery nyo?
akin kasi di lumalagpas ng isang araw... :(
nakaoff na nga lahat e.. wifi, bluetooth, background data traffic, etc..

pati updated na un software ko..huhuhu.

br0ombr0om
30th Nov 2011, 09:05
sino ba taga cebu dito?
sino nakabili SE live with walkman dito..?at saan nabili??
la pa kasi available sa sm cebu..tanong ko nga sa SE dito sa sm cebu bakit ang sabi around 15k daw ang cp na yan..

brunoboy18
30th Nov 2011, 10:04
mura lang yan sa cmk,10,600 lang,d2 malapit sm north ata,search mo sa google,all sony ericson live with walkman price in philippine,ung sa cmk ha,may map na un,

patz0110
1st Dec 2011, 10:41
ilang days po ba tumatagal yung battery nyo?
akin kasi di lumalagpas ng isang araw... :(
nakaoff na nga lahat e.. wifi, bluetooth, background data traffic, etc..

pati updated na un software ko..huhuhu.

punta ka sa settings->applications->running services
tapos click mo yung mga hindi mo ginagamit na features/apps/games tapos click stop, tapos click menu->cache->stop mo ulit ung mga di ginagamit

lagi mong gawin toh lalo na bago ka matulog tsaka pag standby mode lng, para di nababawasan ng mabilis battery mo, tsaka airplane mode mo din bago matulog kung gusto mo, kaso di ka makakareceive nun ng mga texts :upset:

hayashi
1st Dec 2011, 16:18
Sir, ask ko lang po san kaya nakakabili ng jell case ng se live w/ walkman? :help:

patz0110
1st Dec 2011, 16:19
^ako din gusto ko din bumili, kaso mukhang wala pa, bago palang kasing labas toh eh. 1 month pa lang..

Belderiver
4th Dec 2011, 10:19
Sa mga merong live w/ wlkman d b kau ngkakarebooting prob? kasi nabasa ko sa SE forums abroad ung iba may rebooting problems and d daw lahat ng headset e compatible??

michaelalan
4th Dec 2011, 11:41
wow bago nanaman to ng SE gusto ko ding bumili nito..... para may pangpalitan na ko sa n900 ko hehehe.... pano pala magroot nito???

patz0110
4th Dec 2011, 18:57
Sa mga merong live w/ wlkman d b kau ngkakarebooting prob? kasi nabasa ko sa SE forums abroad ung iba may rebooting problems and d daw lahat ng headset e compatible??

ako hindi naman, wala naman syang problema, mabilis, walang lag, no reboot problem, problema ko lang kulang na memory ko ksi 2gb lang sya :lol:

wow bago nanaman to ng SE gusto ko ding bumili nito..... para may pangpalitan na ko sa n900 ko hehehe.... pano pala magroot nito???

Downloads:

Download Easy rooting Toolkit [v2.0] (zergRush Exploit) (Only registered users can see the link.)
Download Adb driver (Only registered users can see the link.)

Instruction to root Sony Ericsson Live with Walkman

Download Easy rooting Toolkit v2.0 to your computer.
Extract the file.
Open the extracted folder and run “RUNME.bat”.
Then follow the instructions on the screen.
So, you have completed rooted your Sony Ericsson Live with Walkman . Do not hesitate to ask if you face any problem because we will try to help you.

daniel42
5th Dec 2011, 21:46
musta po battery life nito?
im planning to buy a phone pero i'm torn between this and the xperia mini eh.

patz0110
6th Dec 2011, 08:18
mas maganda toh sa mini, promise
pangit nga lang wala pang mga custom roms ito, pero yung mini meron..

daniel42
6th Dec 2011, 15:56
mas maganda toh sa mini, promise
pangit nga lang wala pang mga custom roms ito, pero yung mini meron..

bakit mo nasabi na mas maganda to bro?
may nkapagsabi rin kasi na mas maganda ung screen resolution
ng xperia mini kasi bravia engine, maliit nga lng daw..

