PDA

View Full Version : pano ba mag drive



asemaw
9th Jul 2008, 03:58
pano ba mag drive

langbalutdito
9th Jul 2008, 05:44
pagmasdan mo ang mga ginagawa ng marunong nang mag drive... pwede ka din magpaturo... tapos of course, kailangan mo din ng mapag-praktisan na kotse... di kayang ituro dito nang binabasa lang... depende pa yan kung manual or automatic... mas madali ang automatic, of course... pero kung gusto mong matutong mag drive, sa manual ka matuto...

di naman mahirap... practice lang... ;D

kuhakuha
9th Jul 2008, 09:05
try mo muna magpaturo sa bus driver at bus ang sasakyan para pag punta mo sa kotse kayang kaya mo ng carculate ang daan

mas maganda nga ko 20 wheeler eh yung bumabale para mas sanay ka

silver_surfer
9th Jul 2008, 09:10
@ asemaw:

bro mahirap dito sa board magturo kasi dapat actual

para ma-feel mo yung mga tamang tapak sa clutch,

gas, brake pati na rin yung tamang pag kambiyo..

Dru
9th Jul 2008, 09:18
pagmasdan mo ang mga ginagawa ng marunong nang mag drive... pwede ka din magpaturo... tapos of course, kailangan mo din ng mapag-praktisan na kotse... di kayang ituro dito nang binabasa lang... depende pa yan kung manual or automatic... mas madali ang automatic, of course... pero kung gusto mong matutong mag drive, sa manual ka matuto...

di naman mahirap... practice lang... ;D

tama ka jan bro....una ako natuto sa kahit anong bagay sa patingin tingin kung ano ginagwa nila...sa kung pano magshift ng gear...sa kung kelan liliko..kung kelan lilingon yung ulo nila....kugn kelan magkaclutch....lahat.....una yun..tpo magtanong tanong ka na rin...kung may pera ka enroll ka sa sa driving school para "educated" ka tlga....yung iba kasi matutuo at marunong na pero barumbado sa kalye eh.....diba? kung hindi...paturo ka sa may sasakyan..advice ko manual ka muna matuto...ako nun natuto sa patingin at patakas takas sa tatay k..pag wla sya paaandarin ko na yugn sasakyan tpos pagbalik nya iba na yung itsura nung pariking nung sasakyan....hehehe...

kuhakuha
9th Jul 2008, 11:54
mahirap yan takas mo yung sasakyan panu kung mabanga yari ka

ronzi08
9th Jul 2008, 12:02
mag enrol ka sa driving school tol, para matuto ka ng tamang paraan mag drive :D

jaireh
9th Jul 2008, 12:15
kung may pera ka, sa driving school ka nanalng mag aral..
1 week nasa 5-6k ang fee...

madami kang matututunan kaso parang bitin ang 1week para matuto ng husto
disiplina lang sa pagmamaneho at pasensha...

langbalutdito
9th Jul 2008, 17:31
ako nun natuto sa patingin at patakas takas sa tatay k..pag wla sya paaandarin ko na yugn sasakyan tpos pagbalik nya iba na yung itsura nung pariking nung sasakyan....hehehe...

ano yung kotse ng erpats mo? natuto akong magmaneho dun sa minivan ni erpats... pero nahasa ang driving skills ko sa volkswagon ng best friend ko(bao!)... di ko pa mahanap-hanap noon ang atras ng bao... nyehehehe... :slap:

at, higit sa lahat... sa anim kong taon na pagda-drive sa pinas... di ako naaksidente ni isang beses... kasi wala akong lisensya... :rofl: dito na ako nagkaroon ng lisensya...



@asemaw

wag akong tularan... siguraduhin na may kasama kang may lisensya habang nagpapraktis... delikado kung maaksidente... o ipapatabi sa pulis checkpoint...

st_jorgeN95
10th Jul 2008, 00:46
Kung low budget ka bro asemaw, magpaturo ka na lang muna sa magaling na driver! :D:

All you need is the DETERMINATION...dapat willing ka talaga matuto!

