PDA

View Full Version : Dental matters or anything about your teeth....pasok lang...

Pages : [1] 2 3 4 5 6 7

aldwinroy
21st Jan 2012, 00:53
all about prophylaxis muna... :)

Ever heard of the usual line “see your dentist twice a year”?, Do you practice it? Well I think the best time to do it is now, after reading this post. A part of the population always seems to fear the idea going to the dentist since most of the time,their experience always end up with a tooth being pulled out or undergoing the drill for some deep filling. The point is why wait for that painful moment to proceed where in you can prevent it by having an oral prophylaxis. By having your teeth professionally cleaned, stains and plaque deposits surrounding your teeth are meticulously removed. we can then see what tooth needs to be fixed by putting a filling material to prevent the tooth decay from getting deeper therefore avoiding the problem of toothache in the future.

Topical flouride is also applied to help strenghten your teeth’s defense against acid attack from bacteria.Another thing is professional advice regading your dental home care regimen will be given to ensure that you can protect yourself even at home. Another argument is dental treatments are that expensive, it is half true if your case needs complex dental treatments. Just put it this way if you are under regular dental care having preventive dental treatment such as cleaning and flouride then you can avoid having numerous fillings or having your tooth pulled out which will eventually will need to be replaced by either a denture or a bridge which will cost you money for sure.

You spend on a lot of unnecessary things like expensive bags, shoes, gadgets etc. so why don’t you give yourself a treat, have an oral prophylaxis. Dentistry is not that expensive if you will just see us at least twice a year.

SOURCE: You can see links before reply

ninjapanda
21st Jan 2012, 00:57
masakit po bang mag pa pasta?., (tama ba yung term) yung company dentist namin kasi., ni re required na kong mag pa pasta., at hindi lang isa., kundi tatlo., (think i got this sa kaka nguya ng kendi! nadurog ata yung ngipin) :slap:

WantsFree
21st Jan 2012, 12:26
Nagpalaminate ako ng ngipin, di ako natuwa kc iba ang kulay. normal lang ba un?

omnie
21st Jan 2012, 15:36
aq magpapapasta din apat ng teeth,sa harap magkano kaya pasta ngayon???cavite area..

pclogger
22nd Jan 2012, 18:12
Nagpalaminate ako ng ngipin, di ako natuwa kc iba ang kulay. normal lang ba un?

laminate? :noidea: ano po b yun? parang sa i.d lng hehe

funkyred_men1002
22nd Jan 2012, 18:18
Magkano ang cleaning? At papasta?

aldwinroy
23rd Jan 2012, 09:52
masakit po bang mag pa pasta?., (tama ba yung term) yung company dentist namin kasi., ni re required na kong mag pa pasta., at hindi lang isa., kundi tatlo., (think i got this sa kaka nguya ng kendi! nadurog ata yung ngipin) :slap:

Hi.. in reply to your question pwedeng masakit pede din hindi., masakit siya kung napakalalim na ng cavity na gagawin or ififill ( pasta or filling), masakit siya kung during the drilling part ay kulang ang water supply na tumatama sa drill or dun sa surface ng ngipin na dinidrill, masakit siya if sobrang lalim na na kung saan malapit na siya directly dun sa nerve ng ngipin. madami naman paraan to avoid pain like anethesia and proper assessment nung cavity bago i drill. with company dentist make sure na hindi amalgam or silver filling ang nilalagay, due to recent DOH memorandum iniiwasan na ang paggamit ng mercury based filling such as amalgam, have a tooth colored filling instead. hope nasagot ko tanung nila.

Nagpalaminate ako ng ngipin, di ako natuwa kc iba ang kulay. normal lang ba un?

hi.. laminates are basically done to improve the esthetics, if personally hindi ka happy what it turned out ay you have the right to have it fixed. on my point laminates are expensive due to the fact that it is much harder to fabricate in the lab and yung cement na ginagamit ay napakamahal, if tama ako sa sessions nyo ng dentist mo ay merun kayu trial session na kung saan ipapakita muna sa iyo ang hitsure pag kinabit na, then pag ok na saiyo proceed na sa final cement or pagdidikit. if magkaiba kulay nya nung trial and cementation most probably nakaapekto dun ay yung kulay ng cement na ginamit, pag laminates dapat ay clear or translucent ang gamit na cement.

Laminates are made of thin porcelain material na naka cement sa front surface ng teeth to improve the appearance, pede din plastic or resin ang material na gamitin but mas superior pa din ang porcelain. ever watch yung mga extreme make over na mga show kalimitan laminates ang ginagamit duon para iimprove ang itsura.

with the inquiries regarding sa price ng dental treatment it has something to do with the locality area ng clinic, the specialization of the dentist working on you, type of material and equipment he or she is using. merun din set of price na sineset ang bawat dental club sa isang region or province.

Ang filling or pasta right now ay priced ng 400 per surface ng ngipin,
oral prophylaxis naman ay based sa dami ng tartar or deposits

400 mild 600 moderate pag severe cases 1000.
prices vary from clinic to clinic since madami nga factors involved.

Industrial practices or HMO (health cards) do charge lower but here is the catch, if they charge lower somehow the quality of work may be of lesser quality since napakaliit ng fees na nacocollect. since napaka mahal na ng mga gamit at overhead expenses ngayun some how some dentist will find a way to cut cost (like using cheaper materials).

kilyawan
23rd Jan 2012, 14:23
sir ask ko lang mag kano pa jacket tsaka anu maganda klase at gusto ko rin mag pa bleach ng ngipin advice po kung pag ka tapos ko mag pa jacket at pa bleach anu anu bawal ko ng kainin at unumin,, marami pa rin ako question sa susunod na day poh salamat!

forbiddenrai
23rd Jan 2012, 21:09
sir/mam magknu po pa brace?

aldwinroy
24th Jan 2012, 00:35
sir ask ko lang mag kano pa jacket tsaka anu maganda klase at gusto ko rin mag pa bleach ng ngipin advice po kung pag ka tapos ko mag pa jacket at pa bleach anu anu bawal ko ng kainin at unumin,, marami pa rin ako question sa susunod na day poh salamat!

sir ang price range po ng jacket or crown to be exact ay 5000-8000 per crown ito ay gawa sa porcelain material with metal base underneath, depending sa material or brand na gagamitin, merung mas expensive crowns na pure porcelain that ranges from 10000 to 20000 per crown still dependent on the brand to be used. sir if magpapableach ka ay unahin mo muna yun bago ka magpa jacket dahil yung na bleach mo na teeth ang hahabulin na color or shade pag ginawan ka na ng jacket. sir matanung ko lang why mo kinokonsider magpa jacket? malaki na ba sira ng tooth?

aldwinroy
24th Jan 2012, 00:40
dun sa mga nagtatanung bout sa prices i must say na hindi lahat ng dentist ay pareho ng charges, yung fees kasi depends on a lot of factors. @ forbiddenrai yung ortho treatment or braces ay usually nasa 40-70 thousand depending on the case na iwoworkout..you can ask your family dentist if nasa ganun price range ang ortho treatment na inoofer sa kanila for comparison, as ai've said madami factors kinoconsider sa mga prices.

kilyawan
24th Jan 2012, 17:56
sir ang price range po ng jacket or crown to be exact ay 5000-8000 per crown ito ay gawa sa porcelain material with metal base underneath, depending sa material or brand na gagamitin, merung mas expensive crowns na pure porcelain that ranges from 10000 to 20000 per crown still dependent on the brand to be used. sir if magpapableach ka ay unahin mo muna yun bago ka magpa jacket dahil yung na bleach mo na teeth ang hahabulin na color or shade pag ginawan ka na ng jacket. sir matanung ko lang why mo kinokonsider magpa jacket? malaki na ba sira ng tooth?

thank you mkaka ipon na ako mag kano, about sa teeth ko una advice niya jacket pero sabi nya gagawan nya paraan titignan nya kung kaya pa ng pasta,, and then nag ok naman yung pasta pero nung pa check na ulit ako sabi nya lumaki na yung sira sa loob nagulat ako akala ko nun ok tapos yun gagatos pa pla ako,, correct me if im wrong ang prob sa teeth ko yung "Cuspid (canine)"..

aldwinroy
25th Jan 2012, 01:40
sir before you decide if i papatuloy mo na i jacket or not is anu ba symptomas na naramdaman mo sa ngipin? sumakit na ba? kinunan ba ng xray yung ngipin para masabi na ah di na pede yung tooth dahil malalim na sira? kung kinokonsider po ninyo na mag pa jacket then sabi nung dentist nyo na malaki na sira sa luob ay dapat i root canal therapy muna yung ngipin bago mag proceed, Root canal therapy or RCT ay basically we remove the nerves nung canal ng ngipin and cleaning the canals then filling it, the end result is wala na pakiramdam yung ngipin, think of it this way, malalim na sira ng ngipin then i jajacket kaagad, when dumating yung time na sumakit yung ngipin mo tatanggalin na naman si jacket na pagka mahal tsaka i RCT then bago na naman jacket ang ikakabit so gastos na naman. isa pang scenario is nagpajacket ka agad then gusto mo magpableach, bleach ka then all of a sudden yung kulay ng jacket mo napagiwanan ng mga bleached natural teeth mo so papagawa ka na naman ng bago. in short gastos uli. what i'm saying is ok mag invest sa ngipin mo but do it on a style na kung saan ay magiging redundant yung gastos mo. hope nakatulong.. and yes canine+cuspid=pangil.

kilyawan
25th Jan 2012, 02:12
wala naman ako nararamdaman d naman sumasakit,, wala rin siya sinasabi about sa akin dun sa xray or canal therapy,, baka pag papa jacket na ako sabhin nya about dun, sana katulad mag katulad kayo, follow up question sir bakit yung ngipin ko parang nagiging dilaw tapos yung mismo pasta ang na iiwan na puti lagi naman ako nag totooth brush two times a day my dental floss naman ako,, meron din ako mouth wash at tongue scrubber, pede ba ako mag post ng picture ng ngipin ko dito para makita mo hehehehe salamat sayo sir,!

aldwinroy
25th Jan 2012, 10:41
sir yung pong x ray ng teeth malaking tulong yun pra di nanghuhula sa lalim ng decay or sira, yung pong paninilaw ng ngipin ay maybe associated din sa type of diet nyo, like for example malakas ka sa kape or sa tea or sa cola magstain talaga yun, ngayun bout dun sa naiiwan ng kulay between pasta and natural tooth magkaiba po kasi ng material yung dalawang surface, yung natural tooth ay calcium based while ang pasta ay resin ay plastic, given the fact na ibang material sila magkaiba din ang rate ng pagabsorb nila ng stain. usually ang neencounter namin ay mas nauuna magstain ang pasta since plastic nga siya. isang factor din ay yung shade ng pasta na ginamit sa iyo pede din dun.

kilyawan
25th Jan 2012, 16:07

sir again marami salamt po,, try ko muna kaya mag pa xray ng teeth, or sayo na ako mag papatngin muna hehehe,,

:praise:

aldwinroy
25th Jan 2012, 16:39
hope nakatulong....welcome

Argyll
26th Jan 2012, 08:33
inosente po here anu po ba ginagawa pag pinapasta?

lilhotboy
26th Jan 2012, 08:47
meron ba ibang way para pumuti ang ngipin? may suggestion ba kayo kung anong magandang toothpaste na pampaputi ng ngipin?

rdanong
26th Jan 2012, 09:05
Maganda po ito TS. I'll visit this thread to know more about our teeth. :)

aldwinroy
26th Jan 2012, 11:03
sir when you say pasta in dental terms it simply means filling a tooth cavity or a decay with an artificial material, tatanggalin yung decayed or bulok na part ng ngipin and then lalagyan ng material na kung saan bubuoin yung ngipin. ang material na sinasabi ko ay pedeng gawa sa plastic, ceramic, cerami-plastic combination or metal.

yung pong sa pampaputi ng ngipin all i can say is bleaching talaga ang epektibo na paraan, yung mga naglalabasan na :"whitening" tooth paste ay kalimitan mas madami siyang malalaki na particles na pangscrub ng ngipin mo para tanggalin yung stain or mantsa sa ngipin mo but yung actual bleaching process hindi yun makukuha ng usual paste na with withening ads. imaginin mo if you will compare a normal paste against a whitening paste mas nakakagasgas siya ng teeth kasi nga gawa ng mas madami na scrubbers na available.

SchizoprenicO
26th Jan 2012, 11:53
sir, alam nyo ba ung nauuna ung mga ngipin sa baba tapos pag sara na bibig mo nag ooverlap ung mga ngipin sa taas at baba tapos baba ung nasa harap?

josephdriz
26th Jan 2012, 13:09
sir tinutubuan po ako wisdom tooth. eh dalawa na po yung bagang ko sa taas. bali magiging tatlo na. okay lang po ba yun?

phoenixwright
26th Jan 2012, 13:54
sir when you say pasta in dental terms it simply means filling a tooth cavity or a decay with an artificial material, tatanggalin yung decayed or bulok na part ng ngipin and then lalagyan ng material na kung saan bubuoin yung ngipin. ang material na sinasabi ko ay pedeng gawa sa plastic, ceramic, cerami-plastic combination or metal.

sir, ano po yung pinakamatibay na filling?

yung sa akin kse kulay itim, pangit tignan :) sabi ng dentist ko dati, yun daw pinakamatibay,,, is it metal? di ko kse natanong gradeschool pa ko nun,, up until now, buo pa rin yung pasta :)

gusto ko sana papalitan ng white color,, :) gusto ko din ng ganun katibay pero yun nga po, maganda naman ..... :)

aldwinroy
26th Jan 2012, 22:01
sir, alam nyo ba ung nauuna ung mga ngipin sa baba tapos pag sara na bibig mo nag ooverlap ung mga ngipin sa taas at baba tapos baba ung nasa harap?
sir ang tamang term po duon sa kaso ninyo ay malocclussion, possible po na base dun sa pagkakadescribe ninyo ay class 3 malocclusion ang sa inyo , ortho treatment po ang nakikita ko na paraan para maayus iyan, see a orthodontic practitioner near you..

aldwinroy
26th Jan 2012, 22:11
sir tinutubuan po ako wisdom tooth. eh dalawa na po yung bagang ko sa taas. bali magiging tatlo na. okay lang po ba yun?

ok lang po iyon as long as yung tubo niya ay normal hindi nakahiga pa pede tumulak sa mga katabi na ngipin.

aldwinroy
26th Jan 2012, 22:19
sir, ano po yung pinakamatibay na filling?

yung sa akin kse kulay itim, pangit tignan :) sabi ng dentist ko dati, yun daw pinakamatibay,,, is it metal? di ko kse natanong gradeschool pa ko nun,, up until now, buo pa rin yung pasta :)

gusto ko sana papalitan ng white color,, :) gusto ko din ng ganun katibay pero yun nga po, maganda naman ..... :)

Sir in terms of tibay ay metal talaga ang pinakamatibay, tawag po duon ay amalgam, alloy po iyun, ibig sabihin combination siya ng madaming metal like silver, copper at nickel, plus mercury. Sa amin po di na kami nagamit nito gawa po ng mercury content, ok naman po yung tooth colored na pasta. yun nga lang po hindi talaga siya sing tibay ng amalgam, kung naliliit po yung sira ng ngipin advisable na yung composite ang gamitin, kung malalaki naman either porcelain jacket ang ipalit or ceramin inlay na meyo me kamahalan pero worth naman.

rondeltiam
27th Jan 2012, 23:08
sir tanung ko lang.yung ipin kong isa sa harap natapyas,pinastahan na dati to e.tapos sumasakit.namamaga sa loob ng ilong.bunot na ba kahahantungan neto?ano pabang way para masagip ko to?ayaw ko naman false teeth

aldwinroy
28th Jan 2012, 00:03

kapag humupa na yung swelling, consider nyo magparoot canal therapy para di mauwi sa bunot.

rondeltiam
28th Jan 2012, 08:52
kapag humupa na yung swelling, consider nyo magparoot canal therapy para di mauwi sa bunot.

Magkano kaya aabutin nun sir?

kilyawan
28th Jan 2012, 14:14
sir galing ako sa isa pharmacy dito my na kita ako isa product pang pa puti ng ngipin at ng tignan ko nagulat ako sa mahal 1800 eto po tanong ko recommend poh ba gamitin to?

ang product name "CleverWhite One-Step Teeth Whitening Trays"

You can see links before reply

pclogger
29th Jan 2012, 13:45
:hello: TS sabi nila kapag matnda n daw hindi na effective yung brace ksi matigas n daw yung gums or teeth totoo nga ba?
tska magkano po ba yung brace n silicon,para di halata na my brace na nakakabit? para kasing meron nun eh sabi ni tony gonzaga sa tv yun daw gamit niya :noidea:

sleep04
30th Jan 2012, 23:36
sir ask ko lang po kase, nagpapasta po kase ako last 2006,

tapos after a week natanggal yung pasta, tapos magmula nun lage na natatangal, hindi ko lang alam kung mali yung ginawa nyang procedure pero nung tumagal na, na infect na ata yung ngipin ko tapos nabasag tapos ngaun yung root na lang ng ngipin ko yung naiwan sa loob..

delikado po ba yun..

sa ngaun po hindi naman po sumasakit yung ngipin ko parang normal lang naman po ,,

salamat po ng marami..

vashistamped
30th Jan 2012, 23:48
Had a big fissure in my tooth that needs an extraction. I wish my permanent tooth a final goodbye for I will never see it once again.

I do hope that fairies do exist. Money will suffice on what will happen to my tooth.

aldwinroy
31st Jan 2012, 11:22
sir galing ako sa isa pharmacy dito my na kita ako isa product pang pa puti ng ngipin at ng tignan ko nagulat ako sa mahal 1800 eto po tanong ko recommend poh ba gamitin to?

ang product name "CleverWhite One-Step Teeth Whitening Trays"

You can see links before reply

sir been reviewing this product, ok naman siya na pang bleach pero napaka mild lang ng effect. active component nito ay hydogen peroxide or agua oxinada.

aldwinroy
31st Jan 2012, 11:28
:hello: TS sabi nila kapag matnda n daw hindi na effective yung brace ksi matigas n daw yung gums or teeth totoo nga ba?
tska magkano po ba yung brace n silicon,para di halata na my brace na nakakabit? para kasing meron nun eh sabi ni tony gonzaga sa tv yun daw gamit niya :noidea:

sa orthodontics po kasi merun din factor ang age the older the patient mas maunti na yung movement na pede gawin at matagal ang treatment, yung sinasabi po ninyo na silicone ay eto po iyun You can see links before reply medyo may kamahalan po ito i think naglalaro sa 200k yung treatment kasi hindi locally made yung tray naginagamit. i don do this kind of treatment but i can make referrals. prefer kasi ito ng mga tao na ayaw mag braces.

aldwinroy
31st Jan 2012, 11:30
Had a big fissure in my tooth that needs an extraction. I wish my permanent tooth a final goodbye for I will never see it once again.

I do hope that fairies do exist. Money will suffice on what will happen to my tooth.

condolonces po for the tooth...

aldwinroy
31st Jan 2012, 11:33
sir ask ko lang po kase, nagpapasta po kase ako last 2006,

tapos after a week natanggal yung pasta, tapos magmula nun lage na natatangal, hindi ko lang alam kung mali yung ginawa nyang procedure pero nung tumagal na, na infect na ata yung ngipin ko tapos nabasag tapos ngaun yung root na lang ng ngipin ko yung naiwan sa loob..

delikado po ba yun..

sa ngaun po hindi naman po sumasakit yung ngipin ko parang normal lang naman po ,,

salamat po ng marami..

sir madami po kasi pede dahilan bakit tanggalin yung pasta, pede poor quality ng material na ginamit, pede din malaki na masyado yung cavity at wala na siya surface na pagkakapitan, pede din naman during the procedure na contaminate ng laway yung cavity just before maikabit ang pasta, in you case patanggal mo na yung root na naiwan cause it will give you problems in the futrure like infection or pain.

kilyawan
31st Jan 2012, 15:14

ganto rin yung sinasabi sa akin ng doctor baka poor quality ginamit sa akin nun sa iba na pastahan sa akin ngipin d pa naman ako nag papalit ng dentista ngayon alam ko na hehehehe salamat sir try ko bumili ng kahit mahal nung clever white!

:praise:

lilhotboy
1st Feb 2012, 12:21
effective ba yung asin pampaputi ng ngipin?

pclogger
1st Feb 2012, 18:50
sa orthodontics po kasi merun din factor ang age the older the patient mas maunti na yung movement na pede gawin at matagal ang treatment, yung sinasabi po ninyo na silicone ay eto po iyun You can see links before reply medyo may kamahalan po ito i think naglalaro sa 200k yung treatment kasi hindi locally made yung tray naginagamit. i don do this kind of treatment but i can make referrals. prefer kasi ito ng mga tao na ayaw mag braces.

magkano naman po pag pa brace sayo? yung minimal na singil . :wow: ang mahal pala :lol: 200K ts per treatment? pano pala kung mga 10 beses yun hehe

jchrstan
1st Feb 2012, 22:10
:help:
,kc po natatanggal ung isa kong ngipin sa may bandang harap po sya... pag tinanggal ko po ba yun mapapalitan pa?.. im 17y/o po,, may nakagat po kc q sa pagkain..ung ngipin po na un eh sungki po... :help: :help:

aldwinroy
2nd Feb 2012, 08:00
ganto rin yung sinasabi sa akin ng doctor baka poor quality ginamit sa akin nun sa iba na pastahan sa akin ngipin d pa naman ako nag papalit ng dentista ngayon alam ko na hehehehe salamat sir try ko bumili ng kahit mahal nung clever white!

:praise:

sir ingatan mo lang magcontact sa gums mo yung solution. irritating sa gums yun

aldwinroy
2nd Feb 2012, 08:04
magkano naman po pag pa brace sayo? yung minimal na singil . :wow: ang mahal pala :lol: 200K ts per treatment? pano pala kung mga 10 beses yun hehe

opo sir merun kamahalan talaga iyun, actually yung invisalign makakailang palit ka nun sa buong treament period. pero isang charge lang yun.

aldwinroy
2nd Feb 2012, 08:06
:help:
,kc po natatanggal ung isa kong ngipin sa may bandang harap po sya... pag tinanggal ko po ba yun mapapalitan pa?.. im 17y/o po,, may nakagat po kc q sa pagkain..ung ngipin po na un eh sungki po... :help: :help:

madami po paraan para mapalitan ang isang nawalang ngipin, maaari po pustiso, fixed bridge or implant.

akaterasu
2nd Feb 2012, 08:18
Sir, yung basag na ngipin ba masakit pa din pag hinugot? Halos basag na totally yung ngipin, ang natira na lang eh yung left and right side nung tooth. May namuo na din laman sa loob nung basag and nagpproduce sya ng pungent smell pag nasusundot yung ilalim nung laman.

aldwinroy
2nd Feb 2012, 11:53

Sir as long as maganda pagkakadeliver ng anesthesia ng dentist di yun masakit, kung walang active infection mas tatalab ang anesthesia, yung laman na sinasabi mo ay para bang gilagid ang hitsura? if ganun nga polyps ang tawag duon, ginagamot muna yun ng antibiotic therapy or much better have it checked by your dentist.

chestlocke
2nd Feb 2012, 15:47
magkano po ang dental xray ngayon?

akaterasu
3rd Feb 2012, 07:41
Sir as long as maganda pagkakadeliver ng anesthesia ng dentist di yun masakit, kung walang active infection mas tatalab ang anesthesia, yung laman na sinasabi mo ay para bang gilagid ang hitsura? if ganun nga polyps ang tawag duon, ginagamot muna yun ng antibiotic therapy or much better have it checked by your dentist.