Marik
6th Dec 2011, 17:39
Mas maganda siya kaysa sa Xperia Mini, I was comparing the two before at mas lamang and Live with Walkman. ung price niya sa SM North Edsa is around 12K sa official Sony Ericsson center.

may Bravia Engine din ang Live with walkman tpos HVGA ung screen resolution, ung Xperia mini QVGA lng, ang tandaan niyo plgi about sa smartphones especially sa Android, pag mas malaki ang screen mas marami ang developers dahil madaming apps ay panget sa mga maliliit ng screens at chunky usually.

ang pinka lamang lang ng Live with Walkman is ung screen niya.

you guys might want to check and use the compare tool sa GSM Arena, makikita niyo lahat ng lamang ng Live with Walkman sa Xperia Mini (or Xperia Mini Pr)

mrknil
7th Dec 2011, 10:07
Walang mobile bravia engine ang live with walkman ser :P ang edge nya lang sa mini/mini pro eh mas malaki screen :P

patz0110
7th Dec 2011, 10:11
Walang mobile bravia engine ang live with walkman ser :P ang edge nya lang sa mini/mini pro eh mas malaki screen :P

meron din syang usb otg :P
pati battery life at yung xLoud

junexpress
9th Dec 2011, 00:48
May SE Live with Walkman naba sa CEBU? balak ko kasing bumili nito maybe Christmas or next year...

patz0110
9th Dec 2011, 20:34
bravia engine ba para sa live? tingnan niyo! eto nlng bilhin nyo
Only registered users can see the link.

gadelsky
11th Dec 2011, 12:31
mga boss merun na ba kayong alam saan makabibili ng jell case ska screen protector ng live wla ko makita sa quiapo :noidea::noidea:

brunoboy18
11th Dec 2011, 17:46
anu ba yung root?anu ba mangyayari pag na root ang cellphone?sory d ko kasi alam :)

chacharizard
11th Dec 2011, 21:23
nakakapag edit din po ba sa livewWalkamn ng ip,port? something like that? para sa ubt/fbt
balak ko pong bumili nito kung pwede syang mkapag ubt/fbt.. TIA

Kirajen
12th Dec 2011, 20:01
mga boss merun na ba kayong alam saan makabibili ng jell case ska screen protector ng live wla ko makita sa quiapo :noidea::noidea:

Wala pa sir, medjo bago pa kasi yung phone. Intay-intay lang :sleep:

anu ba yung root?anu ba mangyayari pag na root ang cellphone?sory d ko kasi alam :)

Root = granting admin rights sa phone para magawa mo yung ibang pang 'system admin' lang, isipin mo sa windows, normal user ka tas admin > special rights.

With root pwede mo gamitin ibang apps na needed root like adfree, droidwall (block sites, ads, etc), set CPU frequency sa phone (pwede mo iset sa lower frequency profile pag turned-off screen mo/o pag di mo ginagamit = more battery), cache cleaner, market enabler (access apps na available lang sa ibang bansa) and lastly pag nagkaroon na ng custom roms :clap: Dami pa yang pwedeng gawin w/root. Iniintay ko magkaroon ng cm7 sa phone na to :pray:

Guys pa-vote pala dito nung phone natin: Only registered users can see the link.
Para ma-encourage yung ibang devs na magdevelop sa phone natin :)

brunoboy18
12th Dec 2011, 20:03
wala bang side effect?

brunoboy18
12th Dec 2011, 20:06
ahhm alm nyo po ba to?Sony Ericsson Live with Walkman with Cyanogen ROM 7 2,panuorin nyo sa youtube.ang ganda kasi,alam nyo ba kung panu gawin yan sa live with walkman?

brunoboy18
12th Dec 2011, 20:09
eto yung link nya sa youtube..
Only registered users can see the link.
may nakakaalam ba kung panu gawin to sa sony ericson live with walkman?ganda kasi hehe^_^thanks

Kirajen
12th Dec 2011, 20:24
wala bang side effect?