If I were you...I will start my driving the HARDWAY...hindi automatic...hindi power steering! Mas maganda kasi matutunan mo at dumaan sa hirap. In this way, madali mo nang matutunan lahat! :D:

Battosai
10th Jul 2008, 11:11
Madali lang mag drive, tama sinasabi ng iba dito na patience is the key, dapat rin alisto ka sa surroundings mo. Wag ka magmamadali sa kalsada, and always wear your seatbelt.

Mag aral ka sa

You can see links before reply

Darn dapat may endorsement fee ako.

langbalutdito
10th Jul 2008, 11:25
Kung low budget ka bro [COLOR="Black"]hindi power steering!


ayos yun! pawis steering! maalala ko yung lumang pajero ng tito ko... nyahahaha.... bawat ikot ng manibela may katumbas na kabig patungo sa kabilang direksyon... :rofl:

psychospath
10th Jul 2008, 13:35
manghiram ka ng kotse ng ka tropa mo tapos pahabol ka sa pulis matututo ka nalang ng basta.
you'll learn by instincts hehehe:lol:

spiny16
10th Jul 2008, 14:22
praktis ka muna sa bisikleta:clap:

psychospath
10th Jul 2008, 15:53
yes if you can do it on two wheels the its easy on four.

Battosai
10th Jul 2008, 16:02
Wag lang ganito kotse mo:

You can see links before reply

:lmao:

psychospath
10th Jul 2008, 17:41
V0 engine, 2 foot power, 32" barrel stone tires, 4 seater, lean steering!:rofl:

at least fuel sufficient!

botski.
10th Jul 2008, 18:43
okay sa A1 dun ako ng aral for 10days.. medyo mei kmahlan nga lng tpos manual kinuha ko..

racerdude_SiR
11th Jul 2008, 09:33
practice muna sa village....kahit yung basics lang....mganda sna go ka mag driving school eh atras abante marunong k n, chnage ng gears kahit hanggang 3rd lng, at importante d ka na masyadong namamatayan.

pag ok na yun mag driving school ka na, para highway experince naman. para if anything goes wrong.... d nmn snyo yung car na gamit mo...:lol:

fLiPsId3
11th Jul 2008, 11:34
kuha ka nlng ng automatic na kotse...o kaya practice ka gumamit ng bump car. :giggle:

psychospath
12th Jul 2008, 01:59
practice muna sa village....kahit yung basics lang....mganda sna go ka mag driving school eh atras abante marunong k n, chnage ng gears kahit hanggang 3rd lng, at importante d ka na masyadong namamatayan.

pag ok na yun mag driving school ka na, para highway experince naman. para if anything goes wrong.... d nmn snyo yung car na gamit mo...:lol:

insured naman sila no?
sino ba sumasagot ng damages pag na damage yung auto?

Battosai
12th Jul 2008, 08:35
Insured ang A1. Kaya kailangan dala mo parati student permit mo, resibo and your A1 ID.

langbalutdito
12th Jul 2008, 09:03
insured naman sila no?
sino ba sumasagot ng damages pag na damage yung auto?


yung driving school ata.... :noidea:

slam21
12th Jul 2008, 09:06
16 years old ako nung una akong natutong magdrive....manual....sa una namamatayan pa ako...:lol: pero natuto na din ako...kailangan lang ng lakas ng loob and quick decisions..:thumbsup:

mas maganda kung manual muna matutunan mo! kasi pangit pag automatic agad...mas mahihirapan ka...believe me...:p

:peace:

psychospath
12th Jul 2008, 22:21
oo nga mas maganda kung manual muna bago matik.
unang beses na nag drive ako, gamit ko nun owner pa sa probinsya ng lolo ko.