Yep parang gilagid, tapos dati sobrang maga sya to the point na lumampas na yung polyps dun sa ngipin, pero ngayon umimpis na, nasa loob na ulit. Salamat po sa info :clap:

sleep04
3rd Feb 2012, 08:07
Sir, yung basag na ngipin ba masakit pa din pag hinugot? Halos basag na totally yung ngipin, ang natira na lang eh yung left and right side nung tooth. May namuo na din laman sa loob nung basag and nagpproduce sya ng pungent smell pag nasusundot yung ilalim nung laman.

sir pareho tayo,,,

nag papasta kase ako nung 2006 tapos natanggal yung pasta na ginawa after nun rumupok na yung ngipin ko..

to the point na nabasag yung taas nung ngipin tapos yung left and right side na lang yung natira..

ngaun.... yung root na lang yung naiwan sa ilalim..

dati sumasakit yung ngipin ko around 2008, tapos namamaga pa..

may tumubo na ring laman dun sa crater ng pinagbunutan..

ngaun hndi na siya masakit pero naiwan parin yung root sa ilalim ganun din ba sayo????

naayos na ba ngipin mo??

mag kano inabot???

aldwinroy
9th Feb 2012, 16:12

pag naiwan po yung ugat have it extracted or bunot....

jojokali
25th Feb 2012, 14:29
nasa magkano po kaya ang magagastos sa pagpapalinis ng ngipin at pa pasta? para matanggal na ang mga tartar

at magkano kaya bayad pag pacheck-up lang?

shinive
24th Mar 2012, 17:15
Sa monday na ikakabit braces ko..

15k ang down payment ko..

Bali 35k lahat lahat.. yung remaining 20k, hulugan monthly..

upper and lower na yun. Sungki-sungki kasi ngipin ko sa baba, may mga gap naman ngipin ko sa taas.

I think mura na siya sa 35k kasi sabi ng dentist ko libre na rin yung cleaning, pasta, bunot sa 35k (may bubunutin kasi sa akin, sa loob)..

At libre narin yung retainers ko after ng braces ko.. So i think ok na sa 35k.. All in package na..

CooZey
31st Mar 2012, 23:44
ayoko na mag papasta. masaket saken kasi malalim daw. sympre bubutasan yon tapos huhugasan at papatuyuin bago lagyan ng para white na cemento ahaha. malamig yon. leche sinumpa ko di na ako mag papa-pasta.

pclogger
1st Apr 2012, 21:50
madami po paraan para mapalitan ang isang nawalang ngipin, maaari po pustiso, fixed bridge or implant.

mag kano namn pala TS kpag implant? yung hindi n kailangan ng pustiso :noidea: yun b yung nilalagay n diretso s walang ngipin n part ? at magiging n siyang kagaya ng dati ? na parang normal teeth lng ,ano yung fixed bridge?

aldwinroy
2nd Apr 2012, 00:33
Sa monday na ikakabit braces ko..

15k ang down payment ko..

Bali 35k lahat lahat.. yung remaining 20k, hulugan monthly..

upper and lower na yun. Sungki-sungki kasi ngipin ko sa baba, may mga gap naman ngipin ko sa taas.

I think mura na siya sa 35k kasi sabi ng dentist ko libre na rin yung cleaning, pasta, bunot sa 35k (may bubunutin kasi sa akin, sa loob)..

At libre narin yung retainers ko after ng braces ko.. So i think ok na sa 35k.. All in package na..
good for you sir... you got a fair deal with that package basta wag lang magmimiss sa mga appointments para hindi tumagal treatment...

aldwinroy
2nd Apr 2012, 00:35
mag kano namn pala TS kpag implant? yung hindi n kailangan ng pustiso :noidea: yun b yung nilalagay n diretso s walang ngipin n part ? at magiging n siyang kagaya ng dati ? na parang normal teeth lng ,ano yung fixed bridge?

sir implants po ay screws na nakabaon sa bone ng jaw nyo to replace the missing tooth, it is made of alloys of metals (usually Titanium), ginagamit din siya na poste para pagkabitan ng pustiso para mas stable at di malaglag. ang fixed bridge naman ay nakacement na artificial tooth sa mga natitira mo na ngipin na siyang gagawin na poste.... price of implants depends on the type of implant to be used and other factors are also considered na nagpapamahal sa procedure.

aldwinroy
2nd Apr 2012, 00:40
ayoko na mag papasta. masaket saken kasi malalim daw. sympre bubutasan yon tapos huhugasan at papatuyuin bago lagyan ng para white na cemento ahaha. malamig yon. leche sinumpa ko di na ako mag papa-pasta.

sorry to hear with your experience, sana nagpalagay ka anesthesia para comfortable ang pagpapapasta mo...

kingz20
2nd Apr 2012, 01:16
sir tanung ko lng mai umusli na buto sa gums sa dlwng pangil ko sa taas dati po wla un ung nag pa brace ako nag karuon thx :upset:

rdanong
2nd Apr 2012, 09:17
Hello sir... Hirap magkaroon ng braces. Ang trade off kasi ngayon e nagkaroon ng maraming cavities yung teeth ko. Specially sa molars kung saan nakalagay ang molar bands. :upset: (ngayon natanggal na kasi ang braces ko mga 1 year ago pa)
tuwing magpacleaning ako wala naman siyang sinasabi na meron cavities yung teeth ko. Pero ng napansin ko na parang sensitive na ang teeth ko sa malamig na tubig e pinatingin ko na. Dun nya nakita e malaki na pala ang butas sa mga ipin ko. :weep:

bestfred
3rd Apr 2012, 03:29
Ts, Yung left upper incisor ko nagkaron ng stain. Hindi po siya matanggal ng brushing. Matagal na siya, years na. Anu po bang best solution? Thanks.

triton1008
3rd Apr 2012, 03:33
Paano po paputiin ang yellowish teeth?...
me solusyon ba dito?...

dhenyz0402
4th Apr 2012, 08:14
About how much yung price range ng implant and fixed bridge?

