PDA

View Full Version : Sino si rizal??



azyl
18th Feb 2012, 14:03
SINO SI RIZAL PARA SAINYO?
..anung naging impluwensya sainyo ni JOSE RIZAL?

komwari
18th Feb 2012, 18:08
One side hairstyle.

bhist
18th Feb 2012, 18:39
hairstyle -_-

pclogger
19th Feb 2012, 00:30
:laugh: joke section ba ito

si rizal? :think:
dahil sa kanya nagkaroon ng kalayaan ang pilipinas at ang naging impluwensiya nito? humirap ang mga pilipino :rofl:

born-san
19th Feb 2012, 00:50
:laugh: joke section ba ito

si rizal? :think:
dahil sa kanya nagkaroon ng kalayaan ang pilipinas at ang naging impluwensiya nito? humirap ang mga pilipino :rofl:

Pareho kami ni sir pclogger. Pero bukod dito idol ko siya sa pagiging gentleman, cool at higit sa lahat sa pagmamahal na ipinakita niya sa bansa. Teka guys, nabasa nyo na ba yung Rizal the Miracle Tales? Try nyo basahin yun, malalaman nyo yung awesomeness ni Dr. Jose Rizal.

Yung pinaka fav. ko dun na kwento yung "A boy and his kite".

basahin nyo guys!!! hehe

Amphie88
19th Feb 2012, 01:12
SINO SI RIZAL PARA SAINYO?
..anung naging impluwensya sainyo ni JOSE RIZAL?

Hairstyle, at Touch Me Not :dance:

wazzink
19th Feb 2012, 01:17
wala. pero maganda kwento ng buhay nya.

Crisostomo Ibarra
19th Feb 2012, 14:23
Pambansang Bayani ng Pilipinas. Gusto ko kung paano nya naimpluwensyahan ang mga pananaw ng mga pilipino sa mga akda nyang "noli me tangere" at "el filibusterismo". Napabilib talaga ako sa dalawa nyang nobelang ito. Pero di ko sya gustong maging pambansang bayani, gusto ko sana si andres bonifacio:rofl:

azyl
19th Feb 2012, 19:50
heheh..thanks sa mga comment...more comment pa po mga ka sb
anung naging impluwensya sainyo ni Jose Rizal?

komwari
19th Feb 2012, 21:17
Hairstyle, at Touch Me Not :dance:
.
Huwag Mo Akong Salingin
.
Certified chikboy, daig pa si Robin.

cravebratz
19th Feb 2012, 21:22
- SHARE -

last 2010 nakapunta ako sa DAPITAN kung saan yung house nya at yung mga gamit nya ay andun pa.

azyl
19th Feb 2012, 21:51
Anu po pagkakakilala nyo kay jose rizal?

elschone
19th Feb 2012, 22:14
isa syang Filipino. hehehe:clap:
pareho kami ni ibarra, pero ang reason ko kung bakit gusto ko si andres, ay dahil sa, si Andres Bonifacio lang ang WALA sa ating Pera at Barya. yun ang napansin ko. nyahahaha:lol:

2anghello3
19th Feb 2012, 22:22
Si Rizal ay isang inspirasyon para sakin. so i wanna be like Dr. Jose Rizal when I grow up. :):):)

Desert Claw
19th Feb 2012, 22:22
isa syang henyo at iniidulo

trinitysix
19th Feb 2012, 22:46
para sa akin yung katabaan ng utak nya at kanyang mga ideolohiya.
Gusto kong mapasama sa maayos na kabataan dahil yun daw ang pag asa ng bayan.

wazzink
20th Feb 2012, 13:33
isa syang Filipino. hehehe:clap:
pareho kami ni ibarra, pero ang reason ko kung bakit gusto ko si andres, ay dahil sa, si Andres Bonifacio lang ang WALA sa ating Pera at Barya. yun ang napansin ko. nyahahaha:lol:

andun dati c andres bonifacio sa 2 pero bill at coin..
kaso na phase out naman ang 2 piso..

azyl
24th Feb 2012, 20:24
up ko lng to

soapistic
25th Feb 2012, 16:36
Naging mas pogi sa bagong labas na piso

htcdhd2011
8th Mar 2012, 12:24
Si Rizal daw ay Pro-Spanish. :)
Si Rizal daw ay pinatay ng mga Mason bilang isang sacrificial lamb.

Ganun pa man, idolo sya ng marami, dahil sa kanyang angking talino at galing.

Sana lang, gawin nating "obsolete" ang mga sinulat ni Rizal. Yan ay mangyayari, kung ang mga pinupuna nya noong kasamaan sa lipunan at gobyerno ay di na rin nangyayari sa kasalukuyan. Kaso, nangyayari parin. Kaya, kelangan pa ring basahin at ipangaral at ituro ang mga magagandang isinulat ni Dr. Jose Rizal. :)

maksimo
10th Mar 2012, 19:56
Dissociative identity disorder in relation to Crisostomo and Simeon

jsr2011
25th Mar 2012, 18:56
Si Dr. Jose Rizal ay totoong bayani dahil sa kanya napukaw ang pagkakatulog natin. Sya ang pinaka unang custodian ng assets at di alam yan ng marami. Nagpunta sya sa ibat ibang bansa para kunin ang dapat para sa atin na mga assets at gamitin sa pilipino kaya maraming kalaban nya. Gusto lang naman nya tulungan ang mga tao na para mawala ang control ng ibang tao dito sa atin at maging maganda ang buhay ng mga pilipino. Hindi ang Spain ang kalaban ng Pilipinas dahil close si Rizal at ang Royals ng Spain at na retrieve nga ni Rizal ang Alpha and Omega Ring sa Spain na binigay ng Royals pero ang kalaban ang komokontrol sa Spain.

I hope it helps.

psyknarph
28th Mar 2012, 11:47
FYI Dr. Rizal also made songs...

DR. RIZAL'S KUNDIMAN: ALINMANG LAHI - Conching Rosal
You can see links before reply

The Hooter
28th Mar 2012, 16:07
si Rizal? isa syang babaero..heheheh..kaya idol ko c rizal eh

X-LAW|yOZef
29th Mar 2012, 09:42
pioner ng MASON :rofl: pinaka matandang Fraternity sa Bansa. At ka brod n'ya si Ping Lacson at iba pang matataas na tao dito.

Edit:

Share ko lang :thumbsup:






You can see links before reply

Aakalain siguro ng iba na simpleng larawan lang ito ni Rizal, ngunit ang larawang ito ay isa lang sa mga bakas ng partisipasyon ni Rizal bilang isang Mason. Sa litratong ito, bagong miyembro pa lang ng Masonerya si Rizal dahil pang Marshall pa ang kanyang suot.

Kilala natin si Jose Rizal bilang bihasa sa maraming bagay, ngunit hindi madalas napag-uusapan ang kanyang pagiging isang Mason.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, naging kasapi si Rizal ng isang sikretong kapatiran na kinabibilangan ng mga pinakamakapangyarihan at kilalang tao sa lipunan. Lihim man ang kapatirang kinabilangan ni Rizal, hindi naman naging sikreto ang kanyang mga kontribusyon sa kapatiran.

Sa aking pagkakaalam, namulat si Rizal sa mundong ito sa kanyang paglalakbay sa Madrid kung saan siya ay sinasabing naimpluwensyahan sumali sa pamamagitan ni Miguel Morayta, isang propesor ng Kasaysayan sa Universidad de Madrid. Sumali si Rizal sa Acacia Lodge No. 9 na bahagi
ng isa sa pinakamalaking grupo ng Masonerya sa Espanya. Ayon sa mga Pilipinong Mason, umabot ng 18th Degree Mason si Rizal at naging isang Master Mason
sa Madrid noong Nobyembre 1890.

Alinsunod sa mga kasanayan
noon sa Masonerya na maaring gumamit ng isang pangalang sumisimbolo sa katauhan, ginamit ni Rizal ang pangalang Dimasalang. Si Rizal ang itinuturing na isa sa mga pinaka maimpluwensya at pinakatanyag na Pilipinong Mason sa kasaysayan ng ating bansa dahil sa kanyang mga naging kontribusyon. Panahon pa ng mga Kastila ng unang maitatag ang Masonerya sa Pilipinas, at si Marcelo H. del Pilar ang sinasabing nagtatag nito sa ating bansa. Sila Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon, at Jose Rizal, ay ilan lang sa mga tanyag na Pilipinong Mason na naging bahagi na ng ating kasaysayan. Si Juanito P. Abergas, ang kasalukuyang Grand Master of the Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, ay ang tumatayong pinuno ng mga Mason sa Pilipinas na nagkikita-kita sa mga tinatawag na Lodges na matatapagpuan sa iba't ibang
sulok ng Pilipinas. Dahil sa konsepto ng kapatiran sa mga Mason, at respeto sa lihim na usapan, nahikayat si Rizal na maging isang Mason dahil sa kanyang pagnanais na makawala sa mga kamay ng Kastila. Ginamit ni Rizal ang kanyang mga natutunan na pamamaraan ng mga Mason upang mabuo ang La Liga Filipina. Talagang hinahangaan ko ang paggamit ni Rizal sa mga network at sistema ng mga Mason upang isulong at ipaglaban ang reporma para sa kalayaan ng ating bansa.

Ang isa sa mga pinagdedebatihan na detalye sa kasaysayan ay kung binawi ba ni Rizal ang kanyang pagka-Mason bago siya binaril ng firing squad sa Bagumbayan. May mga nagsasabing itinatwa niya ang pagiging Mason, bagay na hindi ko buong pinaniniwalaan dahil pagkatapos ma-firing squad noong Disyembre 1896, inilibing lang si Rizal sa isang sementeryo sa Paco na walang basbas ng simbahan.

Ilang taon pagkatapos ng pagkamatay ni Rizal, inalok ng mga paring Heswita ang pamilya ni Rizal na bigyan siya ng katolikong libing, ngunit tumanggi ang kanyang pamilya at sa halip ay ibinigay ang karapatan sa mga Mason. Sa pangunguna ni Timoteo Paez, ang mga kapatid ni Rizal sa Masonerya ang nagprusisyon ng kanyang mga labi papunta sa isang templo ng Masonerya sa Tondo. Dito binigyan si Rizal ng funeral honors bago inilibing sa Luneta noong 1912. Sa buong kasaysayan, malalim ang hidwaan ng simbahan at mga Mason sa buong mundo. Ramdam ito hanggang sa Pilipinas dahil sa paniniwala ng simbahan na erehe ang mga Mason at mariin nilang ipinagbabawal ang pagsapi ng isang katoliko sa kapatiran. Ngunit para sa kapatiran, hindi nila kinokontra ang pagiging isang Katoliko o ano mang relihiyon ng isang miyembro at ang Masonerya ay hindi kailan man sumalungat sa mga aral na itinuturo ng simbahang Katolika.

jsr2011
1st Apr 2012, 13:56
Si Dr. Jose Rizal ay mabuting tao. May konting history si Rizal na sinulat ni Ferdinand Marcos sa Last Will and Testament nya. Ang gustong makakita paki PM lang ako.