itinakas ko nga lang e, wala namang masyadong batas yung probinsya nila sa under age or no lisenced drivers e. kya astig! hehehe

st_jorgeN95
12th Jul 2008, 22:40
ayos yun! pawis steering! maalala ko yung lumang pajero ng tito ko... nyahahaha.... bawat ikot ng manibela may katumbas na kabig patungo sa kabilang direksyon... :rofl:

Ganyan din ako noong unang matuto mag-drive. Gamit ko Jeep (Pawis Steering). But I never regret it. Mas maganda matutunan mo lahat ng basic manual man o automatic! :D:

May mga emergency cases kasi na ang available car eh hindi automatic at hindi power steering. Paano na kung matter of Life & Death...puede mo bang idahilan Sorry hindi ko kayang i-drive yan! :slap:


Wag lang ganito kotse mo:

You can see links before reply

:lmao:

:laugh: hahaha! 2-foot power nga! :clap:

Mahihirapan ang Carnapper dyan sir Batt! :rofl:

Dru
13th Jul 2008, 12:28
masarap ding mauna sa jeep...o kaya sa owner...yung tipong ang taas ng clutch...grabe...onting taas pa mamamatayan kana...:slap:...hehehe....mas maganda matuto sa mejo mahirap...wag naman sobra...bka sumuko kana agad...

aren
13th Jul 2008, 13:36
takte aus yung pang flinstones!!! all terrain yan hahaha

neomoht
14th Jul 2008, 14:41
madali lang kalahating araw lang ako nagaral magdrive den nagcity driving nako kailangan lang malakas loob mo...

TIP KO SAU:

1.sa manual vehicle ka mag aral, y? pag marunong ka na sa manual mamaniin mo lang ung automatic, kahit first time mo idrive ung automatic ofcors maninibago ka but everything will go in the flow basta alam mo na lang agad kasi natuto ka sa manual...

2. atras abante yan ang una at importante mong pagaralan, y? kasi dyan mafafamiliarize ka sa mga use ng mga bagay sa loob ng kotse, ung manibela, ung kambyo, pano ba ang tamang shifting ng gear, at pinakaimportante ung paggamit ng gas, break at clutch, dyan mo gagamayin sa paa mo ung tamang timpla ng gas, dyan ka dapat magfocus pra di ka mamatayan ng makina sa daan at di ka pipitan ng pipitan ng mga nasa likod mo hehehe, dyan mo rin sanayin ang tmang tapak sa break, para swabe ka magpreno, at wag sanaying lagi kang nakatapak sa clutch, kundi makakasanayan mo na at magiging clutch driver ka na pangit na habit ng isang driver..

3. den pag medyo ok ka na sa timplahan ng clutch, ung use ng mata mo naman ang next step, pano un?, yan iikot ikot ka na, i suggest sa village ka mag aral para walang tao at di gaanong masasakyan, ikot ikot ka lang nyan pero di ka lang dapat umiikot dapat naprapraktis mo ung tamang paggamit ng signal lights, tamang pagliko di ka dapat kumakain ng daan ifamiliar mo ung kamay at braso mo sa manibela tamang gamit ng mga ilaw usually pag advance ka na at pwede na magdrive praktisin mo din magdrive sa gabi pra mapraktis mo ung tamang paggamit ng high and low sa headlights importante un lalo na pag long drive at malalayo ang byahe...ugaliin mong nakakabit ang seatbelt sau lagi kahit nagprapraktis ka pa lang pra makasanayan mong nakasuot lagi dhil importante un safe ka na iwas huli pa sa LTO..wag ka mailang sa mga sasakyan nakakasalubong mo kasama un dapat maging kampante ka lang at focus ka sa pagdridrive wag nenerbyosin at lalo kang maaaksidente focus lang...

4. pag sanay ka na den subukan mo na magcity driving, dyan na lalabas ang kaba mo but always remember lang lahat ng tinuro sau at iaapply mo un wag ka kabahan, usually kakabahan ka dyan sa pagpreno eh, kasi nga city driving, traffic tapos dikit dikit ang sasakyan kaya parang kinkabahan ka sa preno baka matamaan mo ung nasa harap, but as i said iaapply mo lang ung tinuro sau ul be fine ok, wag ka kabahan...

5. pag ok ka na here comes d easy part...d long driving, praktisin mo rin yan, pra matesting mo stamina at concentration mo sa driving actually madali lang yan kasi diredretso lng knting preno minsan, but most of d time diretso ka lng, dyan mafafamiliarize ka sa speed at dapat mong pagaralan ang tamang use ng speed may time na dapat mabagal ka, pero may time din na dapat mabilis ka, again dont lose ur concentration, kasi wala ka halos ginagawa dyan, most of d tym naka4th gear at 5th gear ka lang di ka kambyo ng kambyo so baka mamaya tamarin ka, and most of d time dun lumabas ang mga aksidente, bka bigla may tumwid sa highway or may intersection na di mo napansin, o kaya bigla kang oovertake tapos may paovertake na pala sa likod mo, be observant sa daan, importante ang mga side mirrors, at salamin sa harap mo di ilalagay yan dyan kung walang gamit ok...


6.so ngaung ok na ok ka na magdrive, praktisin mo ung parking, isa yan sa pinakamahirap, dami ako kakilala marunong magdrive pero bano magpark hehehe, puro parallel parking lang ang alam...importante ang pagpapark lalo na kung maingat ka sa sasakyan mo baka mamaya nakabalagbag lang dyan mahagip pa ung side mirror hehe...

MOST IMPORTANT OF ALL: balewala lahat ng advice ko sau sa taas kung wala kang driver's license, so be sure to get one bago sumbak sa driving, mag student ka muna den pag ok na non-pro ka na, and if gusto mo magpro nasa sau rin, but mag non-pro ka lang para sir ang tawag sau ng mga LTO hehe, private ka lang kasi ibig sabhin kaya non-pro license mo di mo ginagamit pangtrabho ang pagdridrive hehe...and most all sana may auto ka talagang ginagamit kasi kahit matuto ka na magdrive ng 1 week tapos di na nasundan ang driving mo, wala din maninibago ka rin, yrs. ang kailangan para talagang sanay na sanay ka na, at kahit mahinto ka pa magmaneho ng matagal, pag tungtong mo sa manibela ok ka pa din kasi taon na rin ang binilang ng experience mo sa pagmamaneho...so sana nakatulong ako sau khit konti...be a defensive driver always...happy driving..;)

langbalutdito
14th Jul 2008, 15:48
masarap ding mauna sa jeep...o kaya sa owner...yung tipong ang taas ng clutch...grabe...onting taas pa mamamatayan kana...:slap:...hehehe....mas maganda matuto sa mejo mahirap...wag naman sobra...bka sumuko kana agad...



try nyo yung lumang volks... :giggle: nung unang sinubukan yun ng kaibigan kong natuto sa samurai, kahit sa manual siya natuto, nahirapan siya sa clutch... :lol:


pag sanay na, practice din kayo nung "stall" (di ko alam filipino equivalent) .... yung pag naabutan ka ng traffic pero uphill, controlado mo yung tipla ng clutch at gas na di ka aabante o aatras o magbe-break... ayos! :thumbsup:

Lethaljam
15th Jul 2008, 17:15
"Hanging" tawag dun nung nagturo sken sa driving school

langbalutdito
15th Jul 2008, 17:36
"Hanging" tawag dun nung nagturo sken sa driving school



hanging :think: stall :think:


ay ewan.. basta yun! :lol:

Dru
15th Jul 2008, 20:56
ahehehe....nagkamali ako ng pindot langbalut....thanks napindot ko imbes na reply...hehehe...ok lang...hahaha...

oo hanging nga yun....heheh...mahirap hirap din yun...pag yung tipong alanganin ang slope ng pataas, gamitan mo ng "handbrake technique"...sa tatay ko naman natutunan yan..

psychospath
16th Jul 2008, 07:29
grabe, ndi pa nga marunong mag drive may handbrake techniques na kayong pinag uusapan.:lol:

neomoht
16th Jul 2008, 09:43
pag malupit ka sa paggamit ng clutch at gas kahit di ka maghandbrake pag nakabitin ka sa pataas na slope....:) timplahin mo lang mabuti...

