PDA

View Full Version : Matalinghagang Pag Sulat ng Tula 101



phAntom kniGht
29th Nov 2011, 00:37
Magandang araw mga katoto kong manunulat at mambabasa na nais matuto ng ibang pamamaraan ng pagsusulat.

Nais ko lamang ibahagi ang istilo na akin ginagamit sa pag gawa ng ilan sa aking mga tula.

Hindi ko alam ang tawag sa ganitong uri ng istilo subalit sa katutubo nating pananalita..matatawag itong matalinghagang pagsususlat

Ano ang Matalinhagang Pagsususlat?

- Ito ay isang istilong ginagamitan ng SIMBOLISMO, isang uri ng pagsusulat na kung saan ay gumagamit tayo ng simbolong magrerepresenta sa ating nais iparating. Maaring bagay, elemento, pangyayari o mga salitang papalit at magkukubli ng orihinal na salita, subalit iisa pa rin ang imaheng nais iparating


Magbibigay ako ng isang halimbawa ng Matalinhagang Tula.




You can see links before reply

"Ang Ulap sa Ibabaw"

Ang Ulap ay sumasabay sa ihip ng hangin
Sa hilaga, sa timog
Sa kanluran o silangan
Ang ulap ay sumusunod ng walang pag aalinlangan

Kung minsa'y nalulugmok at napupuno ng tubig
Ulan na tila mga luhang pumapatak mula sa mga matang sawi
Kung minsa'y ang ulap ay naglalaho
Natutunaw, nawawala sa pag ikot ng mundo

Ang Ulap ay nag lalakbay kasabay ng oras
Nililibot ang mundo hanggang sa malagas
Subalit sa isang pagkakatao'y sila'y nakatatagpo
Mga ulap na sa kanila rin ay bubuo

Dumanas man ng hirap sa pagbuhat ng ulan
Sa muling pagsikat ng araw sila'y masisilayan
Nag gagandahan hugis at nagkikinangan sa puti
Sumasayaw sa agos ng hangin at sa kalayaang namithi






- Sa akdang ito na aking ginawa, makikita niyo ang paggamit ko ng SIMBOLISMO.

-Ating bigyan ng kahulugan ang akda.

Sa LITERAL na pagbasa, ang Tula ay mababasa natin bilang isang pagtalakay sa sirkulasyong pinag dadaanan ng isang ulap.

Sa Matalinghagang Pamamaraan ng pag babasa, Sa unang saknong ang Ulap ay sumisimbolo ng buhay ng isang taong namumuhay sa sirkumstansya kung saan mababakas natin na ang Taong ito'y walang tiyak na landas na tinatahak at sumasabay lamang sa kapalaran na inihahatag sa kanyang harapan.


Ang Ulap ay sumasabay sa ihip ng hangin
Sa hilaga, sa timog
Sa kanluran o silangan
Ang ulap ay sumusunod ng walang pag aalinlangan

Sa ikalawang saknong nama'y mababasa natin ang bahagi ng buhay ng tao kung saan, ito'y humaharap sa matinding pagkabigo, paghihirap at pagkasawi. Sa pag gamit ng salitang "ULAN" at ang paghambing nito sa luha ay sumisimbolo sa isang taong humaharap sa matinding sitwasyon na nagdudulot at nagbibigay ng nakalulungkot na emosyon.



Kung minsa'y nalulugmok at napupuno ng tubig
Ulan na tila mga luhang pumapatak mula sa mga matang sawi
Kung minsa'y ang ulap ay naglalaho
Natutunaw, nawawala sa pag ikot ng mundo

Sa ikatlong saknong, dito naman ay inirerepresenta ng Ulap ang isang taong bumangon mula sa kanyang pagkakalugmok. Makikita rin natin ang mga salitang "Subalit sa isang pagkakatao'y sila'y nakatatagpo, Mga ulap na sa kanila rin ay bubuo" na kung saan tinatalakay ang muling pagsibol ng pag ibig ng isang tao, pagkakaroon ng pag asang ipag patuloy ang buhay, mamuhay kasama ang bagong mga nilalang na kokompleto ng kanilang kasiyahan.


Ang Ulap ay nag lalakbay kasabay ng oras
Nililibot ang mundo hanggang sa malagas
Subalit sa isang pagkakatao'y sila'y nakatatagpo
Mga ulap na sa kanila rin ay bubuo


Sa ika apat at huling saknong, dito tinatalakay ang pinaka mahalagang bahagi ng isang tula, ang "Konklusyon". Ang konklusyon ay ang pag habi ng mga salitang gagamitin upang tapusin ang mensahe at imaheng nais nating iparating, ito'y maaring malungkot o masaya, sa Matalinghagang pamamaraan ng pagsusulat tiyak na ito ang magbibigay pasakit sa inyong mga ulo sapagkat ang mga salitang SIMBOLONG gagamitin natin ay dapat umayon sa mga naunang saknong. Sa huling saknong ng tula napili kong gawin itong isang nakagagalak na katapusan kung saan ang paggamit ko ng METAPORA ay pinag habi habing sirkulasyon ng isang ulap kung saan ang:

"Dumanas man ng hirap sa pagbuhat ng ulan" - sumisimbolo ng nakaraang paghihirap at pag kabigo sa buhay.