Side-effect is kung magiinstall ka ng app na kailangan ng rooted permissions pero di trusted yung pinagkuhanan mo, tapos isa pang side-effect eh kung kalikot ka ng kalikot para matweak yung phone pero may nagalaw kang mali. Depende na rin yan sa user kung alam nya yung ginagawa nya o kung may instructions naman.

eto yung link nya sa youtube..
Only registered users can see the link.
may nakakaalam ba kung panu gawin to sa sony ericson live with walkman?ganda kasi hehe^_^thanks

May nakita ko sa xda pero di ko pa tinetest..

brunoboy18
13th Dec 2011, 00:09
ah,salamat sau,^_^sana malayo marating mo,:)

brunoboy18
13th Dec 2011, 00:13
kapag natry mo kuya,share mo samin kung panu gawin ha?at marunong ka ba mag pa free net sa se live w walkman?tnx ulit

ken_020990
13th Dec 2011, 10:16
help naman, mga Sir, anu po ba mas maganda SE xperia mini o itong live?
naguguluhan kasi ako. kaso sana may mobile bravia tong live. sa mini po kasi may bravia. kso maliit yung screen. mas maganda po kasi kung may bravia.
planning to buy phone next week sir. i'm torn between this two phone.
since hindi po nagkakalayo yung price nila.

ken_020990
13th Dec 2011, 10:31
mga Sir, pwede po ba lagyan ng bravia engine itong Live?

brunoboy18
13th Dec 2011, 18:03
gus sino may se with live walkman dito?anu yung mga napapangitan nyo sa cp na to?tnx

venices
13th Dec 2011, 22:06
Sony ericsson Arc S kasi binili ko! yung Walkman Live maganda nman specs niya, lalo na sa camera, saka gingerbread siya at kasama siya sa list na pwedeng i upgrade to Ice Cream Sandwich soon.

wakemeup
13th Dec 2011, 22:51
10k na lng po live dto samin sa bacolod. .nxt week pa ko bili ksi naubusan ng st0ck. . :D

Victor3
13th Dec 2011, 23:09
anung bansa pala gumawa ng mga sony ericson phones?

Sir sa china po assembly lahat ng sonyericsson moblie kasi mahal costs of labor pero yun parts niya galing Sweden.

Victor3
13th Dec 2011, 23:12
Sir paki check yun software version ito OLD:4.0.1.A.0.283
New:4.0.2.A.0.58

theseeker
15th Dec 2011, 14:30
malinaw ba screen nito prang samsung galaxy y ?

patz0110
15th Dec 2011, 15:53
malinaw ba screen nito prang samsung galaxy y ?

para sakin pwede na rin. di ko macompare kasi wala naman akong sgy :lmao:

theseeker
15th Dec 2011, 17:36
para sakin pwede na rin. di ko macompare kasi wala naman akong sgy :lmao:
ung nakikita ko kasi sa youtube prang malabnaw kulay ng screen..

ken_020990
15th Dec 2011, 18:38
ung nakikita ko kasi sa youtube prang malabnaw kulay ng screen..

may nakita din ako sa youtube na kinokompare yung live sa xperia mini ska pro. medyo whitish yung screen yung screen ng live kaysa sa xperia mini. sa brightness lang kaya sya?

Kirajen
16th Dec 2011, 15:42
Pag rooted ka tapos nilagyan mo ng bravia engine, buhay na buhay na yung kulay :thumbsup:

SoloRazr
16th Dec 2011, 17:05
malinaw ba screen nito prang samsung galaxy y ?

I would say yes. I have mine for a week now. Not to mention Live has Flash 10.3 compared to Samsung Y which does not.