Dru
16th Jul 2008, 20:01
pag malupit ka sa paggamit ng clutch at gas kahit di ka maghandbrake pag nakabitin ka sa pataas na slope....:) timplahin mo lang mabuti...

hehe..oo nga...tma ka dun.....dpat tlga matuto ka ng clutch + gas..

pero pag yung tipong alanganin tlga tulad ng slope na grabe na tlga....sa baguio makakaencounter ka nun...o yugn tipong dikit na yung nasa likod mo na nagkamali kana sa una...o mabigat ang dala mo...hehe...ginagamitan ko na...kesa makadisgrasya pa...

langbalutdito
16th Jul 2008, 20:10
hehe..oo nga...tma ka dun.....dpat tlga matuto ka ng clutch + gas..

pero pag yung tipong alanganin tlga tulad ng slope na grabe na tlga....sa baguio makakaencounter ka nun...o yugn tipong dikit na yung nasa likod mo na nagkamali kana sa una...o mabigat ang dala mo...hehe...ginagamitan ko na...kesa makadisgrasya pa...


meron pa yung driving sa baha para di mapasukan ng tubig yung tambutso.... :beat:

dagupanice
16th Jul 2008, 21:58
oo nga.. yun ang hirap.. alam mo magdrive kaso kapag nasiraan, patay.. hehe

ako hanggang drive lang ako sa basketball.. hehe..

kerstinne25
29th Aug 2008, 08:46
:D

nagpaturo lang ako sa ofismate ko ng "H" na diagram ng kambyo...tapos pag uwi ko ng bahay nanood lang ako sa youtube ng "how to drive manual stick" tapos nag atras-abante ang sa garahe namin...tapos inilabas ko na ung sasakyan :lol:


lakasan lang talaga ng loob.


mabuti na lang nung malakas loob ko mag drive ng manual ng first time sa expressway sinamahan ako ni iantotz :lol: mainit pa ulo ko nun ha. wehehehe

practice ng practice.


para perfect :alright:

:drive:

em0ter0
29th Aug 2008, 14:47
wag kang maging nerbyoso, tip ko sayo yan. :)

dati, practice ako sa mga truck namin, abante atras lang, tapos practice sa l300, hehe! tapos drive ko ngayon crv kahit wala ako lisensya, :panic::panic:

Battosai
29th Aug 2008, 15:02
:D

nagpaturo lang ako sa ofismate ko ng "H" na diagram ng kambyo...tapos pag uwi ko ng bahay nanood lang ako sa youtube ng "how to drive manual stick" tapos nag atras-abante ang sa garahe namin...tapos inilabas ko na ung sasakyan :lol:


lakasan lang talaga ng loob.


mabuti na lang nung malakas loob ko mag drive ng manual ng first time sa expressway sinamahan ako ni iantotz :lol: mainit pa ulo ko nun ha. wehehehe

practice ng practice.

para perfect :alright:

:drive:

Penge ng 2008 Vios. :yipee:

You can see links before reply

Yung kasma chicks. :alright:

-AM17-
29th Aug 2008, 18:29
Penge ng 2008 Vios. :yipee:

You can see links before reply

Yung kasma chicks. :alright:

AKO BRO.. CAR NAMIN DITO 2008 vios.. kaso di pa paid ahaha!! 2years pa bago mabyaran ng buo

duracabeza
29th Aug 2008, 19:47
anep mga bigatin pala dito sakin lite ace 95 lang converted na sa 4AGE ung makina mejo li-lo na ako sa gala lakas sa gas nka down pipe pa nun na sa 40 pesos up pa ung gas aus lang 215 to 220 klm ph tested sa lite ace iba pa rin pag kotche magaan..ngaun di na nsa 80 klm ng tamang drive lng...