"Sa muling pagsikat ng araw sila'y masisilayan" - sumisimbolo ng isang bagong pag asa.

"Nag gagandahan hugis at nagkikinangan sa puti" - sumisimbolo ng pagbabago sa sarili,ugali at pamumuhay.

"Sumasayaw sa agos ng hangin at sa kalayaang namithi" - sumisimbolo sa pag harap sa buhay na puno ng kalaayan at walang pag aalinlangan sa sarili.



- Ang paggawa ng isang tulang gumagamit ng SIMBOLISMO ay isang istilong ginagamitan ng malawak na pag iisip, imahinasyon, pag babagay bagay ng mga pangyayari at pag gamit ng kahit anu pa mang salita na nais nating gamitin upang ipahatid sa ating mambabasa ang mga imahe at mensaheng nais nating iparating sa matalinghagang pamamaraan.

-Nawa'y nakatulong ako sa inyo sa pagbibigay ng aking kaunting nalalaman sa pagsusulat. Maraming salamat sa pag basa, mga kaibigan. Tara na't gumawa ng mga tulang ginagamitan ng pagsisimbolo. :D


-Kung kayo ay may tanong ibibigay po ng inyong lingkod ang kanyang makakaya para makatulong sa inyo sa pag gawa ng tula.Salamat :hat:

XlinGk
29th Nov 2011, 15:41
Salamat Idol.
Para sa mga rookie to katulad ko. :clap:
maraming salamat po. :10:
mag tatanung nalang po ako ng help pag nangangamote ako. :salute:

phAntom kniGht
29th Nov 2011, 16:33
sige tol..masa suggest ko lang eh..dapat creative ka and observative..lalo na sa mga bagay na nakapaligid..lahat yan ay maaari mong gamitin sa pag gawa ng ganitong klaseng tula..

riverflow17
29th Nov 2011, 22:52
ayos to par... ngayon ko lang naappreciate ang ganyan... gusto ko matuto...

phAntom kniGht
29th Nov 2011, 23:58
Tol riverflow 17...express lang tol masarap gumawa ng tulang mula sa emosyon..ang mga ganitong uri ng istilo ay nagbibigay twist at misteryo sa isang akda..lalo na kung matalinghaga ang iyong naisip isulat...parang puzzle na idedecode ng mga reader,,

XlinGk
1st Dec 2011, 13:40
Nakakawala nga po ng sama ng loob ang pag-gawa ng tula e. :clap:
dapat po ba lahat ng bagay inspirasyon sa pag-gawa ng tula?

phAntom kniGht
1st Dec 2011, 15:12
uu tol, kahit anu pa yan..maaring bagay na simple o magarbo..basta't sentimental ito sa isang tao..mapag uugnay ugnay ang relasyon nito sa pag gawa ng tula..maging sa mga hayop..

ang masarap kasi gawan ng tula ay kalikasan..lalo na magagandang tanawin..


maganda yan magamit sa pag sisimbolo..

kunwari may naobserbahan kang bagay..napag aralan mo pano ito nag wo work out,,maari mo itong gamitin upang gawin replacement words sa tula..para magkaroon ito ng malalim na kahulugan..

i try mo gumawa ng tula na kagay ng gawa ko sa taas..:thumbsup:

riverflow17
1st Dec 2011, 23:35
aaaw.... sinubukan ko.... pero wala.... wala akong maisulat....

phAntom kniGht
2nd Dec 2011, 00:01
aaaw.... sinubukan ko.... pero wala.... wala akong maisulat....

praktis lang tol..maganda mag start ka muna sa kung anu ang naa appreciate mo..like lovelife,family..then express it through words..isulat mo..sigurado maganda yan kasi may emosyon..

sulat lang ng sulat:thumbsup:

Estillore
2nd Dec 2011, 14:15
salamat po sir phantom sa guides

phAntom kniGht
3rd Dec 2011, 16:49
salamat po sir phantom sa guides

walang anuman tol :salute:

sulat lang ng sulat :thumbsup:

Estillore
15th Dec 2011, 12:02
salamat po talaga dito sir phantom.
at sana mabasa mo ang una kong obra. :salute:

phAntom kniGht
15th Dec 2011, 15:35
salamat po talaga dito sir phantom.
at sana mabasa mo ang una kong obra. :salute:

oo ba kaibigan..basta't obrang mula sa puso..ito'y ikinaiibig kong basahin..maraming salamat at sana ay mai share mo na sa ating mambabasa ang iyong obra :hat:

iksenim09
12th Aug 2012, 16:51
salamat dito tol phan phan :buddy: