View Full Version : My Favorite Collections


suffocate9
12th Jul '08 Sat, 18:25
KAPAG SINABI KO

Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y minamahal
sana’y maunawaan mo na ako’y isang mortal
na di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
di kaya’y sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika’y iniibig
Sana’y maunawaan mo na akoy taga daigdig
kagaya ng karamihan karaniwang karanasan
Daladala kahit saan pangaraw araw na asam

Ako’y hindi romantiko sa iyo’y di ko matitiyak
na pag ako’y kapiling mo kailan may di ka iiyak

Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot ngunit kung di pa maganap
sana’y huwag mong ikalungkot

Kapagsinabi ko sa iyo na ika’y sinisinta
sanay ibigin mo ako mulat ang iyong mga mata kayamanan kong dala
ay pangdamat kamalayan na natutunan sa iba na nabigyani sa bayan

halinat ating pandayin isang malayang daigdig
upang doon payabungin isang malayang pagibig

kapagsinabi ko sa iyo na ika’y sinusuyo
sana’y yakapin mo ako kasama ang aking mundo

suffocate9
12th Jul '08 Sat, 18:27
Wala na!

Dati mahal kita
Hindi na ngayon
Ako'y nag-bago na
Nag-mulat na sa iyo!

Ginamit mo ako
Bago iniwan mo!
Meron ka pang iba
Kapal ng mukha mo!

'Wag ka ng bumalik
At may atraso ka
Ang iyong mga halik
Dinudura ko na!

Pangako't salita
Matamis na lambing
Ang iyong pinakita
Grabe ang galing!

Niloko mo ako
Kaya ayoko na!
Pag-ibig ko sa iyo
Ngayon ay wala na!

suffocate9
12th Jul '08 Sat, 18:33
"FEELING MO"

Bakit ayaw mo ba akong lubayan?
Hindi ba obvious na walang nararamdaman
Ang gusto ko lang ay ang maging kaibigan mo
Pero ayaw mo at hindi ka kontento

Wala namang problema sa'yo
Ikaw ay magalang at matalino
Kaya lang hindi ikaw ang tipo ko
Bakit ba kasi ang kulit mo

Kapag pinapansin kita ay feeling mo
Feeling mo may gusto ako sa'yo
Pwede please lang tigilan mo na ako
Ayokong aksayahin ang oras ko sa'yo

Sorry ayaw kitang masaktan
Pero sana'y intindihin mo naman
na hindi ikaw ang pinapangarap ko
at hindi tumitibok ang puso ko sa'yo