czarina_2008
29th Aug 2008, 21:04
hmmmm may ganyan vios ninong ko :clap:taxi nga lang:slap:

roro
12th Sep 2008, 12:48
pag gus2 ng driving school QUICKDRIVE ang subukan niyo mura na magaling pa ang nag22ro 5 DAYS LANG MATUTUTO KANA OR CALL 4402027

Battosai
12th Sep 2008, 12:59
^Nagkakasal rin ba sila tulad nung isang nakita ko? I forgot the name pero I was laughing my @$$ off nung nakita ko. :lmao:

I can see it now...

Instructor: "O, shift to second gear...
Student: "Ok sir..."
Instructor: "Do you take this woman to be your lawfully wedded wife?"
Student: "Ha? Eh..."
Instructor: "O babangga! Iliko mo!"
Student: "Yes!"
Instructor: "O ayan miss, kasal na kayo... yung bayad sa office na lang."

:rofl:

Battosai
12th Sep 2008, 13:01
alam mo mayron akong pangarap sa buhay
sana matupad na

magda-drive ako hanggang Baguio
magda-drive ako hanggang Bicol
magda-drive ako hanggang Batangas
tapos magswi-swimming d'on sa beach

isasama ko ang girlfriend ko
isasama ko kahit sinong may gusto
kahit may kasama siyang aso
basta't meron siyang dalang sariling buto

magdadala ako ng pagkain
burger fries tapsilog at siopao

magda-drive ako hanggang Visayas
magda-drive ako hanggang sa Mindanao

magda-drive ako buong taon
magda-drive ako habang buhay
magda-drive ako hanggang buwan
please please lang turuan nyo
akong magdrive

gusto kong matutong magdrive
(kahit na wala akong kotse)

gusto kong matutong magdrive
(kahit na walang lisensya)

magdrive....drive
drive
magdrive...magdrive
drive...drive...drive...drive

duracabeza
17th Sep 2008, 12:57
Ako kc d n nag enrol s driving skul my sa2kyan nmn kme un nlng pg pnag praktisan ko..1st yr hi skul aq una ntuto palibhasa lagi aq naupo s tabi ng driver minamasdan q un hnggng sa cnubukan q n mag drive my 8 tyms aq nama2tyan pg pa2andarin q n wla kc mgturo skn eh hanggng sa nkuha q n ung tamang pag bitiw ng clutch and pag gamit ng gear d q nalimutan hanggng kumuha n q ng student license la pang 24 hrs kumuha n q ng non-pro tas aun....ngaun my sarili n q sa2kyan kht san nka2punta n q pnka malau q ndrive baguio palang..

igniz frost
17th Sep 2008, 14:34
try to enter a school kung afford mo naman para complete yung matutunan mo... :)

acemereria
17th Sep 2008, 21:47
try to enter a school kung afford mo naman para complete yung matutunan mo... :)

yah.. mas maganda ang may pinag-aralan ka about sa pagmamaneho..

you'll learn how to drive defensively..

pero, kahit wala ng skul..

watch,
learn,
& ask
from those who know how to drive..


a slow, defensive driver is better
than a fast yet careless one.. :dance:

tabuboy15
18th Sep 2008, 05:14
at kung marunong ka na magdrive... wag kang mag dobol clutch "or dalawang pindot sa clutch" sabay tapak ng gas kasi mas madaming gaso ang papasok tapos mas bibilis oto mo.. pang drag un hehehe.. be a deffensive driver

locar
7th Nov 2008, 21:22
BRO! tandaan mo tong ssbhn ko. pag nakahawak kana ng steering wheel huwag un hari ka sa daan ha? kung my nkta kang nagyybng? yaan mo! magyabng cla ng magyabng! my makakatapat din yan. :yipee::yipee::yipee:

about dun sa prob mo
madali lng magdrive. tama ung ibang poster na tingnn mo ung position ng paa nila kung kylan ka kakambiyo kung kylan ka titingn sa side miror or ung backmiror ba un? ewan?! haha :slap: i recomend you! manual transmition ka magaral para in case na magkakotse ka na matic wala kanang poproblemahin or adjustment's

dady ko proud sa akin ndi sa PAGMAMAYABANG never nia akong tinuturuan magdrive. bsta ung friend nia sabe sa dady ko magaling nmn dw ako magdrive pero in the next day kaggcing ko lng inaya ako ni dady sa kanto para kumain ng mami ako pinagdrive nya at aun ndi pa nakakalayo ng bahay umangat ung gulong sa gather :upset::upset:


tandaan mo bro ung mga cnsbe ko seo.
sorry kung napagkwentuhan pa kita ha :D
14yrsold ako natuto magdrive :slap::slap::slap::slap:

Bjpp21
7th Nov 2008, 21:49
1. magtanong tanong muna sa mga dalubhasa na sa pagmamaneho.
2. presence of mind.
3. alamin ang timing kung kailan aapak sa clutch at kung kelan mag shift ng gear.
4. ugaliing nakatingin sa side / rear mirror bago lumiko o magpeno.
5. alamin ang mga sign na nakasulat sa kalsada at mga batas trapiko.
5. importanting may sasakyang mapagpraktisan.

:noidea:
masmainam na mag-aral ng driving lesson sa mga accredited school (tatagal lang ng 10hrs sa loob ng 3 araw sa pagsasanay).

darylcc
10th Jan 2009, 16:56
be observant..tpos itry mo din...para sa akin sa manual ka muna...kasi matic..madali lang matutunan..

siguro malaking tulong sakin yung PS2..hehehe gran turismo4 baby!!!!:rofl: pero di ko sinasabing maging kaskasero ka..tama lng...

chillax lang sa pagddrive...kasi makakaratingka din nman sa patutunguhan mo eh

virusx
3rd Feb 2009, 13:51
Kung marunong ka gumamit ng Motor na de-clutch, sisiw nalang 4 wheels na manual. Steering nalang halos pagsasanayan mo. Yung traffic rules matutunan mo na lang yan kapag pinara ka ng traffic enforcers:) . Mas maganda mag-enroll ka na lang sa Driving school para matutunan mo defensive driving, traffic discipline at etc.... tip ko, mag ipit ka ng at least 100 petot somewhere sa dashboard para pag pinara ka ng pulis, may pang meryenda na sila. Pag sa wallet ka kc kumuha, sasabihin sayo marami sila magme-meryenda:yipee:

boyangaZ
3rd Feb 2009, 14:06
3-5 days matututo kna mgdrive...

dapta lam mo ang primera, segunda, trisera, quarta, quinta at etchetera :)

bago mgpalit ng gear, tapak muna sa clutch...left foot po ang pang-apak...

break nmn po ung sa gitna at gas sa right side...

always look at your side mirror, rear view mirror at right side mirror...prang nk triangle-motion po ang ikot ng ulo mo...


kpag hihinto, lagi pong mg nuetral...ibig sabhin po ng nuetral, hindi ka po nk-kambyo (saka kna mg primera or segunda pg mrunong kna)...always nk-apak or hand break ka po...


mgpraktis ka muna ng stop-go-stop-go...pra mgamay mo ung kambyo...mdali nlng po un


wag po mg-full break ng hindi nkapak sa clutch or nk nuetral...mamamatayan ka po ng makina...

sa pgtimpla ng clutch at gas (hanging), need m po dapat mmaster ung stop-go-stop-go, tpos pg ok n un...mgtry po kau sa mga pataas n lugar (need PRO licensed driver) pra mgamay mo nmn ung timpla ng clutch and gas...




:)