PDA

View Full Version : Help Please, road direction



robinsonlim
4th Feb 2012, 14:20
hindi po kasi ako palabas nung estudyante po ako. kaya hindi po ako marunong sa daan. paano po ba pumunta sa mga places na ito:
1. tritan plaza paseo de magallanes makati
2. feria road, commonwealth avenue, diliman
3. Dalandanan, valenzuela
4. bo pittland, cabuyao laguna
5. west service road, corner edison avenue, south superhighway, paranaque city
6. kaybiga, caloocan

job hunt po kasi hehe
3 road po malapit sa amin, espana (lagpas po ng PNR), recto at sa pureza lrt po.

salamat po.

robinsonlim
5th Feb 2012, 23:19
pa help po please

eLaiNe0510
6th Feb 2012, 02:05
ang alam ko lang yung pa cabuyao. .sakay ka lang po ng bus pa alabang then from alabang sakay ka ulet ng bus pa calamba,sabihin mo lang sa kund0ktor ibaba ka sa checkpoint.pag nandun ka na,sakay ka naman ng jeep pa cabuyao,sabihin m0 lang sa driver ibaba ka sa may pittland. .gang dun lang po ang alam ko e. .

sana nakatul0ng!:)

robinsonlim
9th Feb 2012, 17:04
pa help po

robinsonlim
27th Feb 2012, 16:47
bump ko lang po pa help po thanks

arthes
2nd Mar 2012, 23:54
ang alam ko lang ts yung papuntang kaybiga, caloocan. Kung alam mo papunta ng balintawak or sm north edsa, sakay ka dun ng dela rosa na bus. Sbhn mo lang sa kaybiga ka bababa. Or pwd ka magtanung dun sa mga sekyo or commuters din. Dada.an ang bus sa expresway at liliko sa tolgate, at da.da.an sa makipot na kalsada patungo kaybiga. :pray:

caeli
14th Mar 2012, 09:35
hindi po kasi ako palabas nung estudyante po ako. kaya hindi po ako marunong sa daan. paano po ba pumunta sa mga places na ito:
1. tritan plaza paseo de magallanes makati
2. feria road, commonwealth avenue, diliman
3. Dalandanan, valenzuela
4. bo pittland, cabuyao laguna
5. west service road, corner edison avenue, south superhighway, paranaque city
6. kaybiga, caloocan

job hunt po kasi hehe
3 road po malapit sa amin, espana (lagpas po ng PNR), recto at sa pureza lrt po.

salamat po.

1. tritan plaza.
Sakay ka ng Cubao. Pagdating ng Cubao, mag bus or MRT ka papuntang Mantrade/Magallanes. Pagbaba mo, lakad ka mga one block hanggang South Super Highway. Mapapansin mo naman yun kase andun yung Skyway. Tawid ka papuntang southbound side ng South Super Superhighway. Tapos lakad ka pa south (dun sa direksyon ng mga bus papuntang Sucat, Alabang etc) makikita mo dun yung Paseo de Magallanes.

2. Feria Road.
Galing Espanya, sakay ka ng Fairview. Di ko alam kung alam ng jeepney driver to since mahaba ang Commonwealth ave. Basta pagdating mo ng Commonwealth Ave, tingin ka lang sa right side. Paglampas ng Tandang Sora, may makikita ka na Petron. Yung susunod na kanto dun, Feria Road yun. Pag nakita mo yung Shopwise o kaya yung Diliman Prep School, ibig sabihin lampas ka na.