SoloRazr
16th Dec 2011, 17:23
Pag rooted ka tapos nilagyan mo ng bravia engine, buhay na buhay na yung kulay :thumbsup:

Pwede ako sumang-ayon dito. Kaka-enable ko lang ng BE ko kagabi kaya hindi ko pa ma-confirm. Pero sa pagkakaalam ko, para sa photos and videos lang ang BE.

patz0110
16th Dec 2011, 20:48
Pwede ako sumang-ayon dito. Kaka-enable ko lang ng BE ko kagabi kaya hindi ko pa ma-confirm. Pero sa pagkakaalam ko, para sa photos and videos lang ang BE.

panu naman ang battery life? ang sabi nila iiksi ito kasi dahil sa BE. kamusta naman?

sofreakinbad
16th Dec 2011, 21:18
off topic. pwede po pahingi ng links para sa games sa fone na to, hirap mkahanap ng compatible dto e. pahelp nmn please. well ts sulit na pmbili m dito. ganda ng fone :clap:

theseeker
16th Dec 2011, 22:30
me mga na encounter ka na ba na prob ng LwW mo? balak ko kasi bili nito bago matapos tong december...ung xperia mini kasi daming issue hanggang ngaun..kaya nakakatakot bumili.

patz0110
17th Dec 2011, 17:51
me mga na encounter ka na ba na prob ng LwW mo? balak ko kasi bili nito bago matapos tong december...ung xperia mini kasi daming issue hanggang ngaun..kaya nakakatakot bumili.

sakin wala naman, depende sa mabibili mo kung di defective :P

SoloRazr
19th Dec 2011, 11:48
panu naman ang battery life? ang sabi nila iiksi ito kasi dahil sa BE. kamusta naman?

Since it's on his second week pa lang, I have no complaint sa battery life kasi alam ko you will get the most out of your battery life once it has been fully optimized (mga ilang charging pa ehehe)

About sa Mobile BE, wala naman akong napapansing significant drain sa battery.

Ito ung difference pag enabled and BE (only works for enhancing photos and videos):

Only registered users can see the link.

gadelsky
20th Dec 2011, 09:23
mga ser san kau nakakuha ng BE ska panu nyu nilagay sa live??

patz0110
20th Dec 2011, 14:01
mga ser san kau nakakuha ng BE ska panu nyu nilagay sa live??

may binigay po akong link, magback read po kayo :clap:

theseeker
20th Dec 2011, 21:15
san kau nakabili ng Case nito...white kasi ung nabili ko...dumihin pa naman pag ganto??? any idea guys??

Kirajen
21st Dec 2011, 10:09
^Wala pa rin, intay intay tayo. Sana kung may nakabili na pa-inform :D

Meron na kayang LiveSound™ hi-fi headset dito satin? Kelan kaya magkakaroon kung sakali..

wakemeup
21st Dec 2011, 21:05
Mga Sirs. May nakapagroot na ba cnyo ng live can you give complete instrctions kung panu po gawin ...hindi ko po ksi mapagana ung pang root dito please po mga masters.:praise:

Kirajen
22nd Dec 2011, 21:14
@wakemeup Follow mo to sir: Only registered users can see the link.

Kung di mo mapagana, post ka lang dito.

ken_020990
23rd Dec 2011, 00:31
mag sir panu po maglagay ng mobile bravia engine sa live?

patz0110
23rd Dec 2011, 09:52
mag sir panu po maglagay ng mobile bravia engine sa live?