jawbreakers
4th Apr 2012, 23:44
^Doc, my problem is yung ipin ko is yellowish, at prone sa decay. Yung pangil ko na deform butas butas, yung isa every time na magfloss ako in between ng ipin ko e may dugo, yung isa kong bagang may crack at butas mahilig kasi ako sa cornick.
Ano kaya ang remedy sa mga ipin ko Doc?
At pansin ko po na parang nakatulong makadecay ng ipin yung dugo?
Salamat sa libreng consultation Doc!
Kudos! :salute:

triton1008
6th Apr 2012, 15:32
wla na si doc... nag holy week brake na ata...? :D

aldwinroy
11th Apr 2012, 00:31
sir tanung ko lng mai umusli na buto sa gums sa dlwng pangil ko sa taas dati po wla un ung nag pa brace ako nag karuon thx :upset:

sir needed makita yan personally ng dentist and through xray anu ba yng umusli na yun...most probably part of your jaw na naremodelled via braces

aldwinroy
11th Apr 2012, 00:33
Hello sir... Hirap magkaroon ng braces. Ang trade off kasi ngayon e nagkaroon ng maraming cavities yung teeth ko. Specially sa molars kung saan nakalagay ang molar bands. :upset: (ngayon natanggal na kasi ang braces ko mga 1 year ago pa)
tuwing magpacleaning ako wala naman siyang sinasabi na meron cavities yung teeth ko. Pero ng napansin ko na parang sensitive na ang teeth ko sa malamig na tubig e pinatingin ko na. Dun nya nakita e malaki na pala ang butas sa mga ipin ko. :weep:

dapat po kapag bago lagyan braces na rehab na yung mga ngipin na merun maliit na sira, pede mo naman ipafill ang mga cavity bago pa lalo lumalim. and siyempre proper oral hygiene

aldwinroy
11th Apr 2012, 00:36
Ts, Yung left upper incisor ko nagkaron ng stain. Hindi po siya matanggal ng brushing. Matagal na siya, years na. Anu po bang best solution? Thanks.

pede po cosmetic dentistry or yung mga filling na tooth colored if maliit lang at localized sa isang teeth. pede din via bleach para maglighten ang stain

aldwinroy
11th Apr 2012, 00:37
Paano po paputiin ang yellowish teeth?...
me solusyon ba dito?...

meron magpaclean ka ng teeth and have it polished para malaman anu talaga kulay ng ngipin mo if sobra dilaw then pede naman ibleach

aldwinroy
11th Apr 2012, 00:44
^Doc, my problem is yung ipin ko is yellowish, at prone sa decay. Yung pangil ko na deform butas butas, yung isa every time na magfloss ako in between ng ipin ko e may dugo, yung isa kong bagang may crack at butas mahilig kasi ako sa cornick.
Ano kaya ang remedy sa mga ipin ko Doc?
At pansin ko po na parang nakatulong makadecay ng ipin yung dugo?
Salamat sa libreng consultation Doc!
Kudos! :salute:

sir natural lang naman sa atin pinoy na medyo yellowish ang teeth, with your problems start dealing with the gum bleeding which is caused most probably by plaque na nakabalot sa ngipin mo, have a prophylaxis then papastahan mo mg ngipin na butas and brush and floss regularly.. See your dentist

aldwinroy
11th Apr 2012, 00:47
wla na si doc... nag holy week brake na ata...? :D

sensya na po at nagvacation lang..

clonedaccnt
11th Apr 2012, 10:14
Sir ano po solusyon sa sungking ngipin? Pwede pa po ba ito maayos?

jawbreakers
11th Apr 2012, 17:40
sir natural lang naman sa atin pinoy na medyo yellowish ang teeth, with your problems start dealing with the gum bleeding which is caused most probably by plaque na nakabalot sa ngipin mo, have a prophylaxis then papastahan mo mg ngipin na butas and brush and floss regularly.. See your dentist

^Ok Doc, salamat po.

kingz20
11th Apr 2012, 20:55
sir needed makita yan personally ng dentist and through xray anu ba yng umusli na yun...most probably part of your jaw na naremodelled via braces

ahh ok po ung sa taas buto sa pangil konti lng naman po kasi dati ung wala akong braces wala naman

4 to 3 months nlng aalisin na braces ko :clap:

olan99
11th Apr 2012, 21:49
masama po ba ang sobang pagtoothbrush? yung umaabot sa 4x pataas?

zechsmerquise
11th Apr 2012, 23:54
so price range pala ng brace depende sa material na gagamitin, balak ko din kasi magpa-brace e.. kaya lang nasa Saudi ako, hahanap pa ako ng ortho dito..

anyway magkano po ung bleaching, bakit parang ang dami may problema ng yellowish teeth though di naman ako mahilig sa coffee or cola

shinive
12th Apr 2012, 09:02
Sir ano po solusyon sa sungking ngipin? Pwede pa po ba ito maayos?

pa-brace mo.. ako sungki yung ngipin ko sa baba.. may mga gap naman ngipin ko sa taas.. Dental brace ang solusyon..

Pero syempre pa consult muna sa dentist.. Maraming dentist dyan na libre ang consultation para makita at ma-evaluate mabuti ngipin natin..

Frisky exe
12th Apr 2012, 09:39
Nice thread doc:)Wala na ako maitanong sa ngayon kasi nasagot na lahat.Hehe

NicoleChu
12th Apr 2012, 12:19
Hai doc !! Hingi ako ng advice .. Wala sira teeth ko,wala namang sungki .. Medjo matagal na ako d nagpapacleaning .. Pero magpapacleaning ako pag may budget na :) gusto ko po magpalagay ng fashion retainer . Sa taas lang ng teeth ko,yung teeth ko kasi sa baba, may tooth na lumabas,hinila ko kaya bungi .. Ok lang kaya na magpafashion retainer ako doc?

elsiejoy
12th Apr 2012, 15:50
hello, tanong lang po, yung ngipin kc ng anak ko na 6 yrs old sa harap ay nabubulok na, ngayon natanggal na yung iba, tapos yung 1 andun pa pero may sira na at hindi na buo. Paano po ba maaayos yung ngipin ng anak ko??? tutubo ba ulit yung ngipin nya sa harap na nabunot??? ano po dapat gawin pag nanon??? Thanks po. God Bless!