Only registered users can see the link.

ken_020990
23rd Dec 2011, 12:03
Only registered users can see the link.

thanks sir, maliwanag po ba yung screen nito pag may bravia? o di kaya kahit walang bravia. hindi ba sya blur? bibili plang po ko tom niting phone.

sputmax
23rd Dec 2011, 23:10
sa SM bicutan 10200 lng sa Mega pixels

chinaheart
24th Dec 2011, 11:33
huh? dito sa dagupan sa Guanzon nasa 11K pa din. :(
may balita ba kung mag sale etong walkman live? :D

neljohnsneljohns
24th Dec 2011, 18:57
mga sir question lng.. anu mga un mga applications or services na safe i turn off or alisin to conserve battery. thanks. kung meron kau settings thanks nrin.:clap:

Kirajen
25th Dec 2011, 00:37
^ThinkOffice
Youtube builtin app
Facebook (eto ginagamit ko pa pero pwede rin tanggalin)
Talk
Google maps
Street view
Timescape apps
Advanced widget - weather
Popcap installer
Appshare
Playnow
Wisepilot
Storefront
Digital Clock
News and weather
lastly Adobe Flash (pero bat mo naman tatangalin yan diba? haha XD)
...*parang may nakalimutan ata ako*...

Yan mga niremove ko so far and wala namang problema after ~2 weeks. Recommend lang irestart mo phone pagkatapos mo iremove yung mga yan :D Tsaka pala ibackup mo rin sila incase. Download mo rin yung Titanium Backup na cracked meron ata dito.

Tip: Okay lang maraming background processes na tumatakbo basta naka-turnoff yung background data traffic mo under accounts & sync tapos icheck mo yung syncing settings ng mga apps, tignan mo kung may 'every 6hrs update' etc iturn off mo o patagalin mo. Pati yung screen brightness din iadjust mo, okay na sakin yung ~15.

-Isa pa pala, wag ka maniniwala sa mga battery saver app. Kahit papano e may dagdag battery usage din yan. Mas okay na yung manual mo tinuturn off yung gps, wifi etc pati manual mo na ring iconfig yung ibang sync settings; yun din naman ginagawa nila e kaso automatic lang. Except lang sa battery calibration app, para kasi yun sa mahihilig magflash kaya nagiging di accurate yung display percentage ng battery, gamitin mo lang pagsure kang di tama yung pinapakita nung bat%

Pati na rin sa task managers, eto na lang basahin mo hirap magexplain: Only registered users can see the link.

-Laking tipid din pala yung sa airplane mode, 1%drain overnight (9.5hrs) kaso wala kang marereceive na message. Diskartehan mo na lang

PS: Merry Christmas! :yipee:

mr_heartstring
26th Dec 2011, 00:47
pa subscribed mga ka symbianized :) Merry Christmas sa lahat got my new SE Live kanina lang :)

Kirajen
26th Dec 2011, 18:33
^Ikaw rin yung nasa tipidcp diba? Advanced happy new year na rin :D

mr_heartstring
26th Dec 2011, 20:06
^Ikaw rin yung nasa tipidcp diba? Advanced happy new year na rin :D

uu ako nga po :) liit ng mundo noh hehehe yan pinalit ko sa wave ko madam :)

kyrieforsunday
26th Dec 2011, 22:35
kakabili ko lang ng aken . 10k+ ang price pero hindi aabot ng 11k ..
sa mall ko kase nabili kea parang di ako nakatipid ..

thumbs up sa games , net ..
thumbs up HD ..
medto Thumbs down sa battery life :)

pero ayos ang over all lalo nsa mga listener tulad ko :D

theseeker
27th Dec 2011, 12:25
me mga back case na ba kau ng LwW? san nyo naman nabili?

mr_heartstring
27th Dec 2011, 21:30
good pm! want to share my bad experience sa se live ko huhuhuhu
yung Se live ko kapag nag play ako mp3 or radio using my headset kapag may dumating na msg nangyayari magiging loud speaker yung pine play ko.. tapos ang malupit kapag inexit ko yung play ko na mp3 or radio kapag gamitin ko ulit di na magpeplay as in kala mo naka muta na yung cp. even call di maririnig yung voice nung incoming at yung voice ko! need ko pa ioff yung mismong cp para bumalik sa normal! :(
Sira kaya ito or may nagawa lang ako na iba kaka kalikot ng SE live ko?
tnx advice and help is accepted tnx

patz0110
28th Dec 2011, 13:18

try mo factory reset, settings>privacy>factory reset
pag di pa nasolve baka hardware problem, try nyo na lang po ipatingin sa CS

br0ombr0om
28th Dec 2011, 14:47
parang ako lang mataas pagkakabili ng se live.
12.9k pagkabili ko nun nov29. hehe...
so far la nmn ako problema sa se ko. kaso nga lang parang unti bumabagal ung audio tsaka ung fon. tsaka application error minsan.

good pm! want to share my bad experience sa se live ko huhuhuhu
yung Se live ko kapag nag play ako mp3 or radio using my headset kapag may dumating na msg nangyayari magiging loud speaker yung pine play ko.. tapos ang malupit kapag inexit ko yung play ko na mp3 or radio kapag gamitin ko ulit di na magpeplay as in kala mo naka muta na yung cp. even call di maririnig yung voice nung incoming at yung voice ko! need ko pa ioff yung mismong cp para bumalik sa normal! :(
Sira kaya ito or may nagawa lang ako na iba kaka kalikot ng SE live ko?
tnx advice and help is accepted tnx

d nmn ganyan ngyari pag may msg o tawag na darating.. cguro may problema cp mo.. try mo nlng reset yan as mentioned ni patz

patz0110
28th Dec 2011, 18:34
parang ako lang mataas pagkakabili ng se live.
12.9k pagkabili ko nun nov29. hehe...
so far la nmn ako problema sa se ko. kaso nga lang parang unti bumabagal ung audio tsaka ung fon. tsaka application error minsan.

d nmn ganyan ngyari pag may msg o tawag na darating.. cguro may problema cp mo.. try mo nlng reset yan as mentioned ni patz

pareho tayo sa experience, hahaha
pati sa price na 12.9k

AlexDivina
29th Dec 2011, 09:23
Guys tanong ko lang sana...

Safe ba mag update to 4.0.2.A.0.58 from 4.0.1.A.0.283
kung rooted ang phone ko?

Kasi may nabasa ako sa xda na hindi na daw gumagana ang rooting exploit dahil na patch na ng mga manufacturers yung exploit..

sofreakinbad
31st Dec 2011, 16:15
pa inform naman kung san makakabili ng screen protector saka case. thanks!

mr_heartstring
31st Dec 2011, 17:56
pa inform naman kung san makakabili ng screen protector saka case. thanks!
sa cdrking pafs uubra yun sa cp natin :)

phxjames
1st Jan 2012, 09:59
mga sir gaano po katagal ang battery life nito in terms of music and browsing through wifi?

mr_heartstring
1st Jan 2012, 12:43
Happy New Year satin lahat :)
@phxjames
sa experience ko pafs di abot ng 1day :) kasi lakas kumain baterry kapag wifi :) yung akin kasi naka wifi lang din dito sa bahay

phxjames
1st Jan 2012, 14:30
Happy New Year satin lahat :)
@phxjames
sa experience ko pafs di abot ng 1day :) kasi lakas kumain baterry kapag wifi :) yung akin kasi naka wifi lang din dito sa bahay

sir panu po kung pure music with ear phones? (nka off 3G at wifi)

patz0110
1st Jan 2012, 17:44
sir panu po kung pure music with ear phones? (nka off 3G at wifi)

hard use = 1day or less
moderate = 2days

rvhynn21
2nd Jan 2012, 09:17
mga sir panu po tangalin ang vibrate pag my incoming calls at sms kahit na naka never na ang vibrate sa settings???

rvhynn21
2nd Jan 2012, 09:20
^ThinkOffice
Youtube builtin app
Facebook (eto ginagamit ko pa pero pwede rin tanggalin)
Talk
Google maps
Street view
Timescape apps
Advanced widget - weather
Popcap installer
Appshare
Playnow
Wisepilot
Storefront
Digital Clock
News and weather
lastly Adobe Flash (pero bat mo naman tatangalin yan diba? haha XD)
...*parang may nakalimutan ata ako*...

Yan mga niremove ko so far and wala namang problema after ~2 weeks. Recommend lang irestart mo phone pagkatapos mo iremove yung mga yan :D Tsaka pala ibackup mo rin sila incase. Download mo rin yung Titanium Backup na cracked meron ata dito.

Tip: Okay lang maraming background processes na tumatakbo basta naka-turnoff yung background data traffic mo under accounts & sync tapos icheck mo yung syncing settings ng mga apps, tignan mo kung may 'every 6hrs update' etc iturn off mo o patagalin mo. Pati yung screen brightness din iadjust mo, okay na sakin yung ~15.

-Isa pa pala, wag ka maniniwala sa mga battery saver app. Kahit papano e may dagdag battery usage din yan. Mas okay na yung manual mo tinuturn off yung gps, wifi etc pati manual mo na ring iconfig yung ibang sync settings; yun din naman ginagawa nila e kaso automatic lang. Except lang sa battery calibration app, para kasi yun sa mahihilig magflash kaya nagiging di accurate yung display percentage ng battery, gamitin mo lang pagsure kang di tama yung pinapakita nung bat%

Pati na rin sa task managers, eto na lang basahin mo hirap magexplain: Only registered users can see the link.

-Laking tipid din pala yung sa airplane mode, 1%drain overnight (9.5hrs) kaso wala kang marereceive na message. Diskartehan mo na lang

PS: Merry Christmas! :yipee:

Sir panu mo po nadelete mga apps na yan, dko mahanap pnu idelete e.. thanks..

AlexDivina
2nd Jan 2012, 18:12
Sir panu mo po nadelete mga apps na yan, dko mahanap pnu idelete e.. thanks..
Pwede ka pumunta sa Settings>Applications>Manage Applications>All
Most bloatware ay pwdeng ma uninstall diyan.

Or,pwede rin, kung rooted ang phone mo, gumamit ka nang uninstall option sa Titanium Backup..

Kirajen
2nd Jan 2012, 20:09
Sir panu mo po nadelete mga apps na yan, dko mahanap pnu idelete e.. thanks..

Rooted tapos Titanium Backup, hanap ka ng cracked version pero ok din naman yung free dun sa market.

Guys tanong ko lang sana...

Safe ba mag update to 4.0.2.A.0.58 from 4.0.1.A.0.283
kung rooted ang phone ko?

Kasi may nabasa ako sa xda na hindi na daw gumagana ang rooting exploit dahil na patch na ng mga manufacturers yung exploit..

Oo safe. 4.0.2.A.0.58 fw ko dati tapos nagroot ako, eto ginamit ko:
Only registered users can see the link.

sofreakinbad
3rd Jan 2012, 01:16
sa cdrking pafs uubra yun sa cp natin :)

pre anu yun nabili mo sa cdr king? la talaga ko mahanap screen protector saka case kahit sa capdase e

AlexDivina
3rd Jan 2012, 16:00
Only registered users can see the link.

At least naka-start na ang development ng cyanogenmod para sa wt19i...
Gano pa kaya katagal hangang stable na ito...? :noidea:

rvhynn21
3rd Jan 2012, 20:54
Pwede ka pumunta sa Settings>Applications>Manage Applications>All
Most bloatware ay pwdeng ma uninstall diyan.

Or,pwede rin, kung rooted ang phone mo, gumamit ka nang uninstall option sa Titanium Backup..

Salamat...
panu po pag ndi rooted sir? dko ba maggamit ung titanium backup? anu po ba gamit nung rooted sir??

AlexDivina
3rd Jan 2012, 21:36
panu po pag ndi rooted sir? dko ba maggamit ung titanium backup? anu po ba gamit nung rooted sir??
AFAIK, dapat talaga na rooted ang phone mo to use Titanium Backup...

Ibig sabihin nung 'rooted', elevated ang privileges mo sa phone mo, pwede ka mag tweak ng mga options atbp. na hindi mo magagawa sa unrooted na phone.

e2 link sa paano pag root ng phone mo, very simple lang po yan common sense lang at patience ang kailangan ;)
Only registered users can see the link.

eggYbruns
4th Jan 2012, 01:45
i just bought my sony live with walkman and im very contented sa features nya.. hindi pa sya rooted nun.. kaso im having problems sa wifi.. kasi nung nabili ko sya hindi ako makaconnect sa wifi sa bahay.. not in range ung wifi namin nung nag manual ako pero nadedetect nya ung wifi ng mga kapitbahay.. tapos tnry ko sya sa office, naka connect ako then paguwi ko ok na ndedetect na nya ung wifi sa bahay.. tapos umalis ako pero hindi ako ngwifi or anything even 3g.. pguwi ko ayaw nanaman..

anyone po jan na familiar sa issue na to? baka may mali ako sa settings..
salamat po..

eggYbruns
4th Jan 2012, 03:16
question po ulit... ni root ko po ung phone ko, i just want to make sure na wala ako namiss.. so dnownload ko ung DooMLoRD's Easy Rooting Toolkit [v3.0](zergRush Exploit).. kasama is ung folder named files then ung runme.. i opened ung folder then clicked ung adb >> clicked runme >> enabled ung dalawang pinapa enable >> connected phone sa pc.. tapos un pressed enter.. ok na po ba sya nun? pano ko po malalaman if successful sya? pano ko rin po mamamaximize ung pagging rooted nya? ano anong apps po ang marerecommend nyo?

pasensya na po sa madaming tanong.. salamat po in advance :D

direstraits94
4th Jan 2012, 12:53
i just bought my sony live with walkman and im very contented sa features nya.. hindi pa sya rooted nun.. kaso im having problems sa wifi.. kasi nung nabili ko sya hindi ako makaconnect sa wifi sa bahay.. not in range ung wifi namin nung nag manual ako pero nadedetect nya ung wifi ng mga kapitbahay.. tapos tnry ko sya sa office, naka connect ako then paguwi ko ok na ndedetect na nya ung wifi sa bahay.. tapos umalis ako pero hindi ako ngwifi or anything even 3g.. pguwi ko ayaw nanaman..

anyone po jan na familiar sa issue na to? baka may mali ako sa settings..
salamat po..

hindi kaya yun internet router nyo sa bahay ang defective, kasi sabi mo it can detect your neighbors wifi, try another cp na capable sa wifi, then you will know kung may mali sa cp settings mo..... just my 2 cents

neljohnsneljohns
7th Jan 2012, 04:42
first: sorry mga sir medyo noob tpos nalilito ako.. im trying to read other threads but im having a hard time.. i would like to ask anun pedeng thread or steps and masundan para mpagana un free internet sa phone ntin specific sa se live btw im a globe user.. i just read and it seems mukhang kya nmn iroot un phone ko since me easy tool kit. help or suggestion mga sirs.. thanks.. :salute:

eggYbruns
7th Jan 2012, 06:28
hindi kaya yun internet router nyo sa bahay ang defective, kasi sabi mo it can detect your neighbors wifi, try another cp na capable sa wifi, then you will know kung may mali sa cp settings mo..... just my 2 cents

thank you po.. actually gumagana sya sa ibang phones and laptop ok din sya.. what i did is ngdownload ng wifi fixer na app then ayun so far di pa ako ngkakaprob ulit.. :)

GENGRAVER
7th Jan 2012, 11:38
Ayos lang ba yung brightness ng WT19i? taz ano po bang ibig sabihin ng Live with walkman? Ibig sabihin po ba may free siyang walkman?