marinetransportation
12th Apr 2012, 18:05
ask lang po, magkano na kaya pa cleaning ng ngipin ngayon?

foxtrot25
12th Apr 2012, 19:21
Paano ba ma gamot itong gums ko na minsan may parang pimples na tumutubo,i think ito ay dahilan ng pagpa pasta ko na malalim na mukhang may mali ang dentist na gumawa neto,..,last month pinapasta ko naman isang ipin ko at inayawan na nia kasi daw umabot na s nerve dumugo pa nga sa kakatusok nia s butas at sbi nia antayin nlang masira at saka ipa bunot,di ako nwalan ng pag asa kasi di ko pa naman nararamdaman na sumasakit na ipin ko kaya pumunta ako sa dati ko na dentist at pinatingnan ko at ang sabi e try daw at kung sakali daw na umabot na sa nerve e lagyan daw ng antibiotic at medyo taas ang price konti,sa madaling sabi pumayag ako at gnawa na niya pag drill at ng makita nia sabi nia ok pa di umabot s nerve tinapalan na nia w/antibiotic at ngayon ok na ok pa buti di ko sinunod iyong dentist na una kung pinuntahan....,pero ang na pasta nia dati sa akin ito minsan swollen ano kaya gamot dito...,iba iba din pala kakayahan ng mga doctor.

peppermint009
12th Apr 2012, 20:41
Ako nun nagpabunot ng 2 excess teeth na tumubo nung bata ako kasi ipit yung posisyon nila para umayos ag ngipin..in the long run nagpabrace ako ayun nag-aign na sila onti and then nagkanerve damage/cancerous yung isang ngipin ko sa hirap binunot din dahil bungi na ako at ayaw ko magpapustiso nagpajacket ao 3 ngipin..finally maanda na ang aking ngiti...as of now medyo nananakit nakit na yung nasa gilid sa likod na bahagi need ng pasta malalim yung butas haysssss jyaheng buhay oh :upset:

shinive
12th Apr 2012, 20:56
ask lang po, magkano na kaya pa cleaning ng ngipin ngayon?

sa dentist ko 350 cleaning. Pero usually di naman tataas siguro ng 500 ang cleaning..:)

marinetransportation
12th Apr 2012, 22:11
sa dentist ko 350 cleaning. Pero usually di naman tataas siguro ng 500 ang cleaning..:)

ganun po ba, ok thanks sa info...

NicoleChu
12th Apr 2012, 23:41
Mga magkano kaya magpalagay ng fashion retainer?

clonedaccnt
13th Apr 2012, 16:54
Sir my age limit ba pag magpa-brace? Nabasa ko kasi pwedeng mawalan na ng epekto yung brace habang tumatanda balak ko po kasi magpa-brace pagkatapos gumraduate ng college.

shinive
13th Apr 2012, 19:57
Sir my age limit ba pag magpa-brace? Nabasa ko kasi pwedeng mawalan na ng epekto yung brace habang tumatanda balak ko po kasi magpa-brace pagkatapos gumraduate ng college.

Ako na sasagot, tinanong ko din yan sa dentist ko kung may age limit ba ang pag-papakabit ng brace..

At ang sagot ay, WALA.. May pasyente nga siyang around 30+ na ang age.. Yung iba kasi walang pera pang pabrace nung bata / teenager pa sila, kaya ngayong matanda na sila tsaka sila nagpapabrace.. ;)

Tsaka ganyan din ako, after ko gumraduate ng college, tsaka ako nagpa brace.. Actually kaka-graduate ko lang ngayong march.. 1 week after ng graduation ko, nagpakabit agad ako ng brace..

Dati tahimik, naka-simangot at sobrang mahiyain ako dahil nga pangit ngipin ko.. Ngayon kahit wala pa halos pagbabago sa ngipin ko sobra ang tinaas ng self confidence ko.. Hindi na ko mahiyain, sobrang daldal ko na at parati ako naka smile.. :lol:

odontect28
13th Apr 2012, 21:30
Mga magkano kaya magpalagay ng fashion retainer?

hello sir, advice ko lang sau ah, hindi poh maganda magpalagay ng fashion retainer, basically walang fashion retainer in dentistry, its a work of laboratory technician, ang retainer is use to stabilize the teeth after orthodontic treatment,

consequence nyan is baka masira lang ipin mo, the worst is baka mairritate lang oral soft tissues mo

odontect28
13th Apr 2012, 21:33
Hai doc !! Hingi ako ng advice .. Wala sira teeth ko,wala namang sungki .. Medjo matagal na ako d nagpapacleaning .. Pero magpapacleaning ako pag may budget na :) gusto ko po magpalagay ng fashion retainer . Sa taas lang ng teeth ko,yung teeth ko kasi sa baba, may tooth na lumabas,hinila ko kaya bungi .. Ok lang kaya na magpafashion retainer ako doc?

oral prophylaxis (cleaning) every 6 months po dapat

odontect28
13th Apr 2012, 21:38
hello, tanong lang po, yung ngipin kc ng anak ko na 6 yrs old sa harap ay nabubulok na, ngayon natanggal na yung iba, tapos yung 1 andun pa pero may sira na at hindi na buo. Paano po ba maaayos yung ngipin ng anak ko??? tutubo ba ulit yung ngipin nya sa harap na nabunot??? ano po dapat gawin pag nanon??? Thanks po. God Bless!

the best way po is go to a pediatric dentist, according sa discription nyo mejo kelangan na po ihandle yan ng dentist, ung permanent po na ipin sa harap ay mageerupt ng mga 7-9 years old po,

aldwinroy
13th Apr 2012, 23:37
Sir ano po solusyon sa sungking ngipin? Pwede pa po ba ito maayos?

Hi. usually po ay orthodontic treatment ang ginagawa (braces or removable appliance) para macorrect yung sungki, yun nga lang po ay mas maganda bago niy iexplore anu mga possible tretaments ay malaman muna ng dentist or orthodontist kung anu ba dahilan bakit nagkasubgkisubgki ang case mo...

aldwinroy
13th Apr 2012, 23:42
masama po ba ang sobang pagtoothbrush? yung umaabot sa 4x pataas?

sir as long as you do it properly walang problema, use soft bristled brushes and toothpaste na di naman masyado abrasive sa ngipin, Sir di kaya OC ka sa kalinisan sa frequency ng toothbrushing mo? hehe.. General rule is "Brush after meals" so kung ikaw yung tipo na 6x a day ang meal mo then most probably 6 x ka nagbabrush, limit mo yung mga "in between meals" snacks kasi kalimitan yun ang nagiging problem, and dont forget to floss...

aldwinroy
13th Apr 2012, 23:46
so price range pala ng brace depende sa material na gagamitin, balak ko din kasi magpa-brace e.. kaya lang nasa Saudi ako, hahanap pa ako ng ortho dito..

anyway magkano po ung bleaching, bakit parang ang dami may problema ng yellowish teeth though di naman ako mahilig sa coffee or cola

opo depende sa ortho system na ginagamit ng dentist, sa specialization, loacation etc....

dito po sa pinas ang pagkakaalam ko ang bleaching procedures ranges from 10k-40k depende sa brand or sytem na gamit... yung yellowish shade minsan ay in born na din sa tao aside from stains na pede makuha sa diet like cola or tea

aldwinroy
13th Apr 2012, 23:52
Nice thread doc:)Wala na ako maitanong sa ngayon kasi nasagot na lahat.Hehe

Welcome po.... but nothing beats an actual consultation with your dentist.... see your dentist regularly...:)

aldwinroy
13th Apr 2012, 23:58
Hai doc !! Hingi ako ng advice .. Wala sira teeth ko,wala namang sungki .. Medjo matagal na ako d nagpapacleaning .. Pero magpapacleaning ako pag may budget na :) gusto ko po magpalagay ng fashion retainer . Sa taas lang ng teeth ko,yung teeth ko kasi sa baba, may tooth na lumabas,hinila ko kaya bungi .. Ok lang kaya na magpafashion retainer ako doc?

Hi.ms nicole first thing po siguro ay magpaclean kayu, prioritize nyo po na magcome up with a budget para malinisan kayu, isipin nyo na lang na regalo mo sa sarili mo yun.:) then with the "fashion retainer" I think mas maganda na iconsider mo na wag na magpalagay since di naman needed at masisira lang lalo ngipin mo. Yung sinasabi na mga retainer na pangporma lang at tipong me disenyo pa ay lalu lang dudumi ngipin mo pag nagkataon whick will lead to other dental problems. Mas maganda sa babae yung pag ngiti ay malinis na ngipin ang makikita. kesa naman sa retainer na mangagamoy pa dahil sa dumi...

aldwinroy
14th Apr 2012, 00:07
Paano ba ma gamot itong gums ko na minsan may parang pimples na tumutubo,i think ito ay dahilan ng pagpa pasta ko na malalim na mukhang may mali ang dentist na gumawa neto,..,last month pinapasta ko naman isang ipin ko at inayawan na nia kasi daw umabot na s nerve dumugo pa nga sa kakatusok nia s butas at sbi nia antayin nlang masira at saka ipa bunot,di ako nwalan ng pag asa kasi di ko pa naman nararamdaman na sumasakit na ipin ko kaya pumunta ako sa dati ko na dentist at pinatingnan ko at ang sabi e try daw at kung sakali daw na umabot na sa nerve e lagyan daw ng antibiotic at medyo taas ang price konti,sa madaling sabi pumayag ako at gnawa na niya pag drill at ng makita nia sabi nia ok pa di umabot s nerve tinapalan na nia w/antibiotic at ngayon ok na ok pa buti di ko sinunod iyong dentist na una kung pinuntahan....,pero ang na pasta nia dati sa akin ito minsan swollen ano kaya gamot dito...,iba iba din pala kakayahan ng mga doctor.

OO iba iba talaga lalu na kapag di lisensyado yung kaharap mo..para kasing nakakabahala yung opinion ng una mo pinuntahan na sinabihan ka na "antayin masira" weird nun.... yung pimple na tinutukoy mo pay posible ay senyales na infected na yung ngipin na malapit dun, if tama yung iniisip ko yung parang pimple na iyon ay tinatawag namin na fistula kung saan ay daanan ito ng pus or nana? merun pa naman mga option tulad ng root canal treatment na kung saan malalim na ang sira at nag cause na ng impeksiyon sa ngipin ay tatangalin na ang nerve ng ngipin para wala na pakiramdam at lilinisin ito para di mainfection. downside is mahal nga lang pero worth naman. yung ngipin na kinikomplain mo ay iconsider mo din ipa root canal if gusto mo masave. kASI magiging pattern mo na lang yung iinum antibiotics para mawala yung swollen side tapos mawawala den ulit nana man kalaunan magigiging immune ka na sa gamot na iniium mo...ask your dentist about it:)

aldwinroy
14th Apr 2012, 00:09
Ako nun nagpabunot ng 2 excess teeth na tumubo nung bata ako kasi ipit yung posisyon nila para umayos ag ngipin..in the long run nagpabrace ako ayun nag-aign na sila onti and then nagkanerve damage/cancerous yung isang ngipin ko sa hirap binunot din dahil bungi na ako at ayaw ko magpapustiso nagpajacket ao 3 ngipin..finally maanda na ang aking ngiti...as of now medyo nananakit nakit na yung nasa gilid sa likod na bahagi need ng pasta malalim yung butas haysssss jyaheng buhay oh :upset:

sorry to hear your experiences, see your dentist to ease the pain....

aldwinroy
14th Apr 2012, 00:10
sa dentist ko 350 cleaning. Pero usually di naman tataas siguro ng 500 ang cleaning..:)

merun po mas mataas na rate depende siguro sa dami ng dumi at stains...

aldwinroy
14th Apr 2012, 00:13
the best way po is go to a pediatric dentist, according sa discription nyo mejo kelangan na po ihandle yan ng dentist, ung permanent po na ipin sa harap ay mageerupt ng mga 7-9 years old po,

Salamat po for contributing sa thread....
:):)